My djinn 10 We’ll meet again
R’s POV
Grabe… napakakomplikado ng nangyari sa amin ni Jin ah. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa pinagkikwento sa akin nitong lalaking to… Hay, ano pa ba ang hindi ko paniniwalaan? Isang genie ang nasa harapan ko, bakit hindi ko paniniwalaan yung kwento niyang nagkaroon ng kaguluhan dito sa bahay nung wala akong malay. Akala ko panaginip lang nung may tatlo pang genieng lumitaw. Ewan ko, parang pang anime at pelikula lang.
But it doesn’t matter anymore.
Tapos naman na. Pati si Jin, tinapos na din ang mga kailangang tapusin. Hindi pa rin napagdedesisyunan ng apat kung sino ang magiging pang-limang genie pag nakalaya si Jin – si Helena daw ang gusto ni Frit pero ayon kay Jann, ang mga genieng naging tao na ay di na pwedeng mabilang sa royal genies na kagaya nila. So, sabi ni Jin, bahala na daw sina Dao, Frit at Jann kung sino ang pipiliin. Kahit daw sino, ayos lang sa kanya.. WAG LANG AKO.
Nga pala, nangyari na din ang gustong mangyari ni Frit – ang maglaban ‘daw’ sila ni Jin. Hindi ko sila magets… ano namang mapapala nila kung malaman nila kung sino ang mas malakas sa kanila. Mga lalaki nga naman. In the end, wala naman daw nanalo o natalo. Si Jann ang referee. Kaya ayun, unsettled pa rin. Haha.
Ganun din ang sitwasyon ko kay Marco. Wala akong balita sa kanya simula nang nakipaghiwalay ako sa kanya. Siguro, kasama na niya si Gianne ngayon. Hindi na bale, isang tulog na lang… mawawala na ang magic. Babalik na ang bestfriend ko.
Mamayang gabi na matatapos ang oras ni Jin. Hiniling niya na wag na muna akong magbanggit ng kung ano tungkol sa pagiging genie niya hangga’t di niya sinasabi. Pumayag naman ako. Ayaw ko din naman kasing isipin yun sa ngayon.
For the past few days, lumalabas kami lagi ni Jin… Well, ano nga ba kami? Hindi ko din alam. Pero alam kong alam na niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko din ang sa kanya. Baka mamaya pa magkaaminan… Anong ‘baka? Magkakaaminan na talaga. Ako na mismo ang maguumpisa ng topic na yun.
Gusto ko nang itanong, ano na ang mangyayari pag natupad niya ang kahilingan ko?
“Dito na naman?” tanong ko habang umuupo sa bench sa Quezon city circle. Tuwing lumalabas kami, laging ito ang una naming pinupuntahan.
“Oo, same time, same place…” ngiti ni Jin. Wala pang 8am nun kaya hindi pa gaanong mainit sa park. Kumuha siya ng bato at biglang may inukit sa likod ng bench..
“Anong sinusulat mo dyan?” tanong ko at tiningnan ko ang ginagawa niya, “08-01-2011” binasa ko nang malakas. “..date yan ngayon, ah?”
“Yes,”
“Kumusta?” bigla na lang may sumulpot sa harapan namin – si Jann. Mukha siyang high school student dahil sa suot niya. Alam mo yung typical uniform for students – white polo, black pants and black shoes. Yun nga lang, nakabukas lahat ng butones sa damit niya… kaya kita ang white shirt niya sa loob.
“Oh, Jann, nandito ka? Akala ko allergic ka sa mga tao? Eh puno ng tao dito e.” tawa si Jin.
Napakamot ng ulo si Jann at tumingin sa paligid. Tapos parang nandiri ang itsura. Natawa ako. Alam mo yun, mapapansin mo talagang ayaw niya sa mga tao. Napatingin siya sa akin at napangiti.
“Naku, Jann… akin na si R… Makangiti ka dyan ah.” Lumapit si Jin sa akin habang nakatingin nang masama kay Jann – halatang binibiro niya ang isang genie.
“Ayoko lang sa tao dahil manggagamit sila. Doon naiba si R.”
“Jin, ano ba tong pinagsusulat mo dito?”
