Dumating si Marco sa bahay nila R. Kaagad naman siyang nakapasok dahil may duplicate siya ng susi para sa gate at pinto. Kabado si Marco dahil sa gagawing pagtatapat kay R – aaminin na niyang sila na uli ng ex niyang si Gianne. He never wanted to hurt his bestfriend/girlfriend’s feeling but he had no other choice. Mas lalo lang lalala ang lahat kung hindi niya pa ipagtatapat kay R ang lahat.
Kasalukuyang nag-uusap si Jin at R sa sala. Walang ka-alam-alam na nasa labas lang pala ng bahay si Marco.
“Adik ka din talagang genie ka.” Tumatawa si R habang hinahampas ang braso ni Jin. Magkatabi sila sa sofa. Masaya silang parehas. Walang iniisip. Walang problema. Wala sa isip ni R si Marco ngayon. Hindi niya inaalala kung bakit bigla na lang hindi nagparamdam ang boyfriend niya.
“Jin, anong mangyayari kung sakaling hilingin kong magkaroon ako ng ‘unlimited wishes’?”
“Eh, hindi pwede yun. Syempre may rules din kami. Hindi pwede yang mga ganyan.”
“Ah ok…” nag-isip pa ang dalaga. “…paano kung matapos na ang kontrata? I mean, pag nakalaya ka na, ano nang mangyayari? May mag-iiba ba?” tanong ni R.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jin… parang pinagpawisan nang malamig. Hindi pa nga pala niya nasasabi kay R kung ano ang mangyayari kapag natapos na ang kontrata. Naguguluhan pa rin si Jin kung ano ang gagawin niya. Pumasok sa isip niya si Marid at ang usapan nilang dalawa.
“R, sa tingin ko… mas mabuti pang wag ka nang humiling ng pangatlo…”
“…bakit?” tanong ni R. “…eh hindi ka makakalaya nun?”
“Basta,” gustong gusto nang sabihin ni Jin kung bakit ayaw niya pero hindi niya magawa. Kasama sa kontrata nila ni Marid yun. Kahit ano pa ang gawin ni Jin, hinding-hindi mababanggit ng dila niya ang tungkol sa bagay na yun hangga’t hindi nasasabi ni R ang pangatlong kahilingan niya…
“Pagka natupad ko ang kahilingan mo, ikaw ang &*(^&(^&^%(%&^%%%^&%&^%(^”
Bigla na lang nabubulol si Jin..
“Nagbibiro ka ba?” tanong ni R. Natatawa siya kasi parang batang hindi marunong magsalita si Jin… Nainis ang genie. Halos sabunutan na niya ang sarili niya..
Gusto niya lang namang sabihing, “Kapag natupad ko ang kahilingan mo, ikaw ang papalit sa akin… ikaw ang makukulong… Kapag nasabi mo na ang 3rd wish mo, makakalaya ako… pero ikaw ang kapalit.”… pero kahit anong gawin ni Jin, hindi niya masabi… hindi niya din masulat…
“Basta R, promise me… hinding-hindi ka na hihiling… Ako na ang bahala sa sarili ko. Wag na wag kang hihiling.” Seryoso ang boses ni Jin. Hindi maintindihan ni R yun. TUmango na lang siya kahit na naguguluhan siya.
Nawala ang kabang nararamdaman ng dalaga nang magpatawa na naman si Jin – yung parang walang nangyari.. parang walang usapang naganap… pero alam ni R, may isang bagay na hindi sinasabi si Jin sa kanya.
Bigla na lang pumasok ng bahay si Marco. Laking gulat ni Jin at R nang makita ang binata na kakapasok pa lang ng bahay.
Nagkatinginan silang tatlo…
Napatayo si R sa nakita. Ang akala niya ay bukas pa ang uwi ng boyfriend niya galing sa Tagaytay – hindi na niya ito tinawagan o tinext pa dahil ang lalaki ang unang tumigil sa pagpaparamdam. Hindi alam ng dalaga kung yayakapin niya ba ang kasintahan o mananahimik na lang.
Tumayo din si Jin at pinagmasdan ang reaksyon ng dalaga… Nakita niya ang ‘nalilitong’ mukha ni R. Pinanalangin niyang wag umalis ang dalaga sa pwesto nito; na wag niyang salubungin ng halik at yakap ang boyfriend niyang may mahal namang iba. Pero naisip ni Jin – kung sakaling tumakbo si R papunta kay Marco, pipigilan niya ba ang dalaga o aalis na lang siya?
Pagkapasok na pagkapasok ni Marco sa bahay nila R ay sumalubong sa kanya ang tumatawang girlfriend. May kasama itong lalaki na nakita na niya dati – ipinakilala ni R ang lalaki bilang music instructor. Ibinaling ni Marco ang tingin sa kasintahan para masimulan na ang pagpapaliwanang – na hindi na pwedeng maging sila. Lumapit siya kay R pero pagkakita niya sa mukha nito ay tila ba nag-iba uli ang ihip ng hangin. Bumilis ang tibok ng puso niya – hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
“I… I missed you. I’m sorry, parang kinalimutan kita noong pumunta ako sa Tagaytay.” Yun ang lumabas sa bibig ni Marco. It didn’t sound right but it didn’t sound wrong, either. He knew he shouldn’t have said those! Hindi iyon ang gusto niyang sabihin kanina. “Please, stop this, Marco. Anong sinasabi mo?!” he thought.
