Unsung Serenade:Daven (verse 3)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

“Your face is tattooed on my memory

The warmth of your light

Lingers on my skin

I call on the stars to wish that you’ll be near me

And as I sleep tonight

You will be in my dreams”

-My Unsung Serenade (Mad Pencil)

*************************************************************

“…..Do not fall in love with me…”, yan ang mga katagang sinabi nya noong unang beses naming magkakilala.

Isang bagay na tinawanan ko noong una pero hindi ko alam na kakainin ko rin pala. Bigla na lang dumating….

“Good morning!”, sumalubong sa’kin ang matamins nyang ngiti. Parang natutunaw ako sa tuwing nakikita ko ang ngiting ‘yon. At ganon din ang mga mata nya na sumasabay at lalong nagpapahina sa tuhod ko.

“Ui! Parang nakakita ka nang multo?”

“Huh? Ah… Yeah, natakot nga ako eh….”, natatakot ako na magsabi ng nararamdaman ko. Damn!

“Last day mo na ngayon. Isipin mo yun, sobrang bilis ng panahon.”

“Oo nga eh….”

“Oh, ba’t parang di ka masaya? Pagkatapos nito pwede ka nang bumalik sa banda mo. Di na kita kukulitin na magpunta every Saturday. At hindi mo na kailangang magtago sa mga barkada mo sa tuwing kasama mo ako.”

That I don’t understand. I’m starting to get mad at myself. Noon, halos ipagtabuyan ko sya pero ngayon parang di ko kaya na di ko sya makasama. Badtrip talaga!

“Teka nga pala, bakit dala mo yang gitara mo?”

“Ah… Si Allan kasi sabi nya gusto daw nya matutong magtira. So naisip ko na iregalo ‘to sa kanya.”

“Aba… totoo ba yan?”, mabilis syang pumunt sa harap at humarang sa dadaanan ko. Nakatingala sya nang bahagya sakin habang nakalagay ang mga kamay nya sa likuran. Para syang batang nag-uusisa sa isang bagay. Di ko naman mapigilang mamula kaya mabilis kong binago ang expression ko para di mahalata.

“Hmmm… alam mo Daven, cute ka sana eh.”

“Sana?”

“Oo. Cute ka sana kung di lang laging nakakunot yang noo mo. Para ka kasing laging galit sa mundo eh.”

“Bah! Pakialam mo naman kung nakakunot ang noo ko. Halika na nga!”

Narinig ko syang napahagikhik sa likuran ko.

Tuwang tuwa ang mga bata nang makitang paparating kami ni Eliza. Nag uunahan ang mga maliliit na lumapit sa kanya at yumakap. Tahimik lang akong tumayo habang tinitingnan sya. She’s like an angel…. She has this radiance na kapag nakita mo ay gagaan ang loob mo….

Nagulat na lang ako nang may sumiko sa tagiliran ko.

“Huy, Kuya Daven, baka naman matunaw si Ate Eliza nyan.” kantyaw ni Allan sa’kin.

“Hahah! Loko ka ah! Kung anu-ano yang nasa isip mo eh. Oh, ito na yung promise ko sayo.”, sabay abot ng guitar case sa bata.

“Wow……..”, kitang kita ko ang kislap sa mga mata ni Allan nang makita ang gitara na bigay ko sa kanya. Ito rin ang isang bagay na gustong-gusto ko. Ang makita ang ngiti ng isang bata. Masaya ako dahil natutunan kong ma appreciate ang mga bagay na tulad nito…. at si Eliza ang nagturo sakin nang lahat.

“Kuya, sample naman dyan. Haranahin mo si Ate Eliza”, lokong bata talaga to. May pahara-harana pang nalalaman.

“Harana ka dyan?! Di na uso yun.”

“Sample lang naman eh. Sige na kuya”, sabay tango naman at “Oo nga kuya” ang ibang bata na nakapalibot sa’kin

Hay! Bakit ba hindi ko matanggihan ang mga batang to!

Kinuha ko ang gitara at nagsimulang tumipa. Nakita ko sa Eliza sa isang sulok na busy sa pagaasikaso sa mga maliliit na bata.

“And I’d give up forever to touch you
Cause I know that you feel me somehow
You’re the closest to heaven that I’ll ever be
And I don’t want to go home right now

And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
Cause sooner or later it’s over
I just don’t want to miss you tonight

And I don’t want the world to see me
Cause I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am….”

Napatigil ako nang mapansing nakatingin sya sakin at nakangiti. Halos habulin ko ang tibok ng puso ko….. Now I know… I finally understand….

If falling in love with her is the greatest sin, then cast the stone ‘coz I’m fuckin’ guilty!

********************************************************

Guys, I would like to apologize that it took me so long to continue this series. Been pretty busy this past weeks (or months I think?). It even came to a point that I was thinking of permanently leaving PL but then I realized that I just can’t leave this undone. Huge amount of thanks to those who read the previous series. I promise to finish this…..

Cheers!

-Mad.Pencil