Napatingin kaming lahat sa likuran ng bench. May isang genie na namang lumitaw – si Frit. Mukha naman tong chicboy na skateboarder slash rakista – nakasandong itim, camouflage short at stylish rubber shoes. Nakasuot din siya ng pulang cap. At medyo mahaba pa ang buhok.
Nakayuko si Frit at tinitingnan ang sinulat ni Jin sa bench kanina. Bigla din siyang kumuha ng bato at may inukit.
“Di ka talaga papatalo Frit?” pinuntahan ni Jin ang lalaki. “…lahat ng ginagawa ko, ginagawa mo din.”
“Wala naman akong nakikitang ‘bawal mag-ukit’ dito.” Nagkatinginan nang masama ang dalawa. “..ilalagay ko lang naman ang letrang ‘F’.”
At parang mag-aaway na naman ang dalawa.
In fairness, nakakatuwa silang tignan. Skateboarder versus… chessmaster? AHAHA.. Kung titingnan mo kasi si Jin sa suot niya ngayon, para siyang genius. Hindi naman geek kasi hot pa rin siyang tingnan. Naka tucked in na polo-shirt na blue, jeans at sneakers – terno lang sa suot kong mahabang light blue shirt and black leggings. Naglagay din ang mokong ng eyeglasses. TRIP lang daw niya.. para maiba naman.
“Magtigil nga kayong dalawa.” – si Dao.
Napatingin kaming lahat sa kanya…
Noong una tahimik lang… pero sinimulan ni Jin at Frit ang ingay. SABAY SILANG HUMALAKHAK. Nadamay na din tuloy kaming dalawa ni Jann.
“DAO!” sigaw ni Frit. “Bakit ganyan ang kasuotang pinili mo?”
Tawa pa rin kami nang tawa.
“Anong mali sa suot ko?” Tiningnan ni Dao ang sarili.
“Ano ka? Senador? A-attend ka ba ng meeting sa kongreso?” si Jin naman ang bumanat… Sa sobrang tawa ni Jin, napaupo na siya sa bench…
“Oh baka pupunta ka sa…” si Frit naman ang bumabanat.. “..Jin, anong tawag doon sa sinasambahan niyo ng Diyos?”
“SIMBAHAN! MAG-AANAK NG BINYAG SA KASAL SI DAO?!” naghigh five ang dalawang makulit na genie na kanina lang ay para nang magbubugbugan sa harapan ko.
Ang lakas talagang mang-asar ni Jin at Frit. Natatawa ako sa kanila. Mga Alaskador.
Nakabarong, black pants at pointed black shoes kasi si Dao. Alam mo yun.. napakapormal ng damit niya. Grabe. Tapos nandito pa kami sa isang park. Kaya ang weird nga talaga..
Nagalit si Dao. TUmigil na kami sa pagtawa ni Jann pero si Frit at Jinn, sige pa rin.
Napatingin sa akin si Dao. Nakakunot pa rin ang noo niya.
“Totoo bang nakakatawa ang suot ko ngayon?” tanong niya sa akin.
“Ah, e… hindi naman siya laging nakakatawa. Andito kasi tayo sa park e. Tanggalin mo na lang yang barong mo. Itira mo ang white shirt.”
TUmango lang siya at sinunod ang sinabi ko. Binitiwan niya ang barong. Unti-unti itong nagiging lupa habang bumabagsak.
Lumapit si Dao sa likuran ng bench – mukhang may inuukit din. This time, wala nang tumatawa sa amin. Nakita ko ding lumapit si Jann kung saan naroroon si Dao… Nagsulat din siya.
“Nakakainis naman..” bulong ni Jin. Nasa tabi ko na pala siya. “Balak ko nga yung date lang ngayon ang nakalagay dito e! Peste tong mga to.”
Natawa ako sa sinabi niya.
“Ang cute nga e. Tara, tayo naman.” Hinila ko siya.
Kumuha ng bato at nilagay ang letter ‘R’.
“Your turn..”
Pinagmasdan ko kung paano niya iukit ang letter ‘J’
Kaming lima ay mukhang ewan.. alam mo yun.. Lahat kami nakayuko at tinitingnan ang likuran ng bench na to.
Pero sa totoo lang, ang cute talaga nung ginawa namin.
