Nagpatuloy nga ang relasyon nila Vince and Diane. Pareho sila nag-commit na pagtibayin ang kanilang samahan. Sa pagdaan ng panahon ay natututo sila sa mga mali nila.
Si Diane ay natututong magpigil sa pagtext kay Vince lalo na kapag nasa bahay pa ito. Kahit kabisado lang ni Vince ng number ni Diane at hindi nakasave sa phonebook…at kahit parang lalaki ang text ni Diane ay pawang malakas talaga kumutob ang babae. Minsan sa inis ay inihagis pa ni Rizza kay Vince ang cellphone, mabuti na lang naka-ilag sya kaya nadurog yung cellphone na tumama sa pader. Ilang araw na walang cellphone si Vince at lalong mas mahirap na makapag-usap silang magnobyo.
Nang dahil na din sa insidenteng yun na nabuking na ang relasyon ni Vince kay Diane ay nagkaroon ng matinding away ang mag-asawa. Pumasok si Vince ng may kalmot sa braso. Hindi nananakit si Vince ng babae pero nasampal nya si Rizza ng panahong yun sa kalmot na nagawa at ang pagbabanta kay Diane. Sinabihan ni Vince si Rizza na wag na wag nyang itutuloy ang banta nya kung ayaw nyang iwan sya ni Vince. Umiyak si Rizza sa seryosong sinabi ni Vince na hihiwalayan at iiwan sya nito kapag may ginawa pa sya.
Si Vince naman ay natuto at gumagaling mang-amo sa pag-tampo ni Diane. Madalas kasi ay hindi ito nakakatupad sa usapang oras o minsan pati araw ng dalaw. Dahil na din alam na siguro ni Rizza kaya gumagawa ito ng paraan para mapa-uwi ng mas maaga ang asawa o di kaya’y hindi na makaalis si Vince.
Kapag may matinding away ang mag-asawa ay dun sa bahay ni Diane nagsi-sleep-over si Vince. Pinapark lang nila ng tago ang motor ni Vince para hindi makahalata ang mga pinsan ni Diane. Parang buhay mag-asawa din sila kapag ganito ang mga pangyayari. Isa sa rule ni Vince ay bawal pag-usapan si Rizza kapag sila ang magkasama.
—
Dumating na ang araw ng Christmas party. Gitna iyon ng pasko at bagong taon. Si Diane ang ginawang emcee ng party dala na din ng mahabang pasensya nito sa mga bata at galing sa pagpapalaro ng parlor games.
Hindi pa alam ni Rizza ng hitsura ng nobya ng asawa. Hindi rin nya alam ang pangalan ngunit napansin nyang parang masyado matulungin ang asawa nya sa emcee ng program kaya naisip nyang baka si Diane ang nobya. Humanga sya kay Diane sa kilos nitong hindi halata. Hindi halatang kay Vince lang sya nagpapatulong kundi pati sa iba pang lalaking crew ng branch nila. At hindi nya kailan man pinaboran ang anak nila ni Vince sa mga larong sinalihan. Parehas lang ang trato nya sa lahat ng bata. Naiinis syang tingnan si Diane. Parang nang-aasar kasi laging nakangiti. Mukhang lahat din ng taga branch ay kinagigiliwan sya. Nang-gigil sya sa isang sulok habang pinagmamasdan si Diane. Umiwas sya sa maraming tao at baka mabunggo pa ang malaki nyang tyan at baka isipin nilang nababaliw na sya kapag mapalakas ang pagbulong nya ng inis kay Diane.
Rizza: Haist! Ang Vince talaga nagpaakit agad dito sa bruhang ito. Nakakairita sya. Masyado papansin. Pa-cute pa ang boses. Hindi pa ba sapat na maganda na sya at sexy? Kailangan pa ba nya talagang ipamukha sa mga tao na mabait sya at mahilig sa bata. Kung alam ko lang…plastic ka lang Diane. Nagpapakitang gilas ka lang kay Vince ko. Naku! Nakakainis lang at kabuwanan ko na. Mukha akong butete kung ikukumpara sa kanya.
