Torpedo:2

Author Name: voodoo_hoodoo | Source: pinoyliterotica.com

Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking munting likha. Sana po ay paki rate na din para sa kaalaman ng sumulat kung ano ang antas ng kanyang gawa. Muli, maraming salamat po!

——————————————————–

“i’m pleased to meet you.” sabay pisil din ni marcus sa kamay ni kevin.

Nagkatinginan ang dalawa ng mata sa mata. Tila ayaw magbitaw ng kanilang mga kamay. Buti na lang at nagkunwaring umubo si ali at naalis ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

“ehem… Kevin, can i sit beside you?” tanong ni ali.

“sure. i told you this is not yet taken.” sagot ni kevin at bumitaw na siya sa kamay ni marcus.

“marcus, are you sure you don’t want to join us for dinner?” tanong ulit ni ali.

“no, it’s ok. Some other time na lang.” sagot naman ni marcus.

“ok na ko dito. thanks for the ride. Ingat ka pag uwi ha? Text mo ko pag nasa bahay ka na.” idinikit pa nito ang pisngi sa pisngi ng lalaki.

Mapait naman ang ngiti ni kevin na bumalik sa pagkaka upo at hinarap ang plato. Padabog itong naglagay ng maraming hot sauce sa kinakain na parang steak ang kinalabasan.

Nagpaalam na si marcus sa tropa at isa isa rin itong tumayo ang mga ito para magpaalam sa papaalis na lalaki maliban kay kevin. Nagsalita muli si marcus bago pa tumalikod.

“kevin, see you next time.”

matabang na ngiti lang ang isinukli ni kevin pag lingon nya kay marcus at agad na humarap ulit sa lamesa. Pinaupo niya si ali sa bakanteng silya sa kanyang tabi at dumistansya ng konti dito. Ramdam niya na hindi na ito dapat kagaya ng dati na pwede nya biruin ng todo dahil mayroon nang nagmamay ari dito o hindi man, ay mayroon nang nanunuyo dito na sa tingin nya ay mula rin sa isang mayamang angkan. Sa isip ng binata, hindi naman masasabi na mayaman ang pamilya na pinanggalingan niya pero hindi rin naman naghihikahos sa buhay. Masasabing nasa tama lang at medyo nakaka angat ng konti. Inisip din niya ang itsura ng lalaki na talaga naman napaka linis tignan kung ikukumpara sa kanya. Malinis ang gupit ng buhok, walang balbas, walang hikaw sa tenga at kilay, at kung anu anong klase ng bracelet at kwintas na naka suot sa leeg at braso. Hindi pa nya ikinukumpara ang pananamit ni marcus sa kanya ay parang napakalayo talaga ng tsansa na papasa siya kay ali. Si marcus, naka demin at mukhang bigatin na signature pants. Si kevin naka din naman pero simple lang na tama lang ang luwag sa hita at binti. Si marcus, naka polo shirt. Si kevin, naka polo shirt din pero napaka eleganteng tignan ng polo shirt ni marcus lalo na ang ibon na logo sa bulsa nito sa gawing dibdib. Samantalang ang polo shirt niya, simpleng simple tignan kahit sabihin pang barstow ang brand nito. Si marcus, naka shiny leather shoes na kahit hindi nya makita ang brand nito, alam niya na banana republic ito. Si kevin, nka DM’s na 16 holes pero luma na ang ganoong design ng sapatos. 90′s pa nauso yung sapatos na yun pero hanggang ngayon, ganun pa din ang gusto niya kung hindi naman ay chuck taylor o kaya adidas na samba. Malayong malayo at napaka laki ng pinag kaiba nilang dalawa kaya hindi na siya magtataka kung pumasa ito kay ali na matagal na niyang pinapangarap.

“bakit pa kang natuklaw ng ahas?” tanong ni ali sa kanya.

“wala lang, i’m happy for you!” seryosong sabi ni kevin sa dalaga.

“pero mas magiging masaya sana ako kung ako ang magpapasaya sayo.” bulong ni kevin.

Hindi ito narinig ng dalaga dahil may binabasa itong text message at naka ngiti. Pero si iya, narinig ito at humawak lang sa kamay niya na may matabang na ngiti at nagtaas ng dalawang balikat. Naintindihan ni kevin ang pakikiramay ng kaibigan sa kanyang kalungkutan.

