Chapter 6 Finding JIN
It’s Sunday.
Hindi ko alam kung bakit ang aga kong nagising at nakaligo. Mamayang hapon pa naman ako magsisimba.
Since I have nothing to do this morning, I decided to search for Jin’s bottle. Hindi kaya nakulong sa bote yun nang hindi ko alam at kailangan na naman niya ako para makalabas uli siya? Saan ko nga ba nailagay yun? Simula kasi noong naging kami ni Marco, hindi ko na nakikita yung bote at hindi ko din naman hinahanap.
Sinimulan ko ang paghahanap sa kusina kung saan ko huling nakita ang bote.
Table—Cabinet—Trash Can – at ultimo ilalim ng mga upuan tiningnan ko na.
WALA..
“Sht, saan ko nailagay yun?”
Isang oras kong nilibot ang bahay. Pinasok ko lahat ng kwarto; binuksan lahat ng pwedeng buksan; at ginapang ko na ang ilalim ng lahat ng kama. Kulang na lang talaga pumasok ako sa loob ng inidoro at i-check kung na-i-flush ang bote. T.T
WALA ang BOTE!
NAWAWALA?!
“Fck!” napasigaw ako.. “..hindi kaya, natabig ni Jin yun nung pinalabas ko siya sa kusina?” tanong ko sa sarili ko. Lumabas ako sa backdoor para tingnan kung nahalo ang bote ni Jin sa ibang bote ng alak.
WALA DIN ANG IBANG BOTE.. Teka, hindi kaya binalik na ni Marco sa tindahan?
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko. Ang dami na palang text ni Marco sa akin. Hindi ko muna binasa para matawagan ko siya kaagad.
“Good morning babe! Buti naman gising ka na. Kamusta ang tulog? Did you miss me?”
“Oh, good morning din babe, yes, okay naman ang tulog ko. Kamusta ang trip niyo?” I asked.. pero di na talaga ako mapakali. I really wanted to ask if he took the bottles.
“Okay naman. We’re already here.” Sagot niya.
“Babe, binalik mo ba sa tindahan yung mga bote sa backdoor?” I asked… Frustration made me bite my nails. Please, say NO..
“Oh, yes, babe. Pansin ko kasing tambak doon ang mga bote. I decided to clean it up for you –“
“WHAT?!” napasigaw ako..
“R, may problema ba? Do you still need those bottles?” tanong uli niya.
“OH MY GOD?! Paano na si JIN?!” Na-isigaw ko.
“JIN?” tanong ni Marco.. “..oh babe, as far as I can remember, wala namang bote ng GIN doon. Beers lang.”
GIN ang akala ni Marco… Hindi ko alam kung matatawa ako o ano e!
“Oh, nothing babe… nabigla lang ako. Thanks for cleaning it up for me… uhm.. Kailan mo binalik ang mga bote?”
“Ah, kagabi lang, pagkarating natin sa bahay niyo. Naliligo ka that time. Uhm. Bakit mo hinahanap? May pag gagamitan ka ba?”
“Ah wala, thank you, babe! Ingat dyan ah! I got to go muna! I love you!”
“Okay, take care, I love you, too..”
Kaagad akong pumunta sa tindahan na katabi namin. Kung naaalala niyo pa, dito ATA nanggaling ang mahiwagang bote.
“MANANG!” sigaw ko..
“OH, R, magandang umaga, anong bibilhin mo?” masayang bati ni Manang sa akin.
“Bote po! Parang alak ang design!” kaagad kong sinabi..
“DYOSKO! Kailan ka pa naging lasinggera? Ke-aga-aga, iinom ka na!”
Natawa ako sa reaksyon ni manang. Pinaliwanag ko kaagad sa kanya na may naibalik si Marco sa tindahan niya – boteng hindi naman sa kanila galing.
“—kakulay ng bote ng R** H****, pero kasing liit ng S** M** L****, meron ding kakaibang korte at walang nakalagay kung anong klaseng alak.” Inulit ko.
