The Introvert Gained Friends

Author Name: Yoshinen | Source: pinoyliterotica.com

Hindi na ako mag iingles sa part na ito, dahil kung tutuusin, nosebleed talaga ako, ayoko na sana gumawa pa ng mga ganitong klase ng mga panulat kasi hindi ako komportableng sinasabi ang kasalukuyan kong nararamdaman. Pero sa isip ko, ano naman mawawala di nyo naman ako nakikita. Kinakausap ko na naman ang sarili ko hayuf na yan.

Una sa lahat, sa tagal ko nang mambabasa sa site na ito, aaminin ko noong una pampalibog lang ang habol ko at para makahanap ng mga halimbawa sa sarili kong paraan ng pagsusulat, hanggang sa isang araw nitong taon na ito ay naisipan kong maging miyembro, upang isulat ang sarili kong mga karanasan at imahinasyon. Natuwa ako, dahil maraming tao ang nagkagusto sa aking mga akda. Hindi lang iyon, nagkaroon ako ng mga kaibigan, mga nagkagusto sa mga akda ko, na ikinatuwa ko, at ikinataba ng aking puso. Natuto akong makisama, makihalubilo, at matuto.

Pangalawa, maraming salamat po sa mga naging kaibigan ko, ayoko na magbanggit mamaya mali pa ako ng akala, mahirap na… hahaha. Kilala nyo naman siguro kung sino kayo.

Pangatlo, masama man ang loob ko sa nalalapit na pagsasara ng website na ito, dahil dito, sa site na to’, nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsulat, pero salamat pa rin naman. Hindi maaaring pigilan ang mga bagay na dapat mangyari, kaya sasabay na lang ako sa agos.

Isang pamamaalam mula sa akin, at maraming salamat!

para sa mga gusto pa akong makausap: add me on facebook [email protected]

YM: timang_na_kandule