X-GF 1.2

Author Name: taktengyan | Source: pinoyliterotica.com

Naunang pumasok si ben sa kanilang bahay. Hindi niya muna pinapasok si harlyn.

“Mom, dad, kuya pasensya na kayo nalate ako. Bumili pa kasi ako ng vodka.”, sabi ni ben.

Hindi palainom ang kanilang pamilya pwera kay arnold na isang bartender. Kahit ang kanilang ama ay hanggang ilang shot lang ang kaya.

“Oh bakit bumili ka pa ng alak e alam mo naman na si arnold lang ang uubos nyan?”, pabirong tanong ng kanyang ama na tinawanan naman ni arnold.

“Oo nga naman. Siguradong kung wala ako dito ay mabubulok lang yan. Bakit ba bumili ka pa?”, natatawang sagot ni arnold.

Si arnold ay 7 taon ang tanda kay ben. Kung pagkukumparahin ay napakalaking pagkakaiba ng kanilang pangangatawan. Bagamat pareho sila ng height at pareho silang payat, di hamak na mas malakas ang pangangatawan ni arnold. Isang runner si arnold noong siya ay nasa kolehiyo pa. Pareho silang matalino ni ben. Ngunit ang talento ni arnold ay hindi sa akademya kundi sa teknikal na mga bagay. Bukod kasi sa pagiging bartender ay isa siyang Jack of all Trades.

Sumagot naman si ben at pinapasok niya ang napakagandang gf na si harlyn. “May kasama po ako. Mom, dad, di ba gusto niyo magkaroon ng isa pang babae sa pamilya?”, sabi ni ben. Natahimik lang ang lahat sa pamilya. Nakatingin sila kay harlyn at kay ben habang may dinukot si ben sa kanyang bulsa. Si arnold naman ay titig na titig sa alindog ni harlyn. Tinititigan niya ang hubog ng katawan nito. Di niya maiwasang tigasan sa kasama ng kapatid. Di naman nakaligtas sa paningin ni harlyn ang pagbukol ng harapan ni arnold. Tila naramdaman niya ulit ang init na kanina ay nararamdaman niya sa taxi.

Biglang lumuhod si ben sa harapan ni harlyn na siyang dahilan upang mawala ang atensyon ni harlyn sa bukol sa harap ni arnold. Nagulat ito sa ginawa ni ben. At nagulat din naman na nagtataka ang pamilya ni ben nang biglang, “harlyn, sa harap ng pamilya ko, gusto kitang tanungin. Ikaw ang naging inspirasyon ko kaya mas pinagbuti ko ang aking pag-aaral. Gusto kong makasigurado na paggraduate mo ay hindi mo ako ipagpapalit sa iba. Gusto kong malaman sa harap nila kung handa ka bang ma-engaged sa akin? Maiintay mo ba ako hanggang makagraduate ako at makaipon? Handa ka bang pakasalan ako pag dumating ang tamang panahon?”, maluhaluhang binigkas ni ben ang mga katagang iyon. Napangiti si harlyn ngunit di maiwasang may luhang pumatak sa kanyang mga mata. Napalingon siya sa pamilya ni ben at napansin niyang lahat sila ay nag-iintay ng kanyang kasagutan. Hinila niya patayo si ben at niyakap. Umiyak siya at sinabi niya kay ben na handa siyang mag-intay. Isinumpa niya sa harap ng magulang ni ben na iintayin niya ang kanilang anak. Kasunod niyon ay pumalakpak ang ama ni ben. Nag-group hug sila at winelcome nila ang isang magandang dilag na magiging myembro ng kanilang pamilya sa hinaharap.

Hinawakan ng mommy ni ben si harlyn sa kamay at niyaya sa kusina. “Halika harlyn. Ipaghanda natin ng pagkain ang pamilya natin.”, wika ng mommy ni ben. Lubos ang tuwa ni harlyn ng gabing iyon. Yun ang unang pagkakataon na may lalakeng nagpahiwatig na gusto siyang makasama habang buhay. Kaya naman masaya niyang tinulungan ang ina ni ben sa paghanda ng pagkain.

Bigla namang naisip ni arnold na daig siya ng kanyang kapatid kasi napakaganda ng gf nito. Samantalang siya ay papalit-palit pa rin ng gf at wala pang naipapakilala sa magulang. At hindi lang iyon. Tinamaan talaga siya ng matinding libog sa gf ng kapatid.

Maya-maya ay tinawag ni harlyn ang mga lalake sa pamilya para kumain. Muli, titig na titig si arnold sa gf ng kapatid. Titig na titig ito sa cleavage ni harlyn na litaw sa suot nito. At nang pagtalikod ni harlyn pabalik sa kusina ay sa pwet naman nito napatitig si arnold. Dahil sa high heels ang sapatos ni harlyn at tila kumekembot siya sa kanyang paglalakad patungo sa lamesa. Tinigasan ng sobra si arnold at napabulong na lang na napakaswerte ng kapatid niya. At pumunta na ang mga lalake sa kusina para kumain.

———-

ITUTULOY po ulit..

Pa-follow po ako sa twitter at pa-add po sa fb.

www.facebook.com/taktengyan24 http://twitter.com/taktengyan24