si Jessa ang aking yaya

Author Name: talong ranger | Source: pinoyliterotica.com

Isa akong call center agent sa Makati. Dahil sa trabaho, madaling araw na ako kung umuwi. Sa isang 2 bedroom condo unit ako nakatira mag-isa. Kasama ko dati ang kuya ko ngunit ngayon ay sa ibang bansa na siya nagtatrabaho.  Hindi ako mahilig sa gawaing pambahay tulad ng pagluluto, paglilinis at paglalaba kaya naman nadesisyunan ko na maghanap ng katulong. Isang araw, tinawagan ko ang kaibigan ko sa probinsya kung may kilala siyang gustong mangatulong.

“Noy, musta na?”

“Pre, ayus naman. Bakit ka napatawag?”

“Tulong naman pare. Naghahanap kasi ako ng katulong. May kilala ka ba diyan?”

“Sige bro. Maghahanap ako. Ano bang type mo? Maganda o panget? Seksi o mataba? Hahaha.”

“Sira ka. Basta mabait at masipag. ‘Yung marunong maglaba at maglinis. Kahit hindi magaling magluto, madalas naman kasi ako kumain sa labas. Magaan lang trabaho nya dahil ako lang naman kasama nya sa bahay.”

“Sige bro. Text kita kapag may nahanap ako.”

“Ok. Salamat.”

Makalipas ang dalawang linggo, nakatanggap ako ng text mula sa aking kaibigan na nakahanap daw siya ng pwedeng mangatulong. Pinadalhan ko agad siya ng pera para sa pamasahe at detalye kung kailan at saang pier ko susunduin. Pinasalamatan ko siya para sa kanyang tulong sapagkat kung hindi dahil duon ay mangangayayat ako ng tuluyan at manghina ang resistensya ko dahil sa pagpupuyat sa trabaho.

Dumating ang araw at nagtungo ako sa pier upang sunduin si Trining, ang aking magiging katulong. Nagtextan kami.

Ako: d2 na me terminal gate. Naka blue tshirt brown shorts ako. wat suot mo?

Trining: sir red tshirt blue pantalon. Palabas na po.

Naglabasan ang mga bagong dating na biyahero ng barko at namangha ako sa dami ng tao. Halos mahilo ako sa dami ng nakaganuong suot. Naalala ko tuloy ang sinabi ng aking kaibigan sa hitsura ni Trining. May edad na at mukha daw talagang manang. Tinawagan ko sya sa telepono upang mas madali ko siyang mahanap.

“Saan ka na ba?”

“Sir, andito na po ako.”

Lumingon ako sa kabilang bahagi ng gate at nakita ko si Trining. Nagulat ako sa aking nakita. Halos hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng tanaw ko sa hindi kalayuan ay makakasama ko sa aking bahay…Maganda at batang-bata ang hitsura.

“…Ah…eh…sandali lang…puntahan kita diyan.”

“Sige po.”

Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto bago nilapitan. Mestizahin ang kanyang hitsura at mamula mula ang balat dahil sa tindi ng init ng araw. May taas na halos 5’4 at mukha naman maganda ang hinaharap sa ilalim ng kanyang maluwag na t-shirt. Maamo at inosente ang kanyang mukha at masasabing kahawig siya ng isang probinsyana at batang Pauleen Luna.

“Ikaw ba si Trining?”

“Sir, hindi po. Anak po ako ni Trining.”

“Ganun ba? E ano pangalan mo?”

“Jessa po.”

“Bakit? Ano nangyari sa Mama mo?”

“Ako na lang po pinapunta ni Mama dito sa Maynila. May sakit kasi si Papa.”

“Ano sakit?”

“Diabetes po.”

“Ganun ba? Ang init! Tara na sa kotse. Tulungan kita sa mga dala mo.”

Nang makalapit kami sa kotse, binuksan ko ang trunk at nilagay ang kanyang dalawang maliit na bag sa loob. Binuksan ko ang pinto at saka ako pumasok at umupo sabay start ng makina at aircon ng kotse. Pinaupo ko siya sa harap at itinapat ang aircon sa kanyang mukha. Naginhawahan si Jessa sa naramdamang lamig sa loob ng kotse at napansin ko na nawala na ang kanyang takot.

