THIS IS NOT A STORY.
WARNING, kung ayaw niyo ng pa-epal lang na post, wag niyo na ituloy ang pagbabasa nito..
pero kung sino man ang nakakaalala pa sa akin or nakapagbasa ng mga story ko, PAKIBASA tong post na to.. haha
Di na ako magpapaligoy-ligoy pa.. yung post na to ay para magpasalamat at magbabye muna sa inyong lahat..
Medyo madami na din akong naisulat dito..
Laptop series – yung story na madami nainis sa akin dahil sinabi kong fiction lang..
series – story ng babae na pinag-agawan ng 2 lalaki-identical twins pa
Stalker – short story about a guy who fell in love with his stalker
and (di ko pa tapos) – babae na nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng genie.
Lahat ng yun nasulat ko hindi dahil gusto ko sumikat dito sa PL or magpapansin lang, sinulat ko yun dahil sa dalawang rason: una, gusto ko lang ishare yung wild imagination ko..walang mapaglagyan, kaya dito sa PL ko nilabas.haha. Pangalawa, nagsusulat ako para mawala ang stress sa buhay.
Gustong-gustong-gusto ko talaga ang magsulat.. pero ewan, may personal na rason kung bakit hindi ko na maituloy ang pagsulat..
At sorry, sa mga nag-aabang sa MY DJINN (kung meron man) hindi ko na po siya maitutuloy.. sorry talaga.. pasensya na..at mas lalong sorry dahil hindi ko natupad ang promise ko na tatapusin ko tong ‘my djinn’. Alam kong hindi tama na mag-iwan na lang ng isang hindi tapos na istorya..pero wala po ako magagawa.. Kung pipilitin kong tapusin yun ngayon, baka pangit lang din ang kalabasan.
Gusto ko magpasalamat sa lahat ng mga nakilala ko dito sa PL.. sa idols ko, sa writers..non-writers..comment-ers…silent readers..raters..thumbs-up-ers.. etc. haha..
sa mga naiyak,natawa,kinilig sa stories ko… sa mga nagsabing ‘sundan agad..’,'next chapter’,'aabangan ko to.’
sa mga tumawag sa akin ng ‘idol’,'master’,'author’..sa mga nagsabing magaling ako.. sa mga nag SPECIAL MENTION sa akin sa mga post nila.. sa mga naging kaibigan ko na din dito sa PL..
at ikaw na nagbabasa ngayon..
SALAMAT…
BAKIT PA BA AKO NAGPOST NG GANITO? OO, alam ko, hindi naman lahat ng tao sa PL, may pakialam, pwede na lang akong mawala ng parang bula at unti-unti na akong makakalimutan ng mga tagaPL.. haha.. pero ayoko ng ganun.. gusto ko kasi laging may closure.. so ayun, nagpost pa ako..
BAKIT HINDI KO IDELETE ANG MGA STORIES KO ? yun ang hinding-hindi ko magagawa.. ang idelete ang mga stories ko. Oo, pwede ko naman icopy-paste yung mga stories bago idelete.. pero para sa akin kasi, importante ang bawat ‘comment’ niyo. Kahit pa negative or positive.. or kahit walang kinalaman sa story ko. haha. it matters to me.
Ayun, to cut it short, sa ngayon, si author ‘R’ ay DI NA MAGSUSULAT
(pero bukas meron na palang bagong post.. joke lang. haha.)
Ayun, ok na.. tapos na ang drama.
BUH-BYE for now…
thanks for reading..tc
~