Waray chronicles Part II
12:30 ng tanghali ng makarating ako ng Catbalogan, halos tatlong oras din ang tinakbo ng van na sinakyan ko. Kumain na muna ako ng tanghalian sa isang resto dahil hindi na ako nagpasabi na darating ako. Pagkatapos kumain, diretso na agad ako sa opisina ng client namin. Syempre nandoon ang mga kikay para salubungin ako. Kamustahan at landian umaatikabo agad ang salubong sa akin. Napansin din nila na grabe ang ipinayat ko dahil noong una ako pumunta ay overweight talaga ako. Size 36 lang naman ang waistline ko noon, at sa height na 5’10” eh masasabi talaga na dambuhala ako noon. Hehehe. Nasabi ko na tumatakbo ako kaya na-maintain ko na ang ideal weight ko.
Hinanap ko agad si Donnie pero nalaman ko na tinanggal pala siya sa utos ng isang moralista at pasaway na board of director. Pati si Dang na naging nobya nya eh nadamay dahil sa issue na nabuntis ni Donnie si Dang samantalang may asawa itong Donnie. Nainis ako sa balitang iyon dahil alam ko na mahal ni Donnie si Dang, at kahit na sabihin na may asawa si Donnie, alam ko na matagal na silang hiwalay nung babae. At ano naman ang kinalaman nun sa trabaho? Talaga lang na maraming tao na epokrito at malas lang dahil sila yung madalas nailalagay sa sensitibong posisyon.
Habang kausap ko si Liway at Carl, biglang napadako ang mata ko sa isang empleyada nila na nakaupo sa table ng chief accountant. Bata pa siya at sa tingin ko, nasa mid-20s lang ang kanyang edad. At hindi karaniwan ang angkin niyang ganda dahil meztiza beauty siya. Gandang coño o cognac baga. Kung tititigan mo siya ng matagal, mapapansin mo na kahawig nya ang hollywood actress na si Julianne Moore nung 20s pa lang siya. At meron din ako napansin, kanina pa siya nakatitig sa akin kahit nung bago pa man ako tumingin sa kanya. At parang gulat na gulat siya. Bakit?
Napansin din nina Liway na sa iba ako nakatingin at mukhang expected na nila kung sino ang tinitingnan ko. Binida agad ni Liway na siya ang bagong chief accountant nila, at mahigit isang taon na siya sa company. Excited ang dalawang kikay na ipakilala ako sa kanya at hihilain sana ako papunta sa kanyang table pero sinabi ko na kailangan ko muna mag-courtesy call sa GM nila. Medyo nahiya din ako dahil nakaka-intimidate ang ganda niya.
Nag-courtesy call ako sa general manager at nag-usap muna kami sandali tungkol sa problema ng system nila. Nasabi ko na base sa mga problema na itinawag ni Liway sa akin, kailangan na talaga palitan ang dating database system na ginagamit nila dahil outdated na kasi. Nasabi sa akin ng GM na may usapan kasi na palitan na lang ang system ng bago pero sinabi ko sa kanya na panibagong investment na naman yun ng pera, oras, at sama ng loob dahil hindi biro ang magpalit ng bagong computer systems. Samantalang pwede naman na palitan lang ang database system ng mas bago at subok na sa ganoong klase ng transactions na katulad ng sa kanila. Maya maya ay sinabihan ni GM si Jenna na tawagin ang mga key personnel na may kinalaman sa billing system nila para sa isang meeting sa board room.
Andun sa meeting si Liway at si Carl dahil si Liway ang acting billing head. Officially ay hindi pa rin tanggal si Donnie dahil sa kasong inihain nya sa DOLE, si Carl naman ang billing custodian. Andun din ang auditor nila at ang chief accountant na lang nila ang hinihintay para mag-umpisa na ang meeting. Lahat sila ay kilala ko na maliban sa chief accountant na noon ay halos 30 minutos nang hinihintay ng grupo. Medyo naiirita na nga ang GM nila dahil ang sabi ni Jenna, andun lang daw sa table nya at kung ano lang naman ang ginagawa. Sa wakas dumating din siya at nag-umpisa na ang meeting. Nginitian ko siya ng umupo siya na kaharap ako sa kabilang table row, pero isang matalim na tingin lang ang isinukli sa akin at binawi na niya agad ang tingin papunta sa direksyon ng GM nila. hindi ko na lang pinansin yun at sinabi ko na lang sa sarili ko na siguro ganun talaga siya. Coñotic beauty ba naman eh.
