my Djinn (3)

Author Name: r | Source: pinoyliterotica.com

***


***

“And you’re supposed to clean this mess!” sigaw ko habang tinititigan ang mga kalat sa living room.

2 hours later…

“JIN!” kinausap ko ang bote. “Iniisip mo ba talagang ako ang maglilinis nito?”

Inalog-alog ko ang bote pero wala pa ring lumalabas.

“Kapag hindi ka lumabas dyan! Itatapon talaga kita!” Itinapat ko ang mukha ko sa bote at ipinakita ko ang salubong kong kilay. “I’m dead serious!”

“Ayaw talagang lumabas ah..” lumabas ako ng bahay at lumabas sa terrace. Itinaas ko ang bote at umakmang ihahagis ito nang mapansin kong may lumalabas na usok. Unti-unti itong naghuhugis tao.

Ulo-leeg-balikat-braso-katawan-kamay na nakatakip sa pagkatao ng loko-hita-paa.

“Kung makatakip ka dyan, akala mo pinagnanasaan kita!” Tinulak ko siya pabalik sa loob ng bahay dahil baka may makakita sa amin. Ibinababa ko na din ang bote sa sofa.

“Ah ganun! Hindi ka pala affected ah!” tinaas niya ang dalawang kamay na parang nagbubuhat ng barbell at biglang humarap sa akin. Kitang-kita ko uli ang pagkalalaki niya.

“ANO BA!!! Tumalikod ka nga!” Tinakpan ko ang mga mata ko.

“Ok na, ok na. Nakatakip na ng unan.”

Dinilat ko naman ang mga mata ko.

“BALIW!! GRR!”

HIndi naman nakatakip. Nag-iba iba siya ng pose, feeling niya bodybuilder siya.

“Ibabato ko uli sa’yo yung bote! At kapag napunta ka sa loob, ibebenta, ay ibibigay pala kita sa junk shop!” Kinuha ko ang mahiwagang bote sa sofa at itinutok sa kanya.

“Eto na nga po oh, nakatakip na ng unan.” bumait ang tono ng boses niya.

“WAG MONG IDIKIT YANG UNAN NAMIN SA BUTOTOY MO! ano ba yan! kadiri!” sigaw ko pa rin.

“EH ano palang pantatakip ko? Kapag kamay ko naman, hindi pwede..” tiningnan niya ako at parang nanloloko. “..malaki e! Di’ba?” he smugged. Napakalakas talaga ng self-confidence ng lalaking ito.

“Ewan ko sa’yo! Oh saluhin mo uli ah!”

“WAG po, wag po!” kung sumigaw sya, parang ginagahasa. AMP! “Ayoko na pumasok! Pagod na ako. Wag pooo!”

“Gago ka! marinig ka ng kapit bahay na ganyan! Mamaya kung ano isipin sa akin!”

Tumawa lang siya na parang wala siyang ginawang masama.

“Totoo naman, ayoko na dyan. Tandaan mo, kapag nahawakan ko o di kaya nadikit sa balat ko ang bote, makukulong ako uli sa loob at tanging ikaw lang ang makakapagpalabas sa akin.”

“Eh bakit hindi ka kaagad lumabas kanina?” itinago ko sa likod ko ang bote.

“Kasi, nakakatuwa kang panooring magalit..” tumawa uli sya at talaga namang nakakapang-init ng ulo ang tono ng pananalita niya. “At sa susunod, magplease ka naman.. o kaya, itapat mo na lang yung bote sa computer.. tapos search ka ng porn.. o kaya naman ‘konting himas’ sa bote, pwede na!” itinaas baba niya ang medyo nakasarang kamay niya sa hangin at nagets ko kaagad ang ibig-sabihin nun.

Iniwan ko na lang siya sa living room at pumasok sa kwarto dahil sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag ang mommy ko.

“Hello ma? Madaling araw na po ah. May problema po ba?” magalang na pagtatanong ang ginawa ko.

“Oh, R, pasensya na kung nagising kita..”

“Okay lang po yun, mommy.”

“Anak, sa tingin ko, okay na ang pakiramdam ko. HIndi na ako nasasaktan kapag naaalala ang pagkamatay ng stepdad mo. Masaya na ako para sa kanya.. kung nasaan man siya.”

Wow. I’m so happy. Hindi na ako nakapagsalita. My wish is already granted!

“Wow, ma.. I’m really.. happy to hear that! SO uuwi ka na po dito?”

