fool me not..[5] WTH

Author Name: REN | Source: pinoyliterotica.com

*too late to finish this series? wah.. well then, gusto ko mag-update before mawala ang PL.. btw, this a non-sexual chapter.. so kung gusto nyong magpainit, wag po ito. HAHA

—-

Saturday afternoon… I just woke up.. again.. Geez. My head is killing me. Maligo na nga lang! I undressed myself in front of the whole body mirror. I stared at my reflection. HInawakan ko yung parte kung saan laging nag-iiwan ng lovebite si Gerald. Then I remembered what I painted last month–the girl staring at a broken mirror..

“PSH..” I shook my head and went inside the bathroom.

Binuksan ko ang shower..

“Whew.” I sighed.. The feeling of cold water running down my head and body feels so good. Ligo lang pala ang kailangan para mawala ang sakit ng ulo.

Nagbabanlaw na ako ng katawan nang napatingin ako sa salamin sa harapan ko… I touched it.. And the memories of Gerald and I having sex here in my bathroom filled my mind. We were.. I was really happy that time.. I loved him.. I love him. I still do.

Why does everything inside my room reminds me of him?!

I got out of the shower area..took the bottle of my favorite perfume.. and threw it fiercely in the huge mirror.. There was a loud shattering sound..

Basag.. The mirror was broken. Puno ng bubog ang bathtub.. I shook my head as I realized what i had done.

“fuck.”

Kailangan ko ng lumipat ng kwarto kung hindi… masisira ko lang lahat ng gamit dito..

I grabbed my towel and wrapped it around me. I took a deep breath and opened the bathroom’s door. Then, I saw Ralph standing in front of me. His eyes were..worried? or maybe he thinks I’ve already lost my mind.

“Why are you here in my room?” I ask as I shove him away. I forgot to lock my door earlier. hay.  ”..bawal ka dito sa 2nd floor diba?” Binuksan ko ang cabinet ko para kumuha ng damit. I was trying to keep myself from crying again..

“I was…looking for something.. Nalaglag ko ata yung…ano kanina dito.. sorry..” mahina ang boses niya..Kahit nakatalikod ako, alam kong pumasok siya sa CR. “HOLY SHH.. You broke a mirrorrr!”

“So what? It’s mine!” I shouted.. “Umalis ka na nga dito?!” lumabas siya ng banyo.  ”Didn’t you hear me? GET OUT!”

Nakayuko lang siya..

“..your right foot is bleeding.” he said slowly.. then nakita kong may dugo yung tiles ng kwarto ko. I looked down and saw blood gushing out of my foot. Napakapit ako sa cabinet.. I hate blood.. nanghina ako. I was about to lose my balance when Ralph held my arms. Inalalayan niya ako papunta sa kama..

“..it is blood.. my God..”

“..baka nabubog ka.. baliw ka din no!” he examined my feet then looked at me.. nakakunot yung noo niya.. he’s mad.. parang last night lang.. BAKIT BA?!

Kinuha niya yung telepono at nagdial ng number.

“Hello, doc henry.. Emergency.. Guevarra residence.. sa (address) po.”

“You’re calling a doctor?? Please, this is just a cut..” I looked at my foot.. SHT..

“–or not..” parang mahihimatay na ako sa dami ng dugong nakita ko.. Ayoko talaga ng dugo.. naaalala ko yung accident.. the accident we had years ago.. the accident where I lost my mom..

“WAg mong tingnan! TSK.” Ralph instructed me. “..what should I do?” bulong niya habang palakad-lakad siya sa room ko.. Then I realized, only a towel is covering my body.. The a/c is open..I’m cold..  Kinuha ko yung unan ko at pinantakip sa katawan ko.. Ralph noticed it..He turned the A/C off.. Kumuha siya ng bathrobe sa cabinet ko at binigay sa akin.

“Wag kang titingin..” I warned him. I stood up slowly..

“Para namang interesado ako sa makikita ko.” tapos tumalikod siya.

Kanina pang umaga tong mokong na to ah!

“Wag mong titingnan ang paa mo.” I reminded myself.. I’m looking at Ralph while removing my towel.. Mahirap na, baka biglang mamboso e. Then sinuot ko na kaagad yung bathrobe..

Few minutes later, dumating na si Tito Henry.. He’s our family doctor.. at kapitbahay din naman siya. Nagtataka lang ako paano nalaman ni Ralph yun. Sinabi kaya sa kanya ng mga kuya ko?

