Unsung Serenade:Daven (verse 2)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

“….Pinned between light and darkness

Trying so hard to breathe

One step closer to madness

I am halfway to death….

Where are you now?

Where are you now?…….”

-My Unsung Serenade (Mad.Pencil)

**************************************

Naputol ang pag-iisip ko nang bigla syang nagsalita mula sa likuran ko.

“Umm, excuse me…saan yung shower? Gusto kong maligo eh….”

Tiningnan ko sya…hindi nagkakalayo ang muka nila ni Eliza….

“Ahh…. sige…. goodnight na lang.”

“That door on the right, that’s the bedroom. You can stay there, just don’t touch anything.  And don’t forget to lock the door…”, dahan-dahan syang umalis.

Bakit ‘to nangyayari?  Walang gabi na hindi kita napapanaginipan, Eliza. Walang oras na hindi kita naaisip…..  Pero bakit isang taon mula ng mawala ka ay dumating ang isang babae na may dala ng mga ala-ala mo. Bakit?…….

Muli na naman akong nilamon ng pag-iisip at paggunita sa mga alala nating dalawa….

*********************************

“And lastly….. Do not fall in love with me..”

“Huh?…..Ahahah! Ahahahah!”, ano daw?! Ang lakas rin ng tama ng virgin na ‘to ah!

“Hmmmm…..you know what honey?…..”, dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang salamin at hinaplos ang kaliwang pisngi nya.  “Actually….I think…….”, palapit ng palapit ang mukha ko. Nararamdaman ko na ang paghinga nya. Nakikita ko ang kaba sa mga mata nya. Nilapit ko pa ang mukha ko hanggang maglapat ang mga tungki ng ilong namin. Tuluyan na syang napapikit.

“…..you need to go home now. Baka gutom ka lang kaya kung ano-anong nasasabi mo.”, pinitik ko ng marahan nag noo nya.

Akala ko mapapahiya sya pero nakita kong nakatingin sya sakin, nakataas ng bahagya ang isang kilay,nakaguhit ang medyo sarcastic na ngiti sa labi nya. Parang sinasabi na “siguraduhin-mo-yang-sinasabi-mo-dahil-kakainin-mo-yan-balang-araw”…. at yan ay hindi mangyayari. Sinisiguro ko yan.

Saturday.

Nagmamadali akong lumabas  nang marinig ang sasakyan ni Clay na pumarada sa tapat ng bahay. Bitbit ang gitara, mabilis akong sumampa sa backseat.  Tahimik akong nakaupo sa likod. Sa totoo lang nagtatalo ang isip ko kung tutuloy pa ba ako sa session o gagawin ko na ang community service project ko. Siguradong maghihintay sakin si Eliza….pero teka? Ano namang pakialam ko kung maghintay nga sya?!

Inubos ko ang maghapon sa paggawa ng areglo para sa bagong kanta. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko…di ko alam kung bakit napapaisip ako sa virgin na yun…

“Hey, man. May problema ba?”, nagulat ako nang mamalayan na tumigil na pala sa pagtugtog ang mga ka banda ko.

“Huh?.. Ah..wala…pagod lang tsong… pasensya na.”

“Sige, next Saturday na lang natin ituloy.”

Pagkapaalam, mabilis akogn umalis para pumunta sa school. Hindi ko alam pero parang sadyang dinala ako ng mga paa ko d’on. Pagkapasok ko sa gate, nakita ko agad sya. Nakaupo sa bench. Ilang oras na syang nakaupo d’on?

Tahimik akong lumapit sa kanya. “Hey, anong ginagawa mo dito?”

Tumaas ang kilay nya, “At ikaw pa ang may ganang magtanong? Anglinaw ng usapan ah. O baka kailangan ko pang i tattoo sa noo mo ang schedule ng project mo?!”

“Ano bang pakialam mo dun?!”

“Yun na nga eh! Ano nga bang pakialam ko?! Hindi naman kita kaano-ano, bakit ako nagpapakirap maghintay sayo at tumulong para matapos yang project mo?! Tama na ‘to…”, tinaas nya nag isang piraso ng folder. “This is my report and I will submit this on Monday. Wala na akong pakialam kung sa kangkungan ka pulutin.”, mabilis syang tumalikod. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko man lang nagawang habulin sya.

Balisa akong umuwi sa bahay. Yari ako nito. Pag naipasa ang report, siguradong sa kangkungan nga ako pupulutin. At isa pa… nagalit si Eliza…gusto kong mag-sorry… Sorry?…Hell no! Wala yan bukabolaryo ko….

Monday.

Wala akong ganang pumasok. Wala akong ganang magsalita. Iniisip ko ang nangyari noong Sabado. Tangina! Bakit ba ako napapaisip?!

“Rodriguez, pinapatawag ka ng Director….”

