Strangers 17

Author Name: soulsearching | Source: pinoyliterotica.com

Oo alam ni Sam ang ginagawa ni Dannie, nagising sya sa pagpasok pa  lang nya ni Dannie sa office pero hindi na sya bumangon agad dahil sa antok pa rin. Pero lalong nawalan sya ng lakas ng loob gumising ng maramdaman nyang hinahawakan ni Dannie ang kanyang mukha. Gustuhin man nyang gumising pero masaya sa pakiramdam ang ginagawa sa kanya ni Dannie, hindi na rin sya gumising baka magulat at mapahiya si Dannie sa knya. Kaya ng maramdaman nyang dumampi ang mga labi nito sa knya, halos luha na lang ang nasagot nya.
Mahal pa nya si Dannie, walang pagdududa doon, pero alam nyang hindi tama ang ginagawa nya at ayaw na rin nyang mahirapan si Dannie kaya pinipilit nyang kalimutan ang lahat. Pinipilit nyang maging normal ang pagkilos nya pagkaharapa si Dannie para hindi na rin ito mailang , dahil natatakot syang hindi na ito pupunta sa office pag kinulit pa nya ito. Mas mabuting ganito na lang ang situation nila atleast nakikita nya araw araw ang mahal nya.
Ilang segundo rin ang lumipas ng bumitaw na si Dannie sa paghalik nya kay Sam. Agad syang tumayo at kinuha ang kape saka dumiretso ng kitchen. Nanginginig ang katawan nya, mali ang ginawa nya at sanay hindi ito malaman ni Sam. Paubos na ang kape nya ng maramdaman nyang nagising na si Sam at papasok na ng kitchen, agad nyang inayos ang sarili nya at nagpangap na parang walang nangayri.
“oh hi, sorry nakatulgo ako dito” agad sabi ni sam
“ah ok lang.. mukhang tinapos mo talaga ung album ah”
“oo para hindi na ako kulitin nun” sagot ni sam habang naghuhugas ng kamat at agad naghilamos.
” ahh ok, so pano pauwi ka na? tanong ni Dannie
” hmm oo, ang aga mo ngaun ah? 7am pa lang”"
“yeah maaga kasi ako nagising, and ok na rin para iwas traffic”
“ah ok, so pano una na ako?” habang nag pupunas ng mukha si sam
“cge, ako na muna bahala dito” sagot ni Dannie.
Ang sarap ng pakiramdam ni Sam ng mga sandaling iyon, una nahalikan nya ang kanyang mahal at pangalawa na mimiz nya ang ganung usapan nila. Gustuhin man nyang mag stay na lang para mag kwentuhan sila ng matagal pero pinigilan nya ang sarili nya. Hindi pwedeng mag pa obvious sya na gusto pa rin nya si Dannie.
Halos mamula mula ang mukha ni Dannie at walang tigil ang kabog ng dibdib nya habang kausap si Sam, nag aalala sya na sana hindi naramdaman ni Sam ang paghalik na ginawa nya knina. Gustuhin man nyang yayain pa si Sam na mag stay muna sandali at sabay silang mag kape pero hindi nya magawa dahil baka lalo na syang mahalata sa sobrang kaba at pula ng kanyang mukha.
Lumabas na si Dannie sa kitchen para silipin kung nakaalis na si Sam. Nakita nya itong nagpalit na rin pala ng bagong damit. At my hinahanap sa bag.
“oh kala ko nakaalis ka na?” tanong ni dannie
“bakit gusto mo na ba ako mawala?” sagot ni sam na naka smile
parang lalong namula ang mukha nya at hindi alam ang isasagot.
“joke lang! sabay sagot ni sam. “nakalimutan ko mag toothbrush, wait lang ha”
Bumalik si Sam sa kitchen para mag toothbrush habang si Dannie naman ay naiwan na halos hindi makagalaw. Parang may kung anong tumama sa kanya, hidni nya alam kung talgang joke lang ba un or may meaning ang banat ni Sam. agad na lang syang pumunta sa table nya at inaayos ang ibang papers.
Ilang sandali lang lumabas na si Sam sa kitchen inayos ang kanyang bag.
“so pano aalis na talga ako” paalam ni sam
“ok” maikling sagot ni Dannie
“kaya mo na dito?” tanogn ni sam
agad tumingin si dannie kay sam ” oo naman” naka ngiting sagot nya
“sure ka?”  naka ngiting tanong din ni Sam
napailing na lang ng ulo si Dannie, bumabalik na naman ang pagiging charming ni Sam, makulit ito pero hindi ka pwedeng hindi ma inlove pag nag ssmile si Sam.
“oo naman, kaya ko na to, tsaka pag hindi ko na alam ang gagawin pwede ko naman tawagan si Lin para tanungin” sagot ni Dannie
“ahh ok. Pwede naman ako ang tawagan mo.. hindi lang si Lin ” pahabol na sagot ni Sam papalapit sa pinto
Nagulat si Dannie sa sagot ni Sam. Hindi nya alam kung magagalit sya.. pero hindi. Hindi sya nagalit, kinilig sya ng marining nya ito. Nawala na si Sam at tuluyan ng nakalabas ng pinto.  Nakatulala pa rin sya sa mga huling sinabi ni Sam, kinikilig sya. Kung pwede lang nya habulin ito palabas at biglang halikan sa sobrang kulit nito, halos hindi mawala ang kabog ng dibdib nya.
Pababa na ng elevator si Sam at hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi. HIndi nya akalain na sasabihin nya ito kay Dannie. Kahit kinakabahan sya, nasabi pa rin nya iyon at sobrang saya sa pakiramdam. Kung pwede lang, babalik sya sa loob at bibigyan nya ng masarap ng halik ito.