Habang ginagamot ang sugat ko, hindi ko maiwasang mapatingin..  Nanginginig tuloy ako..

“Alam mo, ms. Alexis Guevarra..” itinaas ni ralph ang mukha ko gamit ang mga kamay niya.. “..ang kulit mo din no? Sinabi na ngang wag mong titingnan ang sugat mo.”

“Bakit ba!” inalis ko yung kamay niya s amukha ko.

“..sige, tingnan mo!” nagalit?

“Talaga?!” sigaw ko din.. tapos tiningnan ko yugn sugat ko habang nililinis.. “..oh my God..” kainisss! bat ba ganun na lang ang takot ko sa dugo..

“See?” tumawa si Ralph..

“Ang kulit niyong dalawa.. Kayo ba?” tanong ni Tito..

“WHAT?!”
“Ano ho?!”

sabay kami ni Ralph na nag-react..

“As if namang sasagutin ko siya..” explain ko kay tito..
“..sasagutin daw.. para namang liligawan ko siya.” banat naman ni Ralph..

Tawa nang tawa yugn tito ko nang narinig niya yun..

“Pamangkin naman.. hindi pa pala nanliligaw e.”

namula ako dun.. Ee… bat ba nagkakampihan ang lalaki sa mga ganitong sitwasyon!

Talo ako.. so sa iba ko binaling ang tingin ko.. then I noticed a knotted thread bracelet on my bed..may tatlong beads pa nga na kasama at mukhang may naka-ukit na letra sa bawat bead. Hahawakan ko sana, kaso naunahan ako ni Ralph.

“This is mine.. ito yung hinahanap ko.” he explained. Tinago niya kaagad sa bulsa niya yung bracelet..

“Paano naman yan napunta dito?” I asked.

“Kaninang umaga.. tumalsik nung hinagisan mo ako ng baso.” tawa siya.

I can’t tell if he’s lying or joking.. Hmp. DI ko na lang pinansin.. pero parang meron sa bracelet na yun e..  I wanna see it again but i bet Ralph won’t let me..

….

Great, I had stitches.. di ko din daw pwedeng pwersahin yung paa ko.. Baka bumuka yung sugat.. Pero dahil ayokong mag-absent, pumasok pa din ako. May bandage yung kaliwang paa ko.. at nakaflip-flops lang akong pumasok..

“Lexi! What the hell happened?” Mae asked as she looked at my feet. Dahan-dahan ang paglakad naming dalawa.

“..nabaliw na ata yang bestfriend mo..” singit ni Ralph na nasa likuran ko.. Sabay nga pala kami sa pagpasok.. “..binasag yung malaking salamin sa banyo niya..”  tapos hininaan ni Ralph yung boses niya.. “..napansin niya sigurong tumaba siya.” tapos tumawa ang g*go..

AKO DAW MATABA?! Leche! PAg ako lang naghubad sa harap ng lalaking to, tingnan ko lang kung di siya maglaway! >.< bwiset.

“Hoy, kahapon ka pa feeling close sa lahat ng taong nakapalibot sa akin ah!” sigaw ko. Nagtinginan lahat ng mga estudyante sa amin. Namula na naman ako..napayuko ako. “..stay away..from me.. badtrip kang lalaki ka.. kahapon mo pa ako binibwiset.”

“bes,” tinapik ako ni Mae.. “..kanina pa umalis si Ralph.” inangat ko yugn ulo ko.. nakita ko nga si Ralph na naglalakad palayo..yung left strap lang ng backpack niya ang nakasabit sa left shoulder niya..

What the fuck?! Bastos din yun ah! Hindi pa nga ako tapos magsalita..

“Ok lang yan.. Ralph is a great guy.. palabiro lang talaga.”

Pinakalma naman ako ng bestfriend ko… After kumalma,kwinento ko lahat ng nangyari sa akin.. simula nung party hanggang sa binasag ko yung salamin.. Although, I’m serious, she’s laughing.. Hindi katulad dati na worried na worried siya sa akin.. akala ko nga papagalitan niya ako..

What is happening with the people around me?! Ever since Ralph walked into my life, it seems like everything have changed.. Am i missing out on something?

Er.. ano ba iniisip ko? Coincidence lang ang lahat..

“Uy, alexis, ok ka lang?” tanong ni Paul, yung napahiya dahil sa akin dati? Naalala niyo ba? ”Tulungan na kita..” aalalayan na sana niya ako, kaso lumayo ako..

“Uh, hindi na..”

“Why?” he asked..

