Waray chronicles Part III
Hindi ko na siya kinibo pagkatapos ng argument namin kanina. Tumigil na rin siya sa pag-iyak, pero namumugto pa rin ang mga mata niya. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya pero di ko siya tinititigan, madalas ko rin siya nahuhuli na sumusulyap sa akin at hindi niya tinatago ito. Parang may gusto siya na sabihin sa akin. Nang dumating na sa terminal, bumaba agad ako at naghanap ng taxi papunta sa Gaisano Mall. Nang wala ako makita, naglakad lakad pa ako para lang makadistansiya kay Peach dahil expect ko na maghahanap din siya ng taxi na masasakyan. Akala ko malayo na ako sa kanya kaya nagulat ako ng bigla siyang magsalita mula sa likuran ko.
“Bong, saan ka pupunta?” Uy! Nawala na yung Mr. na prefix ah. Bong na lang ngayon.
“Anywhere within a safe distance from you. Sinusundan mo ba ako?”
“No… I’m sorry…”
“Sorry saan? Dahil hindi mo ako sinusundan?”
Para siyang basang sisiw noong oras na yun. Nakatayo lang siya, nakayuko, naka kurus ang braso, at suot ang shades nya para itago ang mugto ng kanyang mga mata.
“Peach, hindi ko alam kung ano nangyari sa inyo nung guy na yun sa larawan. Pero sa nakita ko sa reaction mo kanina, alam ko hindi mo pa rin siya makalimutan. O ayaw mo siya kalimutan. Wala akong problema dun Peach. Sa akin lang. Hindi ako yung guy na yun. Alam mo yung nakakainis, o nakakainggit? Ha Peach? Iniwan ka ng ungas na yun, pero eto ka pa rin, hindi mo man aminin, hinahanap mo pa rin siya. Ako? May permiso na nga ako na maghanap ng iba eh. Siya na mismo nagtutulak sa akin na umalis. Pero eto pa rin ako, pilit pa rin kumakapit sa relasyon namin ng wife ko…”
“Ako ang iniiwan Peach, hindi ako ang nang-iiwan… Mukha lang namin ang magkapareho.”
Tahimik pa rin siya. Walang masabi. Nang may parating na bakanteng taxi, pinara ko na at sumakay palayo sa kanya. Naiwan siya na nakatanaw…
Sa Gaisano, wala na ako sa mood, pa-ikot ikot lang ako. Hindi ko naman masabi na nasira ang araw ko. Para ngang maluwag ang dibdib ko dahil nalaman ko na rin sa wakas ang dahilan bakit ganun siya, at nasabi ko rin sa kanya ang mga saloobin ko. Pero si Peach na lang din kasi ang laman ng utak ko ng araw na yun.
Maya maya may nag-text. Si Liway. Sabi niya may humihingi daw ng number ko, pag hindi raw ako nag-reply na ayaw ko ibigay within 10 seconds, mapipilitan daw siya ibigay ang number ko. At sa text pa siya nagbilang. Hayyy Liway…
May nag-text uli, this time hindi registered sa CP ko ang number. Nagtatanong kung nasaan ako. May sapantaha ako kung sino ang nag-text, kaya hindi ko na sinagot. Maya maya nag-ring naman ang CP ko, as usual, dedma lang. Nag-text uli sya.
“Bong, answer my call please…”
“I don’t answer calls from unregistered number. Who art thou?” Reply ko naman.
“Peach…”
Naalala ko yung pinautang ko sa kanya, kaya nag-text ako.
“This is about the money isn’t it? Just give it to me on Monday. If you’re not comfortable handing it to me personally, just throw it in a trash can in my full view. I’ll just retrieve it later.”
“Bong, remember where you are ok. Tacloban is my territory so don’t piss me off. Answer my call or else!”
Ngiii!!! Takutin ba ako… May pagka-siga din pala tong babae na to.
“Hello…”
“Look, I just want to make it up to you. I know I have done you wrong.”
“And bullying me is your way of making amends?”
“I’m sorry… Ayaw mo sagutin eh.”
“Ok. So what do you have in mind?”
