The Playboy vs. The Man-hater

Author Name: angbabaengnbsb | Source: pinoyliterotica.com

Hi! Sorry, ang tagal kong di nakapagsulat. Anyway, sana magustuhan nyo pa rin! Enjoy reading. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PROLOGUE

Meet EWAN:
A typical playboy. Arrogant, flirt, mahilig mang-asar, bastos, at nuknukan ng yabang. Matangkad sya at charming and most girls describe his charm as the “makalaglag-panty” type. Hindi naman daw sya playboy sabi nya, kasi mismong mga girls naman ang nagkakandarapa na patulan nya and that being the case, sino nga naman si Ewan para tumanggi?

And meet me, PHEC:
An only child. A spoiled brat. Nagka-boyfriend na ako once during my 3rd year in highschool. It was my first love, but it turned out to be my greatest heartache as well kasi nalaman kong tatlo pala kaming pinagsabay-sabay nung guy (na hindi naman kagwapuhan, if I may add).

I became a man-hater since then, or rather, a playboy-hater (if there is such a thing) kasi sa mga womanizers lang naman ako galit. Kaya nga ang bago kong motto when it comes to love and relationships?You may fooled me once, but you can’t fool me twice. No man could fool me again because I’m the one who’ll fool around.” *naughty grin*

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Friday night, while I was having dinner with my mom and dad at home…

“Phec, since nasa right age ka na, your dad and I think that it’s time for you to meet your fiancé.” biglaang sabi ni mama habang sabay-sabay kaming kumakain.

Me: “WHAAAATTT?! Meron akong fiancé?! In my 22 years of living, wala kayong nabanggit na may fiancé ako tapos you’re telling me now that I’m going to meet him? Ano to, joke?!” gulat na gulat na tanong ko sa tonong pasigaw, tumalsik pa tuloy yung ilang butil ng kanin na nasa bibig ko and I banged my fists on the dining table.

(Anak ng tokwa naman o! Fiancé?! Uso pa ba ang arranged marriage ngayon? Oo nga, may Chinese blood kami, pero HELLO!!! We’re already in the 21st century! Bumalik ba tayo sa panahon ng kopong-kopong? sunod-sunod na react ng isip ko. Ang kaso, di ko masabi sa kanila yun dahil sa takot ko kay dad.)

Napatayo tuloy ang dad ko after seeing how I reacted at napasigaw ng, “Phec, calm down! Saka konting manners naman anak, nasa hapag-kainan tayo. And please, never ever shout when your mouth is full.” saway nya sakin habang pinapagpag ang damit nyang natalsikan ko ng kanin. Parang napahiya naman ako at kinalma ko muna ang sarili ko bago muling magsalita.

Me: “Ma naman…Dad… Please don’t ruin my life… Ni hindi ko nga kilala yung mapapangasawa ko.”

Napatingin si mama sakin na parang nagulat sa sinabi ko. Pero totoo naman eh. It may sound corny, pero I cannot fathom the idea of marrying someone I have no attraction to. Cliché, as it may sound, but I secretly want to find my own happily ever after. Ayokong iba ang mag-decide para sakin nun. No way! Over my exposed butt! Haha.

Mama: “Exactly, hindi mo pa sya kilala, that’s why you should at least try to get to know him. Tamang-tama because he’s coming tomorrow morning. And he will be staying with us for one week.”

Me: “Huh? Pero…”

Dad: “No more arguments, Phec. Kumain ka na lang.” putol ni dad sa sasabihin ko. Hindi na ko nakaimik at nag-excuse na lang ako kasi nawala na yung gutom ko. Nawalan na ko ng ganang kumain at nagkulong na lang ako sa kwarto.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The next day…

11 am na pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto, kahit pa nga naka-ilang katok na sila mama. *Growl* Shit, kumakalam na pala sikmura ko. Nagsisi tuloy ako kung bat hindi ko inubos yung dinner ko kagabi.

Hanggang sa may kumatok uli. Isang mahinang katok. Napatingin ako sa pintuan, may papel na pilit pinagkakasya ng kung sino sa butas sa ilalim ng pinto ko. Curiously, kinuha ko naman ito at binasa:

Labas ka na dyan, sweetheart. Don’t you want to meet me, your very handsome prince?

One of my eyebrows raised as I read the last three words. Very handsome prince? Whoa. Ang kapal ah. Sino naman kaya yung conceited na yun? Saka how dare him call me “sweetheart”? Yuck ah!

Teka…parang may sinabi nga pala si mama kagabi na… “…Tamang-tama because he’s coming tomorrow morning. And he will be staying with us for one week.” Could it be na sya yun? Ang fiancé ko? Dali-dali kong pinihit ang doorknob to know the answer.

