clumsy love season two

Author Name: yamyam | Source: pinoyliterotica.com

Sa wakas christmas leave.. mapapadalas ata pagsusulat ko ah.. enjoy reading!

“You have to understand the imperfection of love before you can say that you are really inlove”

………………………………………………………………………………………………………………………

Flashback: Pak! read nyo na lang season one…hehehe :)


Episode one: The Do’s and Dont’s

Three months ko ng girlfriend si julie this time, honestly until now nahihirapan pa din kami mag adjust, more on getting to know each other pa kami, kaya madaming bagay ang di namen pinagkakasunduan, minsan nga sobrang liit na bagay pinagaawayan pa.

Me:  o san tayo dinner? (i was driving her car)

Julie:  ikaw nagdridrive, e di ikaw na bahala.

Me:  driver mo lang ako ikaw ang boss ko, san mo nga gusto kumain.?

Julie:  ikaw na nga bahala! (halatang galit sya)

Me:  galit ka ba?

Julie:  hindi! (pero halata sa kanya na galit sya)

Me:  owsss, galit ka e.. smile ka nga kung di ka galit..

Julie:  may dapat bang ika-smile?

Me:  e di galit ka nga.. sorry na kasi para 10 minutes lang ako nalate e..

Julie:  kanina pa kaya nangangawit tuhod ko kakaintay sayo..

Me:  e bakit di ka kasi umupo..

Julie:  ihhh, nangaasar ka ba?

Me:  haha, syado ka kasi seryoso, 10 minutes lang e..

Julie:  dapat pala di na kita inantay nagdrive na lang ako mag isa..

Me:  hmmm, magagawa mo ko iwan..?

Julie:  ihhhh, syempre hindi… kainis ka naman kasi, lam mo naman na ayaw na ayaw ko ng nalalate..

Me:  sorry na, enough na katarayan, pwede loving loving muna, happy monthsary..

Julie:  waaahh, sorry nakalimutan ko.. (sabay hug nya saken while im driving)

Me:  sows, ako ata dapat magalit ah, ako late lang ikaw nakalimot..haaay

Julie:  o teke teka monthsary naten bakit late ka?

Me:  asus! ito talagang nobya ko galing magbaliktad,. lage naman ako talo sayo…

Julie:  hehehe, sorry nobyo nakalimutan ko e monthsary pala naten, lam ko naman na di ka marunong magalit saken e.. (sabay kiss nya ng sunod sunod sa pisngi ko)

Me:  pasalamat ka mataas memory ko, ung iba nga dyan di na marunong magcelebrate ng monthsary, haha oldschool tayo eh, tayo na lang ata ang nagcecelebrate ng ganyan..hahaha

Julie:  o bakit ka nga nalate? nambabae ka noh?

Me:  hahaha, sa panget kong to may magkakagusto pa ba saken? gusto na nga kita ipatingin sa spesyalista sa mata e..hahaha

Julie:  baliw ka talaga, di ako bulag noh, mahal kita maging sino ka man..hihihi

Me:  haha, sharon ikaw ba yan..

Julie:  oo robin ako to,hahaha (sabay halik nya sa lips ko)

Me:  hmmm, sweet naman ng nobya ko pag walang topak,.

Julie:  sweet naman talaga ko e, kaw lang walang kasweet sweet dyan eh.. bakit ka nga late, iniiba mo usapan e..

Me:  nagpareserve pa kasi ko sa mamahaling restoran…hahaha

Julie:  wow, big time ng nobyo ko ah.. o san naman yan?

Me:  relax ka lang papunta na tayo dun, pinagipunan ko to sana maapreciate mo..hehehe

Julie:  wow naman, hulaan ko kung san yan.. hmmm, italian resto ba yan?

Me:  hahaha, ennnkkkk… di mo mahuhulaan promise..

Julie:  naeexcite na ko ah, bilisan mo na magdrive gutom na din ako e..

Me:  oo na, sigurado mabubusog ka sa pupuntahan naten.. medyo malapit na tayo..hehehe

Julie:  loka ka tawa ka ng tawa, pag yan kalokohan masasapok kita..

