Before continuing The Swerte Kela Ate series, I would like to share something more deeper para sakin. The story of my ex. Guys, there’s no sex involved in this story, I just really wanted to share something that was really precious to me. Kaya nasa inyo yan kung gusto niyo basahin or hindi.
First of all ang name nung girl ay erika. Simple lang siya, di maganda ngunit di rin pangit. Di rin siya ganun katangkad ngunit saktong sakto lang ang kanyang height at nahahalikan ko siya sa forehead. Chinita ang mga mata na naiinlove ako kada tingin ko sa mga mata niya. Cheerleader siya kaya well maintained ang katawan. Pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kanyang smile. Di ko maintindihan kung bakit ganun ang kanyang ngiti, natutunaw ako pag nakikita ko ito, nawawala ang badtrip pag medyo down, natatanggal ang pagod sa katawan at higit sa lahat, napapaganda ang aking araw. Nagsimula lahat ng gradeschool pa kami. Grade 4 to be exact. Grabe ang bata bata pa namin nun, kung tutuusin para akong si humpty dump nung mga panahon na iyon at siya naman si snow white.
Feb 14. Ang pinakahihintay na araw pag nasa school, bibigyan ng roses at teddy bear ang crush dagdagan mo pa ng chocolates para extra points. Kada taon pare pareho ang nakukuha kong sagot sa kanya. “Thank you” at laging may napakatamis na ngiti pagkatapos sabihin ang dalawang words na yun. Anong magagawa ko, torpe pa eh, bata pa eh.
Umabot hanggang grade 6 at walang kahit na anong paguusap sa aming dalawa ngunit pag valentines lang at yung thank you na may ngiti lang palagi ang aking nakukuha.
Dumating ang graduation at dun lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya.
Ako: happy graduation erika! (Sabay ngiti)
Erika: happy graduation din! (Sabay ngiti)
Ako: uhmmmmm.. San kayo maglalunch ng family mo?
Erika: sa may conti’s. Sarap ng food dun eh hihihi
Ako: wehhhhhh? Dun din kami kakain ehh!
Erika: astig! (Sabay tawa)
Ako: onga ehh! (Tawa din) sige kitakits na lang mamaya (ngiti sa kanya)
Erika: sige d! (Sabay ngiti din)
Nakalipas ang ilang minuto ay nagalisan na din ang mga tao. Pumunta na kami ng conti’s. Nang pagdating namin dun nakita ko na agad si erika. Kumaway siya sakin. Kumaway din ako at ngumiti (syempre kinawayan ka ng crush mo eh). Sobrang coincidence ng malaman ko na dun kami uupo sa tabi ng table nila erika. Ang saya saya ko dahil malapit lang ako sa kanya. Kasama niya ang magulang niya, ang tatlong ate at ang bunsong lalake na kapatid. Ako naman kasama ko ang magulang ko, grandparents, tito at tita at ang dalawa kong pinsan. Nagorder na ng pagkain at nung tapos na kumain nagulat ako ng biglang pumunta sa table namin ang ate niya.
Ate: excuse me po, siya ba po si d?
Ako: ako po yun.
Ate: ahhh at ngayon alam ko na kung sino nagbibigay sa kapatid ko pag valentines. Hihihi
Biglang pumunta si erika sa table namin at dahan dahan hinila ang ate niya.
Erika: ehhhhhhhh ate naman ehhhhhhh sabi ko sayo secret lang ehhhhh
Ate: bakit? May gusto ka sa kanya no? Ayieeeee may crush na siya.
Erika: ate talagaaaaaaaaa secret nga yun ehhhhhhhh
Kinanchawan ako ng magulang ko at si erika din kinakanchawan ng mga kapatid, lumabas siya at sumunod din ako sa kanya. Nakita ko siya nakaupo dun sa may pababa na steps.
Ako: (umupo sa tabi niya) ate mo pala un
Erika: nakakainis talaga yuuuuuuuun
Ako: bakit naman?
Erika: ehhh lagi naman niya sinasabi ang mga secret ko eh
Ako: ok lang yun may gusto din ako sayo eh
Erika: talagaaaaaaa?
Ako: ehh binibigyan nga kita ng flowers, teddy bear at chocolates pag valentines eh. Nahihiya lang akong kausapin ka.
Erika: ehhh bakit ka nahihiya? (Sabay sundot sa cheek ko) hihihi.
Ako: ehhh ewan ko, di ko alam sasabihin ko eh.
Erika: ngek ano ba yan hahaha
Ako: sorry ha, ay erika pwede ba kita iadd sa friendster? (Sabay ngiti
Erika: oo naman (bumunot siya ng ballpen sa bulsa niya, hinawakan ang palad ko at sinulat ang email) yaaaaaan, testi ko ahh (sabay sundot sa cheek ko ulit) hihihi.
Ako: oo ba basta testi ko din ah (ngiti sa kanya)
Erika: oo bibigyan din kita haha add mo din ako sa ym para makapagchat tayo ha.
Lumabas na ang mga pamilya namin at sumakay na sa aming mga kotse. Nakita ko sa bintana na kumakaway si erika. Kumaway din ako sa kanya. Tapos na ang klase, summer nanaman. Kailan ko kay makikita si erika ulit?
Itutuloy.