Super Clumsy (pt.1)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

“Arrggghh!!! Bitiwan mo nga ako!”, nagpupumiglas ang isang dalaga mula sa pagkakahawak ng isang lalake.

“Aba pare pumapalag pa.”, parang mga asong ulol na nag aabang ang mga kasama nya. “Bwahahah! Eto ang gusto ko. Mas masarapdaw kainin ang buhay na tilapya. Bwahahahah!”, mala demonyong tawa ang umalingawngaw sa tahimik na gabi.

Dali-dali akong lumabas sa pinagtataguan ko. “Hoy mga kulugo! Bitiwan nyo sya!”

“Aba, sino naman tong kutong lupang to?!”, lumapit sakin ang tatlong kasama, may dala-dalang balisong at baseball bat.

Slow motion……..

Akmang ipapalo sa’kin ang hawak na baseball bat, nakailag agad ako. Binigyan ko sya ng isang malupit na uppercut! BLAG! One down! Sabay na lumapit ang dalawa. Binigyan ko ng flash chop ang may hawak ng balisong, tumilapon ang patalim. Sinalo ng kaliwang kamay ko ang suntok ng isa. Mabilis akong umatras at binigyan ng roundhouse kick ala Chuck Norris ang dalawa. WHAM! Tumilapon na parang basura.

“Help!”, nakita kong may nakatutok na kutsilyo sa leeg ng dalaga.

Parang kidlat, dumapot ako ng bato, hinagis sa ire, at umikot at sinipa ng malupit! Sapul si kamote sa noo.

Mabilis na tumakbo sakin ang dalaga.

“Thank you….”, mahigpit syang yumakap sa’kin. Matikas naman akong tumayo.

“You’re my hero….”, tumingin sa’kin ang dalaga. Whohoah! Ang babaeng aking pinapangarap. “Ah.. Yen,…ayos ka lang?..”, swerte ko!

“Oo…Salamat talaga….Pa’no ba kita mababayaran?…”

“Ayos lang yun. Karangalan kong matulungan ang isang binibini….”, naks!

“Hmmm….ganito na lang…..”, hinawakan nya nag magkabila kong pisngi. Tumingin sakin ng malagkit at naka-kagat labi. Napalunok ako.

“Gusto mo….bibigyan na lang kita ng masarap na kan…TUT…TUT!”

“Ah…ano?”

“Sabi ko, bibigyan kita ng masarap na kan…TUT!…TUT!..TUT!…”

Tut! Tut! Tut! TUT! TUT! TUT! TUT!……. Arrrggghhh! Anak ng kamote naman oh! Lecheng alarm clock ‘to! Pambitin amf! Hay… 7:00am…. Kelangan ko ng maligo.

**Background music: All Star (Smash Mouth)**

“…Somebody once told me the world is gonna roll me. I ain’t the sharpest tool in the shed….”

Mabilis akong naligo, nag-toothbrush…. kinuha ko ang school uniform na naka hanger sa closet, humarap sa salamin. Konting ayos ng kwelyo, sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Konting kindat, “Whoh! Ang pog….ang payat ko…..kainis!”

“Francis! Ano ba mala-late ka na!”, tumawag na naman ang aking butihing ina.

“Sige Ma, andyan na po.”, konting hagod pa ng tingin sa sarili sabay dampot ng bag.

“Anong almusal?…..”

“Ano ka ba naman Francis?! Alam mong may pasok ka nagpuyat ka pa sa kaka computer kagabi.”

“Gumagawa po ako ng proj…”

“Tapos tanghali ka na gigising. Yung report card mo bakit wala pa?”

“Next week pa po ang release nung ca…”

“Tumawag pala ang Tatay mo, kinukumusta ang pag-aaral mo. O hala sige kumain ka na at tanghali na”

“Ok na po, busog na ko sa sermon nyo..” “Anong sinabi mo?!” “Ah wala po, sabi ko mabubusog ako dito sa sinangag nyo. The best talaga magluto ang ermat ko!”

“Asus! Mukha mo! Sige na bilisan mo na. Ikaw nang bahala dyan may gagawin pa ako.”