Me:  o ayan malapit na tayo promise, close mo na mata mo..haha

Julie:  ihhh bakit kelangan close pa…

Me:  wag na makulet, wag mo sirain surprise ko..hahaha.. o sya close na mata,wag mandadaya ha..

Julie:  ok ito na close na…

Dumating na kami sa surprise ko kay julie, inopen ko ung door sa side nya at inalalayan palabas.. “ooopss, wag mo bukas mata mo pag di ko pa sinasabi ha”….”oo na, sigurauhin mo lang masusurprise ako ha”…  Inalalayan ko sya ng konting hakbang, at pagkatapat namen sa sinasabi kong surprise ko sa kanya, “o sige you can open your eyes na” sabi ko sa kanya… pagkabukas na pagkabukas ng mata nya ang bumulaga sa kanya KARInDERYA nI nEnA…

Julie:   wahahahahahhahahahaha..

Me:  SURPRISEEEEEEEE!hahahahaha

Julie:  baliw mo talaga mamahalin pala ha, pinagipunan pala ha.. tapos dito mo lang ako dadalhin..hahaha..

Me:  bakit, ayaw mo ng surprise ko?

Julie:  hmmm, infairness natuwa ako, first time may gumawa saken nito… iloveyou nobyo ko..

Me:  haha, iloveyoumore nobya.. tara pasok na tayo..

Pagpasok namen sa karinderya mas lalo pa sya nagulat, isang mesa lang ang nakalagay sa gitna maganda ang pagkakaayos ng lamesa at may dalawang candle sa table with red wine sa center.. “wow sweet naman ng nobyo ko, kinikilig ako promise” sabay yakap nya saken ng mahigpit, at ginawaran ako ng isang matamis na halik.. ” sorry nobyo ha, nakalimutan ko e”.. “ok lang,basta wag ka na magsusungit saken ha”… “lam mo yam bakit ang bait mo,kahit anong topak ko nakakaya mo”sabi nya, “di ko din alam e, yang pagiging topakin  at kamalasan mo kasi nagustuhan ko sayo”.. “yiheeee,iloveyou ulet sobra sobra” naglapat ulet ang mga labi namen, this time medyo matagal na halikan, halikan na walang kasaman dila, halik ng walang libog kundi puno ng pagmamahal..

“Ahem,Ahem” ubo ni aling nena,, “hahahahaha” sabay pa kami tumawa ni Julie, “may tao pala kala ko tayo lang,hihihi” wika ni julie, “aling nena ok na ba pinahanda ko sayo” sambit ko.. “ok na lahat sir kanina pa namen kayo inaantay” sagot ni aling nena.. Inalalayan ko umupo si julie at umupo na din ako sa tapat nya,..

Me:  nobya ko nagustuhan mo ba?

Julie:  hmmm, pwede na…hehehe

Me:  kainis ka so di mo nagustuhan..

Julie:  ano ka ba, di nga mawala ngiti ko oh, di mo ba pansin hanggang ngayon kilig pa rin ako.. slow mo..hehe

Me:  hahaha, malay ko ba di mo nagustuhan..

Julie:  this is the best dinner of my entire life..

Me:  sus, sobra naman un..

Julie:  seriously, i love it, and iloveyoumore..

Me:  hmmmm, nobya ko ano wish mo at ano mga ayaw mo para di tayo madalas mag away..

Julie:  wish ko sana di ka magbabago, basta yoko lang ng late, ayoko ng nagsmoke, ayoko ng naghihilik matulog ayoko ng mabaho paa, ayoko ng madumi kuko,ayoko ng amoy yosi bibig, ayoko ng inaaway ako, gusto ko ako lage masusunod gusto ko ako lage boss..hihihihi

Me:  aw, dami naman.. parang ang hirap..hahaha

Julie:  hmf, suko ka na?

Me:  sus, un lang sisiw naman..

Julie:  sige sabi mo yan ha kakayanin mo lahat…hmmm ikaw naman.