R looked at Jin but then she heard what Marco just said. Natuon ang atensyon niya doon. Narinig niyang humingi ng tawad ang kasintahan. Alam niyang dahil lang sa magic kaya ganun si Marco pero hindi niya mapigilang maniwala. The magic is so good – she can’t tell that Marco is not really in love with her. She loves him… she’s still in love with her bestfriend. How about Jin? How about the nights and days they spent together?
Jin watched her looked away. Then she slowly made her way to his boyfriend … Nakita niya kung paano yakapin at halikan ni R si Marco. Masakit.
Hindi alam ni Jin kung ano ang gagawin. Ano nga ba ang dapat mong gawin kung makita mong may ibang kayakap ang babaeng gusto mo? At ikaw pa ang dahilan kung bakit naging ‘sila’ ng lalaking gusto niya.
Umalis nang hindi nagpapaalam si Jin. Hindi din naman siya hinabol ni R. Naisip niya, mag-isa lang ang dalawa sa loob. Ano kaya ang pwede nilang gawin? Napamura si Jin nang maisip niya ang ilang bagay – hinahalikan ni Marco si R… hanggang sa.. hindi na niya napigilan ang sarili, nasuntok niya ang pader na malapit sa gate ng bahay nila R. Namanhid ang kaliwa niyang kamao..
Kung may kapangyarihan lang siya para ipawalang bisa ang pangalawang kahilingan ni R, gagawin niya yun ngayon.
Samantala, patuloy ang lambingan ni R at Marco sa loob ng bahay. Hindi na nila napansin ang ibang bagay sa paligid. Nakalimutan nila si Jin at Gianne. Parehas na nakatuon ang atensyon ni R at Marco sa isa’t-isa pero may ibang gustong gawin ang puso nila. Ngunit, wala silang magawa… natatabunan ng ibang bagay ang NAIS nilang gawin.
Pagkalabas ni Jin ng gate, nakita niya si Gianne na nag-aantay… Hinihintay nga pala niyang lumabas si Marco.
“Kung siya ang hinihintay mo, wag ka nang maghintay… Magkasama sila sa loob. Oo, sila pa rin.”
“I don’t believe you.”
Nagalit si Gianne at umakmang susugod. Pinigilan siya ni Jin.
“Tama na. Give up on Marco…” sinabi ng binata. Alam niyang wala na talagang magagawa si Gianne. Magiging komplikado lang ang lahat. Masyado malakas ang magic na yun.. Habang si R ang nakikita ni Marco, siya at siya lang ang mamahalin nito.
“Back off… He loves me, okay? Confuse lang siya… dahil nung wala ako, si R ang lagi niyang kasama. Wala akong pakialam. I just want him back!”
Nagpumilit na pumasok si Gianne pero hindi siya hinayaan ni Jin. Umiyak ang dalaga.
“Please.. I don’t know who you are.. but please, papuntahin mo na ako sa loob… Gusto ko na ding matapos to.”
Hindi nakaimik si Jin. Unti-unti niyang binitiwan ang dalaga… Hindi niya namalayan na nakapasok na ng gate si Gianne. Tumakbo ito papunta sa pintuan ng bahay nila R. Sinundan siya ni Jin.
At nagkaharap ang apat.
“Gianne?” napatingin si Marco sa babaeng nasa pintuan.
“Marco.” Hinawakan ni R ang braso ng boyfriend niya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Marco. Pinagpawisan siya nang malamig. Sumakit ang ulo niya – parang hinahati sa dalawa. Unti-unti siyang kinakapos ng hininga. Habang tumatagal, mas lalong sumasakit ang puso niya – parang sasabog na ito.
Lumapit si Gianne kay Marco. Pinagigitnaan na ngayon ng dalawang babae ang lalaking kasalukuyang nakaluhod sa sahig at hirap huminga.
Hindi alam ni R ang gagawin. Pinagmasdan niya ang boyfriend niya sa ganoong kalagayan. Alam naman niya ang dapat gawin pero hindi niya magawa. Bigla na lang may humila sa kanya at dinala siya sa kwarto.
“R!” sigaw ni Jin. Niyugyog ang magkabilang balikat ng babae. “…ano ba?! Nakita mo kung anong nangyari?”
Hindi umimik si R.
“…dahil sa ginawa niyo ni Gianne, pwedeng mamatay si Marco! Kung wala pa ako dito…” hindi tinuloy ni Jin ang gustong sabihin.
“..hindi ko na din alam.” Umiyak si R. “…ano ba talagang gusto kong mangyari?”
“.madami pang iba dyan. Ang bata-bata mo pa. Hayaan mo na lang si Marco at Gianne. Hate to break this to you… si Gianne talaga ang gusto niya. Alam kong alam mo din yun.”
“Kaya nga… Alam ko yun. Pero nagbibingi-bingihan lang ako sa mga sinasabi mo. Hindi mo naiintindihan Jin… Simula nang makilala ko si Marco, siya na talaga.”
Nasaktan si Jin sa sinabi ni R. Gusto niyang itanong kung wala lang ba sa dalaga yung nangyari sa kanila? Ano ba ang tingin sa kanya ni R? – isang hamak na genie na walang ibang alam gawin kundi ang landiin siya? Kung sabagay, noong una, yun lang naman ang gusto ni Jin sa kanya.
“Kung mahal mo siya R, hindi mo siya papahirapan nang ganito.” Pagkatapos sabihin ni Jin yun, iniwan niya si R sa kwarto at dumeretso sa sala. Naabutan niyang nakahiga si Marco sa sofa at ginagawang unan ang mga hita ni Gianne.
