si crush. [part 1]

Author Name: sakura | Source: pinoyliterotica.com

first time kong magshare dito. hehe. itong kwento ko tungkol sa isang boy na nakilala ko. medyo boring pa to kasi wala pang umaatikabong aksyon. pero sana magustuhan nyo. at masubaybayan ang aming story :3

madalas akong customer sa internet cafe sa tapat ng inuupahan kong apartment kasi wala pa akong laptop noon. dun ako gumagawa ng mga assignment ko at minsan nagfa-facebook rin pag walang magawa.

after some time may nag add sa akin. may mutual friends naman kami so inaccept ko nalang. dun nagsimula ang lahat.

kalaunan ay madalas na kami magchat. kung ano ano lang pinaguusapan. haha. masaya sya kausap. may sense. may humor. after some time nagkahingian na ng numbers at nagkita rin kami. naging close kami after some months. sinasama nya ako pag kakain sila sa labas ng barkada nya, minsan rin kami lang dalawa. palagi kaming nagkikita at nagchachat. hindi kumpleto araw ko pag di kami mag usap. haha pero parang nagkakahiyaan pa sa isat-isa. parang gusto namin na makita each other pero pag anjan na e magkakahiyaan. hahaha. then i found myself regularly stalking his facebook nung nakuha ko na laptop ko. haha minsan pa nga napapanaginipan ko sya. mga naughty dreams pa nga minsan eh. hehe. i grew to like him as time passed.

siya si Rey. maputi, lean, matangkad, mahaba buhok, magaling mag gitara, cute. lalo na pag tumatawa. hehe.

isang araw nagchat sya, sabi nya punta daw ako sa kanila kasi birthday nya. lunch daw. first time kong pumunta sa bahay niya. para akong kinabahan na excited, kasi magkikita kami hehehe. malapit lang yung tinutuluyan niya sa apartment ko, so malalakad lang.

pagtapos kong maligo, pabango konti, pulbos konti, suklay konti. di naman ako masyadong maarte. nagshorts, sneakers, at T-shirt. di rin ako masyadong girly. nung papunta na ako doon, may nakasabay ako sa daan na group ng girls. ang daldal nila. naisip ko kung pareho ba kami ng pupuntahan. mabilis naman akong maglakad so naunahan ko sila.

pagdating ko sa gate nila Rey, nagtext ako. sabi nya “pasok lang” daw. eh ngee andaming tao. so pumasok nalang ako sa gate, tapos dumeretso sa front door. nakabukas yun, tapos may mas marami pang tao sa loob. hahaha. asan na ba yun. wala akong kilala dito my god.

ang awkward ko habang hinahanap sya sa dami ng taong nagkakagulo sa loob. kumakain na sila. medyo maliit lang naman yung bahay, may tatlong rooms, kusina, tapos ewan asan ang CR. haha. tumayo nalang ako sa bandang kusina, nag aantay ng milagro, tinitingnan ang mga bisitang kumakain. gutom narin  ako haha.

maya maya may tumabi sa akin, “huuuy kuha kana ng plato. anong ginagawa mo jan??” paglingon ko si Rey.

“waa san ka galing kanina pa ako dito.” tinawanan nya ako tapos binigyan ng plato. tinulak sa lamesa na may mga pagkain. “haha kuha kana jan, oh kutsara, tinidor.” tapos iniwan ako, umupo sa sofa. nakipagdaldalan sa mga bisita nya. eeeh, anak ng patatas. iniwan nanaman ako.

nagmadali akong kumuha ng isda, manok, at spaghetti, at tumabi ako sa kanya. ayoko umupo sa malayo. wala akong kakilala dito. medyo maliit lang rin ang sofa tapos dalawa na silang andun, so nakisiksik lang ako sa gilid. ngayon lang kami nagkadikit ng ganito, hehe. ang bango nya, amoy downy.

habang kumakain ako, pinagmasdan ko sya habang nakikipag daldalan sa barkada nya. naka shorts rin sya so nagkakadikit paminsan minsan ang leg nya sa akin. ewan ko kung sinasadya nya minsan, ang warm at ang kinis ng leg nya.. naubos ko nalang ang kinakain ko, di parin nya ako kinakausap. ako rin nahihiya. haha.

