Pagkadilat ng mata ni Dannie agad nyang hinanap si sam sa loob ng kwarto, hindi nya ito Makita kaya lumabas sya ng sala para hanapin ito. Takang taka sya bakit hindi nya ito Makita. “nanaginip lang ba ako?” tanong nya sa sarili.
Hindi sya makapaniwala sa sa nangayari, hidni sya pwede magkamali, si Sam ang nakita nya sa loob ng kwarto na inyo at alam nya kung sino ang nasa harapan nya.
Agad syang naligo at upang mahimasmasan sa nangyari, kinalimutan na lang nya ito para matahimik na sya sa pag iisip kung tama ngang si Sam ang kasama nya ng mga sandaling iyon.
_______________________ Coffee shop _______________________________
Agad humanap ng maaupo at nagpahinga ng sandal ang hingal na hingal na si Sam pagkatapos nya tumakbo palabas sa condo. Napapangiti pero may kasamang lungkot ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon, hindi nya alam kung matutuwa ba sya na kahit sandali ay nakapiling nya si Dannie, ngunit hindi nya rin alam kung tama ba ang ginawa nya. Ilang minuto rin ang lumipas bago pa sya tumayo at nag order ng kape.
Hindi sya makapaniwala na nagawa nya ito kay Dannie. “ ganun ko na ba sya kailangan at nagawa kong pumasok sa condo nila at gawin ang hindi dapat gawin?” tanong nya sa sarili. Pero sa isang banda masaya sya na naangkin nya muli si Dannie, muntik na syang bumigay ng mga oras na yun, buti na lang at bago pa magising si Dannie at nakaalis na sya sa unit. Hindi maalis sa isip ni Sam ang nagawa nya, naputol na lang ito ng tumunog ang kayang fone.
“Hello?” sagot nya
“Sam!” sagot ng kabilang linya
“Lin kamusta? Napatawag ka?”
“ah wala naman check ko lang kung nakuha mo ung message ko sa fb?” tanong ni Lin
“oh yeah ung address ng condo nyo? Yes nakuha ko na”
“oh thanks, so andun naman si Dannie, umalis na kasi ako going to Batangas, so pagdating dun na lang tayo mag meeting sa unit ok lang ba?”
“sure no prob.. note ko na lang tong address para punta na lang ako”
“ok see yeah thanks!”
Napabuntunhininga na lang si Sam sa kausap, hidni nya alam eh napuntahan na nya address ng condo unit nila Dannie at galling lang sya dun knina. Matapos maubos ang kape agad syang umalis palayo sa lugar na un at dumiretso ng office.
Ilang araw ang lumipas at dumating na rin ang araw na magkikita sila Sam at Dannie. Napag pasyahan na lang ni Lin na sa condo unit na lang sila mag meeting para maging magaan ang pag uusap at hind imaging masyadong formal.
Halos hindi mapakali si Dannie sa kusina sa pag hahanda ng pagkain at maiinom para sa inaasahang bisita.
“Beh dito ka muna mamaya na yan.” Sabi ni Lin
“sige lang matatapos na ako para mamaya eh wala na akong aasiksuhin” sagot naman ni Dannie
Kung sya lang masusunod ayaw talaga nya sumama sa meeting pero wala syang magawa dahil kasama talga sya sa plano na business. At baka makahalata na rin si Lin kung bakit panay ang iwas nya sa usapang business na iyon. Mag 30minutes na rin bago sya umupo sa tabi ni Lin para makinig sa mga ididiscuss sa kanya. Ilang minuto lang at my nag doorbell na sa pinto.
“ding dong”
“ay beh si Sam na yata yan, paki buksan naman” utos sa kanya ni Lin
“ay ikaw na muna my nakalimutan pala akong kunin sa kwarto” pagmamadali nyang sagot at agad na pumasok sa kwarto.
Nagtaka man si Lin sa kinilos ni Dannie pero nawala rin ito agad sa isip nya. Mag iilang Segundo na nakaharap si Dannie sa salamin para icheck ang sarili, hindi nya alam kung tama na ang ginagawa nya pero hindi nya maiwasan na hindi maayos ang sarili nya bago pa nya harapin si Sam. Narinig na ni Dannie ang tawag ni Lin mula sa sala. Agad syang nagpalit ng damit na alam nya maganda sya doon.
“wait lang beh palabas na” agad syang nag ayos ng sarili at lumabas na
Naabutan nyang nakaupo na si Sam sa isang upaan kaharap si Lin.
“oh bakit nagpalit ka pa ng damit?” tanong ni Lin
“ah kasi feeling ko amoy ulam ako knina eh” pagdadahilan ni Dannie at agad umupo sa tabi ni Lin
“beh meet sam” panimula ni Lin
“magkakilala naman kmi nyan ni Dannie” sagot ni Sam na naka ngiti
“kamusta ka na?” sagot naman ni Dannie
“ito ok lang naman, medyo nagging busy kaya nawala ako sa usapan naming ni Lin about business” sagot ni Sam
“nagpapayaman ka pa lalo kasi” sagot ni Dannie
“naku ako nagpapayaman? Marami lang akong inasikaso, matagal kasi akong nawala sa office”
“saan ka naman galling?” tanong ni Dannie
“ah nagbakasyon, medyo nawala ako sa sarili ko this past few months” sagot ni sam at sabay tingin sa folder na binigay sa knya ni Lin
Hindi na sumagot si Dannie sa sagot ni Sam, hindi nya alam kung pinariringan ba sya or sadyang guilty lang sya sa mga sagot ni Sam.