Halos hilain ko na ang katawan ko bago makarating sa office ng School Director. Pagkapasok ko sa kwarto, nabungaran ko agad si Mr. Komeho na binabasa nag report. Sa isalng sulok nakita kong nakaupo si Eliza. Ni hindi man lang natinag nang pumasok ako.

“Ah..Mr. Rodriguez. Have a seat. We’ve got plenty to discuss…”

Dahan-dahan ako umupo. Pinipilit kong i-maintain ang pagka astig ko. pero sa loob ay dinadaga na ako.

“Uhumm…  Ms. Serva submitted her first report…”, binuklat nya sa susunod na page. “…..and according to this….well, you did a great job on your first day. Alam kong medyo naiilang ka pa pero alam kong masasanay ka rin. Sandali lang yan at matatapos mo na ang project mo. Hindi ako nagkamali na kunin si Ms. Serva. Alam kong matuturuan ka nya.”, halos mapanganga ako sa narinig ko. Lito pa rin ako sa nangyayari. Tumingin ako kay Mr. Komeho para malaman kung nagbibiro lang ba sya. Tiningnan ko rin si Eliza pero wala pa rin ysan reaksyon.

“Hmm? Something wrong Mr. Rodriguez?”

“Uh…nothing…I..ah…I would like to thank Eliza…for…teaching me…”, pilit kong hinahabol ang mga mata nya pero sadyang mailap at nakatingin lang sa isang sulok.

“Well in that case, kayo na ang mag usap. You can go now.”

“Thank you sir…”, di pa man ako nakakatapos sa pagsasalita ko ay mabilis na tumayo si Eliza. Nagpaalam lang saglit at lumabas na ng office. Mabilis ko syang hinabol.

“E-Eliza!”

Saglit syang lumingon pero agad ring naglakad ng mabilis. Papunta sya sa likod ng school building.

“Eliza wait!…”

“Um? may sasabihin ka?”, malamig ang tono nya.

“Uh…ano kasi…uh…”, shit! Di ko kayang magsorry….

” Bakit ba nagpapahabol ka pa?! Kanina pa kita tinatawag pero di ka lumilingon, tapos pinaghabol mo pa ako papunta dito?!”

Nakita ko na namang nakataas ang isang kilay nya. “Rule no. 1: Hindi kita pwedeng kausapin sa lugar na may ibang makakakita. Sinusunod ko lang ang kondisyon mo.”

“Ah….i see…”

“So, bakit mo ako tinatawag?”

“Um…I just want…..I just want  to say sorry for being a jerk. Sorry kasi hindi ako sumipot nung sabado, pinaghintay kita…. tsaka, salamat pala dun sa report na ginawa mo…actually, tatanggapin ko naman kung malagot ako…”

“Hmm… Let’s just say na, maswerte ka. Alam mo, magaling ka eh, matalino… Sayang. Wag mong hayaang mapunta lang sa wala. Binigyan lang kita ng isa pang chance….at hindi na mauulit yun.”

“…Well….maraming salamat….”

“Sige alis na ako.”

“Uh, wait! Sa Saturday sure na. Tuloy na tayo.”

“Bahala ka. Rule no. 3: Hindi kita pwedeng pilitin. Desisyon mo yan, basta maghihintay na lang ako dito.”

“Sige, sa Saturday…”, akmang paalis na ako. Hinihintay ko syang sumunod sa’kin pero nakatayo lang sya sa pwesto nya.

“Um…. let’s go.”

Rule no. 2: Hindi kita pwedeng sundan dahil naiirita ka.”


Napailing na lang ako at napangiti. Ibang klase talaga ‘tong babaeng ‘to. Simple pero may tapang. Kaya nyang tapatan at ipakain sakin ang pride ko. Kahit kelan di pa ako nakakita ng gaya nya….

Habang naglalakad iniisip ko ang mga sinabi nya tungkol sa mga ”Rules” ko. Naaalala ko ang mukha nya, ang expression nya na pagtaas ng kilay…..ang ngiti nya na medyo sarcastic..

Kung magpapatuloy ‘to, malamang ma-break ko ang 3rd Rule nya….

Damn!

**************Mad.Pencil*****************

NOTE: Pasensya na po kung natagalan. At lalong pasensya na kung bitin na naman.

Salamat po sa lahat ng nagbasa na first part ng story na ‘to.

This is actually a prequel to “The Beautiful Stranger” series.  Yung first part ng episode na ‘to ay isang eksena sa series na ‘yon.  Kaya kung may time po kayo, pakibasa na lang po, para hindi rin masyadong malito.  Napansin ko kasi na masyadong maraming tanong na naiwan sa series na ‘yon. Gusto ko lang gawing malinis nag takbo ng kwento kaya kinailangan kong balikan yung past ng mga characters.

Salamat po ulit sa pagbabasa. I’ll have the next part posted right away…err….kung gusto nyo pa.. ^_^