“Umalis muna kayo,” panimula ni Jin habang itinatayo ang walang malay na si Marco. Umiiyak si Gianne. HInatid ni Jin ang dalawa sa kotse. Iniupo niya si Marco sa passenger seat.
“Ano bang meron kay R?” tanong ni Gianne, may halong galit ang boses nito. “…gayuma? Kulam?”
Medyo nainis si Jin sa tanong na iyon.
“Ano ka, bata?” pang-iinis na tanong ni Jin. “…naniniwala ka sa ganon? Hindi totoo yun. Ang nangyayari ngayon ay kasalanan ng boyfriend mo.” Tiningnan ni Jin si Marco na kasalukuyang naka-upo sa passenger seat ng kotse. “…parehas niya kayong ayaw saktan kaya nagkaganito.”
Tama naman si Jin doon. Kahit na silang dalawa ni R ang may dahilan kung bakit nangyayari ito, alam niyang tama ang sinabi niya tungkol kay Marco. Alam niya na kung sakaling nalaman ni Marco na may gusto si R sa kanya (bago tinupad ni Jin ang 2nd wish), gagawa si Marco ng paraan para hindi masaktan si R at Gianne.
May naisip si Jin, bigla na lang siyang umalis nang mabilis, desidido na siya… May kilala siyang makakatulong sa kanya. Sigurado kasi siyang hindi papayag si Marid na hindi gamitin ni R ang pangatlong kahilingan niya. Bakit? Dahil kapag hindi si R ang pumalit kay Jin, hindi mapupunta kay Marid ang kapangyarihang hangin ng binata.
–
“Anong kailangan mo?” biglang may sumulpot na binatilyo sa harapan ni Jin. Desente ang itsura nito ngunit di hamak na mas mukhang bata kay Jin. Kung titingnan, kasing edad lang siguro ni R.
“Jann, kailangan ko ng tulong mo.” Panimula ni Jin.
Masama ang tingin sa kanya ng lalaking kaharap. Hindi ‘to kaagad sumagot. Luminga-linga muna sa paligid bago tuluyang magsalita.
“Ano namang matutulong ko, Jin? Alam mo namang sa ating lima, ako ang pinakamahina.”
Ang limang tinutukoy ni Jann ay ang limang pinakamataas na genie sa mundo o ang royal genie o royal 5. Sila ang namamahala sa lahat ng iba pang nilalang na kagaya nila.
Marid, Dao, Frit, Jin, Jann.
Ang limang nabanggit sa taas ay nakalista ayon sa lakas maliban na lang kay Frit at Jin – pantay lang sila.
“Kailangan kong makausap si Dao at Frit.” Seryoso ang pagkakasabi ni Jin. “…gusto kong bawiin ang kontratang pinasok ko… kailangan ko sila para pumayag si Marid sa gusto ko.”
“Imposible yun Jin… Umaasa kang tutulungan ka ni Dao? O ni Frit? Eh ni hindi mo nga kasundo yung dalawa. Mas lalo na ngayon… na pinamukha mo sa kanilang gusto mo uling maging tao.”
Nainis si Jin. Alam niyang mahihirapan siya.
“I know. Pero meron akong alam na dahilan para mapapayag ang dalawa… at pati na din ikaw. Una, naka’y Marid ang kapangyarihan kong hangin. Kung sakaling mabawi ko ‘to, sa’yo ko ‘to ibibigay. Pangalawa, kapag nabawi ko kay Marid ang hangin, may pag-asa na si Dao na maging pinakamalakas sa lima. Pangatlo, bago ako maging tao, papayag na ako sa kagustuhan ni Frit na alamin kung sino nga talaga ang mas malakas samin.”
Nag-isip si Jann.
Alam ni Jin na papayag si Jann sa plano niya. Sa kanila kasing lima, si Jann lang ang walang hawak na elemento. Hindi tulad ni Marid na may tubig, ni Dao na may lupa, ni Frit na may apoy, at ni Jin na may hangin. Pero kahit walang hawak na elemento si Jann, binigyan naman siya ng katalinuhan na hindi maikukumpira sa apat. Kaya nga siya ang nilapitan ni Jin, alam ni Jann kung paano mapapawalang-bisa ang kontrata.
“…kung ako ang papalit sa’yo bilang tagahawak ng elemento ng hangin, sino ang papalit sa akin?” tanong ni Jann.
“..yun ang problema. Hindi pwede si R. Wag siya.” Nag-isip si Jin. “…ikaw na lang ang maghanap, total, ikaw naman ang papalitan.”
“Alam mo namang hindi ko gusto ang nakikihalubilo sa mga tao e.” nagkamot ng uli si Jann at umiling-iling.
Nagtalo nang ilang minuto ang dalawa. Sa huli, pumayag na din si Jann.
“..bakit kasi sa dinami-dami ng kontratang pipiliin mo, yun pang pinakasama?” tanong ni Jann.
Tinutukoy ng genieng mukhang binatilyo ay ang itim na kontrata kung saan bibigyan ng pagkakataon ng isang napakapangyarihang genie ang isa pang genie na maging tao ngunit may napaka-masariling kapalit. Makikinabang lang dito ay ang genieng nagbigay bisa sa kontrata dahil siya lang ang maaaring pumili kung anong kapalit ang gusto niyang makuha.
Sa kontratang ito, may dalawang pagpipilian si Jin: Patayin o gawing genie ang magiging master niya pagkatapos tuparin ang tatlong kahilingan. Pinili niya ang pangalawa.
