Waray chronicles Part I
Tumatakbo ng mabilis ang van na sinasakyan ko papuntang lungsod, habang ako naman ay tahimik na nakaupo sa gilid ng gitnang upuan. Wala lang ako sa mood makipag-kwentuhan sa mga kasama ko noong panahon na iyon. Kasama pa naman ang company GM ng client namin, ang Finance Manager, at saka ang company at board secretary. Tapos kasama pa yung dalawang board of directors ng company.
Masaya silang nagtatawanan. Siyempre dahil kasama ako, obligado din ako makitawa sa kanila kahit medyo asiwa ako. Paano ba naman ako hindi maaasiwa eh nasa likuran ang ang company auditor nila, si Sheren… Bakit namn kasi nagpahuli pa ako sumakay eh. Dapat nagpauna na ako para dun ako sa likuran nakapwesto. Sigurado pupuwesto naman sya sa harap para hindi kami magkatabi. Ayoko rin kasi magkatabi kami. Eto nga lang na malaman na nasa likuran ko siya, hindi ko na malaman ang gagawin ko, tatabi pa ako sa kanya. Saka dapat sa huli ako para ako ang sumusulyap sa kanya. Ewan… Pumapasok din kasi sa isip ko kung sinusulyapan din ba nya ako ng hindi ko alam.
Ayun, ngingiti lang ako pag kinakausap at tatahimik na naman, pagkatapos titingin lang sa labas ng bintana. Katabi ko pa si Nang Eugene, ang Finance Manager. Isa sa pinakamabait na Finance Manager na nakilala ko. Napapansin na ako at nagtatanong kung bakit masyado ako tahimik. Di ko naman masabi na nasa likuran ko kasi ang anak anakan niya. Yun kasi tawag ko sa kanila, para kasi silang mag-ina.
Nasa ganung sitwasyon ako ng biglang tumunog ang Cell Phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Number nang client namin sa Samar… Mukhang may problema na naman sila.
“Hello???”
“Hello loves… Liway at your service… hahaha!” Wow.. Si Liway tumatawag… hehehe.
Ewan kung ano pumasok sa kukote ko, bigla ko nilagay sa speaker mode ang cell phone ko.
“Kamusta ka na loves?” Tanong nya sa akin.
“Eto… Hanggang ngayon… Pinagnanasaan ka pa rin…” Sabi ko naman kay Liway.
Biglang nagtawanan ang mga katabi ko. Sanay din kasi sila sa green jokes.
“Umaaasa pa rin na isang araw, maaswang din kita… Ohh Liway… Kelan mo ba ibubuka sa akin ang iyong liwayway?”
Mas grabe ang halakhakan nila ngayon. Si Nang Eugene, panay ang palo sa braso ko at tawa ng tawa.
“Yahoo! Yahoo! Hahaha!!!” Tawa ng tawa si Liway.
“Hmmm… Bakit napatawag ang Liway ng puson ko? Este! Puso ko. Hehehe. Concern?”
“Wala lang. Bakit? Ayaw mo? Sige ibababa ko na lang tong CP ko.”
“Tampururot naman si Liway my loves… Problem?”
“Wala na. Kasi tumawag na kami sa boss mo. Papupuntahin ka raw dito para maayos na tong billing concern namin.”
“Huh??? Di ko alam yun ah… Nauna pa kayo makaalam? Whatever… So, for now, no complicated problems that contributes to the destruction of my brain cells?”
“Yes” Sabi ni Liway.
“Just pure, unaldulterated, lusty conversation with the girl of my wet dreams?”
“Hahaha!!! Yes na yes!”
“Bring it on baby… Yeah baby yeah…”
Tawa ng tawa si Liway pati mga kasama ko.
“Hoy loves, andito si Mommy Carl. Gusto ka raw kausapin…” sabi ni Liway.
“Wag loves! Wag mo ibigay ang phone please!!!” Sabi ko naman pabiro.
“Bakit?”
“Lalaspagin lang ako nyan ni mommy Carl eh…” Tawa na naman si Liway pati mga kasama ko.
Biglang kinuha ni Carl ang CP kay Liway.
“Hello Bong… Kumusta ka na? Away mo raw ako makausap?”
“Sensya na Mommy… Kasi, pag kausap kita, sa totoo lang, tumitirik ang mata ko eh…”
Halakhakan na naman. Wala na, talagang umandar na ang kapilyuhan ko sa utak. Mahirap na ako pigilan nito…
“Hahaha! Mahirap yan. Dapat magpa-checkup ka na sa doctor…”
“Ginawa ko na yun mommy. Pinarinig ko pa nga recorded voice mo sa doktor eh.”
“Talaga? Ano nangyari?”
“Ayun, bukas ang 1st year death anniversary nung doktor… Inatake sa puso.”