Hanggang sa pagbibigay ng mga pagkain at regalo ay tumutulong si Diane. Isinasama din sya magpapicture kasama ng mascot sa tuwa ng mga bata sa kanilang Tita Diane.
Matapos makapag-abot ang branch ng mga loot bags sa mga bata ay naglibot pa si Diane upang mamigay ng sarili nyang regalo sa mga bata. Isang bar ng imported na chocolate sa bawat batang nakadalo. Pagdating ni Diane sa lamesa nila Vince at Rizza, tuwang-tuwa at excited na si Kathleen para sa kanyang chocolate galing kay Diane ng…
Diane: (inuulit lang ni Diane ang kanyang script para sa lahat ng bata) Hello! Kathleen…Merry Christmas! Ito ang gift ng tita Diane. Pili ka, anong mas gusto mo, Hershey’s or Toblerone?
Kathleen: (Akmang yayakap kay Diane upang magpasalamat) Salamat po!
Rizza: Kathleen…kumakain ka. Balik sa upuan.
Kathleen: E mama, aabutin ko lang yung gift ng Tita Diane na chocolate.
Rizza: Bawal naman sayo ang chocolate diba.
Kathleen: Kukunin ko lang mama pero ibibigay ko din kay Lola mamaya. Lahat ng bata merong gift o…ako lang wala
Diane: (medyo natulala at ramdam ang talim ng mga mata ni Rizza pati na din ang lamig ng pakikitungo sa kanya nito. Ngumiti ulit sya bago nagsalita) Ummm…Paborito ba ng lola mo ang chocolate Kathleen? Sige, bigyan pa din kita pero promise mong hindi ka kakain ha. Bawal pala sayo ang chocolate.
Rizza: (tumayo at humarap kay Diane…sabay pabulong na nagtaray dahil naalala nya ang banta ni Vince) Pwede ba miss, wag mo naman sana ako pahirapan magdisiplina sa anak ko. Ayaw ko ngang tumatanggap sya ng regalo kung kani-kanino. Lalo na sa masamang taong may balak agawin ang tatay ng bata.
Lumingon si Diane kung may nakarinig ng sinabi sa kanya ni Rizza. Mabuti naman at wala. Tumingin sya kay Vince at Kathleen…nag-uusap sila sa lamesa at hindi nila pansin ang pakikipag-usap ni Rizza kay Diane. Napa-atras na lang si Diane, wala sya masabi. Gusto nya gumanti sa ginawa ni Rizza ngunit baka magka-eskandalo pa kaya nanahimik na lang sya, umatras at lumipat sa ibang lamesa.
Mabuti na lang at tapos na ang program kaya hindi na kailangang humarap ni Diane sa mga bisita. Simple itong umiyak sa CR at nag-ayus din naman ng sarili para hindi mahalatang umiyak sya. Ngunit nakita sya ni Vince bago umuwi at napansing may kapulahan ang mga mata nito.
Walang nagawa si Vince. Hindi sya nakalapit kay Diane. Ni hindi nya maamo ang nobya dahil nagmamadali na si Kathleen umuwi para makapaglaro na din sya ng mga bagong tanggap na laruan.
Umuwi si Diane na ramdam ang pagkatalo. Unang beses nya nakaharap ang pamilya ni Vince. Una pa lang pero naparamdam agad ni Rizza kung sino lang si Diane sa buhay ni Vince. Malayo yun sa mga sinasabi ni Vince sa kanya. Ganun pala kasakit makita ang mahal mong inaasikaso ang pamilya nya at parang wala ka dun. Mula nung araw na nalaman nyang may asawa si Vince…nun lang ulit naramdaman ni Diane na isa syang kabit…kahit san nya tingnang angulo…hindi sya ang priority ni Vince…wala syang kalaban-laban.