Sa kaso ni Jin at Marid. Kasama sa kondisyon ni Marid ang pagsisilbi sa kanya ni Jin ng limang taon bilang pangkaraniwang genie. Ibig sabihin, sa limang taon na yun, hindi na kabilang si genie sa royal 5 at mapupunta kay Marid ang kapangyarihang hangin niya.
Meron pang ibang klase ng mga kontrata tulad ng asul, pula, dilaw at luntian. Kaparehas din sila ng itim ngunit may malaking pagkakaiba – yun ay ang limitasyon sa paggamit.
“Parang hindi mo pa alam ang sagot dyan.” Huminto si Jin sa pagsasalita. “…limang taon lang ang gagawin kong pagsilbi kay Marid kapag itim ang pinili ko. Hindi katulad sa ibang kulay na kontrata – matagal na nga ang hihintaying panahon, may limitasyon pa ang pagiging tao ko.”
“Parehas kami ni Frit, Hindi ko kayo maintindihan ni Helena. Ano bang meron sa pagiging tao? Ano ba ang nagagawa nila na hindi kayang gawin ng genieng kagaya natin?” malalim ang iniisip ni Jann. Halata sa tono ng boses na to na nalilito siya.
“Lahat ng kayang gawin ng tao, kaya ng genie… Maliban sa isa… ang mabuhay ng may thrill. Ang genie kayang mabuhay ng ilang libong taon, meron pang powers, mahirap mamatay. Kung iisipin, para na ding immortal. Ang tao… 70-100 years lang ang lifespan… TUMATANDA pa sila. So sa loob ng maikling panahon na yun, ginagawa nila lahat ng makakaya nila para ma-enjoy ang buhay dahil alam nilang maikli lang ito. Nakakagawa sila ng bagay na sobrang nakakapagpasaya sa kanila na kahit sa huling hininga nila, maaalala’t maaalala nila.”
Tumango lang si Jann. Tama naman si Jin. Hindi problema ng mga genie ang kamatayan. Siguro nga… Paano nga kaya kung kagaya sila ng tao na may limitasyon ang buhay. Baka nga maintindihan niya ang gustong mangyari ni Jin.
Kaagad umalis ang dalawa.
Saan papunta?
Saan pa ba… para hanapin si Frit. Pagkatapos ng halos dalawang araw na paghahanap kung saan pwedeng maglagi ang genie ng apoy, natagpuan nila ito sa isang lugar na may minahan. Gulat ang itsura nito nang nakita si Jin at Jann. Nagbaga ang mga mata at umakmang susugurin si Jin. Hindi naman gumalaw si Jin sa kinatatayuan.
Malapit nang dumapo ang kamao ni Frit na may bahid ng apoy nang bigla na lang siyang huminto. Kumalma at tumayo nang maayos.
“…inutil ka talaga kahit kailan, Jin. Dalawang taon ka pa lang na ka-isa namin, ganyan na ang asal mo. Walang kwenta. Wala kang kapangyarihan. Naramdaman ko. Nasaan? Kanino mo binigay?” paangil ang sagot niya. “…sa babaeng yun?”
Si Marid ang tinutukoy ni Frit.
Sa sitwasyong naganap, posible talagang hindi mapansin ng iba pang genie ang pagkawala ng kapangyarihan ng isa sa royal 5. Hindi pa naman kasi pinapakialaman ni Marid ang kapangyarihan ni Jin. Hindi pa niya ito ginagamit sa balak niyang pagkuha ng ibang elemento. At isa pa, wala namang nagaganap na regular na pagtitipon ang lima. Madalas ding wala silang pakialam sa isa’t-isa maliban na lang kung nararamdaman nilang nagkaka-angatan na.
“Alam ko.” May bahid ng pagsisisi ang boses ni Jin. “…kaya nga, kailangan ko ang tulong mo.”
At muling ipinaliwanag ni Jin ang gusto niyang mangyari kay Frit ngunit tinawanan lamang siya nito. Ang lakas naman daw ng loob ni Jin para gawin yun.
“Tayong limang genie… ang royal 5 ay hindi magkakaibigan na laging nagtutulungan, Jin.” Tumawa uli si Frit. “…nasasabi mo lang ba ngayon ‘to dahil kasalukuyang bumabalik ang ‘pusong’ tao mo?” tanong ng isang genie.
“…Frit, dati akong tao. Normal na sa akin ‘to.”
Bigla na namang nagalit ang itsura ni Frit. May naalala siya.
“…oo nga pala, sa ating lima, ikaw lang ang ‘dating’ tao.” Tumahimik sandali si Frit. “…kung di dahil kay Helena, wala sana ang tanga-ng kagaya mo dito. Wala sanang problema. Ano ba ang masarap sa pagiging tao? Wala naman silang kwentang nilalang – mahihina.”
Si Helena ay ang genie-ng dahilan kung bakit naging genie si Jin. Nakipagkontrata din ang babaeng ‘to kay Marid para maging tao. Pumayag si Marid nang walang anumang kapalit dahil gusto niyang siya lang ang babae sa limang royal genie – na siya lang ang reyna. Hindi niya hiniling na mapasakanya ang kapangyarihang elemento ni Helena dahil alam niyang hindi papayag ang babae sa kagustuhan niya. Napapayag din ni Helena si Marid na maging royal 5 ang taong ipapalit sa kanya. Walang choice si Marid kung hindi ang sumunod.
At pagkatapos ngang matupad ni Helena ang tatlong kahilingan ni Jin, ang lalaki ang pumalit sa kanyang pwesto bilang genie na may elemento ng hangin.