Nag-umpisa ang meeting sa pagpapakilala sa akin at hinayaan na ako ni GM na magpaliwanag sa concern na nakarating sa akin. Yun lang din naman na sinabi ko kay GM ang sinabi ko sa staff nya. Nang biglang sumagot ang chief accountant nila.
“Excuse me. I have been to our counterpart’s offices lately, particularly in Cebu and I can’t help but notice their system. Well, compared to the one we are using right now, which, your company had provided, their system are far more efficient. Why is that?”
Medyo natigilan ako at hindi agad nakasagot sa tanong nya dahil may tono ang dating ng boses nya. Maya maya nakabawi din ako
“Well… Miss… What is your name again?” Hindi ko pa rin talaga alam ang pangalan nya.
“Miss De Lara…” mabilis nyang sabi.
“Ok Ms. De Lara, first things first. Don’t you think its better if we could address each other on a first name basis? And your first name would be?” Pormal na pormal sya at hindi ko alam kung asiwa siya o naiirita kaya medyo iniba ko naman ang tema ng usapan.
“I prefer to be addressed as Ms. De Lara. Thank you.” Wow… This girl is a very articulate bitch… Usal ko sa sarili ko.
“I see. Regarding your comment, well, I agree with your view that their system should deliver more than is expected. Because if my information are correct, those system had costs your counterpart a very substantial investment in terms of money. Both over and under the table.” Medyo may taklesa kong sabi sa kanya.
“The system your company bought from us were quite cheap, compared to our other competitors which also happened to have their services offered to your company as well.” Dagdag ko pa.
“Ok… So, you’re saying that we should not expect an efficient system because we opted to settle for a cheap bargain. That’s what you’re saying right?” Bigla niyang banat sa akin.
Hindi na ako nakasagot pa sa argument nya. Alam ko na kasi na ibabalik niya lang din sa akin kung ano man ang sabihin ko. Hindi pa siya natapos doon.
“Allow me to get some things clear. Mr?” tanong nya sa akin.
“Bong. Call me Bong” sabi ko naman.
“Bong… We are in an office environment Mr. Bong… And I prefer to address you by your last name.” Ano ba ang problema ng babae na ito? Nag-uumpisa na talaga ako mairita. Grabe mang-supla eh.
“Whatever. Mr. Bong, I would like to inform you that there is an ongoing discussion on whether to change our billing system or not, and I think you should know that. And the reason your presence was requested here is for you to try to salvage our minimal investment in the form of your inefficient system and improve it.“
Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos niya, nanatili lang ako na nakatitig sa kanya. Napansin ko din na tahimik lang ang ibang staff pati si GM, yun bang katahimikan na bunga ng pagkabigla. Sa wakas nagsalita na rin si GM at sinegundahan niya ang sinabi ng chief accountant nila, pero sa mas malumanay at napaka-ayos na paraan. Hindi ko lang din matanggap yung sinabi nya na inefficient na computer system ang binenta namin sa kanila. Hindi ako ang nag-design ng system na iyon, inabutan ko na lang yun na naka-install na sa kliyente namin. Sa akin lang, sa murang halaga, eh nagamit naman nila ng ilang taon din na walang palya ang system namin, maliban nga lang sa pagsablay ng database. Madalas kasi corrupted yung database eh. Yun talaga ang sakit ng mga stand-alone databases, tapos online at multi-user pa ang gamit sa sistema, pinilit lang talaga namin na mag-work yung database sa ganung transaction setup. Ang mura naman kaya ng offer namin sa kanila.