tumayo na kausap nya, tapos tumingin sya sakin. “solb kana?” sabay smile. kinilig naman ako. haha shet. hawak ko parin plato ko na may tira tirang buto ng manok at nilagay ko sa lap nya. “ubos na nga oh. busog na ko. hehe salamat happy birthday. ilang taon kana?” tumawa sya habang nilagay ung plato ko sa stool na nasa harap namin. “di pwede sabihin, hahaha”

ano daw.  ano na kaya edad nito. haha. parang inaantok na ko sa kabusugan, so nag slouch na ko sa sofa. pagtapos nyang ilagay ung plato, sumandal sya sa sofa at nilagay ung arm nya sa sandalan, sa likod ko. para narin nya akong inakbayan pero hindi direct. at kahit wala na yung katabi nya sa isang gilid, ganun parin ang dikit nya sakin. wahaha. netural lang ang mukha ko pero ang laki na ng ngiti ko sa loob.

kung anong daldal namin sa chat e ganito kami katahimik minsan pag magsama. awkward noh? haha. pero minsan naman nagkakaron kami ng normal na pag uusap. maya maya may mga nagsidatingan na mga bisita. pagtingin ko sa kanila, sila yung mga girls na nakasabay ko sa daan kanina, pero may nadagdag na mga kasama.

“pasok kayo! dami pang manok!” sigaw ni Rey. di sya kumibo sa kinalalagyan nya. binati sya ng mga bagong dating at dumeretso sa lamesa. tapos naghahanap sila ng malinis pang plato at mga utensils. “oi bigyan mo sila ng mga plato huy.” sabi ko sa kanya. “nyeh, kapagod tumayo. byaan mo yan sila. haha” tumawa nalang ako at pinagmasdan namin sila.

paikot ikot na sila sa lamesa pero wala pa silang makitang magamit. tapos na kasi kumain ang mga bisita, karamihan ng mga tao sa loob lumabas na, ang iba nag iinuman. “hoy rey bigyan mo kaming plato! iwanan mo muna yang chiks mo jan!” sigaw ng isang boy habang binubuksan ang plate rack sa kusina.

nahiya naman ako at tumawa. tumawa rin si Rey pero pero di parin tumayo. ” HUGAS KAYO! HAHAHAHA!” nagtawanan kaming lahat sa loob. hahaha gago to ah. “putangina magiimbita tapos magpapahugas pa ng plato bago magpakain!” nagsisigawan na sila habang nagtatawanan kaming lahat. “konti lang plato ko gago! wag kana magreklamo! hahaha!”

konti lang plato nya? so sya lang pala nakatira doon? wala rin syang nabanggit sakin about sa parents nya so tinanong ko nalang. “asan pala parents mo?” tumatawa parin sya habang naghugas ng mga plato ung mga bagong dating. “nasa probinsya sila, boarding house to, mukhang bahay noh? tatlo kami dito nakatira, tapos meron pa sa taas. may bakante dun na room, mura lang dito. hehe”

“hoy birthday boy, pakilala mo naman chiks mo! pucha di ka nagsasabi may bago kana.” sigaw nung boy kanina, sabay subo ng pansit. “gago ka. haha inggit ka lang!” hahaha shet. ano ba tong sitwasyon ko. ang awkward. alam ko nagbibiruan sila pero sabi nila jokes are half-meant diba?

so tiningnan ko relo ko, kasi may kukunin pa akong clearance sa school. sinabi ko narin kay Rey na aalis ako ng 3pm kasi may lakad pa ako. 2:15 na. mamaya maya nlng 2:30 ako aalis.

“gago talaga si jess oh. haha classmate ko yun dati.” sabi nya sakin na kami lang makakarinig. tumawa nalang ako kasi wala akong masabi. hahaha na awkward kasi. nahihiya talaga ako.

tapos out of the blue, nafeel ko na lumapit ulo nya sa akin. inamoy nya buhok ko. nafeel ko hininga nya sa batok ko. “ano shampoo mo? ambango neto ah.” shit. aah ano ba yun. tumayo balahibo ko. haha ano ba nangyayari dito.

“rejoice, yung fragrant something.” kumuha rin ako ng clump of hair saka inamoy, di naman ganun kabango ah. “aah, papalit palit kasi ako ng shampoo, kasi madalas ako magka balakubak. haha masubukan nga” medyo mahaba na kasi buhok nya for a boy. parang bob cut  na mahaba ng konti. and sa totoo lang, im attracted to boys with long hair. hehe.

tumingin nanaman ako sa relo. 2:27 na. kailangan ko na umalis soon.

_______________________________________________________________

hanggang dito lang po muna ang story ko ngayon. sana magustuhan nyo. post ko mamayang gabi ang susunod na kabanata! :)