Hay! Lagi na lang ganito ang buhay ko. Feeling ko looooooser ako eh. Yung tipong may malaking “L” na nakadikit sa noo ko. Hindi naman ako nerd o geek. Pero sa school di ako ganon ka popular. Hindi naman ako pangit, hindi lang talga pansinin. Hindi nga naman ako cool. School-bahay-computer lang ang alam ko. Di gaya ng iba, varsity, ROTC Officer, rich kid….astigin. Kaya tuloy hindi ako mapansin ni Ayen…..

Tama na ang drama, mabilis kong tinapos ang pagkain ko. “Ma, alis na po ako!”, dinampot ko na ang bag ko sabay labas sa pinto.

“…Hey now you’re an All Star get your game on, go play Hey now you’re a Rock Star get the show on get paid And all that glitters is gold Only shooting stars break the mold….”

Pagkabukas ng gate, tumingin ako sa langit. Pumikit at huminga ng malalim. “Today’s gonna be a good day!”, nararamdaman ko ang init ng pag asa…mula sa aking ulo pababa sa buo kong katawan….mainit…ramdam ko hanggang sa may paa ko….mainit…at basa?!

Napadilat ako at agad napayuko. Walang hiyang aso ‘to! Mukha ba akong fire hydrant?! Kinikilig pa habang nakatass ang paa. Arrgghhh! Badtrip! Pumasok ako sa bahay para magpalit ng medyas at punasan ang sapatos ko. Wala na, late na ako sa first period ko.

Pawis na pawis ako. Takbuhin ko ba naman ang 2 kilometro eh. Eh kaso, late pa rin. Nagpasya na lang ako na magpalipas na lang oras sa may puno ng mangga sa may campus. Hintayin ko na lang na matapos ang klase sa Physics (first period namin). Habang papalapit ako sa paborito kong tambayan, bigla akong napatigil….nakita ko sya… nakaupo sa bench sa ilalim ng puno…si Ayen…..

**Backgroud music: Close to You ( The Carpenters)**

“….Why do birds suddenly appear everytime you are near? Just like me, they long to be close to you……..”

Haaaayyyy….. para syang dyosa na nakaupo sa kanyang trono…Gusto kong lumapit at mag-alay sa kanya ng wagas na pag-ibig (parang kanta rin to ah?….). Gusto kong ialay ang buong mundo…. Gusto kong mahawakan ang kanyang mga kam………..kamalas-malasan naman oh!

Nakita kong paparating ang apat na kulugo. Sila Leo, sikat na basketball player sa school namin. Matangkad, semi-kalbo at saksakan ng angas. Yung tipong noong naghagis ng kayabangan ay sinalo lahat at nagtampisaw pa. Hindi naman gwapo, mukha nga syang hotdog na naglalakad eh. Sa likod naman nya ang kanyang mga alepores na kulang na lang ay dilaan ang sapatos nya. Sira ang diskarte ko. Lalapitan ko pa naman sana si Ayen.

“Yen, musta na?”, wow, close kayo? “Baka gusto mong manood ng laro mamaya.”, mabilis na umupo si Kumag sa tabi ni Ayen.

“Di ako mahilig sa basketball.”, humarap si Ayen sa kabilang pwesto.

“Eh di, magmeryenda na lang tayo”

“May baon ako.”

“Ah, nood na lang tayo sine.”

“Di ako mahilig sa movies.”, di man lang nag aksaya ng panahon para tingnan si Kumag. Parang nainis na ata si Kumag. Bigla syang tumayo at humarap kay Ayen.

“Ano bang problema mo?”

“Ako? Wala akong problema, ikaw meron ata. Tingin ko may problema ka sa pagmumukha mo.”

“Bakit ka ba ganyan? Ano bang kulang? Magaling ako mag basketball, sikat ako sa school. Swerte mo nga ikaw ang nagustuhan ko.”

“Malas ko at ako pa.”

“Ayen, tandaan mo ‘to. Hindi magtatagal, mapupunta ka rin sakin.”