Pagkatapos ng meeting, diretso na ako sa billing room. Inabutan ko doon si Liway dahil nauna na sila ni Carl na lumabas ng meeting at nag-usap pa kami ng ilang minuto pa ng GM nila para humingi sa akin ng dispensa sa inasal ng chief accountant nila. Nasabi ko na lang na parte ng trabaho iyon kaya naiintindihan ko. Pagpasok ko sa billing room nila, lumapit agad sa akin si Liway.
“Loves, pasensya ka na kay Peach ha. First time lang talaga namin sya nakita ng ganun eh. Hindi rin namin maintindihan bakit ganun sya kanina” Sabi ni Liway.
Peach pala ang pangalan nya…
“Sa totoo lang loves, mabait talaga si Peach.” dagdag pa ni Liway, pero pinigil ko na yung ibang sasabihin pa niya.
“Loves, mamaya mo na lang sabihin sa akin sa gimik. Labas tayo mamaya. Pwede ba mga kikay? Tsaka gusto ko rin sana makita yung devil at angel. Hehehe.” Si Donnie at Dang ang tinutukoy ko.
“Sige ba… Isama natin siya para magkakilala kayo ng maayos” Sabi ni Liway.
“Ahh! Ahh! No can do! Please!!!”
Medyo hindi pa ako nakakabawi sa pagka-inis sa nangyari sa meeting at pakiramdam ko hindi dun matatapos ang benggahan naming dalawa. Grabe talaga pagka-inis ko sa babe na yun. Maganda pa naman.
“Ok. Sige na. Sasabihin ko na lang kina Mommy. Alam mo bagong number ni Don?” Tanong ni Liway.
“Meron ba? Bigay mo sa akin loves, tawagan ko”
Tinawagan ko agad si Don ng makuha ko number niya kay Liway.
“Parekoy! Langya ka. Magpapatihulog ka lang sa impiyerno, isinama mo pa ang anghel na pinagnanasaan ko.” Biro ko kay Don.
“Manyak boy! Musta na? Kelan ka pa dyan?” Banat naman sa akin in Don.
“Kakarating ko lang ngayon. Si Dang musta? Labas tayo mamaya.”
“Kapapanganak lang niya. Punta na lang kayo dito para makita mo mag-ina ko.”
“Sige. Bilib na ako sayo parekoy. Kinaya mo mga umbag ng mga kuya ni Dang ha. Hehehe.” Puro kasi sundalo mga utol ni Dang at medyo ilag din si Don sa kanila dahil na rin sa bad image nya sa Catbalogan.
Malapit na rin ang uwian noon kaya nakipag-kwentuhan na lang ako kay Liway. Iniwasan ko na mabanggit ang nangyari kanina dahil ayoko masira ang gabi ko kaya panay ang change topic ko pag yun na ang bida ni Liway. Diretso ako sa staff house pagkatapos para magpahinga sandali. Tapos ligo at bihis paalis ng compound diretso kina Don. Kumustahan agad ng magkita kaming tatlo, nakita ko na maayos naman pala sila dahil nagtayo din ng konting negosyo si Don, isang maliit na karinderya at yung dati niyang internet café. Hindi naman ganun si Don magpakita ng nararamdaman niya kay Dang, pero nakita ko yung respeto niya dito bilang asawa. Nakita ko rin ang soft side ni Don ng kalungin niya ang baby nila. Alam ko na magiging mabuting ama siya.
Mahirap din kasi maintindihan si Donnie kung hindi mo sya makikilala ng husto. Hindi naman siya yung tipo ng tao na mahilig sa gulo, pero meron talagang tao na lapitin ng gulo. Isa na si Donnie doon. Halos kilala na nga sya sa buong Catbalogan dahil sa gulong kinasangkutan niya. Sa bibig niya rin galing ang kwento na ito noong nag-iinuman kami sa staff house. Kami na lang noon ni Carl, Dang, Jenna, at Don ang natira. Naungkat kasi yung kwento na yun dahil kilala ni Carl ang babae na involve, at waray ang dialect nila para hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan. Maya maya, hindi rin nakatiis itong Donnie at ikinuwento rin sa akin sa tagalog.