Grabe ang tawa ng mga kasama ko pati si Carl. Si Nang Eugene naman, panay ang tawa at kurot sa akin. All the time pinakikiramdaman ko ang reaksyon ni She, pero mukhang tumahimik sya. Samantalang kanina lang nakikipagbiruan pa sya sa grupo…
Nasa ganung tema na kami ng usapan ni Carl at kelangan ko na sya sabihan na naka-speaker mode ang CP ko. Grabe kasi ang pagka-kikay nitong si Carl, Mahirap na. Pagkatapos ko siya sabihan, bigla siya nagsalita…
“Ganun ba… Bakit mo ba nilagay sa speaker mode ang cell phone mo? Itatanong ko pa naman sana sayo kung kelan mo ba kakamutin ang puki ko.”
Wala na. Puro tawang malakas na lang ang naririnig ko sa mga kasama ko. Hayy… Talaga itong si Mommylicious… Eh isa rin akong kolokoy, sinagot ko rin siya…
“Ganun ba. Hmmm… Mahirap ang sitwasyon na yan Mommy. Remedyuhan na lang muna natin habang wala pa ako. I-vibrate mo muna ang cell phone mo. Mamayang gabi, imi-miss call kita… Hehehe”
Halakhakan galore talaga sa loob ng van… Maya maya ipinasa naman ni Carl ang phone sa isa pa ring kikay. Si Jenna…
“Hi Bong… Balita ko balik ka raw dito? Gimik tayo ha…”
“Hi Jen!… Hehehe. Oo naman. Mas maganda sa Tacloban tayo. Sama mga Donnie’s angels… Pwera si Donnie. Hahaha!”
“Hahaha! Talaga ha… Imprenta na sa kalendaryo yan pagdating mo dito” Sabi ni Jenna.
Nagtagal pa ng konti ang usapan namin ni Jenna, at talagang maharot ang boses nya sa CP nang biglang may pamilyar na boses galing sa likuran ang nasalita.
“Hay naku! Ganyan na ba talaga mga babae ngayon???!!!” Pasinghal na sabi ni She.
Di ko na matandaan yung iba pang sinabi ni She, hindi ko rin maintindihan ang dialect na ginamit niya, pero talagang inis na inis siya. Wala ako nagawa kundi i-off ang speaker mode ng CP ko at nag-usap na lang kami ni Jenna ng tahimik hanggang matapos ang tawag nila. Humingi ako agad ng paumanhin kay She pagkatapos, pero dedma lang ako. Ni ayaw ako tingnan at ang mukha niya eh parang nilamukot na papel. Tahimik na lang ako na umayos ng pag-upo, at nag-isip. Bakit ganun ang reaksyon ng babae na yun? Hmmm… Posible kaya na? Nah… Erase Erase Erase…
Maya maya, boss ko naman ang tumawag, sinabihan ako na urgent ang concern sa Samar kaya kailangan ako sumaglit doon. Sinabi ko na kasama ko GM ng client namin ngayon, pero for courtesy’s sake, sya na lang ang mag-inform na kelangan ako i-pull out for a short duration lang. Pumayag naman ang GM ng client namin dahil wala pa rin naman ang hinihintay namin na server hardware para sa database.
Sa loob loob ko, blessing in disguise din ang nangyari. Kailangan ko rin kasi na maiba ang hangin na nilalanghap. Sa totoo lang hindi na rin ako makahinga ng maayos sa lugar na ito. Mahirap din pag marami kang itinatago at gusto mo ilabas pero di mo magawa. Lalo na pag puso ang gusto mong ilabas…
Kaya ayun, babalik na naman ako sa Samar. Makikita at makakaututang dila ko na naman ang mga kikay na angels ni Donnie, at madudugtungan na naman ang mga kakulitan adventures ko sa buhay. Yung libog adventures? Hmmm… Tingnan natin…
“Ladies and gentlemen, we are now on our initial descent to Tacloban Airport. We will be arriving in approximately 20 mins. Please fasten your seatbelt in preparation for our landing. Thank you.” Naalimpungatan ako sa page ng flight attendant.
Kanina lang, ang lalim ng pagmumuni-muni ko. Excited na din kasi ako bumalik ng Catbalogan. Natatandaan ko pa noong unang beses ako na-deploy doon, kagagaling lang namin noon sa isang seryoso at madamdaming usapan ni misis sa bahay. Tatlong buwan simula nung mag-away kami, noon lang kami nagkausap ng masinsinan at sinabi nya lahat ng sama ng loob nya sa akin. Natatandaan ko noon, hindi ko talaga mapigilang tumulo ang luha ko sa taxi papuntang airport. Hanggang nasa loob na ako ng terminal, grabe yung pamumula ng mata ko. Noon ko lang uli naranasan na umiyak ng ganun. Summer vacation noon. Ang daming bakasyonista. Hindi pa naman ako mahilig magsuot ng shades. Kainis.
Natandaan ko noong dumating ako sa opisina nila, pagpasok ko si mommy Carl agad ang una ko nakaharap at nakausap. Sinabi ko ano pakay ko at hinahanap ko ang billing supervisor nila na si Donnie. Unang kita pa lang niya sa akin noon pero nilandi na agad ako. Ayos na welcome ano?. Nang makilala at makausap ko naman si Donnie, grabe, natanong ko agad ang sarili ko. Paano ba naging billing supervisor itong kolokoy na ito? Mukhang sanggano na hindi mo maintindihan. Pero first negative impressions never really last pag nakausap mo na at nakilala ng maigi ang isang tao, kahit ano pa ang naging buhay niya bago mo siya nakilala.