Ja | D | F | 08/01/2011 | R | J
Ganyan ang itsura sa likuran. HAHA… Ang sarap kuhanan ng litrato pero ayaw pumayag ni Jin e. Ayun, wala akong nagawa. Hindi na bale, ichecheck ko na lang to palagi pag napadaan ako uli…
Kasama naming namasyal si Dao, Frit at Jann ngayong araw. Pinapaalis sila ni Jin pero ayaw pumayag nung tatlo. Minsan lang daw nila ma-e-experience ang ganitong pamumuhay ng tao. Nagbike din kaming lima. Nagpunta sa playground…
Hindi lang kami sa circle namasyal… pumunta din kami sa malls at sa iba pang pwedeng pasyalan.
–
Umuwi kami ni Jin ng bahay pagkatapos ng nakakapagod na ‘date’ pero syempre hindi na kasama ang tatlo. Lahat na ata ng pwedeng gawin, ginawa na namin.
“Hey,” humiga siya sa tabi ko. “..kailangan ko nang tuparin ang last wish mo,”
“I know, pero hindi mo pa rin sinasabi kung ano ang consequence.”
Nag-alangan pa si Jin bago siya tuluyang nagsalita. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano siya uli nagkaroon ng kasunduan kay Marid kahit na walang kontratang naganap. Habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.
“…kapag natupad ko na ang kahilingan mo, R, whatever that wish is, makakalaya ako sa bote, magiging tao ako… hindi ka magiging genie.. walang mag-iiba… maliban na lang sa… memorya nating dalawa.”
Wag mong sabihing—
No, hindi pwede yun.. sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
“…alam kong nakuha mo na R,” nanginginig na ang boses ni Jin. “…papahirapan mo pa akong magpaliwanag?” tiningnan niya ako.
“…you must be kidding me.” Umiling ako…
Kung tama ang hinala ko, mas gugustuhin ko pang wag nang humiling… pero alam kong hindi pwede yun. Una sa lahat, masasayang lang lahat ng pinaghirapan ni Jin. Pangalawa, hindi ko na lang pwedeng hayaang magkaganun si Marco… hindi ko pwedeng hayaang may sumpa siya. Paano kung sa di inaasahang pagkakataon ay magkita kami bigla? Iisipin na naman niyang mahal niya ako kahit hindi naman totoo. Magugulo lang ang buhay niya.
“Hindi.” Pumikit si Jin. “…tama ang iniisip mo R. Pag natupad ko na ang huling kahilingan mo, makakalimutan natin ang isa’t-isa… wala ni katiting na memorya ang matitira sa isipan nating dalawa.”
Hindi ko namalayang may tumulo ng luha mula sa mga mata ko. Alam kong wala na akong magagawa.
“..that means, no memories of you… of us… of the wishes? kahit ng mga ginawa natin for the past three days? Pati sila Dao, Frit, Jann… di ko na maaalala?” nakatingin lang ako kay Jin na kasalukuyang nakapikit. Tumango siya.
“Then why didn’t you tell me?” hinampas ko siya. “…bakit pa tayo lumabas? Hindi din naman natin maaalala… Ang tanga mo talagang genie ka.” Umiiyak ako habang sinasabi ko yun..
“Kaya nga hindi ko din hinayaang magkaroon tayo ng picture…dahil mawawala rin yun. Ayokong madagdagan yung bagay na hihilingin mong sana hindi mawala. Well, for the past 3 days… aminin mo, masaya naman di’ba?” pinilit niyang ngumiti. Nakapikit pa rin siya. “..don’t worry, tomorrow morning when we wake up, the pain we are feeling right now will be gone. Hindi mo maaalalang may nakalimutan ka pala.”
“…ayoko.” Hinawakan ko ang mukha niya. “…ok lang na maalala ko yung sakit basta hindi kita makalimutan.”
“Kung pwede lang, R.. kung pwede lang..”
Tumindi ang sakit sa puso ko.. Alam kong hindi na to biro.. Bukas, paggising ko, wala na ang genie ko.. wala na si Jin..
At ang pinakamasakit sa lahat ay yung parteng,
“Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit, R?” tanong ni Jin sa akin. Napansin kong may luha na nanggaling mula sa nakapikit niyang mga mata.
