“…….I’d rather have one touch of her hand,
One kiss of her lips
One breath of her hair
One moment of her embrace
I’d rather have once
Than an eternity without her…..”
-My Unsung Serenade (Mad.Pencil)
**********************
Hindi ko alam kong pa’no nangyari. Isang taon na ang nakakalipas, nawala ang pinakamamahal ko. Matagal akong nagmukmok, maraming oras ang sinayang, halos maubos na ang luha ko. Eliza, bakit mo ako iniwan?
Ang bawat ala-ala mo ay nakaukit sa puso’t isipan ko. Ang ngiti, ang mga mata mo….. ngayon hindi ko na makikita….
Naalala ko kung pa’no tayo nagkakilala…
Rock, ballet….
Black, white….
We we’re so different. Marami rin ang nagtaka kung papano natin nahanap ang isa’t-isa.
***************************
“Mr. Rodriguez, ano namang gulo ang pinasok mo?!”, halos mamula nag mukha ng School Director sa galit.
So, bakit hindi nyo pa kasi ako i-kick out?”
“Uh…well…naghihinayang ako sa talent mo. Matalino kang bata, magaling…pero gamitin mo sa tama….”, hindi lang nya masabi na kaya ayaw nya akong sipain dahil malaki ang nakukuha nilang pera mula sa ama ko.
“Pero, hindi ibig sabihin na palalampasin ko ‘tong ginawa mo….I’ll give you a special project..”
“And how much will it cost?”
Ngumiti lang sya. “No. Ibang project ‘to…. Daven, I would like you to meet Ms. Eliza Serva.”, ngayon ko lang napansin ang isang babae na nakaupo sa sulok. Sumulyap sya sa akin ng bahagya.
“Oh, hi there!….”, napayuko sya bigla ng ngitin ko sya. Nalaglag ang ilang pirasong libro na hawak nya. President sya ng parang social worker’s club. Mga walang ginawa kundi magpunta sa kung saan-saan at tumulong sa mga less fortunate.
“Oh, so mukhang magkakilala na kayo. Mas maganda ‘to…”, hindi ko pa rin alam kung anong binabalak ni Mr. Komeho.
“Mr. Rodriguez, napapansin ko na mas marami na ang oras na ginugugol mo dyan sa kaka-banda nyo. Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Ayaw kong makialam pero ayaw ko rin namang mapariwara ka. So I came up with a brilliant idea. “, tumayo sya at naglakad-lakad.
“I’ll give you a special project. I want you to render 100 hours of community service…..”
“WHAT?! Are you fuckin’ crazy?”, di ko na napigilan ang bibig ko dahil sa narinig ko. Nakita kong napatiim-bagang si Mr. Komeho.
“…Yes. Community service. And Ms. Serva here will help you. She’ll be your guide, and she will monitor your actions. I want you to commit yourself. Para sa’yo din ‘to.”
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Isang malaking kalokohan ang sitwasyon ko ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga kabarkada ko?
“Ok, so I guess we’re all set. You can start this coming Saturday….Ms. Serva, please submit your report on Monday….Mr. Rodriguez, goodluck.”, parang gusto kong sipain ‘tong hayop na Director na ‘to.
Padabog akong lumabas ng pinto. Sobrang init ng ulo ko, hindi ko namalayan na tinatawag pala akong ng barkada ko.
“Daven! Oi!”, si Clay, isa sa mga ka-banda ko.
“Oh pare, mukhang problemado ka ah.”
“Wala ‘to, man. Medyo badtrip lang kay Kuneho (Mr. Komeho).”
“Sus, pera lang katapat nun. Nga pala may gig this April. Sali tayo. Sa Saturday kita tayo kila Marcus para makabuo na ng riff.
Sasang ayon na sana ako nang makita ko si Eliza na nakatingin sa’kin sa di kalayuan. Alam kong naririnig nya nag usapan namin.
“Sige, sa Saturday kita tayo kila Marcus.”, sinadya kong lakasan ang sagot ko habang nakatingin kay Eliza. Parang hindi naman sya natinag.
“Hey, man. Anong problema nun?”
“Sino?”, alam kong si Eliza ang tinutukoy nya pero ayaw kong ipaalam yung tungkol sa project ko.
“Si Serva. President yan ng club ng mga virgins dito diba? Bakit nakatingin sayo? Naku pare, baka gustong magpatira.”
“Ulol. Hayaan mo na yan. Tara na alis na tayo baka i-recruit pa tayo sa club nila eh. Ayoko ngang maging social worker.”, napangisi na lang si Clay.
“Pero man, hottie naman sya ah. Alisin mo lang yung salamin tapos buksan mo ng konti yung butones nya, ayos na!”
“Sira ulo. Halika na nga.”, sumulyap ako kay Eliza. Nakatingin pa rin sya sakin. Napansin kong parang gusto nya akong tawagin pero mabilis akong tumalikod.
After class, palabas na ako ng gate nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Psst! Daven!”, damn! Mabilis ko syang hinila sa likod ng school building. Ayaw kong makita ng mga kabarkada ko na kinakausap ko ‘tong si virgin.
“Ano bang problema mo?”, nakakainis! Para pa syang bata na nakayuko sa harap ko.
“Umm… ipapaalala ko lang sana yung special porject mo. Sa Saturday na kasi yun eh…”
“Pwede bang sa ibang araw na lang?”
“Hi-hindi eh…Magagalit si Mr. Komeho. ”
“Hay! Leche naman!….”Sige, payag ako pero kailangan may mga kondisyon tayo. Una, ayokong kinakausap mo ako lalo na pag kasama ko yung mga barkada ko. Pangalawa, wag mo akong sinusundan, nakakairita eh. Lastly, ‘wag kang mapilit. Kung ayaw ko, wala kang magagawa.”
Nakatingin lang sya sakin. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang mga mata nya. Parang isang gabi na puno ng mga bituin at nababalutan ng kaunting ulap dahil sa salamin na suot nya.
“Ok… Pero may mga kondisyon din ako. Una, sige hindi kita kakausapin pero kapag araw ng Sabado sasama ka sakin para sa community service. Magkita na lang tayo dito sa school kasi sigurado ako na walang tatambay na kabarkada mo dito. Pangalawa, sige hindi ako mamimilit pero tandaan mo na kailangan kong i-report lahat ng ginagawa mo. And lastly……”
“Um?”, nakita kong mas firm ang expression nya.
“……Do not fall in love with me…”
*************Mad.Pencil**************