Me:  hmmm, just be yourself, tanggap ko naman lahat sayo e, wala kong ayaw.

Julie:  yiheeee, corny mo.. kain na nga lang tayo gutom na ko…

Ang daming putahe nilabas ni aling nena, lahat na ata ng lutong bahay na ulam nakahain ngayon sa lamesa, mukang maiimpatso pa kami nito ah.. “o ayan kain na mamili ka na ng gusto mo” aya ko sa kanya, ” wow, dami nito ah, sulit na sulit, di mo naman ako gusto patabain nyan” sabi nya.. “sus kahit pa tumaba ka ng matabang mataba” di pa ko tapos magsalita, “mamahalin mo pa rin ako noh” sabat nya, “hahaha, asa ka naman sabi ko kahit tumaba ka may LIPO na naman e,haha” … “hmmm kaasar ka”… ” iloveyou nobya ko”.. “iloveyou mo mukha mo, wag ka magulo kumakain ako”… pinagmasdan ko lang sya sa pagkain nya, di ko mapigilang ngumiti, this girl was amazing wala talaga sya ka arte arte sa katawan, nakakamay pa sya kung kumain, sya ung tipo ng babae na magiging proud ka kahit san mo dalhin, sa sosyalan mo at sa simple lang di ka mapapahiya..

Habang tuloy lang sya sa sa pagkain, tinawag ko si aling nena at binulong ko sa kanya ung last na sorpresa ko, ok na daw lahat sabi pa ni aling nena,. Sinabayan ko na si Julie kumain sayang naman mga inorder namen, habang kumakain kami, biglang tumugtog ang video oke at sabay kumanta si aling nena at si mang berting asawa nya parehas na sila may edad, “grow old with you ung title” saglit kami tumigil kumain para panoorin sila..

Di maipinta ang tuwa sa mukha ni Julie, mukang nasorpresa na naman sya, di man kagandahan ang boses ng magasawang matanda, napakaganda pa rin nila panoorin, nakakaaliw sila pag masdan habang sabay sumasayaw sa saliw ng kanta, paminsan minsan nagkikiss pa sila.. Tahimik namen pinanuod ang magasawa.

Me:  bagay na bagay ung kanta sa kanila noh?

Julie:  hmmm, kakainggit sila..

Me:  tayo kaya tatagal ng ganyan?

Julie:  bakit willing ka ba tumanda kasabay ako..

Me:  pwede ba ikaw na lang tumanda, ako bata pa rin para cute pa rin..haha

Julie:  kainis ka seryoso kaya ako…

Me:  ikaw sasabayan mo rin ba ko tumanda?

Julie:  ako una nagtanong e..

Me:  julie alam mo na minsan lang kita mamahalin pero ang minsan ay magpakailan man..hahaha

Julie:  ihhhh, kaasar ka na, kanta un e…

Me:  masyado kasi seryoso tanong mo..hehe

Julie:  kainis ka wag mo na nga sagutin…

Me:  madami na kasi nagsabi ng linya na ganyan, tatanda ako kasama ka, kahit maputi pa b uhok mo.. baka wala ng dating pag sinabi ko..

Julie:  e di magisip ka ng may dating..

Me:  pwede bang ganito na lang..

Julie:  ano un?

Me:  bumalik ka man sa pagka isip bata dala ng katandaan, at di mo man matandaan ang pangalan ko sa sobrang katandaan, di ako magsasawang mahaling ka..

Julie:  yiheeeeeeeeee…….

Me:  pwede na ba un?

Julie:  bleeehhh, corny mo..hahahahaha

Me:  grrrrrrrrrrrr, kaasar!

Julie:  haha, nobyo ko..

Me:  oh bakit,..

Julie:  tingin ka saken bilis…

Me:  o ayan o bakit,? (sabay hawak ni julie sa baba ko at nagtitigan kami mata sa mata)

Julie:  thanks for this wonderful night, di ko makakalimutan to babaunin ko hanggang sa pagtanda ko..

Me:  hahaha, cheezyy mo, cornyy.waaahhh

And then we kiss…… :)