Then nakita ko si Ralph na papaakyat.. Tiningnan din niya ako, pero deadma siya. Parang hindi ako kilala. AMP. Papaakyat na siya ng hagdan at malalagpasan na niya kami nang hinila ko ang braso niya.

“Ralph is here naman to help me..” I faked a smile.. tapos hinila ko papalapit si Ralph sa akin. Nakakapit ako sa braso niya. Mas mabuti ng si Ralph ang kasama ko kesa naman kay Paul..

Nagulat si Paul sa narinig..

“Kayo ba?” he asked..

PANGALAWAng beses nang natatanogn yan AH!

“Of course not!” tanggi ko..
“Hindi.”

“Nanliligaw ka, pare?” Paul asked him..

“HINDI.” matipid lagi ang sagot ni Ralph.

“Ah.. okay..” I know paul wasn’t convinced.. pero umalis na din siya.

“Bakit ba ako pa hinila mo?” tanong ni Ralph.. Napansin kong nakahawak pa din ako sa braso niya. Binitiwan ko kaagad ito.

“..la kang pakialam..” i answered rudely. ang sama talaga ng ugali eh no?

“Ah, edi tawagin uli natin si pareng Paul.”

“You won’t do it.” umiling ako..

“Paul!” sigaw niya..

“Shut up!” inaabot ko yung bibig niya para takpan pero sigaw pa din siya ng sigaw..

“FINE! Because i’m comfortable being with you than with any other guy!” tinulak ko siya.. “..happy?” tumalikod ako para umakyat ng hagdanan.

Namula na naman yung mukha ko.. What did I say? Kumportable akong kasama siya?! This is not good.. fuck.

“Okay. yun lang pala e.” tapos nilagpasan niya ako.. “..akala ko naman kung ano.”

Bwiset, tama bang hindi ako tulungan?! Epal talaga tong lalaking to!

“Hoy! eh kung alalayan mo kaya ako..” i almost shouted.. He turned around and smiled.. Binalikan niya ako..

“Biro lang, my highness..” his left hand held my right hand. Sabay kaming umakyat habang yung kaliwang kamay ko nakahawak sa gilid ng hagdanan.. PAra kaming magkaholding hands pero nakataas yung kamay naming pareho. Basta, para akong matandang inaalalayan.

Pagdating namin sa 3rd floor.. nakatambay yung mga kaklase ko sa labas ng room kaya kitang-kita kami ni Ralph na magkahawak-kamay.. Bumitiw kaming dalawa..Ako naman NAgtago kaagad sa likod ni Ralph.. May mga nag-uusap na about sa aming dalawa.. geez. ISSUE?

“Hindi mo kasi binitiwan kaagad!” bulong ko.

“Ang higpit kasi ng kapit mo!” bulong din niya..

Naglakad na ako pabalik sa hagdanan.. Bababa na lang ako kesa mag-intriga ng mga chismosa kong classmate. Yun nga lang may narinig akong pamilyar na boses.

“Oh, ralph.. lunch mo..” tumalikod ako para makita kung sino yung nagsalita.. “…dadalhan kita uli bukas ah? Be sure to eat that.. Ako ang nagluto niyan.”

si MAE.. inabutan ng tupperware si Ralph.. They are both smiling..

“At yung kay,” may sasabihin pa sana si Mae kaso lumigon si Ralph sa direksyon ko. Pati tuloy si Mae napatingin.

Hirap akong intindihan ang nangyayari.. Kailan pa sila naging close? Kailan pa dinadalhan ng pagkain ni Mae si Ralph?

“Ralph is a great guy.. palibiro lang talaga.” naalala ko yung sinabi ni Mae kanina..

What’s going on between them?

Imbis na bumaba ng hagdanan, MABILIS akong pumasok ng classroom. KAHIT MASAKIT ang paa ko, hindi ko ininda.. Kailangan ko lang silang malagpasan.. HIndi ko binati si Mae o si Ralph..

SHT..

WHy am i feeling this way?

Could it be…?

Am i interested with…?

Do i like…?

Ayokong ituloy lahat ng mga iniisip ko.

THE hell! I’m just tired.. kung ano-ano lang ang naiisip ko..

Why does my heart beat fast? geez, alexis, pagod kang umakyat ng hagdan, that’s why.. yun lang..

And yung nararamdaman ko sa puso ko ngayon, WALA LANG TO..  WALA LANG.. please.. DAPAT WALA LANG TO.. Oh God.. don’t make me like that guy..