Nag-isip muna si manang bago nagsalita,
“Meron nga akong nakitang ganun!”
“Talaga po? Pwede po bang makuha ko na? Kailangan ko po kasi yun.”
“Naku, R… Naibigay ko na sa mga batang magbobote kanina. Ayaw kasi nilang tumigil sa pagkalkal dyan sa basurahan ko kaya ibinigay ko na lang yun.”
“HALA, Manang! KAnina pa po yun? Kailangan ko po talaga yun! Importante po!” halos maiyak na ako nang narinig ko yun.
“Pasensya talaga, R.. kung alam ko lang edi sana tinago ko na lang. Ganun ba kaimportante yun? Kung gusto mo, sundan mo na lang sila kaso mga isang oras na din ang nakakalipas e. Baka di pa sila nakakaalis dito sa baranggay natin.”
Dali-dali naman akong naglakad papalayo nang sumigaw si Manang.
“R! Bumalik ka muna!” bumalik ako kaagad at nakita ko ang mga batang magbobote na nagtutulak ng kariton.
“OY! OY! Mga bata! Kayo na naman? Sinabing wag niyong kalkalin yan!” nag-aalburuto na si manang sa galit.
“Ay, nanggaling na sila Totoy dito..” narinig kong sinabi nung isang batang lalaki.
“Boy, may nakuha ba kayong bote na –“ inexplain ko uli sa kanila ang itsura ng bote..
“ – wala.” Sagot nung batang nagtutulak ng kariton –babae siya “ –sila totoy siguro nakakuha..” medyo nairita pa ako sa tono ng pananalita nila dahil wala man lang halong galang.
“—malamang naibenta na yun sa junk shop dyan sa kabilang barangay.” Sabat naman nung batang talagang pinagtanungan ko.
“Pwede niyo akong samahan doon?” tanong ko.
“Mangagalakal pa kami.” Tinulak nila ang kariton nila.. Wow ah, ang sungit nung babae!
“Teka, papakainin ko kayo kapag nahanap ko yung hinahanap ko.” Ngiti ko sa kanila.
Nagkatinginan silang apat..
“Paano pag hindi mo nahanap? Edi wala din kaming pagkain.”
“O sige, papakainin ko kayo basta samahan niyo ako..” mautak tong mga batang to ah.
–
Nakita nga nila ang sinasabi nilang ‘Totoy’. Sinabi nung Totoy sa akin na naibenta na nila ang boteng yun. Pinaghintay ko ang mga bata at kinausap ko ang may-ari ng junk shop..
“Ah, oo, meron nga.. dito oh..” dinala ako ng lalaki sa parte ng junkshop kung saan nakalagay ang mga bote.. “..ayun miss, oh.. ganun ba ang klase ng boteng hinahanap mo?”
Napangaga ako sa dami ng bote na kagaya ng kay Jin – mga nasa 50 siguro.
“Nasaan po yung pinakabagong benta sa inyo? Yung kakabenta lang nung mga bata?” tanong ko..
“Ay, hindi ko alam miss e, halo-halo na yan.”
Paano na to? Bilhin ko na lang lahat?
“Kuya, magkano po yung boteng ganyan?”
“Para sa’yo, libre na lang.” ngiti ni kuya.
“Talaga kuya?! Salamat!”
“Ilan ba ang kailangan mo?” tanong niya.
“Lahat po.”
Napatulala si kuya sa sinabi ko.
“Seryoso ba yan miss? Kung lahat pala ang kailangan mo, 10 each na lang. Akala ko isa lang e.”
50 times 10.. Naku, wala na akong panlilibre sa mga bata pag binili ko to!
“Ay ganun, sige kuya, check ko muna kung saan dyan ang kukunin ko.”
Damn it Jin… I have no choice but to caress all the bottles here! Sana lang talaga nasa loob ka ng isa sa mga bote dito!
Pasimple akong lumapit sa mga bote at isa-isang ‘hinimas’ ang mga ito.. Ang awkward! Napapansin na nga ako ng ibang mga lalaki na nagtatrabaho doon.
