Super Clumsy (pt. 2)

Author Name: Mad.Pencil | Source: pinoyliterotica.com

Ahhhh…… GOOOOOD MOOOORNING! Ngayon ko lang na-appreciate ang ingay ng alarm clock ko. Mabilis akong naligo at nagbihis. Parang ang gaan ng pakiramdam ko.Pagka-ayos ng sarili, diretso agad sa sa kusina.

“Ma, anong almusal?….”, oo nga pala, lumuwas sa probinsya si ermats. Badtrip walang pagkain. Sa canteen na lang ako kakain., baka makita ko pa si Ayen dun….Eeeeeehhhhh…. Kinikilig ako…. Nyahahah!

Pagdating sa school, silip agad ako sa puno ng mangga. Wala si Ayen…makakain na lang muna. Buong maghapon ko syang hindi nakita. Malamang busy. Ang dami naman kasing extra curricular activities nun. Homeroom President, Editor-in-Chief, Student Council member, at kung anu-anong club pa.

Halos hilain ko na ang oras para lang matapos na ang araw. Kaya nga halos mahalikan ko ang matandang dalaga kong teacher sa Math nang sabihin nya na tapos na ang klase (syempre hindi ko ginawa…hindi ako pumapatol sa puno, maugat na kasi yun eh. Nyahahaha!). Mabilis akong nagpunta sa aming tagpuan.  Pero wala pa sya. Hintayin ko na lang siguro.

30 minutes…….  Maya-maya dadating na yun.

1 hour…… Sige konti pa dadating na yun.

1 hour and 30 minutes….. Dadating pa ba yun?

2 hours……. Hay! Di na dadating yun…..

Badtrip! Nakalimutan yata. O baka naman nananaginip lang ako kahapon?….Hindi eh, masakit pa rin yun tama ko sa sikmura. Hay! Nasaan naman kaya yun?…

Para akong lantang gulay na naglalakad papunta sa gate. Siguradong nakalimutan nya yun. Baka nakahanap na ng mas maayos na partner. Hay!… Palabas na sana ako ng gate nang may marinig ako. Boses na nanggagaling sa likod ng Science building. Dahan-dahan akong lumapit.

“Ano bang problema mo Ayen, bakit mo ako pinapahirapan?”, si Kumag yun ah!

“Alam mo, ‘wag mo kasing gawing kumplikado ang mga simpleng bagay at pagkatapos ay isisisi mo sa iba kung bakit ka nahihirapan.”

“Nakikipag-break ka ba saki’n?”, huh? ano daw yun?

“Break? Of course, not!”

“Heheheheh…. Narinig nyo yun boys? Sabi sa inyo type rin ako nito eh.”, narinig ko namang automatic na tumawa ang mga kulugo.

“Kasi wala namang ibre-break. Hindi naman tayo at kahit kelan hindi magiging.  Asa ka naman.”

Nakita kong nagkulay hotdog na naman si Kumag. Hinablot nya ang kamay ni Ayen.

“Ano ba! Bitiwan mo nga ako!”, halatang nasasaktan sya.

“Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan… Ano nga ba yun?… Ah basta! Sa’kin ka lang!”

Hindi ko na kaya ang nakikita ko. Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. “Hoy mga kulugo,  bitiwan nyo nga sya!”, familiar sa’kin to ah.

“Aba, tingnan nyo kung sinong dumating?…. Sige boys, tirisin nyo nga yang kutong lupang yan.”

**Background music: Eye of the Tiger (Survivor)**

“Risin’ up, back on the street
Did my time, took my chances
Went the distance, now I’m back on my feet
Just a man and his will to survive…”

Lumapit sakin ang tatlong itlog. Hinanda ko na ang pwesto ko para sa malupit na uppercut at roundhouse kick.  Bruce Lee stance! ( Whoooahh!) Sige lang, lapit at nang matikman nyo ang bangis ko. Sumugod na yung isa, akmang susuntok. Umilag ako.

WHAM! BLAG!

It’s the eye of the tiger, it’s the cream of the fight
Risin’ up to the challenge of our rival
And the last known survivor stalks his prey in the night
And he’s watchin’ us all in the eye of the tiger….”

……………..urghhhh………………

……….aw……….

Pagdilat ng mata ko, halos maputi pa rin ang buong paligid. Pumikit ulit ako. Parang namamaga ang nguso ko. Masakit din ang katawan ko. Kamote….di gumana ang roundhouse kick ala Chuck Norris.

“Franz, ok ka lang?…”, dinig ko ang pag-aalala sa boses nya. Hinaplos nya ang pisngi ko. Aray! Sakit naman nun. Dumilat ako. Medyo maayos na ang paningin ko. Nakita ko si Ayen… Shit! Dyahe! Bigla akong tumayo. Aray! Para akong ginahasa ng sampung baklang maton.  Sakit!

“Oh, teka. Wag mo nang pilitin. Masama ang tama mo oh.”

“Ayen, ok ka lang? Hindi ka ba nasaktan? Nasaan na sila Leo?”