Girlfriend niya yung babae pero hindi talaga siya seryoso sa girl. May reputation din kasi yung girl na mahilig, kaya sinasakyan lang nya. Literally and physically… Isang araw, nakakuha ng tyempo itong kolokoy na Don para maaswang uli yung babae dahil isang barkada nya ang nag-offer na ipagamit ang bakanteng bahay dahil wala doon ang pamilya. Ayun, dinala niya yung babae doon sa bakanteng bahay. Ang hindi alam ng kolokoy, nakapwesto na pala ang mga barkada niya sa kwartong gagamitin nila, patay din kasi ang ilaw. Huli na ng mapansin nya nang may sumungay sa may cabinet. Naisip na lang nya na pagbigyan na lang kaya ayun, nakapanood ng live show ang mga kumag. Walang kaalam-alam ang babae noon kaya tuloy lang ang kangkangan at bigay na bigay si girl, si Don naman panay din ang over-acting. Sinabihan na lang niya mga barkada niya pagkatapos na wag na lang ipagkalat ang nangyari. Pero pag sablay ang kasama mo, sablay ka rin. Ayun, kumalat ang issue at walang araw na hindi siya sinusumbatan nung girl. Kitang kita ko noon sa mga mata niya ang pagsisisi bakit siya pumayag maging kasangkapan na mababoy ang isang babae.
Minsan mahirap talaga maglakad sa isang madilim na daanan lalo na at wala ka makapitan. Madalas, nadadapa ka at laging nawawala sa tamang direksyon. Pero ganun pa man, andun yung pagnanais natin na makakita ng liwanag. Ganun si Donnie. At si Dang ang nagsilbing liwanag sa buhay nya. Masaya ako para sa kanilang dalawa.
Ipinagpaalam ko kay Dang si Don na gigimik muna kami. Sayang daw at walang magbabantay sa baby nila kaya di na sya makakasama. Dun kami pumunta sa paboritong tambayan, isang open air style na ihawan. Umorder na muna kami habang hinihintay ang grupo. Nung nagdatingan, ayun, ako na naman ang nilapa ng mga kikay. Mas lalo pa akong alaska dahil sa nangyari kaninang hapon. Ayoko na muna sana mapag-usapan yun pero lahat ng mga kikay eh iyon ang gustong topic. Gulat na gulat daw talaga sila sa inasal ni Peach kanina. Wala ako nagawa kundi makinig. Sabagay, marami din ako nalaman tungkol sa kanya base sa kwento nina Liway.
Ano ang nasa dako pa roon? Bunga ng malikot na pag-iisip at madilim na guni-guni… Gabi… Ng… Wala lang. Hindi lang ako makatulog kaya kung anu ano na lang ang naiisip ko. Ala una na kami nag-bayang magiliw pero alas tres na hindi pa ako dalawin ng antok. Pilit ko rin kasi iwaglit ang isip ko kay Peach. Talaga palang coño ang babe na yun. Noon medyo asiwa daw sila sa kanya kasi, ang usap usapan eh, nakapasok daw siya dahil sa backer na politiko. Tito niya ata. Wag na natin alamin ang family background ni Peach, hindi talaga De Lara ang family name nya. Ang masasabi ko lang, kilala ang family name nya sa local politics ng Tacloban, pati na sa buong pilipinas…
Lalo sila nailang ng malaman nila ang academic background ni Peach. Sa Manila pala siya nag-aral, isa sa top three university, may Cum Laude honors nung nagtapos. At nasa top 10 sya sa CPA board exam. Inay… Titiklop talaga kahit sinong guy sa kanya. Galing din sya sa isang multinational corporation sa Manila at base sa kwento ni Peach, siya daw ang sinulatan para i-invite na mag-join sa company. Sa kalaunan, naging malapit din si Peach sa kanila, kasi daw, wala syang ka-ere ere sa katawan. Dapat nga raw kasama siya sa gimik kanina, dahil bago pa ako dumating, panay daw ang kwento nila sa akin kay Peach. Kesyo grabe daw ang pagiging kalog ko. Yun daw kasi ang gusto ni Peach na kasama sa gimikan. Yung napapatawa sya. Nakuwento rin nila sa akin na si Peach talaga ang outspoken na hindi naman kailangan palitan ang system nila base na rin sa pag-uusap nila ni Laway, at base na rin sa mga recommendation ko. Kaya napakalaking palaisipan sa akin kung bakit ganun siya kanina. At ano ang ginagawa ng ganun katalinong babae na kagaya niya sa isa sa pinakamahirap na probinsiya sa bansa? Hindi rin naman siya mukhang dukha. Coñong coño ang dating nya eh.