Naka tingin lang ang apat na kabarkada nila sa kanilang dalawa. Parang hindi maipaliwanag ang magiging reaksyon dahil ang kasiyahan ng isang kabigan nila ay nagdudulot naman ng kasawian at pagkawasak ng damdamin ng isa pa.

“yes, you should.” nkatingin pa din ito sa celfone at nagta type ng message.

“for sure alam mo na! hindi ko sinabi sayo kasi gusto ko ipamukha sayo na capable din ako…” sabi ni ali pero hindi na ito pinatapos ni kevin.

“yup i know. Excuse me, cr lang ako.” tumayo ito ng mabilis at nagtungo sa cr.

Nagtaka si ali sa inasal ni kevin. Kaya tumingin ito sa apat.

“may mood swing na naman ba si phil anselmo?” tanong nito sa mga kaibigan.

“hindi pa niya alam ung surprise blow out mo. Ang alam lang niya pinapupunta namin siya dito para mag food trip. Expect nga namin, before 7pm pa siya magpapakita kasi yun ung sabi niya kanina sa text.” paliwanag ni jean kay ali.

“baka may mood swing nga?” sagot naman ni ali.

“nagseselos si jeff buckley!” sundot ni ruel.

“kayo ha, kung ano anong pangalan tinatawag nyo dun sa tao. Baka lalong mainis si kevin kosme.” humahalakhak na sabi ni iya.

“seriously, ali. Nagseselos yun sa kasama mo. Ang hunk ba naman, parang si diet.” kinikilig na dagdag ni iya.

“magseselos? Wow ha!” nakangiting sabi ni ali.

“alam mo naman na matagal nang may gusto sayo yung tao. Masyadong malapit sayo. Tapos makikita ka niya na may kasamang lalaki na kasing guwapo ko? Masasaktan talaga yun. Alam mo naman yun hindi marunong magsalita.” salo naman ni jean.

“andito tayo para mag celebrate and not for anything else. That’s why treat ko!” si ali ulit.

Samantala sa cr…

“gago ka kasi! Inutil ka!” sabi ni kevin sa sarili sa salamin.

Mabuti na lang, walang ibang taong nakakakita sa kanya sa cr. Kung hindi tiyak na mapapagkamalan siyang baliw. Tinanggal niya ang tali ng mahabang buhok at ginulo gulo ito habang sumisigaw.

“kung noon mo pa sinubukan na magtapat sa kanya, mas malaki ang tsansa mo na malaman kung papasa ka! Ang tanga tanga mo! Abot kamay mo na, pinakawalan mo pa.” habang dinuduro ang sarili sa salamin.

Nang biglang bumukas ang pinto ng isang cubicle at lumabas ang isang lalaki na pamilyar ang itsura. Nakita niya ito sa salamin ngunit hindi nya maaninag ang itsura nito dahil sa makapal na buhok na naka takip sa kanyang mukha. Napaharap siya dito at sakto naman na napatingin ang lalaki na nagmula sa loob ng cubicle.

“aaaaaayyyyyyyy!!! Heeeeeeeeeelp!!!” sigaw ng lalaki.

“waaaaahhhhh” kasabay na sigaw ni kevin dahil sa pagka bigla na meron palang ibang tao na nakakarinig sa kanya.

“tulong! tulong! May baliw! May baliw!” nag hysterical ang lalaki.

Narealize ni kevin na magulo pala ang buhok nya at nagsasalita siya mag isa kaya napagkamalan siyang baliw. Hinawi niya ang buhok niya at bumalik sa tamang pag iisip nang makilala ang lalaking nagsisisigaw na parang ginagahasa.

“marcus?” tanong ni kevin.

“kevin? Kevin right?” tanong naman ni marcus.

“anong ginagawa mo dito? Sabi mo uuwi ka na?” tanong ulit ni kevin na may halong pagtataka.

“nag retouch lang ako and umihi na din.” sagot ni marcus.

“nag retouch?” naka kunot noong tanong ni kevin.

“oo. Alam mo yun, powder ang perfume para fresh ulit tignan.” medyo nagbago ang timpla ng boses ni marcus. Mas malumanay at parang hindi boses ng tunay na lalaki.

Medyo nagtaka si kevin at nalinawan kung bakit ganun ang titig at pisil nito sa kamay niya kanina.