“Oo,” sagot ko.. Alam kong parehas kami ng naiisip,
“..yung parteng, mawawala ako sa memorya mo,” tinuloy ni Jin.
“..at yung parte kung saan hindi mo na maaalalang sinabihan kita nito, ‘I love you’.” Dugtong ko.
“I love you, too.” Pinilit ngumiti ni Jin.
“Bakit ba nakapikit ka?” hinampas ko ang braso niya.
“…kasi, gusto kong isipin na panaginip lang ‘to.. na paggising ko bukas, andito pa rin ako sa kwarto mo.”
“Open your eyes.” Utos ko.
He slowly did.
“…maybe, just maybe..” hinawakan niya ang pisgi ko.. “Maybe, we’ll remember… so, don’t ever forget this: Every Sunday, 8am, 3rd bench from the right in front of the tower… Doon tayo laging umuupo at gaanong oras tayo laging pumupunta, di’ba?”
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Jin..
“Every Sunday, 8am, 3rd bench from the right in front of the tower .” Ilang beses kong inulit…
“Yes, I won’t forget.. I’ll remember.” Umiyak na ako nang todo this time… I promise, I want to promise that I’ll remember. I hope I will remember. I WANT to remember! Ayokong makalimutan si Jin.
Tick-tock-tick-tock…
1 minute before midnight.
“..the wish,” hinalikan ako ni Jin sa noo..
Umiling pa ako nang ilang beses bago magsalita.
“…my last wish: I want…Marco…back as my bestfriend not as lover.” Paputol-putol ang pagsasalita ko.
Dinampi ni Jin ang noo niya sa noo ko… Pareho na kaming nakapikit.
Bumalik lahat ng alaala ko tungkol kay Jin… yung gabi kung kelan ko nakita ang bote—nung narinig ko ang sintunado niyang boses—nung nagpakita na siyang half-naked—our first kiss—nung tinupad niya ang 1st wish ko—nung nahuli ko siyang nag masturbate sa sala—nung tinupad niya ang 2nd wish ko—nung nawala siyang bigla—nung hinimas ko lahat ng bote sa junkshop para sa kanya—nung kumain kami sa fastfood chain kasama ng mga batang pulubi—nung gabing may nangyari sa amin—nung hinalikan siya ni Marid—nung umalis siya uli dahil kay Marco—nung bumalik siya pero sinugod naman kami ni Marid—nung 3 days na date namin – yung kakulitan niya kasama ng ibang genie – at yung kanina, nung sinabi naming mahal namin ang isa’t-isa.
Halos lahat ng naalala ko ay masasayang memories kasama si Jin, pero bakit ang sakit pa rin nilang alalahanin? Ang sakit dito sa dibdib.. parang hindi ako makahinga? Siguro dahil alam ko… alam ng utak at ng puso ko na ito na ang huling beses na maaalala ko ang lahat ng yun. Ito na ang huling beses na masasabi ko sa sarili kong meron akong genie na nandyan lagi, na merong Jin…
This will be my last chance to say,
“My djinni,”
“…your wish is my command, ms. R,” I guess, he smiled.
Dumampi ang labi ni Jin sa labi ko…
This is the sweetest kiss I ever received from Jin… yet my heart feels so sad.
——————
It’s Sunday morning.
And again, nandito na naman ako sa circle. I’ve been going here every Sunday morning since last year. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong pumunta dito. Wala naman akong napapala. Kapag tinatanong sa akin ni Marco kung ano ang gusto ko dito, hindi ko din masagot. Hay. Sawa na nga akong magbike e.
Sinagot ko ang cellphone ko.
“Hey, Marco, yes, yes… Nasa circle po. Ow, don’t mind me. Sige, mag-enjoy lang kayo ni Gianne.. Pakumusta na din sa kanya.”
You know, hindi ko din alam kung paano nangyari pero naging kami ng bestfriend kong si Marco. In fact, he was the one who took my virginity… The hell.. grabe, hindi ko alam kung anong nangyari. Actually, nagkagulo pa nga. Gianne was so mad at me. Syempre, I ‘stole’ her guy. Well, matagal naman na yun. Okay na kaming tatlo. Yes, I know.. I was sure I was in love with him… pero nawala bigla. I really wonder what happened to my heart.
Anyway, today is different.
