“R naman… kala ko ba ok ka na?” tanong ko sa sarili ko sabay bukas ng shower.
***
Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Art, pinilit ko na syang iwasan. Parang natauhan na talaga ako? Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman na ako galit. HAY!
Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang nagsasabi na mahal ko pa sya: Ang puso ko o ang isip ko.
“So you have a seatwork for today!” excited na sinabi ng english prof namin. “There are 3 topics…” blah blah blah.
Hindi ako makapagconcentrate.
“A. Ideal BF/GF, B. Ideal Date C. Ideal Home…”
About love na naman! Lecheng love naman yan! Pinipilit na ngang kalimutan tapos ganyan. NANANADYA? Pipiliin ko na lang yun Ideal Home..
“Okay then, you’ll have to draw from this box and the letter you will pick up will correspond to your topic.”
Huwag na huwag lang talaga ang letter A at B. Please. LALO na ang A.
Dumating na sa row namin yung box. Tatlong papel lang ang meron sa loob.
“No peeking Ms. Montero.” binalaan ako nung prof. Sya kasi ang may hawak nung box e.
Pinakiramdaman kong mabuti yung mga papel sa loob. At di nagtagal may napunta na din sa kamay ko. Dahan-dahan kong binuklat yung nakatuping papel…
LETTER…
B
“You look disappointed…” Nginitian ako nung prof.
Tinupi ko na kaagad yung papel at binalik sa loob ng box. Susunod ng bubunot si Brian…
Ano kaya mabubunot niya?
LETTER…
Bigla syang tumingin sa side ko kaya napa-iwas ako ng tingin. Ano ba akala niya, gusto ko makita kung ano nabunot niya? Well, ok fine, curious lang naman… Pero hindi kawalan kung hindi ko malaman!
HMP.
Nagsimula na akong magsulat ng essay para makauwi na din ako kaagad. Ano ba gusto kong date? Hmmm. Gusto ko sa beach. Lalakad-lakad lang kami dun. Mas maganda sana kapag gabi para mas romantic tapos kasama ko yung lalaking gusto ko. KILIG. Hmmm..
Nakatingin sa akin yung prof namin at nakatawa sya. WAH! Naku, halata bang kinikilig ako sa mga sinusulat ko. Sana lang talga maisulat ko to ng maayos.
**
“R!” may tumawag kaagad ng pangalan ko paglabas ko ng room.
“Gel!” lumapit ako kaagad kay miguel. Gel na pala ang tawag ko sa kanya. (hindi po JEL, Gel talaga, as in G.) Di kasi pwedeng Brian dahil.. alam na. Di din pwede ng mico dahil mico naman si kuya Miko. Tapos kapag miguel masyadong formal…
Medyo naging close kami. Lagi na kasi kaming nagkakausap nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung sinadya nilang magkapatid na sabay sila ng sched ng uwian o nagkataon lang talaga.
As usual, masama na naman ang tingin sa akin ni Brian at lalagpasan na naman niya kaming 2 ni Gel. Sya na nga ang dapat kong tingnan ng masama dahil ni minsan man lang sa buhay ko wala syang ginawang maganda-kahit man lang isang ngiti, wala!
“Hmmm, hatid na kita ah, kakausapin din kasi ni Brian si kuya Miko e.” sinabi sa akin ni Gel nang nakalabas kami ng gate.
“Ah, ok.” yun na lang ang nasabi ko.
“Tagal niyo.” Sumingit na naman tong Brian na to.
**
“Oh sige, alis na din ako. Dami kailangan gawin e. Pasabi na lang kay Brian na umuwi sya kaagad baka hanapin na naman sya nila mommy sa akin.” Nakatingin si Gel kay Brian na kaagad pumasok sa loob ng bahay namin.
Close siguro sila… or mahal lang talaga ni Gel yung kapatid niyang ubod ng sungit.
“Uh, stay ka na muna, merienda.”
“Hmmm.” nag-isip pa sya. “Sige na nga.” tapos ngumiti.
Ang bilis mapapayag ah. haha.
“R… pwede ba tayo mag-usap?” Papasok na kami nang biglang sumulpot si Art sa tabi ko.
“Art, pagod ako, next time na lang…” umiwas ako pero hinabol niya ako.
“Kapag sinusundo kita sa school, pagod ka din… Araw-araw ka bang pagod?” ramdam ko sa boses niya ang pagkainis.
“Pare, may problema ba?” tanong ni Gel at nilapitan niya si Art.
“Art… umuwi ka na. Wala naman tayong dapat pag-usapan. Please.”
“Eto ba, eto ba yung pinalit mo sa akin, R?” maangas na tanong ni Art sa akin habang nakatingin sya kay Miguel. “Akala ko ba bestfriend lang to ni Kuya Miko? Kaya pala tingin ng tingin sayo to nung nagdinner ako sa inyo, may gusto pala sayo.”
“No! Kakambal niya yung nakita mo a month ago… Okay? At tingin ng tingin sa akin dahil may gusto? Art, hindi kami magkasundo nung kapatid niya.” i told him. Totoo naman e, baka tingin lang ng tingin sa akin dahil gusto na akong patayin sa tingin.
“Sino ba to R?” tanong ni Gel.
“Ako si Art, boyfriend niya. Kaya wag ka ng magbalak lumapit sa kanya.” tinulak ni Art si Miguel.
“ARTTT!” aawatin ko sana kaso bigla din syang tinulak ni Miguel.