Excited na ako.. Sa wakas makakasama ko na ang nanay ko dito sa bahay. Hindi na ako malulungkot. Mararanasan ko na uli ang mga pangaral niya sa akin. Kung dati naiinis ako, ngayon hindi na. Sobrang nakakamiss ang pakiramdaman na may nanay pala ako.

“Hmm, hindi pa muna, R. Sana ayos lang sa iyo yun.”

“Ah ganun po ba.. Ok lang yun ma.. basta ok ka na.” Sinubukan kong gawing masaya ang tono ng boses ko. At mukha namang gumana ito.

“Talaga, anak. Kaya pala ako tumawag ay para sabihin sa’yong magbabakasyon muna ako. Mga ilang linggo din akong mawawala. Alam mo namang pangarap namin ni Lito ang mag libot libot sa iba’t-ibang lugar dati. Hindi lang natutuloy. Gusto ko matupad yun kahit ako na lang..” masaya ang tono ng boses ni Mommy.

“Sino po kasama niyo? Kaya niyo po ba? Alam na po nila ate?”

“AKo lang mag-isa. Mas okay yun. At oo, kakatawag ko lang sa ate mo kanina. Masaya din sya sa ibinalita ko. DOn’t worry anak, kaya ko pa, hindi naman ako ganoon katanda. Alagaan mo ang sarili mo ha at wag gagawa ng kalokohan! Dyan na ako uuwi pagkalipas ng isang buwan.”

“HAHA, ako pa ma, ang bait ko nga e.”

“O sige anak, matulog ka na uli. I love you! Ingat ha.”

“I love you, too, ma. I miss you.. Ingat din po. Oh ha, rayuma. HAHA.”

I tried to wash away the pain by laughing.

“Haha, tong batang to, salamat anak at pasensya na muna.”

“It’s ok ma.. It’s ok.”

…kahit hindi naman.

“Oh? Ok na 1st wish?” biglang nagsalita si Jin.

“Yeah,” sagot ko naman habang nakatalikod pa rin sa kanya.

“Bakit hindi ka masaya?” tanong niya.

“Anong hindi, masaya ako..” kaagad akong humiga sa kama at nagtalukbong. “Thank you, Jin.”

“Talagang dapat magpasalamat ka, dapat bukas pa yan e. pero dahil malakas ako sa mga bossing, natupad kaagad.”

Hindi na ako sumagot. Masakit malamang hindi pa rin ako ang 1st priority ni mommy.

1 week later

OK naman ang pagtira ni Jin dito. He’s harmless.. pero may pagkamanyak pa rin. Bumili na din siya ng mga damit niya. HIndi ko alam kung saan siya nakakuha ng perang pambili. Hindi naman siguro galing sa masama diba?

9am…

May nagdoorbell… Kaagad naman akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate.

“Marco!” niyakap ko kaagad ang bestfriend ko nang makita ko siya. “I missed you! Di ka man lang nagparamdam!” nakayakap pa rin ako sa kanya.

“Oh, andyan pala ang gf mo.” dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya dahil nakita ko si Meg sa loob ng kotse ni Marco.

“Kaya nga ako dumaan dito dahil namiss kita.”

“So are you going to stay for a while?” tanong ko at tiningnan ko si Meg. Mukhang inip na inip na ito.

“R! gutom na koooo!” biglang may sumigaw galing sa loob ng bahay. Si JIN. wala na talagang nagawang mabuti to.

“Ms. R, r, sino kausap mo?” lumabas ito ng bahay nang nakashorts lang. Pinangangalandakan na naman niya ang katawan niya.

“Sino sya?” tanong ni Marco. “..Ts! wag mong sabihing.. alam na ba ni tita to?” may inis sa boses ni Marco. Alam niyang hindi ako ganong klaseng babae.. babae na porke’t wala lang ang magulang sa bahay, gumagawa na ng kalokohan.

Pagkatapos biglang may lalaking topless na lalabas galing sa loob ng bahay namin. WAH. Syempre, iba maiisip niya.

“It’s not what you think.. I promise.. He’s a..”

Genie?

Baka akalain ni Marco, nababaliw na ako.

“He’s a?” tanong ni Marco..

“Imma be, Imma be, Imma Imma Imma be…” biglang kumanta si Jin. “Imma be, Imma be, Imma Imma Imma be…”

Hindi ko napigilang tumawa. Na-adik na talaga siya sa kantang yan ng black eyed peas.

“R?” seryoso na ang mukha ng bestfriend ko.

“He’s my voice instructor.. mga 3 months din niya akong tuturuan..”

“Bakit wala siyang damit?” bulong ni Marco.