Doon ko na rin nakilala ang wolfpack. Hahaha! Wolfpack daw oh. Ang Donnie’s angels. Si Liway, si Dang, si Mae, at syempre, ang kanilang mamasan, si Mommy Carl. At syempre, ang kanilang ever trusted bugaw, si Donnie. Wala pa si Jenna nung time na yun, 3 days pa bago ko siya nakita, siya kasi ang bagong hire na secretary ng GM. Bago lang siya sa company pero hindi na bago ang mukha nya sa mga company kikays kaya inducted agad siya sa teaser babes club, at wala ng seremonyas pa. Ako? Ayun, pinag-praktisan agad ng mga kikay. Nilandi agad ako. Hayyy….
Sa isang iglap, nakalimutan ko agad ang problema ko. Pag nag-sama sama kasi sila sa kwarto, talagang puro harutan at tawanan lang ang nangyayari. Syempre, dahil bagong dating, ako ang paboritong landiin ng mga kikay. Cool na cool lang din itong kolokoy na Donnie. Ang bilis ko lang din naging at home sa kanila. Siguro dahil kalog din ako. At pag biruan/landian ang usapan, game na game din ako kaya ang bilis din ako napalapit sa kanila.
Sa grupo, si Liway, si Jenna, at si Carl ang talagang over sa pagka-kikay. At hindi mo rin naman pwede dedmahin dahil puro may dating. Si Jenna… Siya ang certified triple B. Big Beautiful Babe… 5’7” ang height, malaman pero hindi mataba, at morena beauty. Kaya lang butas na drum itong si Jenna pagdating sa inuman. Tubig lang sa kanya ang limang bote ng Red Horse na malaki. Si Liway naman… Whew! Siya ang babe na masarap ibabad ang iyong hotdog sa kanyang masaucy na oyster, habang pinapangos mo ang kanyang maputi at makinis na katawan. Grabe ang pantasya ko sa babae na yun.
At si Mommy Carl. Ang ina ng lahat ng mga kikay sa pilipinas. Siya ang Special Forces ng Samar. Shock Troops baga. Kung may term ang U.S. military na Shock and Awe, meron din para kay Carl. Shock and Ohh… Bibigyan ka muna niya ng kikay shock, tapos mamaya lang mapapasigaw ka naman ng “Ohhh my lord!!!!”. Hahaha! Ilang beses na ba ako nabiktima nitong si Carl?
Natatandaan ko noong minsan na sobra ang tutok ko sa trabaho ko ng bigla siyang pumasok ng billing room, naka-loose fitting blouse siya noon. Pumuwesto ba naman sa harap ng table ko at inangkla ang kamay sa desk at biglang yumuko. Ang Resulta? Tanaw na tanaw ko ang matatayog na bundok ng sierra madre ng patiwarik dito sa Samar. Hehehe. Hindi na ako nakapag-trabaho ng maayos pagkatapos kaya nakipag-landian na lang ako sa kanila. Minsan naman nag-iinuman kami sa staff house. Alas dose na ng gabi noon at nag-sign out na mga radio station. Ewan ano nakain nitong si Carl at kinuha ang monoblock chair at pumuwesto sa harap ko na nakatayo at nakabukaka sa chair nya, at nagsayaw to the tune of our national anthem. Tawa ako ng tawa noon pero sa totoo lang, nadala din ako dun ha. Ang lambot kasi ng katawan ni Carl, at maganda pa rin ang korte sa edad nya na 40. Maskulado pero maganda ang hubog ng legs, wala siyang bilbil, tayo pa rin ang boobs, at ang kanyang puwet, wow… Spankingly good!
Pero alam ko din na may limitasyon ang grupo. Wala naman nagsabi sa akin kung ano ang bawal. Napansin ko na lang yun dahil wala naman ni isa sa kanila na lumandi sa akin pag naiwan kami mag-isa kahit sino sa kanila. Kahit si Donnie na may notorious reputation, malaki ang respeto na binibigay sa mga angels niya Kaya sky is the limit pagdating sa biro, below or over the feminine belt man ang banat ko. No touch nga lang. Hehehe. Masarap din pala yung ganun…
Kaya eto ako, naghihintay ng pagkatagal tagal na 20 minutes before landing ng eroplano sa airport. Naghahanda sa isa na namang ordinaryo pero masayang adventure ng buhay ko. Mix work with pleasure. Yun ang motto ko. Pero trabaho pa rin ang dahilan kaya ako pumunta dito kaya yun ang priority ko.
Yun ang akala ko noong oras na yun…
Hindi ko inaasahan na isa palang masarap, masalimuot, at isa na namang masakit sa puso at puson na adventure ang naghihintay sa akin sa muling pag-apak ng mga paa ko dito sa lupain ng mga Waray. At wala sa hinagap ko na makikila ko ang isang babae na kahit sa panaginip, ay hindi ko inakala na magiging akin…