“Dinner?” Tanong sa akin ni Peach.
Hmmm… nag-compute muna ako ng budget ko. May 2,500.00 pa ako sa wallet, tapos yung 1000.00 pa na ibabalik niya. Mukhang kakasya. Yung hitsura naman kasi ni Peach, mahihiya ka talaga dalhin lang sa Jollibee eh.
“Ok. Here’s the deal. No it’s my rule. I get to pick up the tab. So, where art thou?”
“Ok. On my way to wherever safe distance you holed yourself. Are you in Gaisano?”
“Yeah I am. Peach, I’m not really familiar here, so I’d have to ask you to point the place where we can have a good chow.”
“Don’t worry. I know a great place. Hey, we’ll pick you up at the entrance ok. Will be there in 10 minutes. Bye.”
Kinabahan ako dun sa great place na yun. Saka bakit we? May kasama siya? hmmm… Bodyguard.
6pm yun. Nakatayo na ako sa labas ng Gaisano at naghihintay sa kanya, ng may tumigil na isang black Suburban SUV sa harap ko. Si Peach ang driver. Coño nga talaga. Wala naman nakasakay sa passenger seat kaya expect ko na siya nga lang mag-isa. Pag-upo ko, may batang tinig ako na narinig sa likuran. May kasama nga siya.
“Mommy, is he the man you were talking about?”
“Yes Honey. This is tito Bong.”
“Hi there Ms. Cute…” sabi ko sa anak ni Peach. Gosh… May anak na siya…
“Her name is Cherry.” Sabi ni Peach.
“Well hi there Cherry… Its so nice to meet you.” Nakatingin lang sa akin si Cherry na parang sinusukat ako.
Umalis na kami at maya maya lang, nag-park na kami sa isang kilalang resto. Mukhang kilala doon si Peach at mukhang may reservation na kami dahil sinamahan agad kami ng waiter sa reserve table namin. Nung nag-order na kami, nagulat ako sa dami ng inorder namin. pang-sampung tao yata iyon. Siguradong patay ang budget ko nito sa isip isip ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Maya maya nagpaalam si Peach na pupunta muna sa rest room at kami muna ng anak niya ang naiwan sa table. Si Cherry ang naunang nagsalita at grabe sa kadaldalan ang bata na yun. At very fluent mag-english. Naisip ko biruin si Peach sa text.
“What kind of a mother are you? Reading your kid algebra and calculus books instead of children’s stories! Do you know how hard it is to talk to a toddler who talk back to you like an 18 yr old? Damn!!!”
Saktong parating si Peach ng ma-send ang text ko, nakaupo na siya ng tumunog ang CP niya at mabasa niya ang text ko. Bigla siyang natawa sa text ko at dumila sa akin pagkatapos. Doon ko una nakita na natuwa si Peach kaharap ako, at doon ko nakita na masayahin pala talaga siya.
Pagkatapos namin kumain, pinakuha ko na yung bills namin sa waiter pero nagulat ako ng sabihin ng waiter na bayad na raw. Tumingin ako kay Peach ng pa-ismid, nakatingin lang sa siya sa akin na nangingiti. Nagsalita naman agad yung waiter na anak si Peach ng may-ari ng resto. Kaya pala… Pinabalot na lang ni Peach ang natira dahil dadalhin pala talaga niya para sa mga katulong nila. Naisip ko noon na ibang klaseng amo itong si Peach. Down to Earth talaga.
Medyo naiilang pa rin ako sa kanya kaya nagpaalam na ako. Problema lang medyo gabi na para umuwi ako ng Catbalogan kaya sa Tacloban talaga ako magpapalipas ng gabi. Natanong ko sa kanya kung may alam siya na pension house dito sa Tacloban. Sabi ni Peach meron, samahan na lang daw niya ako sa lugar. Sama naman ako sa kanya. Nagtaka ako nang pumasok sa isang malaking bakuran ang sasakyan ni Peach. Malayo na sa city proper iyon kaya medyo nailang ako, di rin kasi ako pamilyar sa sakayan dito sa Tacloban. Hindi naman mukhang pension house ang pinasukan namin, isa itong mansion.