Naalala ko rin noong bago pa lang kami nag-meeting, noong papasok pa lang siya ng room. Grabe, parang slow-mo sa movie ang eksena. Sira kasi ang aircon sa board room nila kaya bukas ang mga bintana at naka-electric fan lang kami. Tiyempo naman na pagpasok niya eh nakatapat din sa kanya ang fan, kaya nung humangin, ang ganda ng epekto sa buhok nya. Ang sarap ba kunan ng larawan. Titig na titig ako sa kanya mula pagpasok ng kwarto hanggang umupo na sya. Ang ganda talaga niya… Kaya siguro nainis sa akin yun dahil sa mga titig ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan bakit ako nakatitig sa kanya ng ganun. Para bang nabatobalani ako. Hindi naman normal sa akin na tumingin ng ganoon sa babae. Kausap nya si Jenna bago siya pumasok, at pag pinagtapat sila, matangkad lang si Jenna ng kaunti sa kanya. At maganda siya magdala ng damit, simpleng uniform lang ang suot nya pero eleganteng elegante ang dating.
Kaya lang, pag naaalala ko nung magsalita siya, nasabi ko sa sarili ko. That’s it! I’ve had enough of accountants and CPAs! Ayoko na!!!
Hmmm… Sabi nila masarap daw maging GF ang dentist… Totoo kaya? Hehehe.
Nung mga sumunod na araw, ganun ang palaging eksena namin. Makikita ko sya na ang ganda ng ngiti sa co-employee nya pero pag makikita ako, bigla na lang magiging seryoso ang mukha. Hindi na rin siya gaanong dumidikit sa mga kikay, base sa obserbasyon ni Liway. Dati raw siya pa ang nauuna sa room para lang makipag-kwentuhan pag breaktime. Pero may chinika sa akin si Jenna, madalas niya raw napapansin na laging nakatingin sa akin si Peach pag nandoon ako sa lugar nila at nakikipaglandian sa mga kikay. As usual, parang naiinis daw, sabay kurot sa tagiliran ko at ngingisi si Jenna. Sabi ni Jenna sa akin, iba raw yung pagka-inis niya, para daw nagseselos. Intrigera din itong si Jenna.
Isang beses talagang nainis ako sa kanya, pumasok kasi ng billing room at biglang ibinagsak sa table ko yung sales report na hawak niya. Ang laki daw ng discrepancy. Kung hindi ko raw kaya na ma-solve ang problema ng system, mas maganda na malaman na nila agad para hindi na sila naghihintay ng wala. As usual, hindi ko siya sinasagot at kay Liway ako tumitingin habang nagsasalita siya. Ngingisi lang din ang kikay at magkikibit balikat lang. Hayyy… This girl is a beautiful disaster.
Nasagot ang mga tanong ko pagkatapos ng dalawang linggo…
Papunta ako noon ng Tacloban para gumala, stress-out na rin kasi ako sa Catbalogan eh. Ikaw na lang ang laging pag-initan ng isang coñotic beauty, tingnan ko lang pag hindi ka rin ma-stress out. Ano yung nakaka-stress out doon? Yun bang inis na inis ka sa isang tao pero siya yung gusto mong makita sa umaga pa lang. Parang champoy ba. Hindi mo maintindihan kung ano talaga ang lasa nya, kung matamis ba o maasim, pero kinakain mo pa rin. Yun po mga kaibigan. Isa siyang champoy. Hindi ba nakaka-stress yung ganung babe?