“Baka naman EX, pare? Ikaw na ang lumayo sa kanya.”
“MIGUEL!”
Nagkagulo na sila. Ano namang magagawa ko. Ang tangkad nila pareho.
“TIGIL! TIGIL!” hindi nila ako pinapakinggan.
“Ano suntukan na lang oh!” yaya ni Art.
“O sige! Ano!” binababa ni Miguel yung bag niya pero sinapak na sya kaagad ni Art. At nagsimula na silang magbugbugan.
“KUYA MIKO!!!!” sigaw ko.
“Tama na yan!!” pinipilit ko pa rin silang pigilan.
Mukha akong ewan dito! Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Mahirap ang walang kapit bahay! Ang tatataas kasi ng bakod e, di ako makahingi ng tulong sa iba.
“Art! Miguel!” sigaw ni kuya Miko na palabas ng bahay.
Hindi pa rin humihinto yung dalawa.
“TUMIGIL NGA KAYONG MGA G*GO KAYO! DITO PA SA LABAS NG BAHAY NAMIN KAYO NAG GAGAG*HAN. MGA ULOL! MAKAKATIKIM KAYONG DALAWA SA AKIN!” sigaw ni kuya habang pinaghihiwalay yung dalawa. Hindi tulad ko, madaling napaghiwalay ni Kuya Miko yung dalawa.
Hinaharang niya yung katawan niya para mapigilan si Art. Si Brian naman inaawat ang kapatid niya.
“ANO! ANO!” sigaw pa rin ni Art kay Miguel. “G*go! Tigilan mo girlfriend ko!”
“Art, ano ba meron!” tinulak ni kuya miko si art. Natauhan naman sya at kumalma na.
“Ikaw yun! Ulol. Tigilan mo na EX mo!” bawi ni Miguel kaya nagwala na naman si Art.
“BRO!” Umiling si Brian habang hinawakan niya yung collar ng uniform ni Miguel. “Tss.” Umiling si Miguel at tinanggal ang kamay ng kapatid niya sa collar niya.
“P*Tang-*na niyong dalawa ah!” sigaw ni kuya Art.
“Brian, dalhin mo sa loob yang kambal mo. R, kausapin mo yang si Art at ayusin niyo na kung ano meron sa inyo.”
Kasabay naming pumasok si kuya sa loob ng gate pero pinag-stay ko si Art sa garden. Kukuha muna ako ng med kit.
“Sorry.” mahinang sinabi ni Art sa akin. Nakayuko sya at di makatingin ng deretso sa akin. May sugat sya sa may kilay at medyo maga yung kanang pisngi.
“Art, masakit sa akin na nakikita kang ganyan. Hindi ka naman ganyan dati…” sabi ko habang inaayos yung sugat niya sa mukha.
“Kung apektado ka sa nangyari, ibig sabihin, may pag-asa pa na magkabalikan tayo.” tiningnan niya ako sa mata. “Please, R. Sabihin mo, meron pa.” hinawakan niya yung kamay ko na gumagamot sa sugat sa kilay niya.
“Lagi mo na lang yang sinasabi sa akin… Siguro, tama talaga yung sinabi mo kanina… pagod na ako.. pagod na akong mag-expect, pagod na akong masaktan… pagod na akong mahalin ka, Art.” tumayo na ako habang inaayos yung med kit.
“Promise! Last na to, r. Magbabago na ako! Hindi na ako titingin sa iba! Uunahin na kita sa lahat ng bagay. Gagawin ko lahat ng gusto mo…”
“Narinig ko na lahat yan… Ilang beses na. Hindi na pwede, art. Wala ng mangyayari. We need to grow up. At sa tingin ko hindi yun mangyayari kung magkakabalikan tayo.”
“R naman! Mahal pa rin kita…” halos lumuhod na sya sa harap ko…
Masakit man sa loob ko pero kailangan kong gawin to. At alam kong mawawala na ang isang Art sa buhay ko pagkatapos ng usapan na ito. Nakaya ko namang iwasan sya for the past few days.. nakaya ko namang maging okay pagkatapos ng break up namin nung HS grad.. nakaya ko namang hindi sya makita ng ilang buwan.. pero bakit ang hirap pa rin.. bakit ang sakit pa rin?
“I’m sorry…hindi na… kita mahal, Art. So, umalis ka na at… mas maganda kung puputulin na natin lahat ng nag-uugnay sa atin.” tumalikod ako. “Bye.”
Wag ka ng lilingon R. Dahil kapag ginawa mo yun, baka madapa ka uli.
“Ang tagal ng med box. Hindi lang naman yung ex mo yung may kailangan, yung kapatid ko din.”
Kahit kelan talaga tong lalaking to!
Binigay ko kay Brian yung med box habang tinatago yung mukha ko.
“Oh ayan na yang med box mo!” pinilit kong maging masungit sa harap niya pero halata sa boses ko na umiiyak ako. “Pasabi kay Gel, Sorry.”
***
Tinawagan ko si Beth, isa sa close friends ko nung high school.
“Beth, papunta na ako dyan. Overnight ako.”
“Ha? Ngayon na?” tanong niya.
“Oo.”
“Ahm. Okay, sige, I’ll wait for you, teka, umiiyak ka ba?”
Lagi akong sa kanila pumupunta kapag may problema ako. Wala naman kasi akong makausap dito sa bahay.
***
Wah, salamat sa mga babasa/bumasa/magrate/magcomment kung meron man. Sana maalis ang espiritu ng boredom. haha. ~r