“Sige, papayag ako sa gusto mong mangyari, Jin… sa isang kondisyon.” Tiningnan ni Frit si Jin at Jann.
“Ano yun?” sabay na tanong ng dalawa.
“…kasama ako sa pipili ng pwedeng pumalit kay Jann kapag siya na ang pumalit sa’yo.”
Nagkatinginan si Jin at Jann… Iniisip kung tama bang pumayag sa kagustuhan ni Frit. Naisip ni Jin, wala din naman siyang pagpipilian.
“Sige, payag na ako.”
Natuwa si Jin at halos mapatalon sa tuwa. Isa na lang, isang genie na lang at magiging ayos na ang lahat…
“Wag kang pakasigurado, Jin…” nagsalita si Jann. “…kahit na pumayag si Dao, tandaan mo, naka’y Marid ang hangin mo. Dalawang elemento laban sa dalawa. Hangin at tubig laban sa Lupa at apoy. Kahit ako, hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan nito.” Paliwanag ni Jann.
“…naisip ko na yan, Jann… pero alam mo ba kung ano ang wala si Marid na meron tayo?” panimula ni Jin.. “..ito.” tinapik ni Jin ang noo ni Jann, simbolo ng katalinuhan nito.
Napangiti si Jann sa sinabi ni Jin. Ngayon lang kasi siya napuri nang ganoon.
“Ang tao nga naman, mahilig mangarap.” Sumingit si Frit na kasalukuyang nakikinig sa dalawa. “…ni hindi pa nga natin alam kung saan hahanapin si Dao tapos nangangarap kayong matalo si Marid?” kaagad lumayo si Frit para makapag-isip.
Tatlong araw na silang naghahanap… pero wala pa rin. Pero sa tatlong araw na iyon, nakabuo na ng plano si Jann kung paano matatalo si Marid, kung paano maibabalik kay Jin ang kapangyarihan nito at kung paano masisira ang kontrata ng dalawa.
Naisipan muna ni Jin na puntahan si R sa bahay nila. Ano na kayang nangyari sa dalaga? Hindi niya naisip tawagan o kamustahin ito dahil sa paghahanap kay Jan, Frit at Dao.
Gabi yun nang makabalik siya kila R. Katulad nang ginagawa dati, sa backdoor siya pumapasok. Iniiwan kasi itong bukas ng dalaga para sa kanya. Hindi nga siya nagkamali, bukas pa rin ang pintuan. Dahan-dahan siyang pumasok. Hindi niya din kasi alam kung anong sasabihin kay R kung sakaling makita niya ang dalaga.
Naabutan niyang nakaupong mag-isa si R sa sala. Nagbabasa ang dalaga – para siguro sa exam. Pinagmasdan lang siya ni Jin na kasalukuyang nakatayo. Naramdaman naman ni R na may nakatitig sa kanya kaya kaagad siyang luminga. Ikinagulat niya nang nakita niya ang binata. Akala kasi niya wala nang balak magpakita pa si Jin sa kanya.
“Jin!” tumayo kaagad si R at lumapit sa binata. “…saan ka ba nanggaling?” sumimangot si R. “…akala ko, hindi ka na babalik.”
“Bakit? Pumunta ka na naman ba sa junkshop para himasin lahat ng bote?” biro ni Jin. Hinampas siya ni R sa dibdib. Natawa ito dahil naalala na naman niya ang ginawa niya sa junkshop.
“Baliw.” Napabuntong-hininga si R. “Oo nga pala, Jin, may sasabihin ako sa’yo.”
“Ano yun?”
“Nakipaghiwalay na ako kay Marco…” nagulat si Jin. “…binilin ko na din siya kay Gianne.”
“Bakit mo ginawa yun?” hindi alam ni Jin kung matutuwa siya o ano. “R, kahit naman makipaghiwalay ka kay Marco, andun pa rin ang magic… kung gusto mong maging maayos ang lahat, kahit kailan di na kayo pwedeng magkita.” Paliwanag ni Jin.
“Alam ko yun.” Ngumiti si R. “…kaya nga, meron na akong 3rd wish.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Jin…
“Hindi ba sinabi ko sa’yo… hindi ko pwedeng tuparin ang huling kahilingan mo.”
“..Jin, I want my bestfriend back.”
Natahimik ang binata… Inisip niya ang plano nila ni Jann. Hindi pa niya sigurado kung gagana ito pero…
“..sige, R, may isa pang linggong natitira bago maubos ang oras ko. Sa huling araw… doon mo sabihin sa akin kung anong kahilingan mo.. wag muna ngayon. Hindi pwede. Mangako ka uli, hindi ka hihiling bago matapos ang oras ko.”
Nagtaka si R pero tumango na lang siya.
“I promise.”
May sasabihin pa sana ang dalaga nang bigla na lang itong nawalan ng malay.
“R!” dahan-dahan siyang inihiga ni Jin sa sofa. Pinipilit niyang gisingin ang dalaga nang mapansin niya ang isang marka sa braso nito…
Isang triangulo…
At alam mismo ni Jin kung kanino galing ang markang ito.
“FRIT!” sigaw ni Jin.
Ang triangle ang simbolo ng apoy ni Frit. Kapag naman nilagyan ito ng isang pahabang linya sa bandang baba sa loob, simbolo ng hangin ni Jin. Ang baliktad na triangulo naman ay ang simbolo ng tubig ni Marid. Kapag nilagyan ng pahabang linya sa bandang taas sa loob, magiging simbolo ng lupa ni Dao.
Bigla na lang lumitaw si Frit sa sala nila R.