“Ah, ok. Hindi ka pa aalis?” Mabilis na tumalikod si Kumag, Pulang pula ang mukha, lalo tuloy nagmukhang hotdog. Parang gusto kong tumawa ng malakas. Kaso parang…papunta ata sa direksyon ko sila Leo. Yari…..

“Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan? Huh?!”

“Hah…ah.. wala…” Urgghh!……Halos maihi ako sa sakit. Sinikmuraan ako ng kumag.

“Sa susunod, wag kang haharang sa dadaan ko lalo na pag mainit ulo ko. Alis dyan!”, tinulak ako, napasalampak tuloy ako sa simento. Tangna! Sakit talaga…

“Hey, ok ka lang?…”, oh my! patay na agad ako? Bakit may anghel na dito?

“Ui! Ayos ka lang ba?”, si Ayen pala….Wahh! Si Ayen! Nilapitan ako! Wuhooo!

“….On the day that you were born The angels got together and decided To create a dream come true So they sprinkled moondust in your hair Of gold and starlight in your eyes of blue….”


“Ah…oo..ok lang ako….”, pinilit kong tumayo, syempre patikas para pogi points. Sa loob loob ko naman, tangina! May araw ka ring kulugo ka.

Inalalayan nya ako papunta sa puno. “Upo ka. Pasensya ka na hah. Siraulo talaga yung grupo ni Leo eh.”

Wala naman ako sa sarili. Nakatitig lang ako sa kanya.

“Nga pala, kakausapin talaga dapat kita. Kasi yung tungkol sa baby thesis natin sa Social Studies. Wala akong ka partner eh. Pwede ikaw na lang?”

“Hah?..Ah…gusto mo akong maging partner sa paggawa ng baby…….thesis? Eh bakit wala ba sa mga kaklase mo? “, wow naman! Swerte!

“Eh may mga ka partner na sila lahat eh. Sabi naman ni Ma’am ok lang kahit taga ibang section basta under pa rin nya…Bakit, ayaw mo ba?…Sige ok alng…”, nakita kong sumimangot sya ng konti.

“Ah..hindi….sige! Partner tayo! Kelan tayo mag-uumpisa?”, oo nga pala, mas mataas ng section sakin si Ayen.

“Ummm…Bukas. Pwede ba sainyo? Wala kasi akong computer eh.”

“Oo ba! Sige bukas….sa bahay…..gawa tayo…….baby…….thesis.”, nauutal pa ako amf!

“Sige, good. So..ahh.. pasok na ako..sige.. kita tayo bukas dito tapos tuloy na tayo sa inyo…”, sabay ngiti. Para akong malulunod.

“O-Oo sige…bye..ingat…”…

Iiiiiiiyyyyaaaaahhhhoooowww!

Parang lumulutang ang paa ko habang naglalakad pauwi. Hindi ko inaasahan ang swerte ko! “Mother! Oh my Mother! Pa-kiss nga!”

“Anong problema mo? Anak mag-usap nga tayo.”,seyoso ang mukha ni ermats. “Nag-dru-drugs ka ba?…”

“Ho?! Hindi noh! Ano ba yun?! Hindi ma, masaya lang ako.”, abot tenga ang ngiti ko.

“Siguraduhin mo lang Francisco. At ako mismo ang puputol sa sungay mo. Syanga pala, kailangan kong lumuwas sa Mindoro. May pinaasikaso ang Lola mo. Sa Lunes na ako babalik. Tatlong araw kang bantay sa bahay. May pera dun sa tokador para sa pagkain mo. Bantayan mong maigi ‘tong bahay hah.”

“Sure Mother! Akong bahala!”

Tumingin ulit si ermats na parang walang tiwala sakin.

“Ma naman! Kaya ko ‘tong bantayan. Relax ka lang.”

“Eh ano pa nga ba. Kung hindi lang importante yung lakad ko eh. Sya sige magiimpake muna ako.”

Dumiretso ako sa kwarto at patalong sumampa sa kama! Swerte nga naman! Wuhoo! Sumilip ako sa bintana.

“Nasaan kaya yung aso at magpapaihi ulit ako!”

**************Mad.Pencil************