Hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin ng maabutan sila ng mama ni dannie.Agad napatayo si dannie para kausapin nya ang mama nya at magpaliwanag.
Dannie: “Ma….let me explain…”
Mama: “Sumunod ka sa sala at dun tau mag usap.” pagalit na sabi ng mama nya..hanggang sa umalis na ito.
Naiwang tulala si Dannie at Lin sa kwarto. Agad nagbihis si Lin para masamahan nya si dannie sa sala upang makausap nila ang mama nya. Ilang sandali pa ay papunta na ang dalawa sa sala..nakita nila ang mga magulang ni dannie na naghhintay at seryoso ang mga mukha.Ng makarating na sila sa sala.. pinaupo ni dannie si Lin sa isang upuan at itoy tumabi dito.
Mama: ” anong ibig sabihin ng nakita ko?”
Dannie: “ahh..ma..hindi ko naman to itatago sa inyo eh..” mapagkumbaba nyang sabi
Mama: “kelan mo balak sabihin..hanggat hindi ko kau nahuli?” mataray na sabi
Dannie: ” Ma naman..hindi naman po ganun un.. naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin sa inyo ito.” sabay tingin sa Papa nya na knina pa tahimik.
Hindi na makapagsalita ang mama ni Dannie sa galit..Kaya sinabihan na lang nya ang papa nito na sya na ang kumausap. Tumigin ang Papa nya sa kanya..tahimik lang ito.Malaki ang pasasalamat ni dannie dahil isa sa pinakamabait na tata ang papa nya. Mas strict kasi ang mama nya, kaya madalaw ito ang kausap nya at lagi silang nag aaway. At ngaun ulit maririnig ni Dannie na magsalita ang papa nya about sa mga nangyayari sa kanya.
Papa: ” yan ba talga ang gusto mong mangyari anak?”
Nagulat si Dannie sa tinuring ng papa nya..parang na feel nya na magiging sang ayon ang papa nya sa kanya.
Dannie: ” ah…papa hindi ko naman to sinasadya..bigla ko na lang naramdaman ito.”
Papa: ” Kaya mo bang panindigan yan?”
Dannie: “anong ibig nyo sabihin?”
Napabuntong hininga ang papa nya bago magsalita ulit.
Papa: “Malaki ka na anak..mula noong bata ka..never mo kami binigyan ng sakit ng ulo..maybe this is the time na kailangan mo ng magdesisyon sa sarili mo…hindi ko sinasabing sang ayon ako sa ginagawa mo..pero kung yan ang ikililigaya mo..kailangan mong panindigan yan..”
Natuwa si dannie sa narinig..ganun din si Lin na kanina pang nakikinig sa usapan ng pamilya. Pero matigas talga ang nanay nya..
Mama: “anong pinagsasabi mo dyan Ronaldo. Hindi mo ba alam na kasalanan ang ginagawa nila.!” sigaw ng mama nya.
Mama: ” Hindi ako papayag na ituloy nila yan..ikw dannie andyan naman si Edwin na handa kang pakasalan..bakit kailangan mong gawing komplikado ang situation?” sabi nya ky dannie
Dannie: “Ma!..hindi ko mahal si Edwin..kung pipilitin nyo lang ako sa lalaking un baka magka letse letse lang ang relasyon namin.” paiyak na sabi ni dannie.
Mama: ” Basta..kung ayaw mo si Edwin..maghanap ka ng lalaking magibibigay sa amin ng apo.”
Papa: “Tumigil ka na Lisa..hayaan mo na magdesisyon ang anak natin..kung hindi ayaw nya sa mga lalaki.. hayaan mo syang gawin ang gusto nya.”
Tumigin ang papa nya sa kinaroroonan ni Lin.
Papa: “ikw babae..anong balak mo sa anak ko?” tanong ng papa ni dannie.
Kinabahan agad si Lin sa narinig na tanong ng papa ni dannie. Sa buong buhay nya never pa nya na encounter ang ganitong situation.. usually kasi out na sa pamilya ang mga babaeng nakarelasyon nya, kaya hindi mahirap sa kanya na magpaliwanag.
Lin: “Humingin po ako ng tawad sa nangyari.. hindi ko naman po sinasadya na malaman nyo ang relasyon namin sa ganung paraan…wala po kaming balak itago sa inyo ang nangyayari..bilang mga magulang ni Dannie..wala po akong balak na bastusin kau”
Biglang nag salita ang Mama ni dannie.
Mama: ” hindi ba pambabastos na ang gnawa nyo sa amin ngaun?! Alam nyo na hindi tanggap ang mga ganyang klaseng relasyon.!
Lin: “Pero mam, mahal ko po ang anak nyo…” at tuluyan ng tumulo ang luha na kinana pang gustong ilabas ni Lin.