“Bakit mo ginawa yun?!” sigaw ni Jin. Sinugod niya si Frit pero naka-ilag naman kaagad ang lalaki. Sumubsob si Jin sa sahig.. pero kaagad naman siyang tumayo.
“Wala kang kwenta, Frit… Inutos ba sa’yo ni Marid ‘to?”
“Hindi, Jin… Hindi ko inutos kay Frit ‘to.” Bigla namang sumulpot si Marid. Kasamang lumitaw ng babae si Dao…
Nagulat si Jin…
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Jin kay Frit.
“…hindi kami ganoon kadaling makumbinse, jin… lalo na’t wala ka namang ibibigay na kapalit.” Tumawa si Frit. “…dalawa lang kayo ni Jann ngayon. Anong kaya niyong gawin?”
“..si Jann? Anong ginawa niyo sa kanya?!”
“Shit!”, naisip ni Jin. “..si Jann lang ang pag-asa ko para malayo si R dito..”
“Oh well.” Unti-unting lumapit si Marid sa sofa kung saan nakahiga si R. “…may naisip akong paraan para matigil ka na, Jin…” naglabas si Marid ng tubig mula sa kanya kamay.. Inilapit sa mukha ni R…
“Hindi mo siya pwedeng galawin, Marid! Pag pinatay mo siya, hindi mo din makukuha ang ‘hangin’..” galit na galit na si jin pero hindi siya makagalaw. Binabantayan ni Frit ang bawat kilos niya.
“..oo, hindi ko siya pwedeng patayin… pero pahirapan…” ngumiti si Marid.. “…pwede.”
Hindi na napigilan ni Jin ang sarili, wala na siyang pakialam kung anong gawin ni Frit o ni Dao sa kanya. Hinawakan niya ang braso ni Marid.
“Wag mo siyang gagalawin.”
“Wala kang magagawa… maliban sa sundin ang gusto ko.. Napakadali lang naman, Jin.” Bigla na namang nanigas ang katawan ni Jin… “…sundin mo ang nasa kontrata.. tuparin mo ang hiling ni R… NGAYON.”
Sinenyasan ni Marid si Frit. Tumango naman ang lalaki at nawala ang marka sa braso ni R. Unti-unting nagising ang dalaga.
Pagmulat ni R sa mga mata niya, nagtaka siya kung bakit nasa sala siya. Mas lalo siyang nagtaka nang nakita niya si Jin… at tatlo pang tao sa loob ng bahay niya, kasama na dito ang babaeng nakita niyang humalik kay Jin dati.
Napatingin siya kay Jin na nakatayo lang.
“R… ano ang huling kahilingan mo?” si Marid ang nagsalita. “..wag kang matakot, andito lang kami para matapos na ni Jin ang trabaho niya. Genie din kami kagaya ng lalaking ‘to.”
“R, alalahanin mo yung sinabi ko sa’yo. You promised!” Paalala ni Jin ngunit bigla na lang siyang namilipit sa sakit. Si Dao ang may kagagawan nito. Hawak niya sa batok si Jin.
“JIN!” hindi maintindihan ni R ang nangyayari…
“..kung ayaw mo siyang nakitang nahihirapan,R, say your wish.. NOW.” May halong pagbabanta ang boses ni Marid ngayon.
Natakot si R dahil na din sa dalawa pang lalaking nakatitig sa kanya nang masama… pero ano ba ang gagawin niya? Bakit ba ayaw ni Jin na ngayon na siya humiling? Ano ba ang kaibahan kung ngayon siya hihiling o bukas? Nalilito siya.
“…bakit ko kailangang humiling ngayon?” tanong ni R kay Marid.
“..para makalaya na si Jin sa pagiging genie…” ngumisi si Marid. “…at para ikaw ang pumalit sa kanya.”
Nagulat si R sa narinig… Kinabahan siya. Alam niyang seryoso ang babaeng kausap niya ngayon. Tiningnan niya si Jin na kasalukuyan pa ring hawak ni Dao. Nahihirapan siyang makitang ganoon si Jin…
Huminga nang malalim si R.
“…kapag humiling ako ngayon, wag niyo nang guguluhin pa si Jin.”
“WAG, R! Hindi mo alam… hindi mo naiintindihan.”
Hindi magiging kagaya ni Jin si R… hindi mapupunta sa kanya ang hangin. Magiging normal na genie lang siya… Magiging katulad siya ng mga genie-ng pinahihirapan lang… Hindi kayang tanggapin ni Jin na mangyari yun kay R…
“…it’s okay, Jin. At kailangan ko din talaga ang huling kahilingan ko.”
“shit!”, pinilit ni Jin na kumalas pero mas lalong hinigpitan ni Dao ang kapit sa kanya. Kahit na ilang beses pa niyang pukpukin ang kamay ng may hawak sa kanya, hindi ito lumuluwag.
“…my third wish..”
Ngumisi si Marid habang ang dalawang lalaki ay nakatitig nang maigi kay R. Tinakpan ni Jin ang tenga niya para hindi ito marinig. Diniin niyang mabuti kahit na alam niyang maririnig at maririnig niya ito.
“Wag,” bulong niya sa sarili, “..hindi mo pwedeng marinig Jin.”
“—mawalan ng bisa ang 2nd wish ko… na bumalik sa dati ang tingin sa akin ni Marco..”
“Did you hear it cleary, Jin?”
“…you’re still a bitch, Marid.” Tiningnan ni Jin si Marid.. Gusto na talaga niyang patayin ang babae dahil sa ginagawa niya ngayon.
