Hi.. First time ko po magsulat. try ko lang hehehe..
First story ko po ay pinamagatang “The Unexpected”
Si ashley, college assistant registrar, 22 y/o, 5’3, Slim. Suplada, Masungit pero makulit.
Si Judy, 1st year college, Engineering student, 19 y/o 5’3, Mejo May laman, easy go lucky, possessive, pikon, at walang pasensya.
Si Shane, 1st year college, 17 y/o, AB english student, small but terrible, playgirl, pafall, mabait at magulo ang isip.
Si Cassie, call center agent, Psychology Graduate, 27 y/o, mapasensya, mabait, pasensyosa, tahimik pero grabe magalit.
It all Started Here………..
Hi!.. bati ni Ashley sa chatroom..
Judy: Hello Ashley! WC )
Ashley: @Judy Hi asl
*PM* private message
Judy: Judy 19, Rizal, ikaw?
Ashley: Ash, 22, Makati.
Judy: Single ka pa ba?
Judy: Ashley still there??
Judy: Hello po.. Jan Kapa?
…ano ba yan! ang kulit naman nitong taong toh. ahmmpp! bulong ni ashley sa sarili nya habang nagbabasa ng mga post sa FB.
Ashley: ahm yes single pa po ako. bakit nyu po natanong?
Ashley: sorry po, may gingawa lang po., matagal kana po ba dito sa chatroom?
Judy: ayan! akala ko nawala kana eh. ah oo matagal na ako sa chatroom na toh, ibang username gamet ko dati. ikaw?
Ashley: bago lang ako..
Judy: may YM ka? c2c tayo kung okay lang sayo )
Ashley: sure! wait.
Judy: ) okay )
…..nagkachat sila Ashley at Judy sa YM. tanong dito tanong don, ganun ang naging usapan nilang dalawa. almost one month din silang nagkakausap sa chat nung ibinigay ni Ashley ang private number nya kay Judy. ayaw sanang ibigay ni ashley ang number nya, kaya lang, makulit si judy, inaraw araw sya ni judy. pinipilit hingin ang number nya, sa kadahilanang hindi gaanong nagtitiwala si ashley kay judy kaya natagalan ang pag bigay. naging close friends silang dalawa, kahit na hindi pa nagkikita ng personal. simula ng magkakausap sila ni Judy sa phone ay naging kampante si Ashley kay judy, lahat ng problema nito ay sinasabi nya kay Judy. todo suporta naman itong si Judy,. paminsan minsan nagkakatampuhan naman sila, mejo pikon kasi si judy.
masarap kausap si judy sa phone, sa chat, kaya aliw na aliw si ashley sa kanya, nagbibiruan at nag aasaran sila.
“hi ash… morning..:))” text ni judy kay ashley isang umaga..
“hi Jud! wait lang ha, nasa byahe pa ako papunta ng work, txt u later ” , sagot ni ashley..
si ashley ay nagtatrabaho sa isang private school sa lugar nila, everyday nagbbyahe sya from house to school, school to house, habang si judy naman ay nagaaral sa rizal.
pagdating ni ashley sa school ay agad na itinext si Judy.. “Hi Jud, school na ako.. text mo ako kapag nabasa mo toh ah…”
12noon na pero wala pang reply si Judy, nagtataka na si Ashley kung baket, inisip nya na lang na baka busy si Judy.
“ah baka maraming ginagwa sa school. haay, hindi man lang ba nya ako naalala?”, bulong ni ashley sa sarili
tik tak tik tak.. 4pm na. malapit na ang oras ng off ni ashley sa trabaho nya, ngunit wala paring text si Judy. hindi na nakatiis si Ashley, tinawagan nya na si Judy.
“hello, Yes??” sagot ni Judy kay Ashley
“Huh?? its me Ashley. nakalimutan mo na agad ako Jud?”
“Ah hehehe sorry Ash, napareformat kase ang Phone ko Kanina., oh bakit ka nga pala napatawag? out mo na ba sa work mo?”
“oo Nga eh, sagot naman ni Ashley, kanina pa kita hinihintay na mag text sa akin ah, hmmp, nakailang text na ako sayo ah,. hindi mo ko nirereplyan”
“hehe sorry na Ash, toh naman oh, Nga pala nasa bahay pala ako ng kaklase ko.”
“oh? ano naman ginagawa mo jan? hmmp.,”
“tambay lang, tinatamad kase ako pumasok kanina sa school, galit ka ba sa akin ash?” wag na ikaw tampo, sorry na. akala ko kasi magiging busy ka whole day eh.”
“hmmp, naghintay pa naman ako, may sasabihin kase ako sayo dapat”
“ano yon? wag na ikaw tampo ha, babawi naman ako sayo., sige ano yung sasabihin mo? hehehe
biglang natahimik si ashley, matagal bago nakasagot, bumuntong hininga muna sya.
“haaayy, Judy, alam ko mali ito, masyado pan maaga, pero kase…
“Ash baket? May problema ka ba? Pwede mo Naman sabihin sa Akin.”
“Judy, kasi,… sana wag ka magagalit sa akin…….
“ano nga un Ash? toh naman pinapakaba mo naman ako, may sakit ka ba? cancer? diabetes?” hehee
“Judy naman ehhhh.. hmmppp.”
“joke lang, ano nga yun? sige na, kung ano man yon, makikinig ako, promise”
“Judy, Mahal Kita, Mahal na Kita!
nagulat si Judy, sa narinig, hindi malaman kung papaano sasagot sa sinabi ni Ashley., biglang tumahimik ang linya, habang si Ashley ay naghihintay ng magiging reaction ni Judy. kagat labing nag aantay ng sagot, ngunit wala syang narinig mula kay Judy.
to be continued……