Lin: “Mahal ko po ang anak nyo at gusto ko po syang makasama..kung hahayaan nyo po akong ipakita sa inyo kung gano ko kamahal ang anak nyo..gagawin ko po.”
Hindi na rin nakapag pigil si dannie sa nararamdaman.. umiyak na rin ito.. alam nya na sobra na para ky Lin na gawin ito para sa kanya.Lalo pa nyang minahal ito dahil sa mga narinig nya mula sa mahal nya.
Mama: “malaking kalokoha ito!” sigaw ng mama nya.
Papa: “Tumigil ka Lisa..hayaan mo silang magdesisyon.. malalaki na sila..at ang pwede lang natin gawin ngaun ay tanggapin kung ano ang mangyayari sa anak natin.
Mama: “Hindi!..kung itutuloy mo yang kalokoha na yan..hinding hindi ka pwede lumabas ng bahay..mabulok ka dyan sa kwarto mo.” galit na galit na sabi
Dannie: :”Pero Ma…”
Mama: “Kung ipagpipilitan mo yang gusto mo…mas magandang umalis ka nalang dito..at wag na wag kang babalik hanggat hindi mo na rerealize na maling mali yang gnagawa nyo, at pag umalis ka na..hindi ka makakarinig sa amin ng isa man lang salita, dahil hindi ka na namin ituturing na anak” sabay alis sa kinauupuan.
Dannie: ” Pa..” sabay tingins sa ama.
Papa: ” Naiintindihan kita Dannie..pero hindi ko maipilit ang mama mo na tanggapin ang nangyayari sau.khit ako ayoko na ipilit ang sa mama mo yang situation mo..dahil alam natin na mali yan.” umalis na rin ang papa nya sa sala.
Naiwan silang dalawa na umiiyak.
Dannie: “Beh…sorry..” hindi na tumigil ng iyak si dannie.
Lin: “shhhh tama na..kailangan natin tong pag isipan, mahal na mahal kita..pero hindi ko pwedeng kalabanin ang mga magulang mo para lang makuha natin ang gusto natin.”
Dannie: “Hindi!… hindi ako papayag na ganun na lang…paglalabin natin ito…dba beh? paglalaban mo ako?” tanong ni dannie
Hindi kumibo si Lin sa tanong na un..naguguluhan sya, alam nya na mahal na mahal nya si dannie pero nagtatalo ang loob nya sa posibleng mangyari ky dannie pag tinuloy pa nila ang relasyon nila. Hindi rin mawala sa isip nya ang opportunities na pwede nyang makuha kung sakaling tatangapin nya ang alok ni lovely. Pwede nyang kalimutan na lang si Dannie para parehas silang magsimula muli.
Dannie: “beh?…”
Lin: “mahal na mahal kita..alam mo yan dba?.. at hindi ako gagawa ng isang bagay na alam ko na mahihirapan ka, at hindi ko rin kayang tanggapin na ako ang magiging dahilan sa pagkasira ng pamilya nyo.” sabay yoko at umiyak.
dannie: “beh..ano to? susuko ka na lang ba?..mas gusto kong sumama sayo..mahal na mahal kita”
Tumayo si Lin mula sa pagkakaupo sa sofa… inayos ang sarili. Tumingin muna sya sa babaeng mahal nya..bago sya lumabas ng pinto.Hindi alam ni dannie ang gagawin..pero nagawa pa nyang sundan si Lin at niyakap sa likod.
dannie: “beh wag mo akong iwan..please… hindi ko kakayanin to.” nagmamakaawang sabi nya.
Para ng bato si Lin ng sa mga sandaling inyo, ayaw nyang gawin ito. Pero msyado syang nagaalala para ky dannie na kunin nya ito..dahil alam nya na itatakwil sya ng mga magulan nito. Inails nya ang mga kamay ni dannie sa pagkakayakap sa knya..at tuluyan ng lumabas ng gate. Naiwang humahagolgol si dannie sa labas ng pinto nila. Hindi nya akalain na iiwan sya ni Lin ng ganito. Hindi sya galit sa gnawa ni Lin, naiintindihan nya ito kung bakit sya iniwan, pero sa mga oras na yun ang tanging alam nya ay iniwan sya ng mahal nya.
Hindi na mapigilan ni Lin ang pagtulo ng mga luha nya pagkalabas nya sa gate nila dannie. Para syang unti unting lumalambot sa paglalakad nya papuntang kotse. Hindi nya alam ang gagawin nya..hindi nya alam kung tama ba or mali ang gnawa nya. Alam nya na pagsisisihan nya ang ginawa nyang pag iwan kay dannie pero wala syang choice, ayaw naman nyang masira ang pagsasama ng pamilya nila dannie dahil sa kanya.