Pagbukas ko ng pintuan, natigilan ako nang may makabangga ako. Napasubsob ako sa malapad na dibdib nya. His height seemed that of a basketball player, at sa tantiya ko ay 6 feet ang tangkad nito. Nanliit tuloy ako sa height ko na 5’6 na kung tutuusin eh matangkad na para sa isang pinay. When I looked up to see who this tall guy is, napanganga ako. Here, in front of me, is the most adorable and handsome man I had ever seen in my entire existence.

He chuckled. Ang kulit ng tawa nya, nakakakiliti sa pandinig. Then I felt his hand moved to my chin, tinulak nya ito pataas para isarado yung bibig kong kanina pa nakanganga.

“If I’m not mistaken, you’re Phec, right?” sabi nya sakin. Dun lang ako parang natauhan. Gosh, nakakahiya!

Me: “Y-yes! And who the hell are you?” Nagtatapang-tapangan kong sagot, para naman mapagtakpan yung pagkapahiya ko.

Guy: “O, what happened to the sweet angel na kaharap ko kanina? Bat parang gustong manganggat ngayon?”

Me: “Angel mo mukha mo! Sino ka ba? What are you doing here?”

Guy: “Ewan. Call me Ewan. I’m your fiancé.”

Me: “Ewan? Pinagloloko mo ba ko?”

Guy: “Believe it or not, my name is Ewan. I was born as Ewan, my friends and family call me Ewan. Kahit tignan mo pa yung birth certificate ko eh.” Natawa ko sa sinabi nya.

Me: “Ewan? What kind of name is that? Siguro nung tinanong yung parents mo kung anong ipapangalan sayo, they couldn’t think of any noh? And just said, ‘Ewan’. Haha.” Nang-aasar na sabi ko sa kanya.

Part of me wants to intimidate him, kasi kung sya nga talaga ang fiancé ko, I shouldn’t be nice to him. Baka kasi pag nakita ng parents ko na in good terms kami ni Ewan ay ituloy talaga nila yung arranged marriage namin.

Ewan: “Well, ‘Ewan’ is a Scottish name.” Cool na cool nyang reply, matter-of-factly.

Me: “Oh, really? So bakit naman ganun yung pinangalan sayo ng parents mo? And do you even know what your name means?” Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Ewan: “My mom’s father is British. I was named after him. Hmm, ‘Ewan’ means young boy.” Casual na sagot nya almost automatically. Parang hindi man lang sya natinag sa pagtataray ko.

Me: “Really? May lahi ka palang British! Kaya pala mestisong hilaw ka. So, ‘young boy’ pala ang ibig sabihin ng ‘Ewan’. How young are you anyway?”

Napatingin ako sa mga mata nya, and I noticed na hindi yun pang-karaniwan. There’s a flicker in his eyes at medyo brownish ito, probably because of the British blood na nananalaytay sa katawan nya.

Ewan: “Twenty-eight.”

Me: “Twenty-eight ka na?!” He nodded, then smiled, showing off his perfect white teeth. “Hmm, mukha nga yatang may epekto sayo yung name mo. You look five years younger than your age.” I said to him truthfully.

Ewan: “Thanks. Pansin ko, mula nang mag-usap tayo, ngayon ka lang may nasabing maganda tungkol sakin.” sabay ngiti nya ulit, and my heart beated faster as I see that boyish smile. Anak ng tokwa, why the heck am I feeling this way? Then I realized, parang nagiging mabait na ko kay Ewan. This should not be!

Me: “Sows, feel na feel mo naman. Conceited!” Sabay pasok ko ng kwarto at padabog na isinara ko ang pinto, and locked it.

I sat on my bed. Saktong pag-upo ko, narinig ko na naman yung pag-growl ng tiyan ko. Lalo tuloy tumindi yung inis ko kay Ewan. Kung hindi ko sya nakita kanina, eh di sana kumakain na ko ngayon.

Maya maya, narinig kong may pumipihit nung doorknob, kampante naman akong hindi mabubuksan yun kasi naka-lock yun. Pero nagulat ako when it opened at bumungad sakin yung nakangiting mukha ni Ewan. He was carrying a tray with a complete set of meal, and with matching flowers on the side. Romantic, indeed, pero pinangunahan ako ng pagtataka kung pano sya nakapasok sa naka-lock na pinto ko.

Me: “Oy, how were you able to enter my locked room ha? As far as I remember, ako lang at si Manang Nida ang may hawak ng susi nito ah.”

Ewan: “So simple. I got the key from Manang Nida. Of course, ginamit ko yung charms ko coupled with a little flirting.” Using his one hand, nilabas nya yung susi mula sa pocket nya, while yung isang hand nya eh hawak-hawak pa rin yung tray. Tapos winagayway nya pa yung susi sa harap ko nang parang nang-aasar.

Me: “You flirt! Akin na nga yang susi!”

