girls, please add your own ending – edited with the actual ending

Author Name: shymalandi | Source: pinoyliterotica.com

May manliligaw ka: intelligent, sarap kausap, may sense of humor, gentleman naman pero talagang mapilit na sagutin mo na sya (lalo na nung nalaman nyang pauwi na ng Pilipinas ang kababatang napangakuan nya na magiging sila kung wala sila bf/gf when they turn 25 at ayaw nya i-keep ang promise na yun kasi nakita ka na nya – his True Love).

For 3 months, ilang beses mo na binasted, balik pa din balik sa panliligaw. Hindi naman sa panglalait pero maliit sya na hindi balanced ang muscles kaya ang tukso ng department mo sa kanya ay Mr. Bulldog (dahil parang pareho sila ng built ng isang bulldog, muscular, long torso with kinda short or under proportioned legs and arms) – - – hindi sya ang ideal man mo. You like him but only as a friend and as someone intelligent to talk to.

Kasama mo sa work, taga-ibang department nga lang.

Everyday may little something ka from him. Things na nalalaman nyang gusto mo from your conversations i.e. choc-nut, chocolate kisses, fruits etc. Dahil ayaw mong sinusundo ka from bahay in the morning, sasalalungin ka sa entrance ng office nyo para bitbitin ang bag mo at ihahatid ka sa table mo. Aantayin ka sa gabi kahit OT ka lagi para ihatid ka sa bahay nyo

Every Monday may isang bouquet ka ng flowers.

Nung nag-bday ka, may pahanda sya para sa buo mong department of 15 people – the works: cake, ice cream, spag, ballooons etc.

One Friday night, nagyaya sya magdinner kayo kasi as usual late ka na natapos sa work mo at sabi nya padating na kinabukasan yung friend nya kaya mababawasan na tyak ang mga pagyaya nya sayo. Napapayag ka naman kasi sabi dinner lang.  After dinner, nagyaya mag-coffee. Di ka na pumayag kasi tired ka na. Bar na lang daw dahil napadaan kayo sa isang bar at nakita nyang fave band nya ang nakaschedule tumugtog.  Dahil nagpromise sya na 30 mins lang maximum kasi gusto lang nya marinig yung band ay napilit ka.

Pagpasok sa loob, puno na ng tao. ginawan na lang ng paraan ng waiter na mabigyan kayo ng table sa may mezzanine area sa bandang stairs kasi puno na ang ground floor at second floor. Super ilang ka kasi naka ofc uniform ka pa at lahat nakapag-gimik na appropriate sa bar ang suot. Niyaya ka nya sumayaw. Tumanggi ka at naiinis na pero pinabayaan mo lang sya magsayaw. Naging wild sya…naghubad pa ng shirt nya sa dance floor. After about 3 songs, binalikan ka nya, naisuot na pala nya ulit ang top nya.  Hinawakan nya kamay mo, biglang lumuhod at sumigaw ng ” (Name mo), will you marry me?”

Dahil nga sa gitna kayo ng lahat at ang lakas ng boses nya, matahimik ang buong bar. Even ang band napatigil sa pagtugtog at pagkanta. All eyes are on you waiting for your response…

Ano ang gagawin mo?

———————————————————————————————-

Ito ang ginawa ko…(yes, this is a true strory…my true story.  25 pa lang din ako nito, at mahaba pa talaga ang hair figuratively speaking hahaha):

After hearing the silence and feeling all eyes on me, I stood up, took my bag and rushed to the door.

Natuwa naman ako at kahit masikip ang bar ay nagmake way ang lahat ng nadaanan ko. Nagpasalamat din ako at alert ang DJ, nakakailang steps pa lang ako away from our table ay narinig ko nang may music na ulit. Dirediretso talaga ako sa pagtakbo…galit at gigil sa inis…super napahiya ako…the nerve!