Nakauwi na sya ng bahay. Tulad ng dati.. agad itong kumuha ng beer ay uminom. Ilang beer na ang nauubos nya at panay sindi rin nya ng yosi. Kinuha nya ang envelope na binigay sa kanya ni lovely. Tinitigan nya ang mga ito, malalim ang pag iisip nya kung ano ba talga ang tamang gawin. Sa pag iisip nya.. lalo syang nahihirapan mag desisyon dahil kusang pumapasok ang masasayang pagsasama nila ni dannie. Pagkatapos nyang maka tatlong beer umakyat na lang sya kwarto at naligo, after nya maligo nagbihis ito at humiga na sa kama. Hindi pa rin maubos ang mga luha na lumalabas sa mga mata nya. Naghihirap ang mga dibdib nya pag naiisip nya kung pano nya iniwan si Dannie. Sa pag iisip nya.. hindi na nya nalamayan na nkatulog na pala sya.
Kinabukasan, pumasok na sya ng office. Ilang araw na rin syang wala sa office at marami na rin ang trabaho na naiwan nya. Minabuti na lang nyang mag trabaho para hindi nya maisip ang nangyari sa kanila kagabi. Hindi na rin nya iniexpect na papasok pa si Dannie sa office. Ilang oras na rin ang nkakaraan at hindi nya namalayan na 5pm na. Pwede na syang umalis ng office at umuwi. Unti unti ng nagpaalam ang mga staff nya na uuwi na sila..samantalang nakalipas na ang isa pang oras hindi pa rin sya makaalis sa office..hindi pa rin nya kayang umalis ng kinauupuan sa twing naiisip nya ang nangyari. Unti unti muling tumutulo ang mga luha nya. Ilang sandali lang at nakita nya ang langit na kumikidlat at ilang sandali lang at umulan na ito. Napangiti sya sa nangyari..parang nakikisama ang langit sa pag iyak nya. Minabuti na lang nyang wag muna umuwi dahil alam nyang magiging trapik sa kalsada. Pinatugtog na lang nya ang laptop nya para maaliw naman sya at kumuha sya ng wine na nkatago lang sa cabinet. Nakatitig lang sya sa labas ng bintana nya na, tanaw ang buong makati dahil na mataas ang building nila. Habang umiinom sya.. nakatitig sya sa cellphone nya..parang tinutukso sya na tawagan si dannie. Ilang minuto at nakatitig pa rin sya.. hindi nya alam kung tama bang tawagan nya ito or hayaan na lang na kalimutan ang nangyari…
Wish I could be the one, the one who could give you love
The kind of love you really need
Wish I could say to you that I’ll always stay with you
But baby, that’s not meYou need someone
Willing to give their heart and soul to you
Promise you forever
Baby, that’s something I can’t doOh, I could say that I’ll be all you need
But that would be a lieI know I’d only hurt you
I know I’d only make you cry
I’m not the one you’re needing
I love you, goodbye……..
Tuloy tuloy na naman ang luha nya habang naririnig nya ang musika na naririnig mula sa laptop nya. Hindi nya akalain na sya pa ang magbibigay ng ganito kay Dannie..naisip nya tuloy na sana hindi na lang nya nakilala ito..at sana ngaun hindi nya ito nasaktan…
Ilang araw na rin ang nkakaraan..hindi na nakapag usap sila Lin ang Dannie.. tuluyan na ring nag resign si Dannie sa company nila Lin. Si Lin naman ay hindi na pinilit na ayusin pa ang nasira nilang relasyon..alam nya na kung sakaling pipilitin pa nya ito.. mapapahamak lang si Dannie. Pero minsan hindi pa rin naiiwasan ni Lin na sumilip sa labas ng bahay nila Dannie..at umaasang makita lang nya ito, ilang arw na rin nya itong gnagawa ngunit walang Dannie syang nakikita. Si dannie naman ay nag apply na sa barkong pinag ttrabahuan ni Edwin. Hindi pa rin mahal ni dannie si Edwin pero sinusubukan nya ulit itong kilalanin, pinagtapat din nya ky Edwin ang lahat ng nangyari sa knila ni Lin at sinabi nya dito na hanggang ngaun mahal pa rin nya si Lin.
Lumipas ang mga araw..linggo.. at ilang arw na lang ay darating na ang oras kung saan aalis na si Lin para ituloy ang matagal nyang pangarap sa las vegas. Habang papalapit ang araw na un..unti unting nalulungkot si Lin..alam nya na pagitinuloy nya ang plano nya..tuluyan ng mawawala sya kay dannie at hinding hindi na sila pwedeng magkita..
to be continued….