Kaya ayun, pasakay ako ng van papuntang Tacloban. Pagpasok ko sa loob, napansin ko yung isang girl na natutulog sa may pangalawang row ng upuan malapit sa bintana. Si Peach. Lilipat na sana ako ng upuan pero ang sabi nung kundoktor meron na nag-uukupa sa dalawang unahang row, pati sa harap. Hindi na rin pwede ang likuran kasi obvious naman na puno na siya. No choice.
Pumuwesto na lang ako sa kabilang dulo dahil dalawa pa lang kami noon sa row seat. Maya maya nagising siya at nag-unat. Syempre, expect ko na yung mukha nyang nilamukot na papel nung makita niya ako sa kabilang dulo. Ako naman, patay malisya na kumaway sa kanya. Dedma… After 10 minutes napuno rin ang row namin at lumakad na ang van. May 30 minutos na kaming bumibiyahe noon ng singilin kaming mga nasa 2nd row ng driver dahil kami yung di naisama sa singilan nung nasa terminal pa. Inabot ko ang bayad ko, pero napansin ko si Peach na balisa, panay ang halungkat nya sa backpack niya. Nakuha ko na mukhang naiwan niya ang wallet sa bahay. Pababayaan ko na lang sana siya para makaganti naman ako kahit paano pero nagtatanong na yung driver kung sino pa yung hindi pa nagbayad dahil kulang pa ang inabot na pera sa kanya. Nagbigay na lang ako ng 500 para matapos na. Tiningnan ko siya at hindi na ako naghintay ng thank you mula sa kanya, inunahan ko na siya ng “Your welcome”.
Tahimik kami uli na bumibyahe. Walang nagsasalita. Gustuhin ko man hindi rin pwede dahil may dalawang pasahero sa pagitan namin. Pero mukha yatang gusto rin talaga kami pagtabihin, pumara at bumaba yung dalawa naming katabi. Lumipat naman yung matandang babae na nasa likuran ng van at nagpumilit na doon na siya sa dulo umupo dahil bababa rin daw siya bago makarating ng Tacloban. May kakulitan din kasi kaya wala ako nagawa. Ayun, mas malapit ako ngayon kay Peach. Asiwa talaga ako, at ramdam ko rin ang pagkaasiwa nya. Alam ko na wala siyang pera dahil naiwan niya sa bahay, kaya bumunot ako ng 1K bill na buo para ipahiram sa kanya. Nung una ayaw pa niya, pero sabi ko utang yun. Kukunin ko na lang sa lunes. Kinuha din niya at nagpasalamat sa akin. Thank you pa lang ang nasabi niya sa akin ng maayos pero pakiramdam ko wala na agad yung inis ko sa kanya. Sa isip ko, eto ang tamang panahon para magtanong.
“Pwede magtanong?”
“Nagtatanong ka na eh”
Tumawa na lang ako sa sagot nya.
“Yun kasing demeanor mo sa akin, alam ko there’s more to it than just doing your job. Ramdam ko yun Peach…”
“Mr. Bong, whatever your last name is. I am being professional whether you believe me or not.”
“Look, if you can’t take the heat, get out of the kitchen!” pahabol pa niya na pasimangot.
“Peach, the problem is, the only one heating up all the time is you. And I don’t understand how and when did I started the spark? Or what switch I accidentally flipped?”
Tinitigan ko na lang siya pagkatapos. Maya maya, pumara na yung matandang katabi ko, at pumuwesto na lang ako sa dulo. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Useless na rin kung itutuloy ko pa ang tanong ko sa kanya. Obvious naman na ayaw niya rin ako sagutin.
“Just because you lent me some money doesn’t mean you have the right to probe my private life.”
Probe? Private life?
“Peach, kakasabi mo lang kanina na trabaho lang ang ginagawa mo. How did my question ended up probing your life?” Tanong ko sa kanya.
