Hi peepz! para sa mga naghihintay dati at sa mga naghihintay pa rin until now ng next episode.. ito na po sya.. long overdue na talga tong story ko hehe.
Matapos ang nangyari sa meeting na iyon naramdaman na ni Dannie ang panlalamig ni Sam sa kanya. Halos 3 months na rin ang nakalipas at nagsimula na ang business nila Lin and Sam.
Maayos ang naging flow ng business nila, wala naman naging problema ang dalawa sa pamamalakad ng kanilang business. Dahil sa bago pa lang ang business kaya si Lin ang madalas na andun at si Sam, sumasama rin paminsan minsan si Dannie para malaman ang pag manage. Parang walang nangyari kay Sam at halos napaka formal ang pakiktungo nya kay Dannie. Paminsan minsan ay gusto na tanungin ni Dannie kung kamusta na si Sam pero hindi nya ito magawa dahil ayaw na rin nyang ungkatin ang nakaraan. Mas pinabuti na lang nya na wag na itong pag usapan para matapos na rin ang issue sa kanilang dalawa.
“Yes mam, i understand, yes po.. ok thanks” nakasimangot na sinabi ni Sam
” Sino un?” tanong ni Lin sa kabilang table
“Yung last week na client, hidni nya nagustuhan ang layout ng album”
“Akala ko ok na bakit ngaun lang tinawag”
“un nga eh matagal na rin natapos un, tapos my changes na gusto gawin” inis na sabi ni Sam
“so ano daw mangyayari?”
“Pupunta sya dito bukas para idiscuss, wala pa naman si Emily para maglayout”
“hala pano un? gusto mo bang mag hire ako ng freelance grahic artist para matapos na?” sabi ni Lin
“Nope, ako na lang bahala, ako na lang mag layout un na lang muna tapusin ko”
“sure ka?”
“no choice eh” sagot ni Sam
Mag lunch time ng dumating si Mrs. Torres para pag usapan ang wedding album nila, my gusto syang baguhin sa layout. Mas lalong nainis si Sam dahil rush din pala ito dahil dadalhin ang album sa US para ipakita sa mga kamag anak.
“oh pano una na ako?” paalam ni Lin
“yeah tapusin ko lang to” sagot ni Sam habang nakatutok sa computer
“sure ka kaya mo na yan? pwede kita samahan dito?”
“no no ok lang ako..parehas lang tau mapupuyat.. favor na lang, tatapusin ko kasi ito overnight so incase baka hindi lang ako makapasok bukas?” paalam ni Sam
“oo naman walang prob, baka si Dannie na lang muna patauhin ko ng umaga, kasi my meeting din ako with the client eh, pero sa hapon nandito ako”
“oh ok thanks ha.. ingat”
“sure, ingat ka dito also meron naman coffee dyan” paalam ni Lin, nagmamadaling umalis si Lin dahil my hinahabol lang din syang meeting sa gabi
Halos abutin na ng umaga si Sam sa pag gawa ng bagong layout, hindi na rin nya napansin na mag 6am na pala nya natapos ang mga ito, agad na nyang pinadala sa email ang revised layout sa client at agad ng ligpit ng mga gamit para makauwi na sya. Matapos nya mag ayos ng sarili handa na sya umalis ng office ng biglang nag text ang client.
” Hi ok na ung layout, kelan ko makukuha ung new album? thanks
agad naman nag text si Sam na ipapadala na nya agad sa printing hauz ang layout para magawa agad. Dahil sa pakikipag usap sa client hindi namalayan ni Sam na nakatulog na pala sya sa sofa.
——————————
Maagaang nagising si Dannie at nag desisyon na rin sya na pumunta ng office ng maaga dahil na rin sa pakiusap ni Lin, hidni naman sya nagdalawang isip na sundin ito dahil alam nya na nakauwi na for sure si Sam sa bahay, alam din nya na nag overnight si Sam dahil sa album na ginagawa nito. Ng makarating na sya ng pinto agad nyang kinuha ang susi ng office para makapasok. Binaba nya ang bag nya at agad pumunta sa kitchen para kumuha ng kape. Pagbalik nya nagulat sya ng makita si Sam na mahimbing ang pagkakatulog sa sofa at hawak pa ang cellphone.
Dahan dahan nyang ibinaba ang hawak na tasa ng kape at dahan dahang nya nilapitan ito. Halos matagal din nya itong tinitigan.
Wala pa rin pagbabago kay Sam, mas gumanda pa ito…
Hindi nya namalayan na nakaupo na pala sya sa tabi ni Sam habang nakatitig lang sya sa magandang mukha ng natutulog. Pilit nyang nilalabanan ang pag nanais na hawakan ang mukha nito pero hindi nya magawa, dahan dahan nyang dinampi ang kanyang mga kamay sa mukha ni Sam, mula sa noo hangang sa labi nito, halos uminit ang pakiramdam ni Dannie ng mahawakan ang mga labi nito, hindi nya tlaaga kayang pigilan ang sarili lalo na pag nakikita nya ang mga labi ni sam, parang inaakit syang halikan ito.
Wala na sa sarili si Dannie unti unti nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ni Sam, gusto man nyang pigilan ang utak na huwag gawin pero tinalo na sya ng kanyang puso at pagnanais na tikman muli ang malalambot na labi ng kaharap. Pikit mata nyang nilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Sam at ninamnam ang sandaling iyon.
Sa tagpong iyon, hindi na rin napigilan ang pag tulo ng luha na nagmumula kay sa Sam….