“Mainit daw. at medyo makapal kasi ang mukha niyan. Wag mo na lang pansinin.” sagot ko. Sinadya kong lakasan para marinig ni Jin na kasalukuyan pa ring kumakanta.

BEEP BEEP!

Lumingon si Marco kay Meg at sumenyas “1 minute.”

“So you’re not going to stay?”

“We’re not. Sorry.. pero at least nagkita naman tayo.. bye!” niyakap uli ako ni Marco.

“Okay, best, ingat.”

Tiningnan niya muna si Jin bago tuluyang umalis. Pinanood ko ang bestfriend kong pumasok sa loob ng kotse-sa driver’s seat. Nginisian ako ni Meg pagkatapos ay bigla niyang hinila si Marco palapit sa kanya para halikan sa labi. Hindi tinted ang kotse kaya kitang-kita ko ito.

Ouch. B*tch.

Alam niyang may gusto na ako kay Marco bago pa siya niligawan ng bestfriend ko. At alam kong sinagot lang niya si Marco para saktan ako. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ng babaeng iyon.

9pm

“R, may 2nd wish ka na ba?” seryosong tanong ni Jin sa akin.

“Bakit mo tinatanong? May 3 weeks pa bago ako makapagwish uli diba?” tanong ko habang nagliligpit ng pinagkainan.

“Para alam ko lang..”

“uhm.. ayoko namang pauwiin si mommy dito dahil pangarap na niya ang pinag-uusapan… Wala pa akong maisip e.”

“Hmm ok, may tatlong linggo ka pa naman..”

Tumunog ang cellphone ko.

“Hoy, Jin, kaninang umaga ka pa kain ng kain.. Pwede bang ikaw naman ang maghugas ng plato?” naghugas at nagpunas ako ng kamay. Tumakbo ako sa kinalalagyan ng cellphone ko. Kinuha ko ito at kaagad sinagot.

“R..”

“Marco? Bat ganyan ang boses mo?”

“Dito ako labas ng bahay niyo..” mukhang lasing siya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyha,  ”Di ko makita ang door…dooorbell.”

Tumakbo ako palabas ng bahay at tumungo sa gate. Nadatnan ko ang bestfriend kong nakaupo sa kalsada, sa tabi ng sasakyan niya. Nilapitan ko siya kaagad at tinulungang tumayo.

“Anong meron, best?”

“Wala naman. HAHA.”

“HALA! Anong nangyari sa mukha mo?!” sigaw ko nang matamaan ng ilaw ang mukha niya. Namamaga ito at may mga nanuyong dugo sa ilong at labi niya.

“Si meg kasi e..” Nabitawan ko siya kaya napaluhod siya. PAti ako nahila pababa! Sakto namang dumating si Jin.  Gamit ang malaki niyang katawan, inalalayan niya si Marco hanggang sa guest room.

“What happened?” tanong ko habang inaalis ang damit ng bestfriend ko.

“Si Meg pala, may ibang boyfriend pa.. r, bat tama ka? may powers ka?” natatawa siya pero alam kong masakit para sa kanya yun. At nasasaktan akong makita siyang ganito…Tinanggal ko ang sapatos niya sa magkabilang paa, pati na rin ang medyas. “Akala ko mag-isa lang yung lalaki, madami pala sila.. Di man lang ako tinulungan ni Meg. Di niya inawat..”

“OH MA’AM” anlakas ng pagkakasabi ni Jin kaya napatingin sa kanya si Marco… Kinuha ko ang medkit na hawak-hawak ni Jin.

“Ayiee, bat nandito pa yan? Boyfriend mo na ata yan best.. Di ka man lang nagsasabi…” tatayo sana siya para kamayan si Jin pero pinigilan ko siya. “Ano ba best, dapat kilala ko ang boyfriend mo.. para kapag niloko ka niya…”

“Marco,” tiningnan ko siya at umiling ako.

“Alis na muna ako.” paalam ni Jin. Isinara niya ang pintuan ng guest room.

Pinaupo ko naman si Marco sa kama.

“Next time, wag na makipag-away. It’s not a good thing. At di’ba sinabi ko ng wag kang magddrive ng lasing!”

“R, r, r, r, r, r, r, r, r,” paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Lagi niya yung ginagawa kapag gusto niyang humingi ng ‘sorry’ sa akin.

“Forgiven…” sagot ko habang ginagamot ang sugat niya sa mukha. “Ayan, ok na…” nginitian ko siya.