“pasensya ka na ha, pinilit ko kanina na itago kasi sabi ni ali medyo uneasy ka daw pag may kaharap na kagaya namin na…” paliwanag ni marcus.

“hindi naman sa ganun. Medyo asiwa lang ako pag malandi at pilit na nagdadamit babae. Hindi naman ako hater, e.” putol at paliwanag ni kevin.

“so, ali is…” bitin na tanong ni kevin.

“siyempre no. Hindi ako tibo! Babaeng babae ako sa puso pero hindi sa itsura! Kaya pala ganun ka nalang kung maka snob kanina. As if naman na babae ang type ko?” pagtataas ng kilay ng bakla.

“sorry kung medyo magaspang ugali ko kanina, ha?” paumanhin ng binata.

“anong medyo? Magaspang talaga, kala mo kaguwapuhan!” pagtataray ulit ni marcus.

“kaya nga sorry na, e” ulit ni kevin.

“alam mo, hindi maganda yan. You’re not a real man to face defeat and challenges. You look really tough and manly pero ayaw mo tumanggap ng pagkatalo. Alam ko gusto mo pinsan ko, nakikita ko kanina jelly de belen ka. Kala mo bf niya na ko, no?” paliwanag ni marcus.

“yeah! i admit it. Gusto ko siya. Parang mahal ko na nga siya, e.” pag amin ni kevin.

“wag mo sa akin sabihin yan. Why not tell her right infront of your friends?” paghahamon ni marcus.

“hindi ko kaya. Ninenerbiyos ako!” sagot naman ni kevin.

“ikaw bahala! May sinabi pa naman siya akin na gusto niyang lalaki kaya lang may konting problema.”

“sino at ano problema?” Pangungulit ni kevin.

“ewan ko. Hindi ko alam. Babaero daw, hindi makuntento. Kung sino sinong babae ang ka date at ayaw daw ng commitment. Sabi ko nga ayawan na niya yun dahil selfish yung taong yun.”

Napaisip si kevin. Baka kung sino na naman ang maka una sa kanya sa puso ni ali.

“halika na, sabay ka na lang sa amin mag dinner.” sinuklay nito at itinali ang mahabang buhok.

“sure ka, hindi ka maasiwa kasi may bakla sa harap mo? Tanong ni marcus.

“sabi ko naman sayo hindi ako hater, e.” sagot ni kevin.

“gusto nga pala ng pinsan ko yung clean cut.” dagdag ni marcus.

Ngumiti lang si kevin at naka akbay ito kay marcus palabas ng cr na para bang matagal na silang magka tropa.

Nagulat ang lahat nang makita nila na magkasama ang dalawa at magka akbay pa.

“parang nag iba ang ihip ng hangin kay phil anselmo na may hangin sa ulo?” pag nguso ni jean kina kevin at marcus.

“mukhang good sport na si kumag.” bulong ni iya kay ruel.

“ok na ba kayo, dude?” tanong ni bryan kay kevin.

“the question is, kung nagkakilala na ba sila ng mabuti? Baliw kasi yan si marcus, e.” humahalakhak na sabi ni ali.

“etong kaibigan mo ang baliw.” turo nito kay kevin at sabay sabunot ng konti sa buhok ni ali.

“marcus!” saway ni kevin.

“kumain na nga tayo, bakla ka! Masyado kang madaming arte. Sabi ko naman sayo mababait yang mga iyan. Lalo na si kevin hindi lang talaga mapagka katiwalaan ang hitsura. Parang goons sa buhok niya.” sabi naman ni ali.

Kumuha ng isa pang upuan si kevin at inilagay sa center na para bang isang presidente na nakikipag pulong sa kanyang mga gabinete.

Nagpatuloy sa kuwentuhan habang kumakain ang buong tropa kasama na ang bagong kakilalang bakla na si marcus.

“after this, saan tayo?” tanong ni ruel sa lahat?

“ako kahit saan. Hindi na ko papasok tinatamad ako. Gusto ko mag relax.” sagot naman ng tamad na si kevin.

“ayun! Kaya pala! graduating student next sem, meron pa rin subject na P.E.” kutya ni ali kay kevin.

“hoy! Hindi pa ko bumabagsak sa mga subjects na pinapasukan ko ng madalas.” depensa ni tamad.