Proposal? E hindi ko nga sya boyfriend…let alone ilang beses ko na sya nabasted. He already knows how I feel for him…how I see him…a friend, someone I like to talk to kasi nga intelligent. So much of being intelligent…hindi ko nakita yun tonight. Ano yung ginawa nya? Inilagay nya ako sa isang sitwasyon na hindi ako makakatangi. No way! Yikes…totoo ba ito? Ang weird…akala ko sa teleserye at movies lang nangyayari ito. Ay basta kainis…kumukulo ang dugo ko! grrrr

Yan ang mga nasa isip ko nung panahong iyon bukod sa sana may taxi agad sa labas para makauwi na ako agad at matakasan ang sira-ulong yun.

Dahil babae ako, Nakalabas ako agad sa bar ng walang humaharang sa akin. Kainis walang taxi….lingon ako ng lingon…maglalakad na lang ba ako papunta sa mga jeep na pauwi sa amin? Sige na nga kaysa naman nandito lang ako.

Last kong nakita before ako maglakad-takbo palayo ng bar ay ang pagharang ng bouncers kay Mel (yung manliligaw ko). Hinarang sya para tingnan ang receipt kung bayad na sya at hindi tumatakas lang. Isip ko…hahaha, mas makakatakas pa ako kasi he’d be paying pa at that will take time.

Nagulat na lang ako ng marinig ko agad ang boses nya. Lumingon ako…after maybe walking for about 100meters away…nandyan na sya sa likod ko…mga leass than 20 meters lang ang pagitan. Paano nangyari yun…kilala ako ang bar na yun at madalas ang tagal nila mag-ayos ng bill. Grrr

Mel: Diane please stop. Sorry sa nagawa ko. Alam mo naman ang feelings ko for you. Dadating na si Che mamaya and she’d ask me if I have a girlfriend na kaya naging desperado ako. Sorry na talaga. Please stop walking and running away from me…alam mong hindi ko kaya tumakbo ng mabilis at matagal dahil sa injury ko sa paa…please…let’s talk.

Narinig ko lahat yun pero hindi ako tumigil. Oo nga pala, may injury sya at hindi pwede tumakbo ng matagal. Lalo ko binilisan ang paglakad ko at iniwan na lang sya dun. Mas hindi ko yata nagustuhang nag-explain pa sya.

Nakasakay na ako pauwi. Dali-daling nagbihis at nag-ayos tapos natulog na. Nakakapagod ang araw na ito. Cut-off pa ng reports bukas…hayyy.

Sabado: Sakto lang ng time in ang pasok ko. Akala ko pa nga late ako. Tinanghali kasi ako ng gising at feeling ko ay pagod na pagod ako.

Hmmm…walang sundo sa gate. Good…ayaw ko sya makita ngayon baka masampal ko sya ng makailang beses. Pagdating sa table ko, walang something. Good. Siguro naman malinaw na.

The whole day, ako ang kantyawan ng buong department ko. Mukhang absent daw at wala ako rasyon today. Baka naman daw may date kami mamaya kaya nagtipid muna. Nakikitawa na lang ako pero deadma. Wala ako balak pagkwentuhan ng nangyari kagabi.

Dahil need ko everyday pumunta sa department nya…ginawa ko pa din kasi part yun ng work ko. Hala! mas matindi ang kantyawan kasi taka ang lahat dahil 1st time daw umabsent ni Mel. Ano daw ba ginawa ko. May mga nakakita kasing sabay kami umalis ng ofc kagabi. Hinanap pa sa akin ng mga bisor at manager nya. Sinagot ko lang sila ng hindi ko alam. Hindi na sila nagtanong pa ulit kasi kilala nila ako. Sa taray ko, alam na nila kung kailan ako di na dapat usisain pa.

Sunday, 9am…nagising ako sa init at sikat ng araw at sa parang walang tigil na nagvavibrate sa gilid ko. Ang cellphone ko…hala…malamang hanap na ako nila mama for church, text ko na lang na lunch na lang ako dating at sa hapon na magsisimba. Pero mali ako. May 12 miss calls na sa phone ko. 7 galing sa cellphone ni Mel at yung 5 unknown number. Deadma, wala namang text kung sino at bakit tumawag yung unknown number kaya baka hindi urgent at nang-aasar lang. Gutom na ako. ano ba ang pwede ko kainin sa stock ko? Tumayo ako, nag-cr para mag-ayos ng sarili at nagprepare ng makakakain.

