hi guys, im just trying to finish the whole series bago magtapos ang pinoylit..sorry if the following parts wont be as erotic as the previous ones…
Tama si Andrew. Maganda nga ang lugar na pinuntahan ni Ryan. Nakaharap sya ngayon sa hidden falls sa isang tahimik na bayan ng Laguna. Siguro e isa ang lugar na ito sa womanizing spots ni Andrew. Binigay nya lang ang pangalan ng binata ay maagap na syang inasikaso ng kanyang tinuluyan. It’s a wooden house ilang lakad lamang mula sa kinaroroonan niya ngayon. Katatapos nya lang iguhit ang pagragasa ng tubig pababa sa batuhan. He smiled. Kinalimutan na niya ang pagguhit simula nang mawala si Anne. Pero syempre mahirap gawin iyon kung bahagi ng trabaho niya ang mag-drawing. This is his first attempt to draw at leisure. Napalitan kasi noon ng pambababae ang hobby niyang ito. Manipis lang ang linya ng lapis ng ginuhit niya. Ngunit hindi pa rin naman pala nawawala ang husay niya. Naisipan niyang dumaan sa bayan to try his hand on color. Pinagmamasdan pa ni Ryan ang naiguhit na scenery nang lumipad ang papel mula sa kanyang kamay matapos tamaan ng hinog na mangga.
Luminga-linga si Ryan para sakalin ang may sala pero wala siyang nakita. Papalubog pa lang ang araw. Di naman mukhang tahanan ng multo ang lugar. Napatawa si Ryan. Wow, maligno kaya ang may gawa niyon? Nagulat ang binata nang may bumaba mula sa puno ng manga sa harapan niya. Kung ito ang maligno, okay lang na araw-araw akong maengkanto, bulong ni Ryan.
Tinanggal ng babae ang suot nitong sombrero at pinagpag ang mga nahulog na dahon. Siguro kung hindi niya suot ang salamin, pagkakamalan ng binata na lalaki ang nasa harapan niya. The girl has very short hair, she wore kahki pants and a tight fitting shirt. If she wants to ward off boys with her boyish get-up, she’s mistaken. Hindi kayang itago ng pagkukunwari ang magandang kurba ng katawan niya. With her hair so short, humahalik sa mataas nyang cheekbones ang huling hilahis ng papalubog na araw. Kaharap niya yata ngayon ang kapatid ni Halley Berry. Nagtaas ng tingin ang dalaga and Ryan held his breath. Limang taon na nang huling masilayan niya ang mga matang iyon, challenging him if he is man enough. Pero nananaginip ba siya? Imposibleng… Lumakad palapit sa kanya ang dalaga.
Ryan did not lower his eyes. Walang hiya niyang pinaglandas ang kanyang paningin sa katawan at mukha ng dalaga. She looks like Anne but there’s a difference.
“Natamaan ba kita ng mangga? Sorry bulok kasi,tinapon ko.” Panimula ng dalaga at ngumiti ito.
Ipinilig ni Ryan ang ulo. This girl is not Anne. Hindi magso-sorry ang isang iyon. Baka tawanan pa siya niyon. But her face is achingly familiar.
“Anne.” Ito lang ang naibulalas niya.
The woman furrowed her brow.
“Uhm…sinong Anne?” Tanong nito.
Ryan shook his head. Baka nga kamukha lamang ito ng dalaga.
“You look like a girl I met long ago.” Sagot ni Ryan.
Pinulot ng babae ang sketch pad niya at pinagpag.
“Namantsahan ang drawing mo. Again, I’m sorry. But I think if you add color, matatakpan na ang dumi.” Muling ngumiti ang dalaga.
Napangiti rin si Ryan nang hindi nya namamalayan. Damn, he’s acting like a jerk again in front of this woman. It can’t be. He must be the one controlling the conversation.
“Tatlong oras kong pinaghirapan yang drawing. Tapos isang mangga lang pala…” Hindi niya tinuloy ang sasabihin. Nakikita na niya ang guilt sa mukha ng dalaga. Pero sandali lamang iyon. Tila alam nito ang nilalaro niya.
“I apologize. Do I have to pay for the damage?” Tanong nito in a challenging voice.
“Tour me around the place Ms. Ano. I want to search for other scenery to paint.” He demanded.
“I’m Marianne, sir. OK sige.I’ll be your tour guide. Can I leave now?” Tanong nito.
Ryan gave a triumphant grin. Aside from the scenery, matatapos niya rin ang sketch niya.
“Not yet. Give me your cellphone number.”