Tok! Tok! Tok
Ermat: anak subukan mo naman lumabas kahit minsan lang di ka na nasisikatan ng araw lage ka na lang jan sa kwarto mo..
Yam: ma! ok lang ako please hayaan mo na lang ako…
Di na alam ng ina kung ano pa ang gagawin sa anak, awang awa sya sa anak, simula kasi nag madiagnose na may stage 4 liver cancer anak di na ito kailanman lumabas ng bahay, at bihira na rin kumain pawang iniintay na lang ang 1 buwang taning sa kanya ng doctor…
ngunit isang umaga…. gulat na gulat at masayang masaya ang ina ng makita nya ang anak na paalis ng bahay at mukang magjojogging…
Yam: ma! labas muna ko papahangin…
Ermat: “natulala at di alam ang isasagot”
Yam: balik din ako agad..
Ermat: sige anak sana magenjoy ka…
Habang nagjojogging laki na ng pinagbago ng lugar namen ah… sa isip isip ni yam… dami na bagong tayong bahay at mga bagong tindahan..napaisip sya na matagal tagal na rin pala sya di nakakalabas simula ng magkasakit sya…kay sarap ng hangin malalanghap ko pa kaya ang ganitong hangin pag ako’y wala na…. bigla sya napahinto at animoy may nanghihila sa kanya na pumasok sa isang dvd shop… parang dinadala sya ng paa nya na pumasok sa loob… may anong tuwa ang kanyang nadadarama ng di nya malaman kung bakit… sinunod na lamang nya ang kanyang paa kung saan sya dadalhin…
pagpasok nya sa shop isang maamong muka ng babae ang sumalubong sa kanya, matamis ang ngiti maaliwalas ang muka animo’y walang dinadalang problema…
Babae: hi sir welcome po! ” may halong ngiti sa muka”
Yam: ano bago nyo dvd d2.. pasupladong sagot…
Babae: madami po sir sasamahan ko po kayo mamili…”di pa rin nawawala ang ngiti ng babae”…
Yam: no! i can manage …
Babae: ok sir! ginagantihan lang ng mala angel na ngiti ang lalake..
After makakuha ng lalake ng 2 dvd agad itong pumunta sa counter at binayaran ang kinuha.. Binigyan ng babae si yam ng isang kapirasong papel na kelangan ifill-up for membership.. pag abot ng babae ng dvd kay yam agad na umalis si yam na wala man lang pasalamat…
Lumipas ang mga ara,, halos araw araw pumupunta si yam sa dvd shop, para makita lamang ang ngiti ng babae, pero kahit minsan di sya nakipagusap ng mhaba sa babae oo at hindi lang madalas nya isagot at madalas sinusupladuhan nya pa si babae..
parang naging routine na ni yam na every morning dumadaan sa dvd shop, pero di nya naman pinapanuod ang mga binibili nya, dumadaan lang sya para makita ang kagandahan at mala angel na ngiti ng babae.. Lahat ng dvd na binili nya e hinahagis nya lang sa kanyang kwarto kung saan saang sulok…
hanggang sa dumating na ang kanyang tamang oras… kinuha na sya ng maykapal….
Araw araw naghihintay si babae sa pagbabalik ni yam animo’y namiss nya ang kasupladuhan at pilit na ngiti ng lalake…kaya naisipan nya itong tawagan at kinuha ang membership data ni yam…
Kriingggggggg! krinnggggggg!
Ermat: hello who’s this…
Babae: ako po ung nagbabantay sa dvd shop na binibilhan ni yam.. aahh eeehh gusto ko lang po sana sya kamustahin mag iisang linggo na kasi sya di dumadaan dito…
Ermat: ” katahimikan pawang na alala nya ang kanyang anak”
Babae: hello, mam may problema po ba?
Ermat: iha wala na si yam namatay sya nung isang linggo,…sabay iyak ng ina at naalala na naman ang kanyang anak..
Babae: di makapagsalita,, bigla na lamang lumabas ang luha sa kanyang mga mata…sabay baba ng telepono…
Dahil bigla nya naalala ang anak pumasok sya sa kwarto at nagikot ikot, ngaun lang sya pumasok sa kwarto ng anak dahil ayaw nya maalala ito dito nya napansin ang napakaraming nakakalat na dvd..pinulot nya isa isa, at sa sobrang taka nya naisip nya na bakit naman bibili ang anak nya ng napakadaming dvd e wala naman sila dvd player… para pang may nagutos sa kanya na buksan ang bawat isa ng dvd…at sa kanyang pagbukas may sulat sya nakita…
Unang sulat na nabasa nya ” ang cute mo kaso suplado ka lang”
Pangalawang sulat na nabasa nya ” suplado ka pa rin, sana sa pag balik mo kausapin mo naman ako”
Ikatlong sulat ” wow ngumiti ka nga pilit naman ero sobrang cute mo crush na kita”
Ikaapat na sulat ” sumasaya ko sa araw araw na nakikita kita”
Ikalima na sulat ” bakit ganyan ka ayaw mo ba saken di mo ko pinapansin”
Ikaanim na sulat ” ingat ka lage ha mr suplado”
Ikapitong sulat ” i think im falling inlove with you”
Ikawalong sulat ” totoo na to sobrang mahal na kita pls lang pansinin mo na ko”
Ikasiyam na sulat ” God loves you take care always iloveyou”
Ikasampung sulat ” mamimiss kita balik ka bukas ha”
sobrang iyak ng nanay ni yam pero di iyak ng pagkalungkot kundi iyak sa galak… Anak kung san ka man nandun lam ko masaya ka na…
EnD…
Hmmm tama na muna kalibugan…hehehe
Enjoy reading guys!