Kapag nahuhuli kong may nakatingin sa akin, binabago ko ang way ng paghawak ko sa bote. Kunwari, tinitingnan ko ang ibang parte nito.
Naalala ko yung sinabi ni Jin, “ayusin mo naman ang paghimas mo sa bote.. yung medyo parang nagsasal—“
KAINIS!
Kung wala lang akong utang na loob sa’yo, nanonood na lang sana ako ng movie sa bahay ngayon at hindi ko na iniintindi kung makulong ka sa bote habang buhay! Wag na wag ko lang malaman na pinagtatawanan mo ako habang ginagawa ko to ngayon.
Taas-baba-taas-baba
NEXT
Taas-baba-taas-baba..nang dahan-dahan..
NEXT
“Ah miss, kelangan mo ba ng mapagpapractice-an?” Nangangalahati na ako nang bigla akong nilapitan nung may-ari ng junk shop. “Pwedeng ako na lang. Mas maganda ang totoo kesa sa bote.” Sabay kindat.
“HUH?” itinigil ko ang ginagawa ko.
“Alam mo na..” tapos tinaas baba niya ang kamay niya sa ere na parang nagsasalsal..
Nakakahiya talaga tong ginagawa ko to! Grabe! Nahalata na ako nung may-ari! Lagot ka talaga sa akin Jin!
“Ate, may boypren ka ba?” buti na lang sumingit ang isa sa mga batang magbobote.
“Oo, bakit?” sinagot ko ang bata at dinedma si kuya. Shet. Ang itim na pala ng kanang kamay ko dahil sa ginawa kong pagsal-… paghawak sa bote.
“Kanina pa kasi may sumusunod sa’yong lalaki e.. Nakatayo siya dun sa mgsa dyaryo oh.”
Tiningnan ko naman ang sinabi nung bata..
“LECHE..” bulong ko.
Dahan-dahan kong nilapitan ang lalaking nakatalikod at naka-cap.. Kinalabit ko muna siya. Pagkaharap niya sa akin, sinampal ko siya nang mahina.. Pinunas ko ang kanang kamay ko sa kaliwang pisngi niya pababa sa leeg hanggang sa dibdib. Puti pa man din ang suot niyang damit kaya halatang-halata ang dumi na nilagay ko.
“R! bakit mo ginawa yun?” tanong ng lalaking sinampal ko..
“Aba, nagtanong pa!” tinaasan ko siya ng kilay. “..baka gusto mong masampal at madungisan din ang isa mong pisngi, JIN?”
Tinanggal ni JIN ang cap niya.
“Hindi na, tama na to.” He grinned. Pinisil ko ang ilong niya gamit uli ang mga daliri kong madumi.
“Ano ba yan! Ang dumi-dumi kaya!”
“Ikaw naman ang dahilan niyan no! Sinadya mong mapapunta ako dito sa junkshop para makita mong sinasal-.. CHE! NAKAKAINIS KA!” pinunas ko sa damit niya ang natitirang dumi sa kamay ko.
“YES, yes, nakakatuwa at nakakalibog ka ngang tingnan. VERY GOOD!” pang-iinis niya. “..pati si kuyang may-ari ng shop tinamaan sa’yo oh!” bulong niya sa akin.
Nagkaroon kami ng ‘harmless’ na pag-aaway ni Jin sa tapat ng junkshop. Nakakairita talaga yung ginawa niya!
“Sandali lang, R! Di’ba may promise ka pa sa mga bata… oh dalhin mo na sa isang fastfood yan. Malapit lang ang ___ dito.”
Kumalma ako. Tinawag ko na ang mga bata at iniwan muna nila ang kariton nila sa junk shop.
Nilakad na lang namin papunta sa kainan. Tiningnan kami nang masama nung guard bago papasukin.
“Muntik pa tayong di papasukin..” sambit ni Jin habang naglalakad kami papunta sa hugasan. “..ahh, kaya naman pala..”natawa si Jin. Napatingin ako sa salamin ng di oras.
