Invitations
The song ended without us noticing. We continued to sway to music only we could hear. My heart was once again alive after a year of sleep. My skin was very sensitive to every contact it had with Fides’.
‘Wish this doesn’t end’ ang nabulong ko sa ligayang nararamdaman sa yakap ng dalaga. But before she could respond, we heard footsteps coming near. We also heard the chatter of teachers who were probably tired and almost sounded grumpy.
Dali-dali kaming naghiwalay mula sa pagkakayakap. Bumalik si Fides sa malambot na upuan ng head teacher, feigning sleep. Ako naman ay isa-isang pinag-aayos ang mga Tupperware na nakapatong sa isang lamesa.
‘O, nandito pa pala kayo…iwan niyo na yan at umuwi na kayo…may mga tricycle na sa labas. Ikaw Fides, wala ka bang sundo?’ tanong ng isang teacher habang ang iba naman ay dumiretso sa kani-kanilang mga tables para magsimula na ring mag-ligpit.
‘Wala po. Okay lang po yun ma’am. Malapit lang naman ang bahay namin dito, lalakarin ko na’ sagot ng mestisa.
‘Ay naku, huwag na. Ikaw, ihatid mo na si Fides sa kanila ha’ utos ng teacher sa akin. Napangiti na lang ako. After a while, inaya ko na rin si Fides at nagsimula kaming tahakin ang mahabang lakad papunta sa bahay nila.
Wala na halos tao sa labas ng school gate when we got there. Alas-sinko na ng umaga at dumadami na rin ang dumadaang tricycle. Tahimik kaming naglakad. Nakatingin sa malayo, halatang parehong nag-iisip ng susunod na sasabihin.
’Ah, Fides, uhm…’ ang paputol-putol kong sabi, hoping to break the silence but not really succeeding.
‘Salamat sa paghatid ha. Pasensya na sa abala’ ang mabilis na sabi ng dalaga.
’Wag mo nang isipin yun. Kung gusto mo araw-araw pa eh’ ang hindi ko napigilang i-blurt out. Not really seeing where the confidence was coming from. Sandaling napatigil ang dalaga, napatingin sa akin pero maya-maya pa ay bumaling sa daan at nagpatuloy na ito sa paglalakad. Nawala ang bahid ng ngiti sa mukha. Muli kaming sinapian ng katahimikan.
Malapit na kami sa bahay nila. Alam ko dahil ilang beses ko na rin siyang nakitang lumiko sa kantong to. Pero patuloy lang kaming umusad sa katahimikan. Nakikiramdam. Hindi alam ang susunod na gagawin.
Narating namin ang gate ng bahay nila. Malaki pero halatang hindi pa natatapos. Tahimik ang kalyeng kinakatayuan namin. Ang maririnig lang ay ang pag-tila-ok ng mga manok at pagkalansing ng susing hinuhugot ni Fides mula sa maliit nitong bag. Awkward akong nakatayo sa likod niya habang pinipihit niyo ang lock ng gate. Alam kong I needed to do something soon or I may just miss out on something important, pero hindi ko malaman kung saan magsisimula.
‘Fides…’ tawag ko sa dalagang napatigil midway sa pagbukas ng pintuan.
‘I hope tanggapin mo ang invitation ko…I’m willing to take you home everyday’ dagdag ko.
‘Ano?! I-te-take home mo ako? Ambilis mo naman yata…’ nanlalaki ang matang bumaling sa akin ang dalaga. Gusto kong batukan ang sarili for not thinking clearly before letting go of such double-edged words pero nakita kong nakangiti na ulit si Fides. Alam niya ang ibig kong sabihin.
‘hi hi, okay lang. I don’t mind. Basta ba ako lang ang i-te-take home mo eh…hi hi’ ang dagdag ng dalaga, nakatitig sa akin. With those beautiful dark eyes that shows understanding and a just the right amount of warning, with the few words we exchanged. Napatango na lang ako sa tuwa. Tuluyan nang nawala ang dinadalang bigat ng dibdib. Tinunaw ng napakatamis niyang ngiti.
‘Kape ka? May barako yata kami diyan…dala ng pinsan ko galing Batangas’ paanyaya ni Fides.
‘That would be nice’ sagot ko sa invitation ng dalaga as we made our way inside the gate. Papasok sa bahay ng mestisang tumanggap ng inaalok na pagtangi.
=================
Almost done with part 3…pasensya na mabagal he he.
Barny