Gulat na gulat sila Dannie at Lin sa nakita. Si Edwin naman ay walang balak magpakita sa dalawa pero naabutan sya na nakatayo sa harapan ng banyo. Wala ng magawa sila Dannie kundi lumabas na lang ng pinto na kunwari walang nangyari. Bago pa makaalis ng tuluyan sila Dannie at Lin.. nahawakan ni Edwin si Lin sa braso, kaya napahinto ang dalawa.
Edwin: “ito ba dannie?? sya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako kayang tanggapin?”
Dannie: “Bitawan mo sya Edwin kung ayaw mo magkabastusan tau dito!” mariin na sabi ni dannie.
Hindi na rin gumawa ng iskandalo si Edwin.. sya na mismo ang bumitiw sa braso ni Lin. Kaya nakalabas sila ng bahay, si Lin ay dumiretso na ng kotse na..habang si Dannie naman at nagpaalam sa mga magulan na aalis muna sila ni Lin at wag na syang hintayin dahil mag oovernight sya kila Lin. Kahit takang taka ang Mama ni dannie sa pagmamadali ng anak..wala itong nagawa kundi pumayag na lang. Naiwan si Edwin sa bahay nila Dannie.. sya na ang nagligpit ng mga pinag inuman nila knina.Habang nililigpit nya ito, nilapit sya ng Mama ni Dannie.
Mama: “Edwin bakit bigla ka na lang iniwan ng dalawa?” takang tanong ng mama ni dannie.
Edwin: ” ah tita my kailangan pa yta silang puntahan.. kaya nagmamadali” habang inilalagay nya ang mga bote sa case.
Mama: “ah ganun ba..so ano na nangyari sa inyo? ok na ba kau ni dannie?”
Humarap lang si Edwin sa Mama ni Dannie at ngumiti.
Edwin: “tita malaki na si dannie at alam nya na ang gusto nya.. hindi ko sya mapipilit kung ayaw nya sa akin, cguro ganun na lang muna..hayaan na lang natin kung ano nag magiging desisyon ni dannie sa amin. Kung hindi man nya ako piliin..kailangan kong tanggapin.” sabay halik sa pisngi ng Mama ni dannie at dahan dahan na syang naglakad palabas ng gate.
Mama: “Teka lang…anong ibig mong sabihin na… hindi ka man nya piliin?.. bakit my pinagpipilian ba sya?..
Lumingon lang si Edwin at ngumiti sa kausap..at tuluyan ng umalis ito sa bahay.
Habang sila Dannie at Lin nman ay tahimik lang sa byahe papuntang Aguirre st. Dito kasi ang maraming bar sa BF Homes kung san marami ang gumigimik lalo na at sabado ngaun. Nakarating na sila sa tapat ng isang bar na lagi paborito ni Lin simula pa lang nung una. Bago pa bumaba si Lin.. hinawakan lang ni Dannie ang mga braso nito.
Dannie: “beh galit ka?”..tanong nya ky Lin
Lin: “Dont worry beh..hindi ako galit.. hindi lang ako makapag move on sa nangyari. kaya kailangan ko muna ituloy ung pag iinom.”sabay labas ng kotse.
Sumunod na lang si Dannie sa kasama hanggang sa makapili sila ng lamesa. Tumawag na sya ng isang waiter para umorder. Ng palapit na ang waiter sa kanila..agad itong ngumiti.
Waiter: “Uy mam kau pala. tagal nyo ng hindi dumadalaw dito ha!” bati sa kanya ng waiter na dati na nyang kilala..
Lin: “andito ka pa rin pala? .. medyo naging busy lang kasi.”
Waiter: “ang dami na naging busy ngaun ha hehe.. so anong order mo mam?” tanong sa kanya..
Lin: “ung dati pa rin.” sabay smile.
Waiter: “ok! one pitcher of blue margarita and 1 sisig bangus!” umalis na ang waiter para ihanda ang order nila.