Hindi lang pala kamay ang madumi sa akin – pati mukha parang may uling na ewan. Si Jin naman, ang dumi ng harapan ng damit dahil sa akin – may dumi din mukha at sa magkabilang braso niya. Shemay! Kaya pala kung makatingin sa amin ang ibang customer, akala mo hindi kami tao.
“..Mukha daw tayong pamilya ng taong grasa –“ natatawa si Jin habang nagsasalita.. “—ako tatay, ikaw nanay –ang dami nating anak. PITO. Ang galing nating gumawa ah.”
“G*gi!” tinulak ko siya pero natawa ako sa sinabi niya. “..malas lang, lahat nagmana sa’yo. Lahat gusgusin!” bulong ko. Sabay kaming nagtawanan.
Pagkatapos naming maghugas ng kamay. Sinama ko ang mga batang babae sa CR ng girls; the rest, dinala ni Jin sa CR ng boys.
Maayos naman ang damit at tsinelas ng mga bata. Madumi lang talaga ang mukha at mga kamay nila. Isa-isang kong hinugasan ng mabuti ang mga kamay at mukha ng girls. Natapos kami kaagad dahil madali lang natanggal ang mga dumi.
Magkasabay kaming lumabas ni Jin ng CR. Nagtatawanan sila ng mga batang lalaki nang napansin kong madumi pa rin ang mga mukha ng bata.
“JIN! Ba’t di mo pinaghugas ng mukha?” tanong ko…
“Malaki na sila, kaya na nila yan. Ako pa bang maghuhugas –“
Hindi ko siya pinansin at pinabalik ko ang mga bata sa CR. Sinabi kong hugasan nila ang mukha nila.
“Mas masarap kumain kapag malinis.” Dagdag ko pa.
“Mas masarap kainin kapag malinis!” biglang sumingit si Jin.
“HOY! Ang bastos mo! May mga bata!” tinakpan ko ang bibig niya.
“Shnong.. bashtoshwohs..” nagsasalita siya pero di ko pa rin inalis ang kamay ko. Mahirap na, baka bumanat na naman to ng ‘green’.
“Tara na ate! Gutom na ako!” sigaw nung isang bata. Binitiwan ko na si Jin at nagsalita uli siya, “Ano kayang masama sa ‘mas masarap kainin pag malinis’? Hindi naman talaga masarap kainin kapag madumi, diba? Ikaw ata ang bastos e.”
“Oo nga ate, tama si kuya, hindi talaga masarap kumain nang madumi. Naranasan na namin yun. Nakakain na kami ng galing sa basura.”
Tiningnan ko si Jin at nagkibit balikat siya habang nakangisi.
HMP. I bet he really meant something green… or not?
Damn. Now, I’m confused.
—-
We went back home after eating… The kids thanked both of us for the treat. Bakit sinama nila si Jin? Eh ako lang naman ang nanlibre. Hmp.
“So what about your last wish?” tanong ni Jin pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay.
“Hmmm.. wala pa akong maisip e. Why?” Naupo si Jin sa sahig habang ako ay lumagapak sa couch dahil sa sobrang pagod. I guess, I’m not feeling well. “Probably, you want a kiss from that’s why you’re asking..” I joked.
“I don’t have much time left.” Seryoso ang pagkakasabi niya.
Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa wrist watch niya.
“Gaano ka pa katagal pwedeng maghintay?” tiningnan ko siya.
“…just about 30—“ sagot naman niya
“30 days? 1 month?”
“29—“
“I thought 30?”
“28—27—“
“UY! Di nga?!” napabangon ako bigla..
“26—25—“ tuloy-tuloy pa rin siya sa pagbibilang..
“JIN! Hindi magandang biro yan!”
“24— 23— 22—21—“
“Answer me! Walang matutulong ang pagbibilang mo… Natataranta ako sa ginagawa mo!” tumayo ako para lapitan siya..
“20—“ tumigil siya sa pagbibilang at tumingala sa akin. “20 seconds na lang ang kaya kong itagal sa paghihintay…” he showed his famous ‘smirk’ once again… “…bago kita sapilitang halikan uli.”
