femme to femme 12

Author Name: soulsearching | Source: pinoyliterotica.com

Matapos nyang mahimasmasan.. agad nyang kinuha ang kinina pang nag riring na cellphone..nakita nya ang tumatawag at itong sinagot nya.

Lin: “hello? bakit ka napatwag?”

Sumagot ang nasa kabilang linya.

“pwede ba tayong magkita?”

At nagsalita nga ang nasa linya na pwede syang kitain, my importate daw syang sasabihin ky Lin

Lin: “Cge after lunch…”

Inayos na nya ang sarili, tinawagan na rin nya ang secretary nya na hind sya makakapasok ng office ngayon. Umakyat na sya ng room nya para maligo 10am na rin ng makita nya ang oras kaya hindi na sya nag stay pa sa bahay. Ilang sandali lang at nasa byahe na sya, dumaan muna sya sa alabang para mag lunch.. at pagkatapos nito ay lumiko na sya sa south super highway. Nabayad na rin sya sa toll gate ng papuntang sta rosa. Isang oras ang nkakaraan at nakarating na sya sa isang rest house sa tagaytay.

Bumusina lang sya at maya maya at lumabas na ang isang matandang babae na nsa bandang 40′s..na familiar sa knya.

Ale: “mam lin ikaw pala yan! tuloy po!”

At pinabuksan na nga sya ng matanda ng gate at ipinasok na ni Lin ang kangyang sasakyan. Masaya sya at nakapunta na ulit sya sa lugar na iyon. Isang malaking bahay na bato medyo luma na ito pero halatang inaalagaan naman kaya maganda pa rin ang buong bahay. Ng maihanda na ang sarili, itoy bumaba sa kotse at dumiretso na sa sala..dun nya naabutan ang katagpo na my hawak ng wine glass at nakatingin lamang sa view ng taal.

Lin: ” anong kailangan mo sa akin..lovely?” tanong nito

Agad tumigin si lovely ng marinig ang boses ng tumawag sa kanya. Sinalubong nya ito ng yakap. Pero manhid na si Lin para sa mga ganun. Inalis nya ang pagkakayakap nito at umupo na lang sa katabing sofa.

Lin: ” sabihin mo na ang gusto mong sabihin at kailangan kong bumalik sa manila.” masungit na sabi ni Lin

Lovely: “Hindi mo gusto mag stay dito?..look Lin..alam kong pagod ka na sa nangyayari, u need to take rest muna. Stay here for dinner.” paglalambing ni lovely.

Gusto talga ni Lin magpahinga sa nangyayari sa kanya..masarap dito sa tagaytay at ang rest house na pinagmamay ari ng pamilya ni Lovely ay ang isa sa mga magaganda sa tagaytay. Pero ang mismong kasama nya sa loob ng bahay na ito ang nagsasabi sa knya na mas gusto na lang nya mag stay sa bahay nya sa manila. Meron naman syang rest house sa tagaytay pero malayo pa ito sa commercial area kaya minsan lang nya ito pinupuntahan..pinagpaalaga lang nya ito sa isa sa mga katiwala nila.

Lin: ” ano ba talga ang kailangan mo? marami pa akong gagawin sa manila.” pagsusungit ni Lin

Umupo si lovely sa tabi ni Lin..at nilambing ito sa pamamagitan ng pagyakap sa bewang. Hinahalikan ni lovely ang pisngi nito. Pero si Lin na mismo ang umiiwas sa mga halik ni lovely. Khit alam nya na mahal pa nya ang babaeng ito.. mas nananaig sa knya ang pangungulila nya ky dannie. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto na nyang bumalik sa manila agad. Dahil sa gnagawang pag iwas ni Lin sa paghahalik at paglalambing ni lovely..itoy tinigil na lang nya at tumayo.Umalis sya at pumunta sa isa sa mga kwarto nya. Ilang minuto lang ay bumalik na sya hawak hawak ang isang brown envelope. Iniabot ito ky Lin, na agad namang kinuha nito.

Lin:  “ano to?” sabay abot sa envelope.

Lovely: “tingnan mo..para malaman mo” sabay kuha ng wine sa center table at inilagay sa baso nya.

Agad itong binuksan ni Lin.. nagulat sya sa nakita. Agad syang napatingin ky lovely na parang nagtataka.

Lovely: “yes honey..inaayos ko na yan matagal na bago pa tayo maghiwalay. Hindi ko lang binigay sayo yan dahil ayokong mawala ka sa akin.”

Lin: “matagal na nasa sayo to??” pasigaw na sabi ni Lin.