“oh by the way, ayan na ung proposal ko andyan halos lahat ng pwedeng mangyari sa business natin, if ever my tanong ka go on kasi my memorize mo ung nature na yan eh” sabi ni Lin
May konting katahimikan na dumaan sa tatlo, si sam ay busy sa pagbabasa ng proposal at si Lin naman ay my tinitingnan sa laptop.
“kuha lang ako ng maiinom” sabay sabi ni Dannie at tumayo na ito
Panay ang sulyap ni Dannie habang nag titimpla sya ng juice sa bandang kitchen, kaunting gamit lang ang naghihiwalay sa kitchen at sala kaya madali para sa kanya ang Makita ang dalawa kung ano ang ginagawa.
Hindi pa rin nawala ang kagandahan ni Sam, bagkus mas lalo pa yata itong gumanda, bagay sa kanya ang suot nyang maong at white longsleeves at naka ponytail lang ang buhok. Bangit ni Dannie sa kanyang isip
Nagsimula ng mag usap ang dalawa at halos nagkakasundo naman sila sa mga mangyayari sa business. Nataasan na si Lin ang tatao sa shop kasama si Sam. Hindi naman maipromise ni Sam na lagi sya andun dahil aasikasuhin din nya ang unang branch nya. After lunch na ng matapos ang meeting nila.
“so pano are we all set?” tanong ni Lin
“yeah I think ok na to” sagot naman ni Sam
“ so pano next week na natin simulant ang paghahanap ng location?” tanong ni Lin
“ ah yeah im free next weekdays, my nakita na rin akong possible locations need na lang ng approval mo” sabi ni Sam
“hmm ikaw na bahala dyan Sam, mas alam mo yan, or kung my time sama na lang kmi ni Dannie sa ibang locations para Makita rin namin” dba Beh tanong ni Lin
“ ah oo” matipid na sagot ni Dannie
“ ok good!” excited na sagot ni Lin
Habang nagliligpit ng gamit si Lin biglang nag ring ang fone nya. Agad naman itong nag excuse at umalis sa sala. Naiwan silang dalawa sa sala at hidni nagkikbuan. Nag simula na ring magligpit ng gamit si Sam para maghanda na rin umalis, habang si Dannie naman ay nililigpit ang gamit ni Lin na naiwan nito.
Sa hidni sinasadya, biglang nagdikit ang kanilang kamay.
“ sorry, akin tong copy na to” sabay bawi ni Sam sa paper na sabay nilang kukunin dapat
“ ah ok” matipid na sagot ni Dannie.
Tahimik lang si Sam habang inaayos nya ang mga gamit nya, habang si Dannie naman yan naninibago sa mga kinikilos ni Sam. Parang ang lamig ni Sam ng mga sandaling iyon, parang hindi nya iniexpect na iyon ang ikikilos ni Sam. Inaasahan nyang magnanakaw iyon ng sandali para makausap sya pero hindi nya ito ginawa.. mga tanong sa isip ni Dannie
Dumating si Lin sa sala matapos kausapin ang nasa fone. Agad naman tumayo si Sam at nagpaalam na
“so pano ill call you na lang kung kelan tau mag start ng ocular?” sabi ni Sam
“yup yup, sorry ha sa office medyo my emergency meeting daw, cge tawagan mo lagn ako”
“ok, so mauna na ako sa inyo” paalam ni Sam
“ok cge hatid na kita sa baba” sabi ni Lin
“no no kaya ko na to, im fine, cge Dannie see yeah” sabi ni Sam
Agad ng lumabas ng pinto si Sam.
Naiwang tulala si Dannie, hindi sya makapaniwalang ganun lang ang nangyari, parang hindi si Sam na kilala nya ang nakasama nya knina. Halos hindi man lang nya nakitang sumulyap o tumingin ito sa kanya, masyadong formal kung makipag usap , hindi alam ni Dannie kung ikatutuwa ba nya ito dahil baka nga naka pag move on na si Sam, ngunit iba ang nararamdaman nya, hindi kasiyahan, kundi kalungkutan, na mis na nya ang dating makulit na Sam, namiss na nya ang dating makulit at malambing na babae na dati nyang nakasama, at higit sa lahat hinahanap hanap nya ang atensyon na binibigay sa kanya ni Sam.
“beh, ok ka lang?” tanong ni Lnin
“ ha? Oo naman bakit?” gulat na sagot ni Dannie
“ah ok para ka kasing wala sa sarili, anyway maliligo lang ako my meeting ako sa office, ok lang ba iwan muna ktia ditto?”
“ha iiwan mo ako? Wala akong plan tonight, kala ko wala kang lakad?”
“ oo nga eh kainis, my meeting kmi hindi ko rin alam na aalis ako ngaun”
“oh cge maigo ka na, ako na bahala ditto”
“kung ma boring ka lumabas ka na lang, mag bar ka later”
“ha? Ako mag bar? Kelan naman ako nag bar?” habang naglilipit sya ng mga baso
“baka lang gusto mo kasi lumabas, cge na ok lang tutal ako itong may atraso sayo”
“nah ok lang ako, cge bahala nab aka dalaw na lang ako kila mama”
“ok mas ok un, cge maligo lang ako ha”
naiwan mag isa si Dannie sa sala habang nagliligpit ng mga kalat, hindi pa rin mawala sa isip nya ang ikinilos ni Sam knina.
Sa elevator.
Agad pinindot ni Sam ang basement button sa elevator para makaalis na sya ng lugar na iyon, pero huli na ang lahat, tuluyan ng pumatak ang mga luha na knina pang nagpipigil. Pasalamat na lang sya at napigilan nya ito habang nsa loob pa sya ng condo nila Dannie. Hindi pa rin nawawala ang pangungulila nya sa babaeng lubos nya minahal….