“Hah? Ah ayun malamang naggagamot din ng sariling pasa nila.” , naalala ko, president nga pala ‘to ng Tae kwon do club. 3rd Degree Black Belt.

“Pasensya ka na. Di man lang kita naipagtanggol…”

“Asus, wala yun. Ang tapang mo kaya. Hanga nga ako sa’yo eh. Para kang superhero kanina nung lumabas ka.”

“Superhero ka dyan? Sino naman ako? Tama, ako si Super Clumsy: Ang tagapagtanggol na inaapi!”

“Hahahah! Puro pasa ka na nga, kalokohan pa yang banat mo.  Kaya mo bang maglakad? Gabi na. Gagawa pa tayo sa inyo di’ba?”

Para akong nakainom ng isang drum na energy drink. “Oo nga pala no, tara!”

Para akong timang na nakangiti habang naglalakad. Panay ang sulyap ko sa kanya. Minsan nahuhuli nya ako pero napapangiti na lang din sya. Hay! Sarap!

Pagdating sa bahay,  pinaupo ko muna sya sa sofa. “Teka lang hah, kuha lang ako ng maiinom.”

“Wag na ayos lang. Ah… Franz, pwede bang makiligo? Galing kasi ako ng practice, ang lagkit ko eh. May dala naman akong sabon at shampoo.”

“Yun lang pala eh. Sige, yung puting pinto yung CR. Nasa loob ang switch. Gusto mo samahan kita?”

“Ano?”

“Ah..ibig kong sabihin, sasamahan kita sa may pinto tapos mag isa ka ng pumasok.”, naku naman, baka masipa ako nito. “Magluluto na rin ako ng pagkain natin.”

“Sige, salamat.”, nakita ko syang naghahalungkat ng gamit sa bag nya. “Uh oh…”, napasimangot sya.

“Um bakit?”

“Ah.. ehh kasi… wala pala akong nadalang shorts… kainis naman yun pa yung nakalimutan ko!”, para syang batang nagmamaktol.

Mabilis akong umakyat sa taas. Kumuha ng shorts sabay takbo pababa. “Eto, gamitin mo muna, jersey short nga lang yan.”

Tiningnan nya nang maigi ang shorts. “Hmm…Wala ka bang hadhad?”

“Ano?! Syempre wala! Malinis naman ako noh! Kung ayaw mo nyan yung palda na lang ng ermats ko.”, namula ako sa hiya.

“Hahah, joke lang di na ‘to mabiro. Sige maliligo na ako.”, dahan-dahan syang pumunta sa may pinto ng CR. “Hoy! Wag kang maninilip hah?!”

“Huh! Asa ka naman!”, sa loob ko, Kung pwede ka nga lang eh…..

Nagpunta na ako sa kusina para magluto.  Hotdog, skinless longganisa, itlog at sinangag.  Eto lang yung laman ng ref eh. Nagsasalang na ko ng sinangag nang marinig ko na bumukas ang pinto ng CR. Kasunod nun ang halimuyak na sumasabog sa buong kabahayan. Nagulat ako ng may dumikit sa likod ko. Nakadungaw si Ayen sa niluluto ko.  “Wow…Good morning…”

“Good morning?..”, adik ata to eh. Good morning sa gabi?

“Hahah… Eh puro pang almusal yang niluluto mo eh.”, oo nga naman, ngayon ko lang napansin.

“Hmmmmmm…. Bango naman… sarap kainin….”

“Sino, ako?”

“Huh? Hindi, yung sinangag.”, nakita ko syang umirap pero nakangiti.  “Handa ko na nga yung mga plato..”

Tahimik kaming kumakain. Ang awkward ng dating. Nakaisip ako ng pambasag.

“Yen, tingnan mo ‘to.”, kumuha ako ng hotdog at pinwesto patayo. Napatass ang kilay nya. “Hulaan mo kung sino hah. Ahem..ahem… Ayen, kelan mo ba ako sasagutin? Ang galing ko kayang magbasket ball, tsaka sikat ako.”

“Ahahah! Sira! Pero, mukha ngang hotdog yun si Leo.”, kumagat sya ng hotdog. “Mmmm.. in fairness masarap ang hotdog mo hah… juicy…”, para naman akong nakuryente sa sinabi nya. Pilya to ah. Tapos kuha naman sya ng longganisa, pinwesto rin patayo. Ako naman ang nagtaka.

“Eto hulaan mo. Hoy! bitiwan nyo sya!”, kumuha sya ng hotdog at hinampas sa longganisa. Bumagsak ang longganisa sa plato.

Na-gets ko agad ang ibig sabihin. Hindi ako natuwa. Lampa nga ang tingin nya sakin.

“Ui, hala nagtampo na. Eto naman oh…”, hindi pa rin ako umimik.

“Alam mo, kahit maliit to, mas gusto ko pa rin ang longganisa. May kakaibang sarap eh…..”, napasulyap ako sa kanya.

Nakangiti sya habang dahan-dahang sinusubo ang longganisa…..

*******************Mad.Pencil******************

-pasensya na, inaantok na po ako eh. post ko na lang yung sunod agad.  ^_^