SHARE LANG. MAGPALAMIG MUNA. “Kwentong Kababliwan”
LINGGO noon. Nakatakda ang
araw na ‘yon para
sa date namin ng
girlfiend kong si Maji. Pero
tumawag s’ya sa ‘kin at
sinabing cancel muna ang
date dahil sasamahan
niya daw
ang kanyang tita sa isang
importanteng lakad.
Sabi ko okay lang,
naintindihan ko. Subalit dahil
wala akong magawa
sa bahay at talagang
bored ako noon, ako na lang
ang pumunta sa mall
at nanood ng sine
mag-isa. Libang na libang ako
sa paggagala sa
mall, di ko alam na iyon
na
pala ang katapusan ng mundo.
Pagpasok ko sa entrada ng
sinehan, nagulat ako
sa nakita sa may snack
bar. Si Maji! At may kasama
siya–hindi ang
kanyang tita–kundi isang
lalaki. Nakaakbay pa ito sa
kanya. Shocked ako
pero ganunpaman, gusto
kong ipaalam sa kanya na
nandoon ako at nahuli
ko siya. Pero di man
lamang s’ya nagulat nang
makita ako. Relaxed
s’ya at nakangiti pang
sinabi sa ‘kin: “Tapos na ang
lahat sa atin.” “Ha?”
Di na ‘ko
nakapagsalita.
Gusto kong magalit sa kanya.
Gusto kong sapakin
ang lalaki. Gusto kong
umiyak.
Pero kinimkim ko ang lahat ng
aking naramdaman
at sinabing “Wala akong
magagawa…basta kung saan
ka masaya..”
Tumalikod ako agad at
pumasok sa loob ng
sinehan. Doon ko ibinuhos
ang lahat ng pinigilan kong
lumabas sa aking mga
mata. Komedi ang palabas at
nagtatawanan ang
mga tao sa paligid
ko ngunit ako nama’y abala sa
pagdadrama sa
aking kinauupuan.
Natapos ang pelikula na di ko
naintindihan ang
istorya. Wala ako sa
sarili hanggang sa pag-uwi ko
sa boarding house.
Kinabukasan, nagdesisyon
akong umuwi sa
probinsiya namin upang
makalimot. Mataas ang araw
noon at mainit ang
biyahe, pero wala pa
ring tigil ang ulan at bagyo sa
aking mga mata.
Mabigat pa sa aking mga
bagahe ang dinadala ko
sa aking
dibdib. Kahit na wala pa
kaming isang taon ni Maji,
masakit pa rin sa
‘kin ang
nangyari dahil mahal ko
talaga s’ya. Di pa man
nakakalabas ng
Maynila ang bus na aking
sinasakyan, bigla kong
naisip na bumaba.
Wala nang silbi pang mabuhay
kaya naisip kong
magpakamatay na lang.
Inakyat ko ang isang billboard
ng GMA7 kung
saan nakalarawan dito ang
final 14 ng Starstruck. Dream,
believe,
survive. “Kagaguhan!” sabi
ko. “Tingnan ko lang kung
makaka-survive pa ‘ko
pag tumalon ako mula
rito…
maliban na lang kung may
pipigil.” Pero wala
ngang pumigil. Dahil
walang nagmamalasakit.
Walang nagmamahal.
Tumalon ako. ”
Aaaahhh…blag!”
Nabagok ang aking ulo sa
gulong ng trak ng
MMDA na sa mga oras na ‘yon
ay nagsasagawa ng wet flag
scheme. Hindi naman
ako namatay.
Wala lang akong maalala
pagbangon ko. “Sino
ako? Anong ginagawa ko
rito?”
tanong ko sa sarili ko. Nagka-
amnesia ako.
Mula noon ay nagpalaboy-
laboy ako sa lansangan.
Sa ilalim ng overpass
ako natutulog at doo’y
madalas na ka-jamming ko
ang mga taong-grasa at mga
rugby boys.