—
Alas-8am naalimpungatan si Diane. May tumatawag sa kanya sa gate. Tumayo sya at naramdaman ang bigat at sakit ng ulo. Nakatulog na naman syang umiiyak.
Si Vince ang kumakatok? Bakit sya nandito? Wala rin ba syang pasok?
Dahil alam ni Mam Cecil na mapapagod si Diane sa party ay pinagrest-day nya si Diane ng sumunod na araw.
Diane: Bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?
Vince: Sabay na ang scheule natin kaya mamayang 2pm na ang pasok natn.
Diane: Wala akong pasok ngayon. Pinagrest-day ako ni Mam Cecil.
Vince: Aba! At ang lakas mo kay Mam Cecil talaga ah. Walang nakakapagrestday mula Dec 15 hanggang January 2 tapos ikaw sya pa ang nagbigay.
Diane: Sorry naman. (medyo napangiti sa sinabi ng nobyo)
Vince: Ayan…ngiti ka naman honey. (yumakap sa nobya at humalik sa labi). Kung pwede lang ako dito matulog sayo kagabi ginawa ko. Alam kong may sinabing masama sayo si Rizza pero wala ako magawa kundi baka gumawa ng eksena yung buntis.
Tahimik lang si Diane. Sinamantala ang pag-amo at paglambing ng nobyo.
Umakmang magsisimula nang romansahin ni Vince si Diane pero…
Diane: Vince. Ayaw ko.
Vince: Huh? Talaga?
Diane: Wala ako sa mood. Ok na akong magkayakap lang tayo ngayon. Magkasama.
Vince: Okay…sabi mo e. Nandito naman ako para paligayahin ka at gawin ang mga request mong gawin ko.
Diane: (kinurot sa tagiliran ang nobyo) ang kulit mo…wag ka na magpacute…di effective. Wala talaga ako sa mood. Minsan lang ito kaya pagbigyan mo na ako.
—
Makalipas ng ilang buwan ay nagkaroon ng paliga ang magkakalapit na branch ng fastfood na pinagtatrabahuhan nila. As usual, si Vince and lead ng team gaya nung mga nakaraang taon. Inayos muli ang schedules ng mga lalaking maglalaro para hindi maubusan ng tao sa branch. Si Diane din ay nadamay. Sya kasi ang napiling maging Muse ng team nila at nirequest ng team kay Mam Cecil na sana daw lahat ng laro nila ay nandun din si Diane.
Araw ng opening ceremonies. Sa lahat ng muse na maglalaban laban ay si Diane lang ang nagsuot ng official na Jersey. Yung iba’y naka top jersey lang at shorts/palda at may nagjogging pants pa. Sobrang ikli kasi ng shorts ng official jersey na pang muse. Parang hitsurang boyleg na panty. Ang hindi alam ng mga kalaban nila ay nagpagawa pa si Diane ng isang short na 2 inches na mas mahaba sa shorts na original. Sya pa din ang may pinakamaikling shorts na suot. May additional points pala ang kumpleto na uniform, kay Diane napunta ang perfect score sa criteria na yun.
Lahat halos ng kalaban na muse ni Diane ay matatangkad at payat. Sya lang ang maliit na medyo bilugan. Sa ganda naman ay may laban pa rin si Diane. Nagulat ang lahat ng biglang may maikling pageant pa para sa muse. Pinagrampa nila isa-isa ang mga muse sabay may question and answer portion pa. Dito lumutang si Diane na napuno ng hiyawan at tiliaan ang gynasium na inupahan. Si Diane ang pinakahuling natanong at sya din ang pinakamatalino. Kakaiba naman kasi ang organizer…mga political questions ang itinanong sa mga muse kaya yung isa pa nga’y nagmukhang katatawanan dahil hindi alam ang topic na tinanong. Ang layo tuloy ng sagot nya. Walang duda na si Diane ang nanalo sa pagkamuse. Si Vince ang pinag-abot nila ng flowers at ng sash habang masayang-masaya lahat ng taga branch nila na nanuod ng opening ceremonies.