Natahimik siya pagkatapos noon. Mukhang nakuha niya na nag-provide pala siya ng clue sa mga actuations nya. Tumingin na lang ako sa bintana. Pinabayaan ko na lang siya, nakaka-frustrate din talaga itong babae na ito. Mas madali kasi mag-expect sa tao pag alam mo talaga kung ano siya. Hindi ko alam kung ano ba talaga si Peach. Sa isip ko kasi, hindi talaga siya yung babe na kulang na lang ilampaso ako sa sahig. Meron isang malambot at malambing na babae na nagtatago sa nagsusungit na mukha na iyon. Pero marami rin kasi akong alalahanin noon at ayoko nang idagdag pa si Peach, kaya tumahimik na lang ako. Kung ayaw niya sabihin, fine with me. The sooner I leave this place, the better…
“Gusto mo ba talaga malaman?”
Tumingin ako sa kanya, at nakita ko ang malamlam na mukha niya na nag-aalinlangan kung sasabihin o hindi kung ano man yung dapat ko na malaman. Tahimik lang ako na ibinalik ang tingin ko sa bintana.
Matagal ang katahimikan sa pagitan namin. Maya maya may inabot siya sa akin. Isang lukot na larawan. Tiningnan ko muna siya bago ko kinuha ang larawan sa kamay niya. Nagulat talaga ako nang makita ko kung sino ang nasa larawan. Ako…
Grabe yon! Kamukha ko talaga yung ungas na nasa larawan. Kinilabutan talaga ako at nagtanong ako sa sarili kung ampon ba ako. O yung ungas na ito sa larawan ang ampon. Mas matangos ang ilong niya kesa sa akin, meztisuhin siya kulay indiyo naman ako, yung kilay ay maayos ng konti sa akin. Pero yung mata, yung chin, yung cheek bone, yung shape ng kilay, yung labi nya… Shit na malagkit!!!
Skin head ang gupit nung guy sa larawan, walang suot na upper garment kaya kita mo yung papable bods niya. Six pack siya ha. Mukhang gym rat ang ungas. Ito pala ang hitsura ko kung nadagdagan pa ng konti ang swerte ko sa buhay. At nababakla ako sa sarili ko… Hehehe.
Saglit lang ang pagkabigla ko, napalitan din pagkatapos ng pagkainis. Tiningnan ko muna siya ng matalim, tapos bigla ko pinunit yung larawan ng maraming piraso, binuksan ko yung bintana ng van at itinapon ko sa labas. Sa isip ko, ginawa ko lang yung hindi niya kaya gawin. Nilamukot nga niya yung larawan pero hindi naman niya kaya punitin. Mukhang pinlantsa pa yata niya yung picture para lang dumiretso.
Ano ka ba!!?? Bakit mo pinilas!!?? Galit na galit na tanong nya sa akin.
“Ginawa ko lang naman yung matagal mo na gustong gawin Peach… Alam mo ba yung pakiramdam na kinaiinisan ka sa pagiging hindi ikaw? Ha Peach?”
Natahimik siya sa sinabi ko. Nag-uumpisa na mamula ang mga mata niya kaya bumaling na lang siya sa bintana. Pero kahit sa gilid ng mukha niya, kita ko pa rin kung paano tumulo ang luha niya. Tahimik lang siya na umiiyak. Pero rinig ko yung hikbi at singhot ng ilong niya… Nagiba talaga ang dibdib ko.
Gusto ko humingi ng sorry sa kanya, pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko na lang siya na umiyak ng tahimik.
Natatawa ako pag naalala ko yung eksena namin na iyon sa van. Telenovela talaga ang dating. Yung nasa likurang pasahero pati yung nasa harap namin, kami ang tinitingnan. Parang shooting baga. Pero noong oras na iyon, hindi ko na iniisip kung ano ang sasabihin nila.
Malaking tanong lang sa akin kung sino yung guy na iyon sa larawan. Taga-saan sya at kung bakit ang lapit ng hitsura naming dalawa. Pero ang pinaka-malaking tanong sa utak ko, sino siya sa buhay ni Peach?
Nasa Tacloban na kami, malapit na sa terminal. Kailangan na naming bumaba…