“Peach, nasaan tayo?”
“Bahay namin ito. Gulat ka ano? Naisip ko kasi magbabayad ka pa ng overnight stay para lang pagbigyan ang dinner invitation ko kaya dito ka na lang matulog ngayong gabi. May pinahanda na ako na room sayo.”
“Peach nakakahiya. Anyway, plano ko naman talaga magpalipas ng gabi dito sa Tacloban.”
“Tito Bong, do you know how to sing? Mommy’s voice is terrible. Could you sing me a bed time song later?” Salit naman ni Cherry. Lambing talaga nitong bata na ito.
“Hahaha! Why me? Does your yaya sing you a song when you sleep?”
“Yeah. But yaya’s songs are so yucky. Eeewww!” Natawa na lang ako kay Cherry.
“Honey, tito Bong might be tired. We’ll just ask yaya for a new song ok.”
“Ok…” Sagot ni Cherry na medyo disappointed.
Pagpasok namin sa bahay, gulat talaga ako sa laki nito. Isang classic house ba na puro antigo ang mga muebles. At ang mga katulong, puro unipormado. Binigay agad ni Peach ang dala nya na pagkain sa katulong at siya na mismo ang nagturo sa akin ng kwarto ko.
“Matutulog ka na ba?” Tanong ni Peach.
“Its only 8. Kung hindi ka pa matutulog, baka gusto mo muna mag-talk tayo?” Sagot ko naman.
“Ok… Magpapalit lang ako ha. Then we can chat at the garden.”
Nagtanggal lang ako ng shoes at nagsuot ng sandals na provided ng katulong tapos lumabas na ako papunta sa garden. Malaki talaga ang bahay nila Peach, at obvious na maykaya talaga sila kaya ganun na lang ang pagtataka ko na nagtitiis siya sa kakarampot na kinikita niya sa Catbalogan. Kung simpleng tao ka lang, yung posisyon ni Peach sa trabaho at yung kinikita nya ay masasabi na sapat na rin. Pero hindi simpleng tao si Peach.
Nang dumating si Peach, nakasuot na siya ng pajama at cotton shirt. Nasabi ko sa sarili ko na wala na bang isusuot ang babae na ito na hindi seductive ang dating. Ganda kasi ng wetpaks niya… Biniro ko siya na ang ganda ng uniform niya, at parang estudyante siya ng spank me university. Natawa siya dahil naalala nya yung movie na “My Super Ex-Girlfriend”. Masaya ang kuwentuhan namin, hanggang sa personal na ang mga tanong ko.
Harold pala ang pangalan nung guy sa litrato, at si Cherry ang anak nila. Matanda si harold ng limang taon sa kanya at mahal na mahal niya ito. Halos tatlong taon din daw sila nag-steady at tiwala na siya dito. Kaya lang alam din pala niya na hindi lang siya ang nobya ni Harold kahit noong sila pa. Pero sige lang din siya kahit ayaw ng mga parents niya sa lalake dahil bistado na rin sa mga parents niya itong Harold. Hanggang nabuntis nga siya nito. Masakit sa kanya ang nangyari dahil pinaasa talaga siya nung guy. To the point na kasama pa niya sa pag-prepare ng upcoming wedding nila. Yun pala may plano nang tumulak nung guy papuntang Canada. Ni ho ni ha wala siya narinig na paliwanag sa guy. Talagang naglahong parang bula. Nasaktan talaga siya kaya nagpasya na lang siya na mag-resign sa previous company at bumalik na lang ng Tacloban.
Mahigit apat na taon na nangyari iyon, matagal din bago siya nakarecover sa nangyari sa kanya. Sinubukan niya mag-concentrate sa family business nila pero ayaw niya din kasi na pati negosyo nagiging topic na rin ng argument nila ng parents at siblings niya. Nasa food business ang family niya, may-ari sila ng ilang resto at sikat na fast food chain sa Tacloban at Manila. Pati na sa karatig-probinsiya. Nakakagulat ano… Maykaya talaga sila. Pero si Peach, kontento na sa ganung trabaho sa isang maliit na bayan sa Samar. Siguro dahil hindi naman niya talaga kailangan ang magtrabaho na parang kalabaw. Gusto lang daw niya maging independent. Ayaw nga ng mga parents niya sa work niya, pero si Peach talaga ang mapilit na sa Catbalogan mag-work. Hindi raw kasi masyado fast-pace ang buhay sa probinsiya, hindi katulad sa Manila. Pero alam ko hindi pa rin siya talaga nakamove-on sa nangyari sa kanya.