“kaya pala 4th year meron pa din P.E. 4?” banat ulit ni ali.

“Hindi lang naman ako ang meron ganun. Gusto ko lang mag take ng P.E. every 1st sem para meron uaap at ticket lang ang puhunan mo para gumanda ang grades mo.” palusot ni kevin.

“naghahanap ka pa ng damay. Mga katuwiran mo bbaluktot.” sabay tawa nito.

“seriously, ano nga pala yung sasabihin mo dapat kanina?” pag iba ni kevin ng topic.

“wala naman. Gusto ko lang ipaalam na i made it back to the dean’s list and pag graduate ko this sem, malamang with honors.” tuwang tuwang sabi ni ali.

“yan ang mabait na estudyante.” sabi naman ni iya.

“oo! Hindi katulad ng iba dyan, puro bulakbol matalino nga tamad naman.” banat naman ni bryan.

“gago ka ah! Anong puro bulakbol? Ikaw nga college algebra 2 beses mo kinuha. Kung hindi ka nag community service malamang take 3 ka.” bawi naman ni kevin kay bryan.

“sinabi ko bang ikaw yun? Naka tsamba ka lang dun sa college algebra natin kaya ka pumasa. Sira ulo lang talaga yung prof natin kaya nasira yung block section natin.” depensa naman ni bryan at naghalakhakan na naman ang tropa.

“by the way, ali. Pwede ba kita makasabay pauwi?” biglang kambiyo ni kevin.

Natahimik ang buong sa narinig nila mula sa binata. Himala at nag lakas loob itong tanungin ang dalaga ng pormal.

“pwede naman. Bakit ililibre mo ba ko sa LRT?” pabirong sagot ng dalaga.

“hindi! Ako nga magpapalibre sayo kasi wala na kong pera pauwi.” biro din ni kevin sa dalaga.

“ang kapal mo talaga!” nakataas ang kilay na sabi ni ali.

“hay, naku! Ewan ko ba sa mga babae mo kung pano nakakatagal sayo. Kapal ng mukha mo.” banat ni iya.

“anong tumatagal? Wala ngang tumatagal di ba?” gatong naman ni jean.

“kaming 2 lang ang nag uusap di ba? Kabastusan yung sumabat pag hindi kinakausap.” pambabara ni kevin sa dalawa.

“ikaw jean, umuwi ka ng maaga. Magrereport ka pa sa gf mo baka putulan ka nun pag hindi ka nakatawag sa kanya sa tamang oras.” dagdag ng binata.

“ali, sabay tayo umuwi. Pwede?” tanong ulit ni kevin.

“hindi kita ililibre sa LRT.” sagot ng dalaga.

“Biro lang yun. Syempre dapat ako manlibre sayo kasi ako yung humihingi ng favor.” sabi naman ni kevin.

Hindi maitago sa mukha ng binata ang sobrang kaba sa pakikipag usap sa dalaga dahil sa kilos ng kamay at mga mata nito. Dahilan para palihim na tawanan siya ng iba pa.

“and kung pwede mag fx na lang tayo?” tanong ulit ni kevin.

“baka traffic?” tanong ni ali.

“ok lang yun. Minsan lang naman tayo magkasabay e.” hirit ni kevin.

“pano, ali. Mauuna na ko umuwi ha? May kasabay ka na. Bye guys, nice meeting you. See you next time.” paalam naman ni marcus.

“ingat ka marcus. Nice meeting you, too!”
Sagot naman ng tropa.

“and kevin, good luck. Tame the tikbalang.” pahabol na biro ni marcus.

Nanatiling nakaupo ang tropa nila kahit tapos na kumain at busog na.

“tara na, uwi na tayo.” yaya ni jean sa tropa.

“sa friday may gig si kevin. Sama ka ba, ali?” tanong ni bryan.

Napatingin lang si ali kay kevin na parang nagtatanong kung iimbitahin ba siya nito.

“hindi ko alam. Hindi naman yata ako invited.” may tampong sabi ng dalaga nang hindi pa nagsalita si kevin upang siya ay imbitahan.

“it is a benefit gig. Lahat naman pwede pumunta and open for everyone. Hindi lang naman katulad ng music namin ang maririnig nyo.” sabi naman ni kevin.