“I know.” Sagot ng dalaga. “…and for the finale,” tumingin si Marid kay R pagkatapos ay kay Jin, “..the kiss.”
Napalunok si R. Alam niyang pagkanahalikan na niya si Jin, matutupad na ang kahilingan niya… at magiging genie na siya. Ayaw niyang tanungin ang sarili kung gusto ba niya ang mangyayari… pero ito na ang pinakamagandang gawin sa ngayon…
“Sandali lang, meron akong itatanong,” tiningnan ni R si Marid.
“..ano yun, R?”
“..if I become one of you, will I still be able to see Jin?”
Nagulat si Jin sa tanong ni R. Nagkatitigan silang dalawa. Mas lalong sumama ang loob ni Jin. Alam na niya… Ramdam na niya.. may pagtingin na din sa kanya ang dalaga.
“…yes, makikita at makikita mo pa rin siya, R… Maaalala mo lahat ng pinagsamahan niyo… PERO.. kahit kailan, hindi ka pwedeng magpakita sa kanya. Hindi ka rin niya maaalala.”
“I see.”
Lumapit na si R kay Jin na pinaluhod ni Dao sa sahig. Lumuhod din si R para maging magkatapat ang mukha nilang dalawa..
“…I’m sorry,” panimula ni R. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Jin. Iniiwas ni Jin ang mukha niya.
“..please, wag…” umiling si Jin habang nakayuko… “…gusto pa kitang makita. Ako naman ang may kasalanan nito.. Ako na lang ang aako.. Hindi mo kailangang gawin ‘to..”
Hinihiling niya ngayon na sana dumating si Jann at ilayo si R dito…
“Stay still, jin.” Boses ni marid na halatang natutuwa sa nangyayari.
Nanigas uli si Jin, hindi na niya maiiwas ang mukha niya. Alam niyang wala na siyang magagawa pa.
“I’m sorry, jin.. hindi pwede.”
Unti-unti nang nilalapit ni R ang labi niya sa labi ni Jin. Ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi nila sa isa’t-isa. Ramdam na nila ang hininga ng bawat isa.
“Teka!” biglang may sumigaw…
Si Jann.
Napangiti si Jin… Natigil naman si R sa ginagawa. Nalilito siya. Sino naman kaya ang lalaking bagong dating? Hindi na niya nagawang magtanong pa kay Jin dahil sa bilis ng pangyayari.
Naging alerto si Marid, sinugod niya si Jann gamit ang tubig – biglang lumitaw ang tubig na hugis bilog galing sa kung saan at mabilis na patungo sa direksyon ni Jann. Yun nga lang bigla na lang itong hinarang ng isang pader na tila gawa sa lupa. Nanlisik lalo ang mata ni Marid habang tinititigan si Dao. Nakagalaw na nang mabuti si Jin… ngayon, naiintindihan na niya ang nangyayari – ito ang sinasabing plano ni Jann – ang planong hindi niya pwedeng malaman hanggang sa takdang panahon.
Ginamit din ni Dao ang kapangyarihang lupa niya para protektahan si Jann habang pilit na lumalapit kay R.
“..traydor.” bulong nito.
Wala nang sinayang na oras si Jann. Mabilis siyang nakalapit kay R. Hinawakan niya ang dalaga sa noo at nawalan ito ng malay. Mabilis din silang nawala ng parang bula..
“JANN!” sigaw ni Marid na nanggagalaiti sa galit. “Frit. Hanapin mo sila Jann, ako ang bahala kay Dao.” Utos ni Marid pero nagulat na lang siya nang nakita niyang may marka siya ng lupa at apoy sa magkabila niyang braso…
Dahil sa tiwala niya kay Frit, nagkaroon ng ‘opening’ at humina ang panangga niya laban sa dalawang elemento. At ngayon, nabigyan na siya ng sumpa. Alam niyang hindi siya mapapatay ng sumpang ito… pero alam din niya kung ano ang pwedeng gawin nito sa kanya.
“…pati ikaw, FRIT?!” nanginginig ang buong katawan ni Marid. Pinagmasdan niya ang kulay pulang guhit na unti-unting lumilitaw sa kanyang braso papunta sa kanang kamay hanggang sa makarating sa gitnang daliri kung saan nakalagay ang singsing ng hangin na dapat ay nasa daliri ni Jin…
“…hindi.” Pinilit pigilan ni Marid ang pagkalat ng pulang marka pero mas lalo lamang bumibilis ang pagkalat nito… “…hindi pwedeng bumalik kay Jin ang hangin!”
Naputol ang singsing at naging abo… Unti-unti ding nawala ang mga pulang marka sa balat ni Marid. Samantala, unti-unti namang may namuong singsing sa gitnang daliri ni Jin..
“…my air.” Ngiti ni Jin..
Tumawa nang malakas si Frit habang ngumisi naman si Dao. Naisahan nilang apat ang pinakamalakas na genie sa henerasyon nila.
“..ano, Marid, babawiin mo ba ang kontratang nasimulan na, o gusto mong matapos na ang pagiging ‘genie’ mo?” banta ni Jin.
Lumapit si Dao at Frit sa binata.
“Kahit na bawiin ko ang kontrata Jin, hinding-hindi na mababawi pa ang unang dalawang kahilingan ni R… at kapag binawi ko ang kontrata, hindi ka magiging tao.” paalala ni Marid.
“Alam ko na yun.. Ang hindi ko lang naman matanggap sa kontrata natin ay ang parteng ‘si R’ ang papalit sa akin. Hindi ko hahayaang maging genie siya… lalo na’t hindi mo naman siya gagawing isa sa pinakamataas… Mahihirapan lang siya.”
