quickie ride :)

Author Name: yamyam | Source: pinoyliterotica.com

Minsan sumakay ako ng  jeep kagagaling ko lang sa skwela, bigla akong may nakita sumakay na isang magandang dalaga, sexy talaga tong chick, at sosyal ang dating, kaya syempre agad akong nagpacute at nagpapansin sa kanya…

Natuwa ako ng abutin ko ang kanyang bayad, para akong asong ulong aw! aw! aw! nagkakandarapa pa kong inabot ang kanyang bayad, humaba pa ng humaba syempre ang kamay ko sa pag abot ng kanyang sukli sabay bigla akong..

“Hi”

Oh miss na nasa loob ng jeepney sana mapansin mo ko, oh miss tumingin ka naman saken…

“tingin naman jan, isang tingin lang jan”

Ako’y namomoblema kung pano ko ba sya makikilala, buti na lang pumara ang jeep at may sumakay na lola kaso punuan na pala, di ko gawain to pero syempre napilitan ako..

“Lola dito ka na maupo”

Nung nakasabit na ko, akalain mo bigla sya bumulong…

“ingat ka ha baka ka madisgrasya”

Bigla akong nashock sa caring niya, gulat ako kasi concern sya, napalakpak ang aking tenga…

“plak!plak!plak!” palakpak ng aking tenga

oh miss na nasa loob ng jeepney pansinin mo na ko, miss sa loob ng jeepney salamat at ika’y tumingin, pagdating sa dulo may trafic siguro may banggaan sa kanto, pero nagkabanggaan din ang aming mga tingin kaya nauwi sa mabuting usapin…

Humaba na naman ng humaba ang aming usapan, kahit mababaw o malalim na topic ok lang, di ko namalayan na malapit na pala syang pumara…

“googbye! goodbye!” sabi nya

“goodbye! goodbye! hanggang sa muling pagkikita”

waaaaaaaaaaaaaahhhhhhh gooooooooooooooodbbbbyeeeeeeeeee pano na to?

Nakalimutan kong itanong pangalan nya pati tirahan nya, nakalimutan ko isulat ym account nya o cellphone number man lang…

Nakalimutan ko rin magpakilala at kung sang bayan ba ako nagmula…

Wahhhh! dami ko nakalimutan pati bayad ko sa jeep nakalimutan ko….

Oh miss na nasa loob ng jeepney salamat sa iyong pagpansin, o miss na nasa loob ng jeepney salamat sa iyong konting pagtingin, magandang miss sa loob ng jeep salamat sa magandang usapan, o miss sana makasabay ulet kita at paulet ulet kong aabutin ang pamasahe mo…

Pano at san kaya kita hahanapin, mahahagilap kaya kita, e ngayon tumatakbo ako, hinahabol ng driver na sinasakyan natin…

Kasi nag one two three ako, kaya ayan sige takbo pa…

“hoy tangina mo bayad mo”

“nagbayad naman ako ah”

The end….. :)