“What the! NAKAKAINIS! Seryosong usapan yun!” umupo ako sa couch na nasa likuran niya at saka ko siya binatukan.
“Aray! Seryoso nga ako kanina tapos bigla kang bumanat ng ‘you wanna kish mee that’sh why you’re ashking no?” ginaya ni Jin ang pagsasalita ko pero dinagdagan niya ng landi. “At isa pa, sinagot ko lang naman yung tanong mong gaano pa ako katagal pwedeng maghintay ng kiss mo.”
“I wasn’t talking about the kiss!”
Bumangon siya sa pagkakaupo sa sahig at tumabi sa akin sa couch.
“YES, you were! You just couldn’t accept the fact that you miss my lips—you’re still missing it. And right now, you wanna taste it! I can see it in your eyes.” he looked straight at me. “You want me.”
His self-confidence level is up to 100% again…
“Of course, not! Not even a chance! That’s how YOU feel. Sa pagkakaalam ko, ikaw ang may gustong halikan ako.”
“EXACTLY.” He smirked. “May tama ka.” Then bigla niya akong hinalikan sa labi. Tinulak ko siya. “Oops. 20 seconds is over. Sabi ko naman sa’yo, hanggang dun na lang ang kaya kong paghihintay.” Tumayo siya at lumayo kaagad sa akin. Ramdam na siguro niyang makakatikim siya ng mag-asawang sampal galing sa akin.
“JIN! Ang bastos mo tala—“ pagkatayo ko, bigla na lang akong nahilo..
“R!”
Everything went black.
—-
“Magandang gabi miss R.” bati ni Jin. Dahan-dahan ang paggalaw ko dahil masakit ang katawan ko.
“Oh eto, mag tinapay ka muna. Then, drink that.” Tinuro niya ang baso at gamot na nakalagay sa table ni mommy..
Wait..
“Bakit dito mo ako dinala sa kama ni mommy?” tanong ko habang kumakain.
He ignored my question and asked, “Naglalaro ka ba ng DOTA?”
“..huh? Bakit mo naman natanong?”
“..na-first-blood ka kasi kagabi ng boyfriend mo…” he’s trying to suppress his laugh.. “.. wag mo nang ipagkaila. Nasa laundry basket ang pruweba. That’s why dito kita dinala at hindi sa kwarto mo.”
Namula ako.
“Nakalimutan ko nang tanggalin at palitan ang bed sheet kasi di ko naman inakalang makakarating pala ako sa junk shop; manlilibre ng mga bata; at magkakasakit kakahanap sa bote mo!” bawi ko naman.
“WHOAH.. whoah.. no one’s judging you, miss.. haha. Para yun lang e!” he tapped my head like I was a child. “By the way, hindi na natin kailangan pang hanapin ang bote… unless gusto mo akong i-blackmail.”
“Hmm. Okay.”
“30 days…” he sighed. “…yep, 30 days left… pero mas maaga, mas maganda. Sana masabi mo na ang last wish mo para maging normal na uli ang lahat…para sa akin.”
“Well, kung gusto mo na talagang makalaya ASAP… I can wish for anything right now nang matapos na ang paghihirap mo. By the way, pag natapos na ang contract natin, ano na ang mangyayari sa’yo? I mean, nawala ka ng 5 years –” Napansin kong nakatulala si Jin. Nakatingin siya sa kawalan at parang walang naririnig. “Jin?” kinalabit ko siya.
“Ow?” he smiled which is a fake one, I can tell. “Ano uli yun?”
“Are you okay? May sakit ka din? Bakit bigla kang namutla?” Hahawakan ko na sana ang noo niya pero sinangga niya ang kamay ko.
“I’m fine.” He took a deep breath. “…ikaw lang ang may sakit, wag mo na akong idamay.” He smiled.. This time, it’s his ‘smile’ – the real one. “I don’t know what happened. I don’t even know what my real name is. I think my memory was erased and altered.”