Malakas ang music kaya hndi na lang sila nag usap…dahil alam nila na kailangan din nilang magsigawan dito. Ilang minuto lang at dumating na ang order nila. Agad tumagay si Lin sa inumin..habang si Dannie naman ay nakatingin lang at inaayos ang kalamansi sa sisig. Mabilis umminom si Lin.. dahil na rin sa naiisip sa nangyari kanina. Hindi naman sya takot kahit sino ang makatapat nya..pero iba pala ang feeilng ng hinawakan sya ng lalaki sa braso.. my halong takot at galit ang naramdaman nya. Hindi naman mapigilan ni Dannie si Lin na dahan dahan inumin ang alak..lalo na ng makita nya na konti na lang ito. Maya maya pa ay tinawag ulit ni Lin ang waiter at umorder ulit ng tulad ng una. Ilang sandali pa at dumating ulit ang order nila at agad itong sinimulan ni Lin.. makikita ky Lin na tinatamaan na ito dahil sa natutumba na ang baso na katabi nya. Maya maya pa lumapit ang waiter ky Lin at my ibinulong ito, nakita ni Dannie kung pano mag react si Lin.. humigpit ang pagkapit ni Lin sa baso at tuluyan ng namula ang mukha.Sinunda ni Dannie ang waiter na bumulong sa katabi nya.. at nakita nya na nag take ito ng order sa isang group na dumatin..at isa dun si Ms. Lovely…
Ang bar na yun ang dating tambayan ng mga kaibigan nila Lin at lovely ng sila pa. kaya kilalang kila na sila ng mga waiter na mag on sila. Kaya ng makita ni waiter na dumatin si lovely.. agad itong binulungan..alam din halos ng lahat na wala na rin sila ngaun..dahil madalas tumambay si lovely sa bar na un mula ng maghiwalay sila, habang si Lin naman ay umiwas na rin sa pagpunta dun dahil dumating na rin si dannie sa buhay nya.
Lingid sa kaalaman ni Dannie.. na my nararamdaman pang pagmamahal si Lin sa dati nitong ex..pero minsan ay iniiwasan na rin nyang isipin un dahil alam nya hindi ito fair para ky dannie. Masyadong sensitive si dannie pagdating ky lovely..dahil khit hindi nila pinag uusapan ang nangyari between Lin at lovely..alam nya na naapektuhan pa kapag nagkikita ang mga ito, at dun nasasaktan si Dannie..iniexpect nya na sana hindi na lang ganun mag react si Lin pag nagkikita ang mga ito.
Nagsalita na si Dannie after ng pananahimik nya mula knina.
Dannie: “Halika na umuwi na tau!..habang inaayos ang bag at kinuha ang pambayad sa na order.
Lin: “bakit bigla kang nagyaya umuwi?..sabay tagay sa iniinom.
Dannie: “marami ka ng nainom. tama na yan”
Hindi pa rin pinakinggan ni Lin ang sinabi ni dannie.. itinaas pa rin ni Lin ang kamay para omorder ulit. Pilit na ibinaba ni Dannie ang kamay ni Lin.. at sinabihang tama na ang inom. Matigas pa rin ang ulo ni Lin tinawag pa rin nya ang waiter.. agad naman itong nakita ng waiter at agad lumapit.
Lin: ” isa pang order ng…”
dannie: “no tama na”..humarap sya sa waiter at kinausap na bill out na sila.
Hindi pa rin umaalis ang waiter sa tabi nila..hindi nya alam kung sino ang susundin..
Lin: “ano ka ba!” humarap sya sa waiter at sinabihang order pa sya..sabay tagay sa natitirang alak sa baso.
Napipikon na si Dannie kaya pinilit nyang kunin ang baso na iniinom ni Lin..na muntik ng matapon sa damit nito. Napikon si Lin sa gnawa ni Dannie… kaya hindi sya nakapag pigil na pagsalitaan ito.
Lin: “look kung ayaw mo ang gnagwa ko..pwes umalis ka sa harapan ko..hindi ako ginaganyan ni lovely dati!” sabay tagay ng alak.
Naghihintay lang ang waiter sa tabi nila na halatang nag woworry na sa mga nangyayari. Humarap si Dannie sa waiter na maluha luha na..at sinabing bigyan na lang ng last order sya..at kukunin na nya ang bill. Umalis na ang waiter para sa order nila. Habang si Dannie naman ay tahimik lang.. at si Lin naman ay tuloy tuloy ang inom at yosi habang nakatingin sa direksyon kung saan ang lamesa nila lovely. Alam ni dannie ang nangyayari at hindi na nya kinakaya ang selos na nararamdaman nya.. gusto man nyang umalis pero hindi nya maiwan si Lin dahil alam nya laseng na ito. Nagulat si Dannie ng biglang tumayo si lin…sinundan nya ito kung san pupunat akala nya kasi pupunta ito ng cr. Nagulat na lang sya ng papalapit ito sa lamesa nila lovely. Wala syang magawa kundi sumunod ito at nasa likod lang sya. Ng makarating na si Lin kila lovely..
