hello. im new here. actually ngayon lng ako nakapagregister, just now. busy kasi ako. just graduated and finished my review last year. but everytime i have time and in the mood, i would visit this site. read you posts.and just recently i realized posible pala ang friendship dito. soo sana, you’ll all welcome me. at naisip ko makapagshare nga din ng kwento dito. (dimple series inspired me. =p) hehe.. so i’ll start my story nah..
______________________________________________________________
one day, i woke up and realized na kelangan ko nang magmove on sa ex ko.. 3 months na akong nagluluksa and i think its time to get back my life na. pagkatapos ng lahat ng ginawa saken ng ex ko, at mga luhang binuhos ko sa kanya, oras na para libangin ang sarili ko. tamang tama nung time na yun, malayo ako sa ex, malayo sa amin. bago sakin ang lugar. di ko nalang sasabihin kung baket andun ako at ano ginagawa ko dun. wala masyadong kakilala kasi first time ko dun sa lugar. konting friends lang ang kasama ko. yun nga, naisip kong maginternet, maglaro ng lan game o pwede na rin online games. babae po ako ha? hahahaha. baka maisip nyo lalake ako kasi naglalaro ang ng computer games, mahilig lng talaga po. hahaha.
ayun, kasama mga kaibigan ko.. naglaro kami.. may nakilala at nakalaro rin kami.. sina paul jake at jason.. naguusap lng pero di ko nakikita mukha nila hanggang sa dumami na sila dumating mga ibang kakilala nila. yung iba nagulat kasi nga bago yun na may babae silang nakalaro. yung iba namn lumalandi, nagbibiro. pero crush ko yung boses ni paul jake. hehehe. natapos ang laro. yung iba nakilala ko yung iba hindi. humanga rin ako sa likod ni jason (dahil nga nkita ko lng siyang nkatalikod) hawig sa ex ko. hahahaha. ayun nung pauwi na kami nakita ko mukha ni jason. medyo gwapo pero medyo matanda na sa amin.. pero may dating. sobra ang dating nya at medyo malaki rin ang katawan..
simula nun, nagkaroon ng kulay ang pagtira ko sa bagong lugar na yun.. nagmamadaling umuwi sa bahay para makita sila. magkakapitbahay lng pala kami.. hanggang sa naibaling ko ang pagtingin ko kay jason.. si paul jake kasi walang pakialam, sobrang bata. hahahaha. si jason namn, may alam na sa buhay, may negosyo at higit sa lahat pinapansin ako. hahaahah!!
so yun.. ilang araw din ang nagdaan.. naging medyo close kami.. nagbibiruan kasama ibang tropa.. kunwari pinag-aagawan nila ako and stuff. natatawa nlng ako sa kanila at kinilig pag si jason na ang humihirit.. salamat sa kanya at siya na ang iniisip ko at hindi ang ex ko. naispire akong magpaganda, natatawa nga ako kasi nung una naming pagkikita,wala akong ligo nun kasi kagagaling ko lng sa sakit. kaya bumabawi ako.. nagpapaganda at nagpapasexy. hahahaha!!
hindi ko alam kung gusto rin ba nya ako.. kasi minsan namamansin.. minsan din parang wala lang.. minsan sweet minsan smile lang.. parang ewan.. may isang araw na tinatanong nya ako kung may boyfriend ako kung tagasan ako (province) kinilala nya ako.. pero minsan simpleng hi lng..
basta andaming nangyayari na di ko mawari kung ano ang real score.. kung naguusap nmn kami, kasama buong grupo.. kaya di ko talaga alam.. 1 month after, nagnenet ako, narining kong magiinuman sila..umuwi ako agad para di nila ako maimbita.. pagkauw sa bahay, niyaya ako ng isa kong kaibigan na kumain sa labas kasi gutom siya. ayun, paglabas namin si jason pa ang nakatagpo namin.. hi lng sa isa’t isa.. tapos pagbalik namin gling dunkin donuts, nasa labas na sila at tinawag ako sabay invite.. sabi ko wag nalng.. happy birthday nlng sa kaibigan nila.. pero pinilit ako.. tumanggi pa rin ako.. maya2 nawala na sila. im relieved. pero dalawa sa kaibigan ni jason pinuntahan ako at inivite ulet ako. wala na akong nagawa. birthday boy na nagimbita sa kin. wooooooooooooo! ayun sumama ako.. pagdating ko dun bakante ang upuan na katabi ni jason.. dun ako pianupo.. medyo ialng kasi di ko kaclose lahat.. buti nlng andun si jason.. so yun simula na nag kwentuhan.. masaya.. masaya silang kasama sobraaaaa! hahaha! medyo nakinum na ako. nararamdaman ko yung paa nya dumidikit sa paa ko. medyo nakikiliti ako.. gusto kong alisin yung paa ko pero di ko magawa..
*to be continued*