Kung takot at kaba ang bumabalot kay Eileen nitong nagdaang mga araw, ninanamnam naman ni Vanessa ang tamis ng bagong tuklas niyang kalayaan. Ngayon nga, sa mga sandaling papasok ang kanyang Tita Eileen sa isang apartment na pagaari ng isang kaibigan ni Tony, siya naman ay masayang naglalakad patungo sa bahay ng lalaking balak niyang makasiping sa gabing iyon. Natawa siya sa sarili ng maalala ang mga pangyayari mula ng umuwi siya sa kanilang probinsiya para sa summer vacation.
Medyo nagulat nga ang mga kakilala niya, dahil akala nila ay tulad ng dati, magiging pala-iwan siya sa bahay kasama ang mga magulang niya at mga tiyahing matatandang dalaga. Halos kararating pa lang niya sa kanilang probinsiya ay agad siyang sumama sa gimikan ng kanyang mga pinsan. Ibang-iba ang ikinikilos niya, at hindi iyon nakawala sa pansin ng mga kasama nilang kalalakihan.
Sumunod na imbitasyon niya ay outing sa beach na malapit sa kanila, at kahit na overnight sila duon ay game na sumama siya. Tulo-laway ang mga kalalakihan sa suot niyang bikini, at natatawa lang siya sa sarili ng apat na ang pumoporma sa kanya bago pa mananghalian. Hindi tulad ng mga kasama nilang babae na conscious na conscious sa kanilang mga suot, para bang naka-ordinaryong damit lang siya kung kumilos at makipag-kwentuhan sa mga lalaki.
Alam niyang kahit sino sa mga ito ay pwede niyang makuha, pero tila wala sa mga ito ang tipo niya. Oo nga at maganda naman ang mga pangangatawan ng mga ito, at mukhang malalaki ang kargadang bumubukol sa harap ng mga shorts nito, pero na-turn off siya dahil parang mga bata kung umasta sa harap niya, kanya-kanyang pasiklab para ma-impress siya. At dahil matalino siya, naisip niyang huwag basta-basta pumatol kahit kanino, dahil kailangang maging maingat siya upang pangalagaan ang kanyang sarili at ang kanyang reputasyon, hindi tulad ng mga naging kakilala niya na minsang magamit ay kalat na agad sa buong mundo na kinantot na ito.
Pero dahil naghahanap na rin ang kanyang katawan ay naisipan niyang subukan ang isa sa mga iyon. Pinili niya si Ramil, na nagpapapansin din sa kanya pero parang nahihiya. Nalaman niya na kaya pala hindi ito makaporma sa kanya ng husto ay dahil kasama nila sa outing na iyon ang syota nito, na panay naman ang kapit dito. ˜Tamang-tama,” naisip ni Vanessa.
Pauwi na sila mula sa beach kinabukasan ng ma-tiyempuhan niyang nag-iisa si Ramil sa may likuran ng cottage. Kunyari ay napadaan siya duon, at agad namang ngumiti sa kanya ang lalaki.
“Hey Ramil, bakit na nag-iisa dito? Pinagtataguan mo ang syota mo no!” natatawang sabi niya.
“Ha ha! Hindi, inaayos ko lang itong mga basyo ng bote na ininom natin. Baka makalimutan pa “
“Naku, ang sipag mo pala. So, matagal na kayo ng syota mo?”
“Ha? E hindi, bago pa lang,” sagot ng lalaki.
“A, ok. Mukhang sweet naman siya, bagay kayo.”
“Salamat. E ikaw, ba di mo kasama yung syota mo?”
“Ha ha ha! Wala akong syota no!” “Talaga? Sayang”
“Bakit sayang?” “Wala lang”
“Hmmmm o sige, baka hinahanap na ako don,” sabi niya. “At baka abutan pa tayo dito ng syota mo, magalit pa sa akin.”
“Wait, Vanessa!” “Ano yon?”
“E, magtatagal ka pa dito? Sa bakasyon mo?” “Depende, bakit?”
“Wala lang..baka lang gusto mong sumama sa mga gimik namin paminsan-minsan.”
“Okay lang. Basta sa gimikan tawagan mo lang yung pinsan ko, para makasama ako.”
“Ah..hindi pwede yung.ikaw lang?” “Ha ha ha! Ibang usapan na yon. Bakit, anong binabalak mo?”
“Wala lang”
“Hay naku. Well alam mo Ramil, kung may iniisip ka, sabihin mo na ng diretso. Dont worry, I dont bite, ha ha!” sabi niya, sabay lapit sa lalaki. “Pero type ko ang lalaking alam ang gusto niya, yung hindi na nagpapaligoy-ligoy pa” bulong niya dito, sabay abot ng isang kapirasong papel sa natulalang binata.
Ng mawala na sa kanyang paningin si Vanessa ay agad tiningnan ni Ramil ang iniabot na papel. Nakasulat duon ang cell phone number ng dalaga, at sa ilalim nuon ay nakalagay: ˜hindi ako sumasagot sa text if you want me, call me”