This time, mag-isa lang ako. Wala si Marco, si mommy, si ate o mga kaibigan. So, kahit saan ako pumunta, walang pipigil sa akin. Dati kasi, hanggang sa area lang kami ng mga nagbabike, dun kasi ang gusto nila. I can’t do anything about it. Hindi ko din naman talaga alam kung saang parte ng circle ang gusto kong puntahan.
Hmmm.. magliwaliw na nga muna. This is what I need… siguro?
Habang naglalakad slash jog, napadpad ako dun sa may tower? Yung mataas… yung triangle ang shape tapos may tatlong angels sa itaas. Nakakalulang pagmasdan.
Nag-jog pa ako uli hanggang sa mapagod… Tiningnan ko yung wrist watch ko…
8:15
Naghanap ako ng mauupuan… Tinitingnan ko yung benches.
“3rd from the right,” bigla kong nasabi nang malakas.
Huh? Anong sabi ko? 3rd from the right… Saan galing yun? Nasasapian ba ako ng masamang espiritu? O baka naman babala ‘to? Mamamatay na ba ako? Nyay. Ano bang pinag-iisip ko?
Nevermind.
Nagsimula akong magbilang habang naglalakad hanggang sa makarating ako tapat ng pangatlong bench mula sa kanan. Pinagmasdan ko ito. I feel something about this. Hinawakan ko yung bench… Bakit napakafamiliar nito sa akin?
Then, bigla ko na lang sinilip ang likuran ng bench.. napansin kong may nakaukit.. medyo natakpan na nga pero narecognize ko pa rin ang nakasulat.
Ja | D | F | 08/01/2011 | R | J
“..initials? and a date? That was 1 year and 2 weeks ago.. to be exact lang naman.”
“Ehem.” Biglang may ‘umubo’. Nakita ko ang isang matangkad at matipunong lalaki na tila may balak umupo sa bench na ‘to. Nakasando at shorts na pangjogging siya. He’s handsome… really.. alam mo yun.. Pang model or pang basketball player ang dating. Tantsa ko nasa mid 20s na siya.
“This is my place.” He said while looking intently at me. Hindi ko alam kung galit na tingin yun o nanglalait na tingin. Basta…
“..well, madami namang ibang bench dyan.. I was here first.” Umupo na ako sa bench.
“…yun na nga e, madami naman palang ibang bench, bakit hindi ikaw ang lumipat? C’mon, that has been my place ever since I started going here a year ago.”
Aba, ang sungit. Ako nga ang nauna e. Mahirap makaintindi?
“Hmp. Lagi din ako dito sa circle no, not just you. Basta I feel comfortable in this spot. Gusto ko po dito,”
“There are other benches, why this one????” inis ang tono ng boses niya.
“..because it’s the 3rd bench from the right,” sagot ko.
“..in front of the tower.” This time, sabay kaming nagsalita.
Nagkatitigan kaming dalawa.
“What the… parehas tayo ng iniisip?” he asked. He sat beside me.
“…parang.” Nagtataka din ako. At bakit ganito ako magsalita sa harapan ng mas matanda sa akin. Hindi ko naman ugali to? Mahiyain kaya ako. It seems like I’m comfortable with this man.
“What’s your name?” tanong niya sa akin.
“R Montero.” sagot ko. “ikaw?”
“R? sounds familiar..”
“Oo naman, malamang familiar ang ‘R’… Nasa alphabet ba naman.”
He laughed.
“I’m Jinno H******, Jin for short.” Inabot niya ang kamay niya.
I shook his hand.
My heart started to beat faster than usual. What’s wrong with me?
“..nice meeting you, Jin.”
He smiled. I did, too.
Geez. Bakit parang ang saya ko? Somehow, it seems like I’ve found something special. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Bahala na nga. I really don’t believe in love at first sight… but this guy makes me want to…
“ARAY! Anak ng tokwa!” napatayo si Jin.
May tumamang bola sa kaliwang balikat niya. Kaagad kaming tumingin sa direksyon kung saan galing ang bola.
“Pasensya.” Nakangisi ang lalaking mayabang ang dating. Parehas sila ng body type ni Jin. Pero long hair ang lalaki – parang rakista. Bad sya. Mukhang sinadya niya yung ginawa niya.