Nagvibrate ulit ang cp ko…yung unknown number na naman. Sino kaya ito? Hindi ko kasi ugali hindi sumagot ng unknown number dahil sa natutunan ko sa seminar in cases of emergency at dahil na din sa nature ng work ng parents kong nakaparaming contacts.

Diane: Hello?

???: Is this Diane? (may American accent pero parang OA hahaha)

Diane: Yes, speaking. Who’s calling? (syempre naki-English na din ako, baka hindi marunong magsalita ng tagalog e)

???: This is Che, Mel’s bestfriend.

Diane: Oh! Hello. (pero napipilitang hello lang kasi taka ako bakit sya tumawag sa akin)

Che: (biglang ang taray ng tono at mega parang sugod sa away agad) So you’re the one he replaced me with and loved instead of me. (hay naku…iingles lang mali pa construction ng sentence – isip ko)

Diane: I’m sorry. I don’t understand what you’re trying to tell me.

Che: Pwede ba, wag ka na magkunwari!  (ku e marunong naman pala magtagalog)

Diane: Huh? (syempre patas malisya pa din. wag salubungin ang apoy)

Che: Diane, please. Sagutin mo na si Mel. I love him pero ikaw lang ang buhay nya ngayon. Naiinis ako sayo kasi binabalewala mo ang pagmamahal na binibigay nya sayo. Super selos na ako sayo pero wala ako magawa. Alam mo bang hindi nya ako sinuno sa airport kahapon kahit nagpromise sya sa akin? alam mo kung bakit?

Diane: ahh…hindi ko alam

Che: Kasi umuwi sya nung Friday night na lasing na lasing. Nagyaya pa uminom at hanggang ngayon hindi pa sya tumitigil uminom. Wala pa syang tulog at hindi din kumakain. Hihinto lang daw sya kung ikaw ang magsasabi at kung sasagutin mo sya. Kahit ayaw kong maging kayo…just imagine me…im begging you na…just love my Mel…please…make him stop drinking

Diane: Huh? Sorry Che pero naririnig mo ba sarili mo? Babae ka din tulad ko…hindi mo gugustuhin kailan man na mapilitan kang magmahal ng isang taong hindi marunong rumespeto sayo at hindi rin marunong mahalin ang sarili nya.

Che: So you’re not going to help my Mel? How could you! You heartless B*tch! After all ng ginawa ni Mel sayo. All the love he poured on you, sinayang mo lahat!

Diane: Have you even tried asking me for my side of the story Che? Seems like you made up your mind on what you think of me so this call is just a waste of time. Goodbye.

Tumawag ulit…ang kulit ano? Di ko sinagot. Nagtext…sandali lang daw…pakinggan ko daw sya sandali. Tumawag ulit.

Che: P*ina ka! kapag may mangyari sa mahal ko sasampahan kita ng kaso. Sagutin mo lang ayaw mo pa. Para namang ang ganda-ganda mo P*ina ka! Sagutin mo lang sya…kapag huminto, after sometime explain why you did it…please Diane (umiiyak na ang bruhang minura-mura ako)

Diane: I’m sorry Che, we are all adults na. We know na we will be held accountable sa lahat ng desisyon natin. Ginusto ni Mel na magpakalasing…let him be but dont you dare push me to make a decision for my own life. There…all that is important out in the open na…I listened to you na but my answer remains to be the same. Sorry and goodbye. (all this time she was cursing me and probably not listening to what I was saying)

Nag-awol na si Mel. His supervisors received a call from him Thursday na telling a story I dont remember na. After 2 weeks, I heard he visited the office to get his stuff and do his clearance.

The last time I saw Mel was when I left him and running away from him. Never heard anything from him except a text msg telling me that he was sorry for what Che did. I did not reply…hoping and praying that that will be the last I hear from him – and my prayers were answered naman ;)

So, how did you like the actual ending? Hope you dont hate me for what I did – remaining to be “heartless” and not willing to help him out as Che requested to.