Namalimos ako sa daan,
papunas-punas ng mga
sapatos ng pasahero ng
jeep, o kaya’y
humihingi ng ‘love offering’ sa
mga pasahero ng
bus. Umasenso naman
ako hanggang sa
makapagtinda na ‘ko ng
fishball,
squidball, at
kwek-kwek.
Kung anu-anong trabaho ang
pinasukan ko para
lang may maipanlaman sa
kumukulo kong tiyan.
Nagbenta rin ako ng mga
pirated na CD,
VCD, at DVD. Pero di pa rin
sapat ang kinikita ko
sa pagbebenta ng mga
produkto kaya ibenenta ko na
rin pati ang aking
sariling laman.
Nagpagamit ako sa kung sinu-
sinong bakla at mga
matrona. Kumita ako ng
malaki. Subalit sadyang
malupit sa akin ang
tadhana dahil sa isang
iglap ay nawala lahat ng aking
pinaghirapan.
Nadukot ang wallet ko
nang makipagsiksikan ako sa
libing ni FPJ.
Nalungkot akong lubha at
nawalan ng pag-asang
makabangon pang muli.
Nang biglang tumunog ang
cellphone ko. May nag-
text. Sabi sa message,
ang Oracle
daw ang tanging
makapagbabalik sa aking
alaala.
Nag-reply ako: hu u?
Pero di na s’ya nag-text back.
Di ko alam kung
saan ko hahanapin si
Oracle.
Nilibot ko ang kamaynilaan.
Ipina-blotter sa pulis.
Ngunit kahit anino
ni Oracle
o ni Madam Auring ay di ko
nakita.
Naisip kong baka wala s’ya sa
siyudad kaya
pumunta ako sa mga
probinsiya. Nakarating ako sa
kabundukan ng
Quezon Province pero mga
illegal loggers lang ang
nadatnan ko. Nilisan ko
ang lugar na ‘yon at
sa pagbaba ko ng bundok,
nasalubong ko ang
mga nagtatakbuhang…
hobbits! — sina Frodo,
Samwise, Merry, Pippin, at
si… Dagul yata
ang pangalan ng isa.
Hinahabol daw sila, hindi ng
mga ringwraiths
kundi mga.. battle droids ng
Starwars! “Huh?!
Ano ‘to?!! Nasa’n ba
ako?!!!” Sa sobrang lito ay
nakitakbo na rin ako.
Napakaraming kalaban. Libo-
libong droids.
Kakampi pa yata
nila ang mga robot sa I,
Robot.
Mabuti na lang at dumating
ang mga astig na
superheroes: sina
Superman, Batman,
Spiderman, Daredevil, Blade,
Van Helsing, Elektra,
X-Men, Charlie’s Angels,
Powerpuff Girls, the
Incredibles, Voltes V,
Mulawin, Capt. Barbell,
Darna, Volta, Krystala,
Lastikman, Panday,
Andres Bonifacio…marami
pang iba.
Madaling natalo ang mga
kalaban. Subalit…
sugatan si Frodo. May
tama siya. At may iniabot siya
sa akin –isang
singsing! May elvish
inscriptions dito na sa tingin
ko’y hindi kayang i-
decode kahit ni
Dan Brown. Pero bago pa man
malagutan ng
hininga si Frodo, nasabi
niya sa akin ang kahulugan ng
nakasulat: “God
will never leave you
empty. He will replace
everything you lost. If He
asks you to put
something down, it’s because
He wants you to
pick up something better
and best for you.” Inilagay ko
ang singsing sa
bulsa ng aking
pantalon at nangakong
iingatan ko iyon.
Samantala, nagdiwang ang
mga superheroes sa
pagtatagumpay. Gumimik
sila sa Libis at nag-inuman.
Sasama sana ako
pero sabi ko kailangan
kong umuwi ng bahay dahil
ending na ng Lovers in
Paris.
Pero naalala ko na may
amnesia pala ako at di ko
alam
kung saan ako nakatira kaya
sumama na rin ako.