Tumayo ako at akmang aagawin ko sa kanya, pero mabilis syang nakaiwas. He looked like a man from the circus as he balances the food tray and at the same time, umiilag sya habang inaagaw ko sa kanya yung key. Sa inis ko, kumuha ko ng isang unan at binato ko ito sa kanya, sapul yung mukha nya, at muntik-muntikan nang matapon yung tray na hawak nya. Nakakatawa yung itsura nya pero I tried not to laugh.

Ewan: “Tsk, totoo nga yung sabi ng parents mo…you’re really a brat.”

Me: “Excuse me, I’m not a brat noh! I’m a woman who just know what she wants and eventually gets it by all means.” Then I unconsciously winked at him.

Ewan: “Hahaha. And may I ask what is it that you want, my dear brat?”

Me: “Fuck, I told you to stop calling me a brat!”

Ewan: “Fuck? Will you stop using that word? Ang panget pakinggan coming from a girl.” Pagbabawal nya sakin.

Me: “Alam mo, you sound like my dad.” I looked at him, and I saw na wala syang kangiti-ngiti and he has that serious expression on his face. Parang nagalit talaga sya nung sinabi ko yung word na “fuck”.

I don’t know what came through me that made me give in and say to him, “Okay, okay. I’ll put that word in my ‘prohibited words list’ from now on. Pero bago yun, ibigay mo na muna sakin yang susi.” Sabay agaw ko sana nung susi sa kamay nya. Kaso kahit anung bilis ko, mas mabilis talaga sya, at madali nyang naiiwas ang kamay nya.

Ewan: “Not too fast, young lady. Kumain ka muna. Ako pa nag-prepare nyang kakainin mo. Kaya nga…err…medyo nasunog yung bacon…uhmm, sorry.” He smiled shyly.

Parang hindi bagay sa astiging lalake na katulad nya yung mag-blush at magmukhang nahihiya. It looks unusual, yet fun to watch. Teka…fun to watch?! Leche, ano na ba ‘tong pumapasok sa isip ko? Could it be na nag-eenjoy na kong kasama itong lokong ‘to whom I’m supposed to hate? Hell, no!

Me: “Bahala ka na nga, lamunin mo yang susi ko kung gusto mo!”

That was intended as a joke. Pero nagulat ako nung akmang ilalagay na nya yung susi sa bibig nya.

Me: “What-the—! Tigilan mo nga yan!” Pigil ko sa kanya, pero huli na kasi tuluyang nailagay na nya sa bibig nya yung susi. Eeeeww.

Ewan: “Okay. Titigilan na.” sabi nya habang nilalabas sa bibig nya yung nalawayang susi ko. “Oh, eto na yung susi mo o.”

Me: “Kadiri ka. Sayong-sayo na yang susi ko. Tsss. Makakain na nga lang.” Sabay agaw ko nung food tray sa kanya tapos pinatong ko sa lap ko. Bacon (na sunog) at sunny-side-up egg (na basag yung pula) ang niluto nyang ulam, pero magana pa rin akong kumain. Nakalimutan ko na nga na nasa tabi ko pala si Ewan, gutom na gutom ba naman kasi ako. Haha.

Matatapos na kong kumain when I noticed that Ewan is smiling while staring at me.

Me: “O, anong nginingiti-ngiti mo dyan?” Napailing lang si Ewan na parang nahihiya.

Ewan: “Wala. Natuwa lang ako kasi akala ko, hindi mo kakainin yung palpak na luto ko, o kaya naman lalaitin mo. Pero hindi kita narinig magreklamo. Maybe, I was really wrong about you being a brat…”

Natigilan ako sa pagkain at biglang nagpakawala ng malakas na dighay. Inabutan ako ni Ewan ng orange juice, and I drank it. Nahuli ko syang muling napangiti.

Me: “What is it this time? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng dumidighay?” inis na tanong ko sa kanya.

Ewan: “Haha. My lovely Phec, you never cease to amaze me.” Lalong lumaki yung pagkakangiti nya.

Tinaasan ko lang sya ng kilay in response, then I stood up.

Ewan: “O, san ka pupunta?”

Me: “Need to pee. Saka I’m going to take a shower na rin. Sama ka?” sarcastic na tanong ko sa kanya.

Ewan: “Pwede ba?”

Me: “Asa ka naman.” Sabay irap ko sa kanya.

Nagtuloy-tuloy na ko sa banyo, pero narinig ko pa yung pahabol nya na, “Magkuskos ka maigi, sweetheart. Tawagin mo lang ako pag gusto mo ng may magsasabon sayo ha.” Sabay tawa nya ng malakas. Grrrr! Nakakaasar na talaga yung lokong yun!

Inis na inis na tumapat ako sa rumaragasang tubig mula sa shower.

