tumingin nanaman ako sa relo. 2:27 na. kailangan ko na umalis soon.
ayoko pang umalis ngayon na parang nilalandi na ako ni Rey, pero kelangan na talaga ako pumunta ng school. di ko na maaabutan yung prof na pupuntahan ko pag wala pa ako dun by 3pm.
“pupunta pa kong school…” sabi ko, tapos tumingin ako sa kanya. tinitigan nya ko. parang serious yung mukha nya. ako rin tumitig sa mata nya. dark brown. ano to, isip isip ko. ang lapit namin. andun parin kamay nya sa sandalan ng sofa, tapos ngayon magkadikit legs namin. naka stretch legs nya, akin normal lang.
ilang seconds pang ganun. walang imik kaming dalawa. bumilis heartbeat ko tapos kinabahan ako. nanlamig kamay ko. tapos ngumiti sya. “tara, hatid kita sa labas. hehe”
shit ano yun, haha. kinabahan ako. ngumiti lang ako pero ninenerbyos na pala yun. hahaha. tumayo na kami at hinatid nya ko sa may gate. “tenkyu. happy birthday!” sabi ko habang palabas ng gate. “sige, sige. bisitahin moko ulit ha. hehe” kinilig naman ako tapos tumalikod na sa kaya, at naglakad papuntang kanto. nakangiti parin ako. haha
habang nag aantay ng jeep, di mawala sa isip ko yung tingin nya sakin kanina. anong ibig sabihin nun?
may huminto nang jeep sa harapan ko at bumalik ang diwa ko. sumakay na ko at pumuntang school.
pag uwi ko ng apartment ay naligo muna ako ulit dahil ang init. pagtapos ay nag on ng laptop at sinimulan gawin ang project kong ipapass 2 days from now. mag eedit ng video ng commercial. di muna ako nag open ng facebook para walang distorbo.
lumipas ang mga dalawang oras at im making progress na. nagpamusic nalang ako para di dalawin ng antok at katamaran. save save rin pag may time kasi baka may mangyari. haha. pero may nangyari nga. nag hang bigla ang lappy ko tapos ayaw nang gumana. ayaw na magrespond ng light sa keyboard. bullshit naman oh.
so wala akong choice kundi tanggalin ang battery at irestart ito. this time plinug ko nalang na walang battery. pag pindot ko ng on button walang nangyari. shit naman oh ano ba to. binalik ko ulit ang battery at sinubukan ulit pero walang milagro. fuck halos nangangalahati na ko sa ginagawa ko!
nagtext ako sa mga kaklase ko kung sino pwede hiraman ng laptop kahit overnight lang. walang nagreply ni isa. hay nako. pagscroll ko sa phonebook napadaan sa number ni Rey. nagflashback sakin yung nangyari kanina. eeek. nagdalawang isip ako na itext sya para makigamit sa PC nya. naramdaman ko nanamang bumilis ang heartbeat ko.
nagpatuloy na muna ako sa pagscroll sa phonebook at nang wala nang makitang ibang pwede mahingan ng tulong, nagdecide nalang ako na magtxt sa kanya. >_<
“dude, gamit ka PC bukas? my laptop died. may tatapusin lang akong project, sa friday deadline. hihi ”
mga 10 mins na ang lumipas wala pang sumagot. medyo nalungkot ako. haha. so nagdecide nalang akong humiga para matulog. bahala na bukas, baka sa iternetan nalang ako ulit. pinikit ko mga mata ko pero mukha ni Rey bumungad sakin. yung mukha nya kanina.. nag daydream nalang ako at inimagine sarili ko na lumapit sa kanya habang tinititigan nya ako..
tapos tumunog phone ko. haha. unregistered number.
“sorry dude ngayon ko pa nabasa. di ako unli, ano oras ka pupunta bukas? hehehe”
oh my god nagreply sya! haha nakitext pa! plus points! haha!