Habang nagdi-disco
ang Justice League kasama
ang Marvel
superheroes, nagtugtugan at
nagkantahan naman ang mga
anime’ heroes.
Panalo sa Japan!
May ledge dancing pa sina
Wonder Woman,
Catwoman, Black Mamba, at
Sailor Moon!
Pero di rin kami nagtagal sa
lugar na ‘yon. May
nagyaya kasi na
pumunta sa Baywalk dahil
may show daw doon
ang The Bodies.
Ang saya-saya! Idagdag mo na
lang si Kuya
Germs, kahit wala nang
tulugan!
Subalit naudlot ang
kasayahang iyon nang biglang
lumindol… at mula sa Manila
Bay ay dumating ang
isang
dambuhalang… TSUNAMI!!!
Swooossshhh!!!
Naitaboy ang mga
superheroes. Hindi nakayanan
ng kanilang powers
na pigilin ang dumating
na
sakuna. Mabilis na bumaha
ang paligid at nalunod
kaming lahat. Oo, pati
sina Aquaman, Marina, at
Nemo. Patay kaming
lahat. Dumilim ang
kapaligiran. Katahimikan.
“Gising! Gising!” Isang tinig ng
lalaki ang
narinig ko. Pagdilat ko, nakita
ko ang isang
lalaki. “May tiket na po
ba
kayo? Sa’n po kayo bababa?”
“Huh?!” nagulat ako.
Kunduktor pala iyon ng bus.
Panaginip lang pala ang lahat!
Nasa bus pa pala
ako at pauwi ng
probinsiya. “Sa Tarlac po,”
sabi ko sa kanya pero
ang mga mata
ko’y nakatitig sa kanyang t-
shirt na may nakasulat
na “the Oracle”.
Parang narinig ko pa si
Morpheus na
bumubulong: “Welcome to the
real world…”
Buhay pa ako. May pamilya at
mga kaibigang
nagmamahal sa akin. May
tirahang nauuwian, may
magandang hanapbuhay,
at… virgin pa ‘ko!
Habang nasa biyahe, naisip ko,
napakababaw na
dahilan pala ang iwan
ka ng boyfriend o girlfriend
mo para
magpakamatay
ka. I have to stand up and
move on. Lalaki ako at
di dapat ako
maging mahina. Di dapat ako
maging tanga para
sa isang gaga at
walang kwentang babae.
Naisip ko rin na mabuti
na rin ang nangyari at
nakilala ko nang maaga ang
tunay niyang kulay
bago pa man humaba
ang relasyon namin. Hindi siya
ang karapat-dapat
sa akin.
Nasa gate na’ko ng aming
bahay nang may
tumawag sa aking pangalan.
Si
Rizi, kababata ko, kapitbahay
namin. Sabi niya
umalis daw ang lahat
ng tao sa bahay namin at
iniwan sa kanya ang
susi. Nang abutin ko ang susi
sa kanya, doon ko
lang s’ya nakaharap
nang malapitan at doon ko rin
lang napansin na
maganda pala siya.
Matapos akong magpasalamat
ay sinuklian
n’ya ‘ko ng isang matamis na
ngiti.
(Cue: new Coca-cola theme
song)
Pagpasok sa bahay, diretso
agad ako sa banyo
upang makapaghilamos.
Maginaw sa loob ng banyo at
malamig ang tubig.
Pero may naramdaman akong
mainit na bagay sa
bulsa ng aking
pantalon. Dinukot ko ito at
nakita ko ang isang…
singsing.
THE END
All rights reserved. No part of
this story may be
reproduced or
transmitted in any form or by
any means, without
the written
permission of the author,
except where permitted
by law.
The names of the characters,
places, and events
are all fictitious.
Any similarity with reality is
coincidental. No
animals were hurt
during the making of the
story.
Some dialogues are not
suitable for young readers.
Parental guidance is hereby
advised.
Keep out of reach of children.
If swallowed, induce
vomiting