Halos tatlong oras din kami nag-usap, at sa tatlong oras na iyon, nakilala niya ako at nakilala ko din siya. Halos buong pagkatao niya ang nakita ko sa loob ng tatlong oras na iyon. Hindi niya kailangan sabihin sa akin, kailangan ko lang gawin ay obserbahan paano siya magsalita, kung paano siya tumingin, at paano siya ngumiti. At kung paano siya tumawa sa mga biro ko. Talagang halakhak, hindi tawa na pigil. Kaya naiisip ko na hindi alam ni harold kung ano ang itinapon niya na basta na lang.
Hindi rin pala alam sa Catbalogan ang nangyari sa kanya maliban kay Liway. Dalaga pa at walang anak ang alam nila at hindi rin naman din sinasabi ni Liway sa mga kikay dahil nangako siya kay Peach.
Nung nakahiga na ako sa kama, si Peach pa rin ang naiisip ko. Masaya ako dahil maganda ang naging araw ko at siyempre dahil nagkaayos na kami ni Peach. At kaibigan ko na rin siya. Sa totoo lang, hindi ako nanghihinayang noon na hindi ko makukuha si Peach. Ewan. Siguro na-overwhelm din ako sa status niya sa buhay. Masaya na talaga ako na kaibigan lang kami. Hindi kasi isang katulad ni Peach ang mahuhulog sa isang katulad ko.
Alas dose ng gabi noon ng may kumatok sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, nabungaran ko si Cherry…
“Cherry? Why aren’t you sleeping? Its already late.”
“I can’t sleep tito Bong. Mommy is snoring loud.” Natawa ako dun. Lakas pala mag-hilik ni Peach.
“Ok. Why don’t you go to your yaya?”
“I don’t like…” Sabi ni Cherry na mukhang gustong magpakarga.
Sabi ko sa sarili ko, ano ba ito? Naging yayo pa ako. Hindi naman sa ayaw ko, kaya lang isa akong estranghero na bisita nila. Ayaw ko naman na may masabi at maisip si Peach sa akin. Pero mukhang hindi paaawat itong si Cherry kaya kinarga ko na rin. Sa edad na lampas tatlong taon, hindi naman kabigatan itong si Cherry. Nami-miss ko na rin ang may kinakargang bata kaya enjoy din ako na kargahin si Cherry. Malambing din kasi ang batang ito.
15 minutos ako na karga si Cherry at nag-request pa na kantahan ko daw siya kaya kinantahan ko siya nung song ni Phil Collins “You’ll be in my heart”. Madali lang din nakatulog si Cherry pero hindi ko pa binaba kasi nasa labas ako ng kwarto ko noon at ang layo ng sala. Baka magising din kaya pinabayaan ko muna makatulog ng mahimbing habang kalong ko. Nang may biglang nagsalita sa likod. Si Peach.
“Bong, akin na si Cherry. Tulog na.”
Nagulat ako ng humarap ako sa kanya. Grabe… Nighties ang suot nya… Yung nighties na sakto lang na di kita yung undies niya pero see-through… Black undies na mukhang lace… At wala siyang bra… Shit na malagkit…
Tatlong talampakan ang layo niya sa akin kaya kita ko ang kabubuan ng mala-diyosang katawan niya. Gosh… Ang ganda niya…
Matagal ako na nakatitig sa kanya at ng mapansin ko na mukhang naiilang siya, binawi ko na rin ang tingin ko.
“Sorry… Nagmadali kasi ako lumabas ng kwarto dahil dito kay Cherry.” Sabi ni Peach.