Sa isip ni kevin, baka pumunta si miles na nauna niyang inimbitahan. Nakakahiya naman kay ali kung makikita niya na inaasikaso niya si miles samantalang gusto na niya magtapat at manligaw sa dalaga. Pag nagkataon, bagsak talaga siya. Aakalain nito na pinaglalaruan at niloloko lang niya ang dalaga.

Tumayo si iya at nagsabing pupunta muna sa cr. Naging daan ito para magtayuan na din ang iba nagkayayaan na lumabas at umuwi.

Sa fx, naka upo ang dalawa sa gitna. Maluwag ang nasakyan nila kaya medyo kampante silang naka upo. Wala pa din imik ang binata at hindi man lang makapag bukas ng usapan nila ng dalaga. Humilig ang dalaga sa salamin sa bintana na para bang inaantok at naghikab. Pinabayaan na lamang ito ni kevin hanggang sa sila ay malubak sa kanto ng faura dahilan para mauntog ang dalaga. Ito ang nakitang pagkakataon ni kevin para maka diskarte sa dalaga.

“nasaktan ka ba?” tanong ni kevin.

“hindi naman. Medyo nawala lang yung antok ko. Gusto ko lang irelax yung ulo ko.” sagot naman ni ali at bumalik sa pagkaka hilig sa salamin.

“dito ka na lang sa balikat ko baka mauntog ka na naman.” alok ni kevin.

“nabigla yata ako, ah. Patay baka masopla ko nito.” sa isip pa niya.

Tinitigan lang siya ng dalaga at ngumiti.

“salamat ha?” sabay hilig sa balikat niya.

“yes!” bulong ni kevin sa sarili.

“ano sabi mo?” tanong ni ali. narinig pala nito ang boses nya.

“sabi ko, yes. Nakalagpag tayo sa traffic.” palusot ng binata.

Hindi umimik ang dalaga ngunit may ngiti sa mga labi. Para silang magkasintahan na ayaw nang mahiwalay sa isa’t isa. Suwerte naman nila at sila lang ang nakaupong pasahero sa gitna. Isa sa harap at 2 sa likod na magkasintahan.

“ali, salamat ha?” lakas loob na sabi ng binata.

“salamat saan?” tanong ng dalaga.

“ah, sa dinner?!?!” nauutal na sabi ni kevin.

“yun ba? Ok lang no. Dapat nga ako pa magpasalamat kasi lagi kayo andiyan para sa akin.” sabi naman ng dalaga.

“salamat na din kasi magkasama tayo ngayon.” paglalabas ng saloobin ng binata.

“ano ba sinasabi mo?” tanong ni ali.

“wala lang. Basta masaya lang ako ngayon.” sagot ni kevin.

“bakit naman? Kasi mabango yung issey miyake na gamit mo ngayon?” tanong ng dalaga.

Bigla na naman napahiya ang binata dahil alam ni ali ang mga kalokohan niya pagdating sa babae. Nanatiling walang kibo si kevin kaya’t ini angat ni lai ang kanyang ulo mula sa pgkakahilig sa binata at tinignan ito sa mata.

“grabe naman yung pabango ng kasama mo, kung sino man yun. Humawa sa damit mo yung pabango niya. I know it’s not yours. Alam ko kung ano type mong cologne.” sabi ng dalaga.

Naalala ni kevin na magkapatong nga pala ang damit nila ni miles kanina nung kapwa sila hubad sa loob ng motel.

Pagdating ng fx sa kanto ng vito cruz, may sumakay na isang lalaki na sa tantiya ni kevin ay lasing. Kung hindi naman ay nakainom. Panay ang tingin ng lalaki kay kevin at ali lalo na sa dalaga dahil sa suot nitong mahabang fitted blouse na hanggang hita at medyo mababa ang neck line. Pinarisan pa ng fitted jeans belly belt. Napaka gandang tignan ng dalaga sa suot nya na lalong nagpalitaw sa ganda ng hubog ng kanyang katawan at pantay na kutis kayumanggi. Bago dumating sa panulukan ng gil puyat, nagsalita ang lalaki sa tabi ni kevin.

“brod, baka pwedeng matikman yang kasama mo, mukhang masarap. Kanina pa naman yata nakapulupot sayo yan. Ako naman.” naka ngising sabi nito.

…to be continued…

*paki rate po and paki sabi na din kung meron pang gustong ituloy ang kuwento. Salamat po! Comments are welcome.