“Bakit forgiven kaagad?” tanong niya. “Since elem tayo, ganyan ka na. Kapag nagsorry ako, di mo man lang tinatanong kung anong dahilan ng pagsosorry ko.”

“Kasi kahit naman anong maging kasalanan mo, kayang kaya kitang patawarin… ganyan kita kamahal, marco.”

Alam kong okay lang na sabihin ko sa kanyang mahal ko siya dahil ang alam niya bilang bestfriend lang. Pero everytime na sinasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, hinihiling ko na sana mahal din niya ako higit pa sa pagiging magbestfriend lang.

Kumuha muna ako ng t-shirt ni Jin galing sa cabinet para may magamit si Marco.

“Mahal din kita, bestfriend. Salamat sa lahat ah.. kahit andami kong kalokohan andyan ka pa din.” Nahiga na siya sa kama. Wala pang limang minuto, alam kong tulog na siya.

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan nang mabuti ang mukha niya. Nabugbog nga talaga siya. ‘Sayang naman ang mukha mo best.’ bulong ko.

Lumapit pa ako lalo s kanya para mahawakan ang magkabilang pisngi niya.

“I love you, best.. ” ibinulong ko sa tenga nya. Hindi ako natakot na baka marinig niya dahil matagal ko ng gustong sabihin.. “Mahal talaga kita hindi lang bilang matalik ba kaibigan.. It’s more than that..” hinalikan ko siya sa labi. Alam kong mali pero ito lang naman ang pagkakataon ko para gawin yun.

“Meg?” biglang nagising si Marco.. “Ui, R, ikaw pala yan..” pumikit siya uli. “Napanaginipan ko si Meg, I really felt her lips on mine.” tumalikod siya sa akin. “Tinamaan talaga ako sa kanya.”

Bull’s eye. Ang sakit.

“It’s me, Marco.. I was the one who kissed you and not that girl…” gusto kong sabhin sa kanya ng deretsahan pero hindi ko magawa. I’m weak and I’m afraid to lose him.

Lumabas ako ng guest room para kausapin si Jin.

“Oh malungkot na naman..” bati niya kaagad.

“I know what my 2nd wish is..”

It’s a good thing Jin’s sitting. Hindi ko na kailangan pang hilain siya pababa para mahalikan ko.

“What is…”

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at hinalikan ko siya bago niya pa matapos ang itatanong niya. Alam kong nagulat siya dahil ilang segundo din siyang tulala. Inilayo ko na ang mga labi ko sa labi niya. Akala ko kasi okay na. Yun pala hindi pa. Hinabol niya uli ang labi ko at mas nilapit niya pa ang katawan ko papunta sa kanya. This kiss is gentler than the first one we had. Ang sarap sa feeling… I sat on his lap as the kiss went deeper and sweeter.. kaso naalala ko si Marco na nasa loob ng kwarto.

I quickly pulled away from the kiss  and wiped my mouth with my hand.

“Why did you stop?” tanong ni Jin na kasalukuyan pa ring nakawak sa likod at hita ko.Hindi ko alam kung bakit siya nagtataka at inihinto ko yun.

“What do you mean by ‘Why’?” tumayo ako at tiningnan siya.

“Mukhang enjoy na enjoy ka naman ah.. Bakit hindi mo pa tinuloy?” seryoso ang pagkakatanong niya.

“HAHA. Jin. Ano ba naiisip mo? Hinalikan kita dahil sabi mo kailangan yun para matupad ang 2nd wish ko. Yun lang.”

“Yun lang?”

“Yeah, yun lang.” I know it sounds rude but it’s the truth.

“Aray, di gumana ang charm ko.” nagkamot siya ng ulo.

“Talagang hindi, lalo na kung sa akin mo gagamitin.” tawa ko.

“ano na bang wish mo?” tanong niya. “Bakit biglaan? Pero after 3 weeks pa naman matutupad.”

“I know. Pero gusto ko ng sabihin ngayon.. Baka kasi magbago ang isip ko.”

“Hulaan ko nga yang wish mo..” itinapat niya ang hintuturo niya sa noo niya habang nakaupo at nakayuko. “Mawala ang hinanakit ng bestfriend mo?” ngumiti siya.

Nginitian ko si Jin.

“Tama ako no?” his smile became wider.

“Hindi pero malapit na.. hmmm. i want you to

.

.

.

make Marco fall in love with me.”

Jin’s expression changed… nawala ng panandalian ang ngiti niya pero kaagad naman itong bumalik.

“Your wish is my command.. ms. R.”

***

loneliness + rejection = </3

~