Hindi rin naman niya tinatakpan ang medyo revealing look niya. Siguro dahil wala rin siya itatakip. Nasabi ko na lang na ihahatid ko na lang sa kwarto nila ang bata para di na siya magbuhat pa kaya sinamahan ko na pumasok sa kwarto at inihiga ko si Cherry sa kama. Nagpaalam ako agad kay Peach, at nung nasa labas na ako, lumingon pa ako sa kanya na nasa may pinto. Nakangiting nagpasalamat sa akin si Peach at nag-goodnight. Aninag na aninag ang hugis ng katawan niya dahil sa liwanag ng lamp sa kwarto. Ang tagal ko uli siya tiningnan, hinihintay na isara niya ang pinto. Hindi ko alam kung utak ko lang yun, pero parang ang tagal bago niya isara ang pinto ng kwarto. Nakipagtitigan pa siya sa akin.
Tulog pa si Peach at Cherry nung nagpaalam ako sa katulong para umalis mga 5:30 ng umaga. Hindi na ako nagpaunlak na mag-almusal doon dahil na rin sa hiya. Naghanap muna ako ng fast food o kahit na anong makakainan. Mga 6:30 nakapila na ako sa van, mga 7:00 umalis ang van papuntang Catbalogan. Habang binabagtas ng van ang daan paalis ng Tacloban, si Peach naman ang laman ng utak ko. Naka-pako lang ang isip ko sa suot ni Peach kagabi. Ganun ba talaga siya magdamit pag natutulog? Kaya siguro umalis si Harold… Siguro naisip niya na magkakaroon siya ng insomnia tuwing gabi. Paano ka naman makakatulog kung ganun palagi ang tanawin na nakikita mo na nakahiga sa kama mo tuwing gabi? Hahaha! Ano ba itong naiisip ko?
Maya maya may nag-text, si Peach.
“Wat did u do to my daughter for her 2 like u so much? She’s throwing tantrums and sulking bcoz you left without saying goodbye 2 her… And she won’t eat her breakfast.”
“And don’t u think it’s a bit impolite to leave without saying goodbye 2 ur host? Huh!!”
Hahaha! Natawa ako sa text niya. nag-text din ako sa kanya.
“Flattened ako. Very very flattened. Hahaha”
Naisip ko rin na tawagan siya para makausap ko si Cherry. At siyempre yung mommy.
“Good morning. Are you having breakfast now?” Tanong ko.
“Yeah. Saan ka na?”
“Malapit na sa San Juanico bridge. How’s Cherry”
“Eto ayaw kumain. You know what? This is the first time I saw her get really close to a male grown-up. Kahit sa mga tito at lolo niya, she never do that. What is it with you?”
“Hmmm… Sabi nila like mother like daughter. Eh hindi ka naman close sa akin eh. Kulang na nga lang gawin mo ako floor mop. Hahaha! Joke lang po. Pakausap naman kay Cherry oh…”
“Bakit? Mas gusto mo ba kausap ang daughter kesa sa mommy?” Tanong niya sa akin na pabiro.
“Of course not… Mas may sense lang kausap ang daughter mo. Hehehe.”
“Ahh ganun… Mas may sense pala ha… Magsama kayo!” Natatawa talaga ako kay Peach. Nagtampo ba.
“Hello tito Bong… Why did you leave so early?”
“Tito Bong have a lot of things to do eh. Sorry…”
“Why didn’t you wake me and mommy?”
“Well, kids are supposed to have a lot of sleep, so they would grow up like sleeping beauty.”
“I don’t wanna be sleeping beauty… I wanna be Fiona.”
Hahaha! Natawa ako sa sinabi nya. Si Fiona daw.
“Ahh… Cherry darling, Fiona is an ogre. You look like her, and the only guy you will get is Shrek.”
“I like Shrek!”
“Ok fine… But you won’t look like Fiona if you do not eat your breakfast. So, eat up darling.”
“Ok… When are you coming back tito Bong?”
“Hmmm… It depends on your mommy’s mood. Is she mad at me?”
“I don’t know. You ask her.”
“Hmmm… I’d rather not. Just tell your mom to eat her vegie ok. Bye Cherry.”