Nag-isip si Marid. Hindi siya pwedeng matalo nang ganun-ganun na lang… pero 3 sila… at mag-isa lang siya. Kahit siya ang pinakamalakas sa kanilang lima, hindi niya sila kakayanin nang sabay-sabay..
“Kung hindi mapupunta ang hangin sa akin, kung hindi matutupad ang gusto ko, sisiguraduhin ko ding hindi matutupad ang kagustuhan mo Jin,” naisip ni Marid.
“…suko na ako,” huminga nang malalim si Marid. Pumikit din siya… tila nag-iipon ng enerhiya… Nagsimula siyang magsalita at kumanta…
Narinig na ni Jin ‘to dati… alam din niya ang ritwal kung saan nagpapawalang bisa ng kontrata. Hindi siya pwedeng maloko ni Marid. Pagkatapos ng isang minuto, dumilat na si Marid.
Tapos na ang ritwal.
Napabuntong hininga si Jin. Tagumpay ang plano nila.
“..alam mo, Marid, bakit kaya hindi ka na lang maghanap ng lalaki? Baka mabawasbawasan ang sama ng ugali mo.”
Habang nagbibiro si Jin, bigla na lang siyang sinugod ni Marid gamit pa rin ang tubig.. pero iba ngayon, ang hugis nito ay maninipis na karayom – sobrang dami nito, hindi bababa sa isang libo ang bilang.. Naglabas ng hangin si Jin na pumalibot sa buo niyang katawan. Napigilan ni Jin ang lahat – maliban sa isa na tumama sa kanyang baba.
Kaagad namang sinugod ng lupa at apoy nina Dao at Frit ang babae…
Nasugatan si Marid… meron siyang sugat sa tagiliran at balikat…
Sinalo ni Marid ang isang tulo ng dugo mula sa sugat ni Jin sa pamamagitan ng kanyang tubig. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi maintindihan ng tatlo kung bakit nakangisi si Marid.
Bigla na lang itong kumanta… tila may ginagawang ritwal.
“Jin! Pigilan mo siya!” sumulpot si Jann.. Alerto naman si Dao at Frit at kaagad lumapit kay Marid. Hindi na nakapagpigil si Frit, kaagad siyang naglabas ng dambuhalang apoy at binagsak sa kinaluluhuran ni Marid.
“…TOO LATE.” Tumawa ang dalaga at bigla na lang nawala. Samantala, kaagad namang napigilan ni Dao ang pagtama ng apoy ni Frit sa sahig ng bahay nila R. Malaking pinsala ang madudulot nito sa pangkaraniwang bagay lang.
Wala namang kakaibang naramdaman si Jin…
“..bakit Jann? Bakit kailangang pigilan si Marid?” tanong ni Dao. Nag-alala ito. Alam niyang may mali sa ritwal na ginawa ni Marid kanina. Bigla na lang niyang naalala kung saan niya narinig ang ritwal. Kumunot ang kanyang noo.
“Anong nangyari kay R? Nasaan siya?” tanong naman ni Jin na pinupunasan ang dugo sa kanyang baba. Wala siyang pakialam sa kung anong ginawa ni Marid. Ang gusto niyang malaman ay kung ayos ba si R.
“Okay si R… hindi ko siya maiwanan kanina dahil mabilis kumilos ang mga alagad ni Marid. Kailangan kong itago ang amoy naming dalawa. Saka lang ako nakaalis dahil nawala sila. Naisip ko, siguradong napuruhan niyo si Marid. Kaya sumunod na ako kaagad.”
“Buti naman,” nakahinga nang maluwag si Jin.
“…pero Jin, may problema ka.” Sabay na nagsalita si Dao at Jann. Nagkatinginan pa ang dalawa.
“Ha? ANo yun?” sabay nagtanong si Frit at Jin na parehas na walang ideya sa nangyari kanina.
“…yung ritwal ni Marid bago siya umalis…” umiiling si Dao habang nakatingin kay Jin.
Ipinaliwanag ni Jann ang alam niya…Nagulat si Jin at Frit sa sinabi ni Jann. Bigla na lang natulala si Jin.
“…dahil sa isang patak ng dugo mo, Jin, nakayanang gawin ni Marid ang ritwal kahit na walang kontrata.”
“..hindi pwede yun..” nanghina lalo si Jin.
“MARID!” sigaw niya habang sinusuntok ang pader na pinakamalapit sa kanya. Nag-iwan ito ng bakas ng sira sa puting haligi. Pinigilan ng tatlo pang lalaki si Jin. Gumawa din ng ritwal si Dao para pakalmahin ang binata.
Samantala, hinang-hina si Marid habang pilit ginagamot ang mga sugat na natamo kanina. Nasa loob siya ng bahay niya na malapit sa tabing-dagat. Naiiyak siya habang pinapagaling ang sarili. Bakit kailangan niyang maging mag-isa nang ganito? Gusto lang naman niyang maging pinakamalakas.. Alam niyang kaya niyang pamahalaan nang mag-isa ang mundo nila. Bakit walang nakakaintindi sa kanya?
Ang lungkot at galit ay napalitan ng tuwa nang maalala niya ang sumpang binigay niya kay Jin.
“Ngayon, pare-parehas na tayong walang mapapala, Jin.”
Tumatawa si Marid habang sinasabi ang mga salitang yun.
———-
Oha.. whew… Grabe… Salamat sa mga nagbabasa until now..
~r