Lahat masaya pwera lang ang 2 taong nanunuod. Si Rizza at si Kathleen. Hindi na buntis si Rizza ngunit halata pa dito ang mga tabang na-gain nya nung sya’y nagbuntis. Nakasimangot ito sa isang sulok habang lahat ay nagchicheer. At as usual ay bumubulong sa sarili si Rizza.
Rizza: Langya! Wala na bang ibang tao dito? Lagi na lang nandyan sa Diane na yan ang atensyon. Kaya nagiging kulang sa pansin yang bruhang yan. Ayan sige ngiti. Kung ngumiti akala mo mahihiwa na ang ulo sa lawak ng bibig. Sige lang lumandi ka dyan sa asawa kong lumalandi rin sayo. Ano ba mga tao dito?Bulag ba sila? Hindi nyo ba nakikitang kumekerengkeng na ang Diane na yan sa asawa kong tuwang-tuwa. Aba! At naghawak pa ng kamay! Lagot ka sa akin mamaya Vince sa pagfeeling binata mo. Grrr!!!
Ang hindi alam ni Rizza ay naririnig sya ng anak na si Kathleen. Hindi lahat ay naunawaan ni Kathleen pero naintindihan nyang galit ang mama nya kay Tita Diane.
Pagkatapos ng opening ceremonies ay nagsimula na ang game 1. Team nila vince ang nasalang kaagad. Nagkaroon ng bakanteng upuan sa bench sa gitna ng area nila Rizza at ng players. Dito inassist nila Chad at Carlo si Diane para umupo. Hindi na nagbihis si Diane kaya pinagtitinginan pa din sya ng mga tao. Nailang lang sya ng makita ang galit sa mata ni Rizza. Mas nagulat din sya ng habang nagchicheer sya sa team ay lumalapit sa pwesto nya si Kathleen at pinagisisira ang kanyang bulaklak at nilalaglag sa sahig ang kanyang mga gamit. Parang nagdadabog ang bata. Nilambing nya ang bata ngunit tumakbo ito sa kanyang mama na nakangisi pero hindi nakatingin kay Diane. Paulit-ulit na ginawa ni Kathleen yun tuwing nalilinga si Diane at busy kakacheer. Minsan pa nga’y nagsasalita yun kay Diane ng ” Bad girl ka Tita Diane, Bakit mo love ang papa ko?”. Mabuti na lang at maingay ang gym at wala masyadong nakatabi kay Diane. Kapag kakausapin naman ni Diane ang bata ay dali-dali itong tatakbo sa mama nya na parang magsusumbong.
Nanalo ang Team nila Vince nung gabing yun. At sa sobrang saya ni Mam Cecil ay nagpakain ito sa malapit na eat-all-you-can na resto. Pinauna na ni Vince pauwiin ang mag-ina nya. Matapos ang kainan ay parang nagkantyawan na bahala na si Vince sa paghatid sa muse dahil sya naman ang team captain. Ilang pa nung una si Diane pero mukha namang walang malisya ang panunukso nila at hindi dahil nakakahalata na sila.
Pag-uwi sa bahay ni Diane. Todo hipo ang Vince sa mga naka-expose na part ng katawan ni Diane sa kayang jersey.
Vince: San ka pa! Ako ang boyfriend ng pinakamaganda at pinakamatalinong muse sa 10 stores. Hmm sarap mo hon…may lakas pa akong natitira para sa 1 round hehehe
Diane: Wala ako sa mood!
Vince: Anak ng pating! Ano na naman ito?
Diane: Tanungin mo si Rizza!
Vince: Ano ba? Sa tuwing magkikita ba kayo ni Rizza ay mapaparusahan ako?
Diane: Haist! (naiiyak na ulit) Kung alam mo lang Vince…sobra pagtitimpi ko kanina.
Vince: (Biglang nag-alala kasi umiiyak na ulit si Diane) Oh…teka, teka…bakit? Ano ba ginawa na naman ni Rizza?