“Ngayon ka pa lang ba nakapuntang Maynila?”

“Opo.”

“Ilang taon ka na ba?”

“Eighteen po. Kaka-graduate lang namin ng high school.”

“Teka, nananghalian ka na ba?”

“Hindi pa nga po eh. Huling kain ko po ay kagabi pa.”

“Ganun ba? Sige kain muna tayo.”

Sa kahabaan ng Roxas Blvd., tila namangha siya sa tanawin ng napakaraming sasakyan at tao. Tinuro ko sa kanya ang monumento ni Rizal, ang Luneta Park at Star City. Malapit sa CCP ay branch ng Jollibee kung saan plano kong pakainin si Jessa. Nang makahanap ako ng paradahan, pumasok kami sa Jollibee at umorder ng ng tig-iisang Chicken Joy at Champ burger. Habang kumakain, kami’y nagkwentuhan.

“Sabi kasi sa akin ni Nonoy na mama mo ang darating.”

“Wala kasing mag-aalaga kay Papa. Naging masakitin na kasi siya e.”

“Buti naman pumayag ka mangatulong dito?”

“Kailangan e. Mahirap ang buhay sa bukid.”

“Sa bukid ba kayo nakatira? Akala ko kasi sa siyudad. Mukha ka ngang mayaman e. Mestiza ka kasi.”

“Hindi po kami mayaman. Nalahian daw lang yung mga lola ko nung unang panahon ng mga kastila.”

“Ah ganun ba?”

“Opo. Pero kahit mahirap lang kami. Pinatapos po ako ni Papa ng high school. Inalagaan din kami ni Mama ng mabuti sa bahay.”

“Sige, basta maayaso ang tabaho mo, tutulungan kita.”

Habang kami ay papunta sa condo ko sa Makati, tinuloy namin ang kwentuhan.

“Saan po ba ang bahay ninyo?”

“Condo. Sa condo tayo titira.”

“Uhmmm…ano po? Sa condom po? …uhm…di po ba ang condom ay…”

“Ah hindi. Hahaha. Condo is condominium.”

“…ay ganun po ba?”

“Dito sa Maynila, wala na halos lupa mabibili. Puro building na lamang. Mga condo buildings ang tawag. Yan ang uso dito. Parang ganyan tignan mo.”

“Wow ang taas naman. Sino sino po ba ang kasama natin sa condo?”

“Naku ako lang. Umalis na yung Kuya ko. Nag-abroad. Baka sa pasko pa bumalik.”

“Nakakahiya naman po sa inyo. Tayong dalawa lang po magkasama.”

“Bakit naman?”

“E kasi po, baka kung ano isipin ng mga kapitbahay ninyo.”

“Naku, Jessa. Wag kang mag-alala. Dito sa Maynila, walang pakialaman dito. Hindi uso chismisan dito tulad ng sa barrio.”

“Ah ok po. Buti naman po.”

Ilang minuto pa, nakatulog si Jessa sa loob ng kotse habang binabaybay namin ang Buendia. Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Makinis at maputi ang kanyang mukha, pula ang mga labi at matangos na ilong. Mamasamasa sa pawis ang kanyang damit sa may bandang kilikili at leeg ngunit mukhang mabango pa rin. Sino mag-aakala na ganito ang magiging kapalaran ko? Ako na yata ang may pinakamagandang katulong sa buong Makati.

“Jessa, gising na. Andito na tayo sa condo.”

Tila naalimpungatan siya sa hitsura ng basement parking. “Bakit naman ang dilim at init dito?”

“Ahaha. Parking lang ito. Sasakay tayo ng elevator. Siga na at bumaba ka na.”

“Opo.”

Kinuha namin ang kanyang bag at tumungo sa elevator. Ng makapasok, tinuro ko sa kanya na ang aking unit ay nasa 23. Pumasok kami sa unit at nawala ulit ang kanyang kaba marahil ay first time niyang makasakay ng elevator at makapasok ng ganun ka taas ng building. Itinuro ko sa kanya ang sala, kitchen, CR, kwarto ko at ang kanyang magiging kwarto. Napangiti siya ng dalhin ko siya sa kanyang silid na may simpleng kama, cabinet at maliit na mesa na may salamin.