“yehey! ano oras ka gigising? mga 1 nlng siguro. thaaanks! ”
“ok hehe see ya dude”
yesss!! hahaha ang saya saya ko nun. plus kinilig pa. haha matutulog akong nakangiti. so pumikit na ko ulit at ilang sandali ay nakatulog na. good vibes. hehe
_______________________
11am na ko nagising. wala naman akong pasok ngayon eh. nagsaing na ko at naglabas ng ham at itlog sa munti kong ref. sarap ng tulog ko. hehe. nagluto na at kumain, tapos naghanda nang maligo.
mga 12 plus na at nagbihis na ko. habang nagsusuot ng saplot ay mag nagtext. dali dali ko namang hinanap ang phone, baka si Rey. hehe
“kix urgnt. my rvision c mam sa trm pper. pwd ka pnta skul now?”
classmate ko pala. grabe naman timing neto oh! kahapon dinaanan ko tong adviser namin sabi nya ok na daw paper namin. tapos ngayon magpapatawag. no choice. nagtxt nalang ako kay Rey na dadaan muna ako ng school…
3 plus na ako nakasakay ng jeep pabalik sa amin. haay naman. walang reply si Rey, baka wala paring load isip-isip ko. pagbaba ko ng jeep dumaan muna ako sa tindahan, bumili ng sandamakmak na chicirya. snaks. hehe
pagdating ko sa gate nila Rey nagtext nanaman ako sa kanya. mga 3 mins wala paring sagot, kaya binuksan ko nalang at pumasok. hindi rin nakalock ang screen door nila, pero kumatok muna ako at nag tao po.
“dude? tao po?”
may naglakad galing sa loob pero di ko makita kasi madilim. ang liwanag sa labas. bumukas ang pintuan, parang boardmate nya to. may dalang backpack na malaki.
“ay hello, nanjan si rey?”
“katukin mo lang sa kwarto nya anjan lang yun.” sabi nya at dumeretso sa gate.
“ah salamat sige”
pagpasok ko naka off ang ilaw sa sala. kung anong dami ng tao kahapon, walang katao-tao naman ngayon. hindi ko sure asan ang kwarto ni Rey sa tatlong pinto na nandito. ahahaha nakalimutan kog itanong. mukhang nagmamadali rin yung boardmate nya kasi eh. so nag explore nalang ako. unang pinto kinatok ko pero walang sumagot. lock rin. next door kinatok ko rin pero wala ring sumagot, pero di nakalock.
“dude?”
binuksan kong kaunti ang pinto para masilip lang ang loob. baka ibang kwarto yun lagot. may nagpapatugtog ng music pero sumalubong sa akin ang familiar na amoy ng downy, so pinatuloy ko nang buksan ang pinto.
at nandun si Rey, natutulog sa lower deck. naghubad muna ako ng sapatos bago dahan dahang pumasok sa kwarto. ngek naman bakit tulog to. di ko alam anong gagawin ko. kinakabahan akong lumapit sa kanya. nasa harap na ako ng deck. di ko alam kung gigisingin ko ba sya or hindi.
tiningnan ko ang kwarto. mukhang may roomate sya kasi may beddings sa taas ng deck. tapos may laptop sa isang desk. may mga gitara sa tabi ng table tapos may drumset pa pala sa isang corner, di makita pagpasok kasi nasa bandang blind spot ng pinto. medyo malaki ang kwarto nila, infairness.
tiningnan ko ang PC nya, nakailaw ang mouse. ginalaw ko tapos nag-on ang monitor. yes walang password! hehe. nilagay ko na muna ang plastik ng mga chichirya sa upuan. ngeee gigisingin ko na to o hindi? baka puyat? baka naman nakatulog nalang sa paghihintay?
naisip ko ring mas mabuti na magbigay alam na andito na ako, kaysa magising nalang syang ginagamit ko computer nya. so lumapit ako sa higaan nya at umupo sa bandang paanan. tiningnan ko sya matulog, ang cute. hehe. naka shorts lang sya nun na pangtulog. yung pambahay na manipis. tapos naka side view.
ewan ko kung gaano katagal ko syang tiningnan na ganun. napunta mata ko sa curves ng waist nya at sa arms. tapos sa chest nya at sa pusod. ano ba tong ginagawa ko…
tapos naalala ko nanaman yung tingin nya sakin kahapon…
____________________________________________
itutuloy! hehe