Dear diary, wahahahaha!
Papasok ako ng work pagsakay ko sa bus agad ko namataan ang isang super hot chick, sa isip ko she’s just 21, pero super panalo talaga, kaso may kasamang boyfriend pag tingin ko sa boyfriend nya pota napa iling na lang ako.. hahahahaha. Absolutely opposite, mukhang tambay ung lalake sobrang itim at malago ung hair na kala mo di naligo ng isang linggo.haha
Dun ako umupo sa opposite side ng inuupuan nila sa dalawahan kasi sila nakaupo sa bandang dulo, kaya sa tatluhan ako umupo sa tapat nila, since sa may bintana nakaupo ung guy so mejo malapit saken ung babae.. Pota the best talaga yung babae, minemorize ko talaga itsura nya, she’s wearing a maong short a sobrang ikli at my terno na stripes fitted shirt yellow at black..
Swerte naman ng mokong na to, nakajockpot sa lotto..hahaha.. Sa tanya ko naman mukhang mas mayaman sa kanya yung girl daladalawa ba naman cellphone at mukhang artistahin talaga, kaya di mo maiisip na pera lang habol nung babae, tsaka the way she talks sa bf nya parang inlove na inlove talaga, ung girl pa kasi ung agresibo humawak ng kamay nung lalake at humilig sa balikat paminsan minsan humahalik pa sa tagihawating pisngi…hahahaha
Kahit ung ibang pasahero sa bus sa kanila na nakatingin, pota lahat siguro inggit pati na ako, super perfect kasi nung girl.. nung bumaba na ko sa bus nag thumbs up lang ako sa kanilang dalawa, sabay naman sila ngumiti…
Malapit na ang pasko guys, di pa huli ang lahat para sating mga panget, somewhere out there makakakita tayo ng mas hot pa.. Pasensya sa share ko, nakakainspired lang, love moves in different ways..hahahaha
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay..haha andrew e. idol….
Tayong mga panget ang magpapaganda sa mundo..hahahaha