“Ang ganda naman ng bahay mo kuya.”

“Basta simple lang trabaho mo dito. Maglinis, maglaba, plantsa. Minsan magluto din. Marunong ka naman magluto di ba?”

“Opo. Tinuruan ako ni Mama. May alam ako sa gawaing bahay.”

“Mabuti. Gabi ang pasok ko at umaga na akong dumating. Kung wala kang magawa, manood ka na lang ng TV. May mga DVD din ako diyan. Basta ingatan mo lang ok?”

“Opo kuya.”

“Sige. Alas-5 na kasi. Kailangan ko na umalis papunta sa trabaho.”

“Sige ho. Ako na bahala dito. Sisimulan ko na maglinis at maglaba.”

Iniwan ko si Jessa sa bahay at binilinan na huwag magpapasok ng sinuman. Kung may emergency or tanong siya ay pwede naman niya ako itext. Lingid sa kaalam niya, may nilagay akong mga CCTV camera sa aking unit pang seguridad kung maisipan niyang magnakaw at lumayas. Pero sa loob-loob ko, mukha naman wala sa katauhan ng bata na gumawa ng masama. Bumalik ako sa aking kotse at dumerecho na sa opisina.

Hatinggabi na sa opisina nang biglang tumama ang aking migraine dala siguro sa dami ng kapeng ininom ko sa nakalipas na limang oras. Pinagpasyahan kong umuwi na muna at magpaaalam sa aking bisor. Dahan dahan akong nagmaneho pabalik ng aking condo at ng mag-doorbell ako sa pinto, agad naman itong  binuksan ni Jessa.

Nagulat ako sa suot ni Jessa ng ako’y kanyang salubungin. Naka pink na short shorts siya at tight fit na sandong puti. First time ko nakita ang tunay na hitsura at hubog ng kanyang katawan.  Mahaba at malaman ang kanyang mga hita at flat ang kanyang tiyan. Halos walang baby fats o bilbil ang beywang.  Tayong-tayo ang kanyang mga suso na nagmumura sa laki. Hindi ko ito napansin nuon marahil dahil maluwang ang kanyang suot. Ngunit ang talagang nakakagulat ay ang kanyang flawless at maputing balat na walang kapekaspekas.

“Good evening kuya. Mukhang napa-aga ho kayo sa pag-uwi” bati niya sa aking pangiti.

“Sumakit ulo ko kanina. Migraine. Pakikuha ako ng tubig sa baso please. Pakidala sa kwarto. Iinom ako ng gamot.”

“Opo kuya.”

Dumerecho ako sa aking kwarto at nagtanggal ng damit hanggang brief na lamang ang aking suot.  Sa sobrang sakit ng ulo ko, nalimutan kong isara ang pinto ng aking kwarto kaya’t ng pumasok si Jessa upang ibigay sa akin ang malamig na tubig, naalala ko na halos wala na pala akong suot. Huli na ng maalala ko.

“Naku sorry” mahiya kong sinabi. Hindi pa naman tumigas ang ari ko sa kadahilanang nawawala ang libog ng isang tao kapag may masakit sa kanyang katawan.

“OK lang kuya” at nakangising lumabas ng kuwarto. Halos kainin ng isang pisngi ng puwet niya ang suot na short shorts. Sinubukan kong sipatin ang kulay ng kanyang panty ngunit sa puntong iyon ay parang binabayo ng bato ang aking sentido.

Uminom ako ng 2 tabletas ng Biogesic at ako’y nakatulog.

Naging malalim at mahimbing ang aking pagtulog. Minsan naririnig ko ang aking pag-ungol at paghilik. At bigla akong nakaramdam na ako’y tila ba binabangungot. Mukhang masamang panaginip na parang hindi naman talaga. Pilit kong magising subalit habang mas pinipilit kong gawin ito ay parang mayroong pumipigil sa akin. Sinikap kong labanan at baka bungungutin ako ng tuluyan at hindi na magising. Sa aking panaginip para akong napagod sa kakapumiglas at kasisigaw at tuluyan nanghina na lamang. Bumalik sa mapayapang pagulog ang naramdaman ko at wala na akong naalala.