The nerve of that guy! Lagi na lang akong nauungusan. Nawawala yung coolness ko pag kaharap ko sya eh. Geez!

And as if on cue, biglang nag-flash sa isip ko yung mukha nya with his boyish smile. Yan pa yung isang nakakaasar eh. Why is it that everytime he smiles at me, eh walang tigil sa kaka-*dugdug* si Mr. Heart? Don’t tell me…I’ve already falle—No, No. Imposible noh. Hello?! We’ve just met about an hour ago! Isa pa, I would never let myself fall for a man as rude as him!

Pagkatapos maligo, naiinis pa ring ibinalot ko ng malaking towel yung hubad kong katawan, at lumabas na ng banyo.

“Ang tagal mo namang maligo.”

Me: “EWAN!” gulat kong sigaw nang makita ko syang nakasandal sa pinto ng room ko. Matiim na matiim yung titig nya sakin at may pilyong ngiti sa lips nya.

That’s when I remember na hindi pa pala siguro sya lumalabas ng room ko simula kanina. Gosh, I should have been more cautious before I went out of the bathroom. Gusto ko tuloy mailang ngayon. Malaki man at malapad yung tuwalyang bumabalot sa katawan ko, but still, it’s obvious that I am not wearing anything inside except for that single towel.

Ewan: “Hindi ka ba gininaw sa tubig?” He asked as he starts to walk closely towards me.

Me: “Huh? Ahmm, gininaw… Teka nga lang, what’s with you kung gininaw ako o hindi? Saka bat ka ba lapit ng lapit? Go away!”

Ewan: “Eh bakit ka naman atras ng atras? Don’t tell me, natatakot ka sakin?” Ngumiti sya ng nakakaloko.

Me: “Natatakot? Ako? Haha. Pwede ba, I’m not as fragile as I look. Ayoko lang kasing makalapit ka sakin, mahirap na, baka mahaluan pa ko ng germs mo.” (I know, that excuse is far too corny. Ang hirap lang kasing magtaray-tarayan samantalang kinakabahan ka deep inside.)

Ewan: “Maarte at suplada, pero alluring.” bulong nya.

Me: “Anong sabi mo?” Nakakunot ang noo kong tanong.

Ewan: “Wala… Sabi ko, ang sungit mo naman… Period mo ba? Is it PMS? Haha.” Tapos biglang bumaba yung tingin nya mula sa mukha ko pababa sa katawan ko.  ”Pero…ang kinis mo pala talaga noh.” Sabi nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ko. Nun ko lang naalala na naka-towel nga lang pala ako.

Me: “Manyak! Lumabas ka nga sa kwarto ko! Can’t I have my privacy in my own room ha? Get out! Now!” naiinis na taboy ko sa kanya.

Ewan: “Yan ang gusto ko sa babae, matapang. I’m liking you more and more, Phec…”

Me: “I told you to get out! Pag hindi ka pa umalis, I’ll…”

Ewan: “You’ll what? Anong gagawin mo pag hindi ako umalis?” He said, grinning.

Me: “I’ll never talk to you again!” Parang batang sagot ko sa kanya. I was secretly hoping na kagatin nya yung pagbabanta ko. And he did! I saw his eyes signed in resignation.

Ewan: “O sige na nga. Kahit naman puro pagsusungit mo lang inaabot ko, still, ayoko namang hindi mo na ko kausapin. Alam kong malulungkot ka. Hahaha. Sige, labas muna ko. Wag mo kong masyadong mami-miss ah.” Then he walked out of the door, laughing.

Me: “Aba, antipatikong ‘to.” pabulong na sabi ko.

Pagkalabas na pagkalabas nya, I angrily rummaged through my closet as to what clothes to wear. I chose a yellow summer dress, and placed it on my bed. Tapos, inalis ko na yung nakabalot sakin na towel and I started wearing my undies. Sunod na kinuha ko naman yung bra ko at akmang isusuot ko na——

By the way Phec, nakalimutan kong sabihin kanina na——”

Narinig kong bumukas bigla yung pinto. Shit! Di ko pala na-lock.

“Oops, sorry! Nagbibihis ka na pala.”

Gulat na gulat ako sa pagpasok ni Ewan, maski sya nagulat din sya sa tumambad sa kanya. My God! I was almost naked if not for my underwear na manipis na fabric pa, kaya wala rin naman gaanong naitulong para matakpan ang kahubaran ko.

Parehas man kaming nabigla, pero mas mabilis syang nakabawi. At napansin kong unti-unti syang napangisi habang parang hinuhubaran nya ko sa klase ng malagkit na pagtitig nya. Hindi naman ako nagpatalo, at nakipaglaban ako ng titigan sa kanya.

Ewan: “Don’t look at me like that, Phec. You’re driving me crazy…”


*****************TO BE CONTINUED…*****************