Lovely: “oo..pero ayoko mawala ka sa akin ng mga oras na yun kaya hndi ko binigay sayo. At ngaun na alam kong iiwanan mo rin ako..cguro ito na ung best time para umalis ka na. Akala mo ba na hindi ko alam kung anong nangyayari sau ngaun? masyado kang nababaliw sa babae na un..na ngaun mo lang nakilala.”

Nagulat talga si Lin sa nakitang mga papeles  sa envelope. Matagal na nyang inaayos ang isang property sa las vegas, matagal ng pangarap ni Lin ang makuha ang mga ito dahil balak nyang magtayo ng isang advertising business dito. Ang buong akala nya natalo na sila sa bidding ng property na un kaya hindi na nya inayos pa. At hindi nya alam.. matagal na syang nanalo para makuha ang place na iyon, at itinago lang pala ni Lovely, dahil alam ni lovely na once na makuha nya ang property na yun at agad itong aalis para manirahan doon for good. At ngaun ibinibigay na ni lovely sa kanya ang lahat ng papeles para makaalis.

Lin: “bakit mo sa akin nagawa ito lovely??” gigil na gigil na sinabi nya.

Lovely: “tapos na un..ang mahalaga alam mo na my possible mo ng ituloy ang matagal mo ng pangarap”

Wala talga syang magawa..kahit magalit sya kay lovely ngaun..wala na rin syang magagawa.. nasa kanya na nag mga papeles na yun..at anytime pede na syang umalis at ituloy na ang matagal nyang pangarap.Tumayo na sya sa pagkaka upo at akmang aalis na palabas sa bahay.

Lovely: “hey hey.. aalis ka na?? ganun na lang un.. hindi mo ba napapansin na hindi pa yan kompleto?”

Napaisip si Lin sa sinabi ni lovely..oo nga hindi pa ito complete..at un nag pinagtataka nya.

Lin: “Nasaan ang kalahati?” tanong dito

Lovely: ” nasa akin..at kung hindi ka sasama sa akin..hindi mo na makukuha un..pag isipan mo yan Lin.. hindi nman mahirap ang pinagagawa ko sayo. balikan mo lang ako, ibalik natin ang dati nating pagmamahalan.. at sasama na ako sau sa las vegas at magpakalayo layo na tayo.”

Hindi na alam ni Lin ang gagawin, alam nya na pwede naman pag aralan muli mahalin si Lovely.. hindi na mahirap un dahil minsan na nya itong minahal. At sa pagbabalik nya ky Lovely, maari na nyang ituloy ang matagal na nyang gawin, matutupad na ang pangarap nya. Pero bakit ngaun ay nahihirapan sya? dahil ba sa hindi na nya kayang makipag balikan sa babaeng kaharap nya or dahil sa isang babae na hinahanap hanap nya.

Lumapit si Lovely sa kanya at inilagay ang dalawang braso sa balikat nya at inilapit ang mukha nito.

Lovely: “honey..mahal na mahal kita…please umalis na tayo dito, nasa sayo na ang lahat. ano pa bang kailangan kong gawin, isang yes lang Lin.. at ibibigay ko sayo ang kalahati at umalis na tayo dito.. iiwan ko ang buhay ko dito sa pinas para lang sayo.”

Inalis ni Lin ang pagkakakapit ni lovely sa kanya.

Lin: ” Hindi ganun kadali un Lovely”.. sbay talikod at pumunta sa my bandang bintana.

Lovely: “ano bang mahirap dun? kung hindi mo ako kayang mahalin ulit..maghihintay ako..bsta ang mahalaga andun na tayo sa las vegas.”.. ang babae mo ba ang inaalala mo?”

Lovely: “Lin..bago pa dumating ang kinakabaliwan mong babae.. nauna na ang pangarap mo..at ngaun nasa harapan mo na..ano pa ang dahilan para hindi mo ito ituloy?.”

Napabuntong hininga na lang si Lin. Hindi na nya kayang mag isip pa..litong lito na sya. Kailangan nyang makausap si Dannie bago ang lahat. Kailangan nyang malaman kung ano ang nararamdaman ni dannie bago sya magdesisyon. Kinuha na nya ang susi ng sasakyan nya sa table at balak na nyang bumalik agad sa manila.

Lovely: ” cge hindi kita pipilitin ngaun..masyado ka lang naguguluhan..pag isipan mo yan Lin. Nasa envelop na rin ang ticket..inayos ko na lahat yan. I’ll give u one month para ayusin mo ang mga bagay bagay na maiiwan mo dito sa pinas.”

Hindi na hinintay ni Lin kung ano pa ang sasabihin ni lovely..kailangan na nyang mahanap si dannie para makausap ito. Dala dala nya ang envelop ng pumasok sa kotse, at agad itong pinatakbo para makabalik sya ng manila agad.

to be continued….

(sorry ito na lang muna..masakit na talga daliri ko sa kakatype heheh)