“You think? So you’re not sure…”
“Oo. Hindi ko masabing binura lahat ng alaala ko dahil may mga bagay akong naaalala.”
“Like what?” I asked. I’m curious.
“Hmmm… I can remember that I really liked sex…and still like it. BWAHAHA. ” Nagtawang demonyo ang genie.
“Lahat naman e.” I whispered.
“Yep, including YOU.”
Nabilaukan ako sa sinabi niya.
“Uh-huh, don’t deny. Nakaranas ka na kagabi.”
“Why do I always end up talking about ‘sex’ when I’m with you?? Ugh! Kainis!”
—
I’ve been sick for the past 2 days. I’m getting better, though. Thank God, Jin’s here. He took care of me when no one else could. Hindi makauwi ang mommy ko galing Cebu; hindi maiwanan ni ate ang mga anak niya. They said it’s just a fever and I’m old enough to take care of myself.
Tinatawagan si Marco pero hindi sinasagot. Minsan, nakapatay pa ang cellphone. Ano bang nangyayari? Yes, pinayagan ko siyang magbakasyon for 1 week pero hindi ka ba magrereply kung ang nakalagay sa text ng girlfriend mo ‘May sakit talaga ako. Kailan ka uuwi?” And you know that she’s alone in her house? Ni isang text ba hindi mo kayang gawin?
Tinawagan ko uli si Marco…
Toot Toot Toot!
Hinagis ko ang cellphone ko sa couch.
“He turned it off! Pinatayan ako!” Napaupo na lang ako sa sahig. I can’t help but to cry. Before siya umalis, okay ang lahat. Nawala lang siya ng ilang araw, ganito na?
“Mabibinat ka niyan.” Umupo si Jin sa tapat ko.
“I can’t understand. He is – He is under a spell. Bakit ganito?”
Jin is silent.
“Why Jin?”
“C’mon… magbihis ka. Lalabas tayo.”
“NO. Tell me. Bakit? May hindi ka ba sinasabi sa akin?”
“I’ll tell you if you’ll have a date with me.”
I can’t think straight. Hindi na ako nakatanggi.
We went to the mall to watch a movie – Filipino comedy… Naaliw naman ako at nakalimutan ko nang panandalian si Marco. Nilibre din ako ni Jin ng dinner sa isang fine restaurant. This is the kind of date I want to have with my boyfriend… with Marco.
Nakakaaliw si Jin. He tries to lighten up the mood by his ‘green’ jokes. It helps… a lot. And when he talks, it’s about ‘us’ and not just about ‘me’ or ‘him’. There is ‘us’. Hindi katulad nung date namin ni Marco, mukhang ako lang ang interested. Yes, I can see that he’s madly in love with me… pero may kulang. May kulang pa rin. I don’t know what but I don’t want to lose Marco. He’s everything I want eversince I met him.
As soon as Jin and I arrived at my house, I asked him what’s wrong with… Marco.
“Just tell me what’s with him. Pranka, Jin.”
“Okay, pero wag kang magrereact hangga’t hindi ako tapos magsalita.” Tiningnan niya ako. I nodded.
“R, Kahit anong mangyari, in love si Marco sa’yo maliban na lang kung kaharap niya talaga ang taong mahal niya.” Jin looked away.
Unti-unting iniintindi ng utak ko ang sinabi niya.
Kaharap ang taong mahal niya…
Ibig sabihin…
“He’s with Gianne, right now?” I looked at Jin. Shocked ako.
“I’m sorry…” niyakap ako ni Jin. “…I’m sorry, hindi ko pinaalam kaagad sa’yo.”
——–
AN: yung scene kung saan ‘hinimas’ ni R ang bote sa junkshop ay idea ni ms_stress/raped_mind. It was a suggestion months ago nung bago mawala ang PL. That was a more than a year ago. Well, I hope mabasa niya pa ito at nabigyang hustisya ko ang suggestion niya. Haha.
Next chapter will be purely SEXUAL and will be based on MARCO’s and JIN’s POV or narrative style. Which one is better? Haha. Nababaliw na ako. I’m talking to myself.