Diane: Actuali, wala sya ginawa…
Vince: Hon naman…matitigang ako e wala naman pala sya ginawa? (magkikiss sana kay Diane)
Diane: Si Kathleen.
Vince: Ano si Kathleen? Ano naman ang magagawa ng bata sayo?
Diane: Tuwing nalilinga ako at busy magcheer sa inyo ay lumalapit sya sa akin. Nung una ay sinisira lang nya ang mga bulaklak ko at binabagsak ang mga gamit ko. kapag naman lalapitan ko ay tatakbo pabalik kay Rizza. Hindi na tumitingin sa akin si Rizza pero nung inihatid ako nila Chad at Carlo ay kulang na lang mamatay ako sa talim ng tingin nya sa akin.
Vince: Humanda yang si Rizza…kung anu-ano ang tinuturo sa bata. Pati ba naman si Kathleen isasama sa kalokohan nya?
Diane: Vince…natatakot ako…kasi nung huli nagsalita pa si Kathleen. Sinabihan nya akong bad daw ako kasi love ko daw ang papa nya. (at tuluyan na nga umiyak si Diane)
Natulala si Vince sa narinig. Wala kay Diane na gumawa ng kwento. Niyakap nya ang umiiyak na nobya. Wala sya masabi. Ang baby girl na nyang 5 yrs old ang nagsabi nun kay Diane. Hindi man ito sinabihan ni Rizza…kilala nya ang asawa nya…malamang ay nagngingitngit na naman ito at bumubulong na yun ang narinig ng bata. Kakausapin nya ito. At bawal na din sila manuod ng games nila. indi matatahimik si Diane na nirequire na laging manuod kung laging pupunta din sila Rizza at Kathleen.
Diane: Vince…paano sa mga susunod na games? Kapag nandun ako lagi at nanunudo din sila Rizza at Kathleen…baka may makarinig na sa bata.
Vince: Wag ka mag-alala hon…gagawan ko ng paraan. Pagbabawalan ko na sila manuod ng mga laro. Mahirap na malaman ng lahat. Ayaw kong mawala ka sa akin hon.
Diane: Hon…hindi papayag si Rizza. Hindi yun magpapatalo sa akin. Kanina nga lang bago tayo kumain, nung pinauna mo na sila umuwi ay ang sama ng tingin nilang dalawa sa akin. Mabuti’t padilim na nun at masaya lahat kaya hindi nila nahalata.
Vince: Sisingilin ko sya sa dati kong banta. Na kapag may gawin pa sya or sila ni Kathleen na magbubuking ng relasyon natin ay iiwan ko sila. Sayo na ako titira hon. Babait na yun tyak at hindi ka na guguluhin pa.
Matagal silang magkayakap habang inaalo ni Vince ang damdamin ng nobya.
Vince: Sabi ko naman sayo dati hon…i love you. Super mahal na mahal kita. Walang pwedeng manakit or magpaiyak sayo. Ayaw kong nasasaktan ka hon.
Dinaan ni Vnce sa biro ang dulo para ngumiti na nag kanina pang umiiyak na kasintahan.
Vince: Bakit ba naman kasi nasayo na lahat. Ayan tuloy…pati atensyon ng lahat ng tao nasayo. Dami kayang nagnanasa sayo kanina hon. Tinatawanan nila yung ibang muse…feeling maganda at sexy ang hahaba naman ng short at palda. Yung isa naka jogging pants pa! Tapos ang bobo pa nung iba sumagot. may ibang nagpilit pa magingles e mali-mali naman hahahaha buti pa honey ko…beauty and brains…malibog pa! Ano pa hahanapin mo?
Diane: Sira! Nambola ka na naman. Wala. Hindi ko papansinin yang junior mo ngayon. Yan ang paparusahan ko sa ginawa sa akin nila Rizza at Kathleen.
Vince: Ok lang hon…basta nakangiti ka na. Solb na ako. *Muahhh*