“Sige, ayos lang..” pagpapasensya ni Jin pero halata sa mukha niyang nainis siya.
Nakita ko naman ang bola na gumulong di kalayuan sa akin. Tumayo ako at pinulot ko ang bola. May lumapit ding lalaki sa akin. Hindi naman siya gaanong katangkaran pero maamo ang mukha. Parang highschool student nga ang itsura e – baby face.
“Salamat, miss.” Ngiti niya.. Inabot ko sa kanya ang bola.
“FRIT! JANN! Ano pa bang ginagawa niyo dyan?” may lalaking sumigaw. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakakatakot at napakaseryoso ng boses niya.
“Kinuha lang yung bola!” sigaw nung lalaking unang lumapit sa aming dalawa ni Jin – yung may attitude. Umalis na yung lalaking may maamong mukha na kumuha ng bola galing sa akin pero naiwan tong isang lalaki.
Nakangisi siya habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Jin. Parang may gusto siyang sabihin…
“Problem?” tanong ni Jin.
“Ah, wala. Paumanhin sa asal ng kaibigan ko.” Iba ang lalaking sumagot. Nagulat ako kasi ang bilis makarating nung ‘Dao’ sa lugar namin. Seryoso pa rin ang itsura ng lalaki. Napakapormal pang magsalita. “Halika na, Frit… Susunduin pa natin si Marid at Julia.”
“Sasabihin mo ba kay Marid ang nakita natin dito sa parke?” tanong ng ‘Frit’.
“Hindi.” Sagot naman ng ‘Dao’.
“Malalaman niya rin naman balang araw.”
“Hintayin na lang natin ang araw na iyon. At hindi ba, may usapan na tayong Royal 5?”
Ano daw? Mga alien ba ang mga to? Baka nantitrip lang. Di ko maintindihan ang trip nila. Grabe ah.
Kinailangan pang hilahin ni ‘Dao’ si ‘Frit’ para lang lumayo sa amin.
Pinagmasdan ko ang tatlong wirdong lalaki… Parang gusto ko silang kausapin… Parang… HAY.. EWAN! Sumulyap pa ng isang beses yung ‘Frit’ – yung lalaking mayabang bago tuluyang umalis.
Biglang nagring ang cellphone ko.
“Yes, ma? Yes, nasa circle po uli. What? Manganganak na si ate? Oh my. Sige po… Aalis na ako dito.” Tumayo na ako kaagad. Damn. Sa dinami-dami ng araw na pwedeng ipanganak ang 2nd nephew ko, ngayon pa!
“I’m sorry. Kailangan ko nang umalis.” Tiningnan ko si Jin na nakatayo na sa harapan ko.
“..oh.. okay, R.” He smiled. “… every Sunday ka din namang pumupunta dito diba?” tanong niya.
I nodded.
“…so, next Sunday uli… same time, same place?”
“..uh,” hindi ko din alam kung anong isasagot ko.. Hindi ko pa kaya siya kilala tapos makikipagkita na uli? Teka, hindi naman date yun e. Hmm, hayyyy! Bahala na! Parang gusto ko din naman siyang makita uli. At malamang, may kasama na ako uli pag pumunta ako dito next Sunday – may chaperone na.
“..yes, see you, Jin.”
Tumalikod ako nang may ngiti sa mga labi. Kainis. I’m so freaking happy. This is weird.
“Hey, don’t forget, huh!” narinig ko pa ang sigaw niya.
Nilingon ko siya.
“I won’t…” sigaw ko. I waved my hand while smiling. Nakatayo lang din siya doon habang nakangiti.
Yeah, I promise, I won’t forget.
See you next week, Jin.
——–
WAKAS
——–
Amp. Cheesy. Haha.. Spread the love. >:
Sa wakassss! Natapos din tong series na to… ang tagal.. hahaha.. ayun.. thank you sa mga bumasa huh… thank you at nagustuhan niyo ang weird plot. At pasensya na din at medyo magulo ang pagkakasulat… lalo na sa gitna kung saan ‘narrative’ ang ginamit kong style – medyo nag-experiment kaunti. Naku, siguro, I’ll stick with the ‘POV’ style. Haha.
Okay.. one series down, two to go. Fool me not and EKS..
~r