Natutuwa talaga ako kausap si Cherry. Kakagigil ba. 3+ yrs old lang pero parang 13yrs old na kung makipag-usap.
Maya maya pa nag-text uli si Peach.
“Mas may sense pala kausap si Cherry kesa sa akin ha!!!”
Hahaha! Ipaalala ba sa akin. Nag-text naman ako sa kanya pabalik.
“Ang sarap mo biruin. Ang sarap mo galitin. Ang sarap mo lambingin. Gosh… Wala na bang iba na hindi masarap sau?”
Yun na ang umpisa ng umuusok dahil sa pudpuran ng mga daliri sa kakatext namin ng araw na iyon. Ako na nga yung sumusuko eh. Masarap talaga kakwentuhan at ka-text si peach. Hyper talaga ako ng araw ng linggo na yun.
Lunes, ganado ako magtrabaho. Sumaglit muna ako kay Carl para magtanong. Gusto ko lang talaga puntahan si Peach para batiin siya. Nung nasa tapat na ako ng table niya, nginitian ko siya at binati. Tiningnan niya lang ako saglit at wala na.
Dedma lang ako…
Grabe yung pahiya ko noon, para akong matutunaw sa hiya sa mga kaopisina niya pati na sa mga kikay. Pumasok na lang ako sa billing room at nag-ayos na para magtrabaho. Di ko na lang masyado pinansin si Peach. Mukhang may monday sickness …
Busy ako sa trabaho ng pumasok sa room si Peach. Yung actuations niya sa akin nung isang linggo, ganun na naman.
“Bong, what happened to my sales concern? I thought you already fixed it? I still don’t have the correct sales report! Ano ba?! Look, naiinis na ako!” Sabay bagsak na naman ng sales report niya.
Tiningnan ko lang siya, walang expression sa mga mata ko, hanggang umalis siya. tumingin ako kay Liway para magtanong pero nakatawa lang siya na parang nang-aasar. Nainis lang ako lalo. Sira na ang araw ko.
Nadismaya lang talaga ako noon dahil sa isip ko, tanggap ko na kasi na kaibigan na lang talaga si Peach. Yun pa ba naman na maayos na samahan namin sa opisina ipagkakait pa rin niya. Nawalan talaga ako ng gana magtrabaho ng araw na yun. Inayos ko na lang ang gamit ko para umalis ng opisina. Dun na lang ako sa staff house magtatrabaho.
Palabas ako ng billing room ng makasalubong ko siya. tinanong niya ako kung saan ako pupunta. Sinulyapan ko lang siya at nagpatuloy ako sa paglakad palabas ng office. Sa staff house, nareceive ko ang text galing sa kanya.
“Bong, I know ur mad at me. I’m sorry… Awkward kasi na bigla na lang tau naging magkaibigan all of a sudden. Hope u understand me.”
Hindi na ako nagreply.
Nang tanghali, Hindi na ako nakisabay sa mga kikay kumain. lumabas ako ng office para sa labas na lang kumain. Iniwan ko na lang ang CP ko sa staff house na naka-off para di ko na mabasa ang mga susunod na text pa niya. hindi rin ako bumalik nung hapon sa compound at tumambay na lang ako kina Donnie. Bumalik lang ako nang pasado alas singko na, para siguradong nakauwi na lahat ng mga empleyado pati si Peach. Pinabayaan ko lang muna na naka-off ang CP ko.
Nung buksan ko yung CP ko, halos 30 text ang nareceive ko. Lahat galing kay Peach. Puro hingi ng paumanhin. I’m sorry… wag ka na magalit please… how can I make it up 2 u?… Hindi na ako nakatiis, nag-text na rin ako sa kanya.
“Peach, just continue ur masquarade. I really need that big dose of medicine from u. Anyway, I won’t be staying here for long. Ok lng.”
“Truth is, I’m starting 2 have illusions about u and me. U know. Like, d 2 of us together. Anytime a guy like me starts 2 think that way w/ a girl like u, well, we need 2 b brought back to Earth. Fast…”
Pinatay ko na ang CP ko at natulog na ako.