Lin: “hey guys!.. uy musta na kau dito?”
Kilala naman ng mga kasama ni lovely si Lin..kaya hindi nalang sila nag react.
Lin: “mukhang masayang masaya kau dito ha..” wala pa rin umiimik sa group..” oh bakit kayo hindi nagsasalita.. kinakamusta ko lang naman kau ha..”
Nakita ni dannie si Lin na patumba tumba na sa kinakatayuan.. halatang laseng na ito. Agad nya itong kinuha at inalalayan na umalis na sa lamesa na un.. Pero si Lin ay nagmamatigas.
Lin: “ano ba!! hindi pa ako tapos makipag usap sa mga ito.!! pasigaw nyang sabi. Hindi naman nag woworry si Dannie na baka makita na nag sskandalo si Lin..malakas naman ang music para marinig pa ito ng mga ibang customer.
Lin: “uy musta me–ann..uy andito ka rin pla bert”..ini isa isa nya ang mga pangalan ng mga kaibigan na kasama ni lovely.
Lin: “buti pa kau lagi kayong magkakasama.. samantalang ako andun sa kabilang mesa nagmumukmok..ni hindi nyo man lang ako tinawagan na kung kamusta na ako..or hindi nyo man lang ako sinamahaan..after gaguhin ako ng babaeng ito…” sabay tingin ky lovely.
Nagpintig ang tenga ni lovely ng marinig nya ang sinabi ni Lin.. tumayo sya at humarap ky Lin.
Lovely: “Kung wala kang masasabing matino..umalis ka na dito..bago pa kita tuluyang mabastos!” sabay tingin ky Dannie na sinasabing kunin na nya ang kasama nya.
Hinawakan na ni Dannie sa braso para hilain palayo sa mga tao na un..pero malakas pa rin si Lin.Hindi nya magawang mapagtanggol ang ksama nya dahil hindi nya minsan tinanong kung anong nangyari kila lovely at Lin..
Lin: “bitawan mo ako!!.. mahinang tulak ky Dannie.
Lin: “tuluyang bastusin? di un naman ang gnawa mo sa akin??…ano pa bang klaseng kabastusan ang pwede mong gawin? dba nagawa mo na lahat.! galit na sabi ni Lin habang natutumba tumba na sya..
Lin: ” ang kakapal din ng mga mukha ng mga kabigan mo!” sabay tingin sa mga ito. ” parang kung umasta kayo..ako pa ang my \kasalanan ng lahat!”
Tuluyan ng hinila ni Dannie si Lin bago pa magsalita ng kung ano ano sa mga tao. Dahil na rin sa kalasingan ni Lin..tuluyan ng kinaya sya ni Dannie para ilayo sa lamesa na un. Pagkabalik nila sa table nila.. kinuha lang ni Dannie ang bag nila at tinawag ang waiter para iiwan ang bayad..Hindi na hinintay ni Dannie ang sukli at iniwan na nya ang isang pitcher na my alak..agad nyang inakay ni Dannie si Lin papuntang parking lot. Pinaupo nya ito sa passenger seat.. at sya na ang nag drive. Ilang minuto lang ang byahe at nakarating na sila ni Lin sa bahay.. napansin nya na nakatulog na pala ang kasama nya. Kaya inakay na nya lang ito papasok ng bahay. Pinaupo ito sa sofa, kumuha sya ng malamig na tubig para mapunasan ito.. hinubad na rin ni Dannie ang mga damit nito at pinalitan ng bago. Naayos na nya si Lin sa pagkakhiga sa sofa..habang si dannie naman ay nakaupo sa single sofa at nakatitig lang ky Lin.
Doon na tumulo ang luha ni Dannie…naisip nya ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Lin at ang eksena na nangyari kanina. Dun nya nalaman na mahal pa rin ni Lin si Lovely.. masyado pa rin naaapektuhan si Lin sa nangyari sa knila. Iyak ng iyak si dannie buong gabi..hanggang sa makatulog na sya sa sofa.
Kinaumagahan..nagising na masakit ang ulo ni Lin..napansin din nya na nasa sofa sya.. pagtayo nya..nilibot nya ang mga mata sa bahay..at wala syang nakitang tao…tumayo sya para maghilamos ng mukha..masakit pa rin ang ulo nya dahil sa alak..ng wala talga syang makitang tao sa buong bahay..umupo na lang sya sa sofa….at dahan dahang tumulo ang luha nya..alam nya ang ginawa nya kagabi.. alam din nya na nasaktan nya si Dannie…
to be continued…