“Brian..” Sinusubukan kong maging matatag ang itsura ko.
Nakavideocall kami sa skype.
Walang akong naririnig o nakikitang tao sa kabilang side.. Nakasara ang cam nito pati na din ang mic.
“Brian..” tinawag o uli sya.
May nagtype:
Brian: I can hear you, ney.
“How are you? Ano nararamdaman mo?” nanginginig ang boses ko. “I want to see you.. I want to hear your voice..”
Brian: Ayoko makita mo ako sa kalagayan ko ngayon.. Gusto ko maalala mo ako sa best condition ko… nabawasan kasi ng konti ang pagkagwapo ko. Hindi naman maganda kung ang maaalala mo sa akin ay pangit.
Alam ko, sinusubukan niyang patawanin ako… pero kahit anong gawin ko hindi ko kaya.
“Babalik ka pa!” nabasag na ang pader na pumipigil sa mga luha ko.. Kahit na may smiley sa dulo ng sentence niya, para sa akin, umiiyak na icon yun. ”I know Bri… You can do it! You’ll survive!”
Brian: Don’t cry, ney. It’s killing me to see you like that.
“Promise me, Brian.. You’ll come back safe. Di’ba magcelebrate pa tayo ng 21st birthday mo? Magcecelebrate pa tayo!”
Brian: I can’t, R… Ayokong paasahin ka.. but can you do me another favor?
Hindi ako sumagot..
Brian: If I don’t…
Brian: survive. Please forget about me. Please, R. Alam ko kaya mo yun.
“I can’t! Paano kita makakalimutan at pwede ba wag ka ng magsalita ng ganyan!”
Brian: Kayanin mo, R.. for me, for you, and for all the people who loves you..us.
Biglang namatay ang linya at tumawag si Brian. This time, may tunog na akong naririnig mula sa kabila. Meron na ding cam. Nakita kong may nakatayong lalaki sa harap ng cam.
“Hello.. Bri?” ako ang unang nagsalita.. Umiling ang taong nasa harapan ng cam at saka umalis. Si Miguel iyon.
Wala pa ring balak magpakita ni Brian sa akin.
“R, si Brian na to.” mahina ang boses ng nasa kabilang linya. Kailangan ko pang lakasan ang speaker ng computer ko.
Ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang boses ni Brian pagkatapos ng usapan namin sa telepono noong anniversary namin. Akala ko kapag narinig ko ang boses niya magiging magaan ang loob ko, yun pala hindi. Natriple ang sakit.. ramdam ko sa boses niya ang kalagayan niya~hinang-hina na siya. Gusto ko ng umiyak ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko. Kapag nakita to ni Brian, baka makasama lang sa kanya.
“Ney,” yun na lang ang nasabi ko.
“R, ney, I’m sorry.. I really am..” alam kong umiiyak na din ang nasa kabilang linya. “And I love you so much!”
“Bri! Wala kang kasalanan.. I love you.. I love you.. please, come back..” gusto ko siyang makita.. gusto ko siyang puntahan ngayon.. gusto ko siyang yakapin.. gusto ko siyang samahan!
“I’m sorry.”
Biglang pinatay ni Brian ang videocall.
Brian Rafael Molina signed out.
“I love you, Brian.. bumalik ka.. please survive… for us…for me.”
—
13 years later…
Ang dami ng nagbago.. mahigit isang dekada na pala ang nakakakalipas…ng maranasan ko ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko. Nakakatawang isipin na nakayanan ko pang mabuhay pagkatapos ng nangyaring yun.
Pero di’ba nga, kapag humingi sya ng pabor o kondisyon, lagi akong talo?
Kaya kailangan kong tuparin yung pinangako ko sa kanya.
Kapag nawala sya, kailangan kong mabuhay para sa sarili ko at sa mga taong nagmamahal pa sa akin.
Tama si Brian… kung susuko na lang ako kaagad dahil sa nawala sya, unfair iyon sa mga magulang ko.. Mga magulang na bumuhay at nagpalaki sa akin.
Brian taught me how to love… how to forget… how to forgive… and how to be strong…
Walang perpektong pagmamahalan..
Mahal ko sya. Mahal niya ako. Okay ang relationship namin. Gusto sya ng parents ko. Gusto ako ng parents niya.
But still, we are not meant to be with each other until the end of time.
Ang laki pala ng utang ko sa lalaking yun… Naalala ko dati, hindi ko alam kung anong gusto kong maging.. pero dahil sa kanya, nalaman ko ang rason kung bakit pa ako nabuhay sa mundo..
He did not survive the operation. Nadepress ako. Halos mamatay na nga ata ako. Hindi na ako pumasok sa school. Hindi na din ako lumalabas…
…hanggang sa nalaman kong buntis pala ako.
“Papanagutan ko.” sabi ni Miguel sa akin.
“You don’t have to..it’s not yours.. ayun sa doctor, 2 months na to. Nung may nangyari sa atin, 1 month ago lang yun..”
I’m sure. I’m sure kay Brian tong dinadala ko.
Hindi pwede ang DNA test dahil identical twin si Brian at Miguel. It’s useless.
Pagkatapos kong manganak, napagdesisyunan kong lumipat ng course. Alam kong ito na ang gusto ko..
“MOM!” biglang may sumigaw. May kumatok sa kwarto ko at nagbukas ng pinto.
“Raffy.” tumayo ako at kaagad naman syang nagmano sa akin. Grade 6 na si Raffy. Nakuha niya ang singkit na mata, pasalubong na kilay at straight na buhok ng tatay niya habang ang shape ng mukha, ilong at bibig naman ang nakuha niya sa akin.
“Hindi mo na ako niyayakap ah.” kinurot ko ang pisngi niya.
Katulad ng daddy niya, mabilis kumunot ang noo niya.
“Biro lang, oh why are you here? May problem ba?” tanong ko sa kanya.
“Sabi ni Tito Miguel, patapos ka na daw dati sa accountancy, tapos nagshift ka pa… Ano namang klaseng desisyon yun, mommy? Tingnan mo ngayon, nag-aaral ka pa tuloy uli!” parang pinapagalitan ako ng anak ko.
“HAHA.” ginulo ko ang buhok ni Raffy. “Nag-i-specialize na lang ako… because your mom wants to be a… cardiovascular surgeon.”
“Cardio? Heart? dahil ba kay dad?” tanong niya. Tumango lang ako.
Bigla namang pumasok si Miguel na may dalang flowers. Kasama niya si Mikaella, anak ko din. Nakuha naman niya ang bilugan at mapungay kong mata. Tapos kay Brian na naman lahat.
Yes, fraternal twins ang anak namin ni Brian. Hindi din ako makapaniwala nung una.
Nilapag ni Miguel ang flowers sa desk ko at tiningnan ako. 5 years after his brother’s death, he started to court me again. Hindi ko na sya napigilan pa. Hinayaan ko na lang.
Everytime na tinitingnan ko si Miguel, si Brian ang naaalala ko. Noong una, ayaw kong makita siya pero habang tumatagal, natatanggap ko na…
Tanggap ko na. Wala na si Brian. Wala na siya at hindi na babalik pa. Nasa alaala ko na lang siya. At kailangan kong tuparin ang pangako ko sa kanya. I have to move on.
Masaya na ako ngayon… Finally, after 13 years…pwede ng magsimula uli.
“Hey, Mommy, nga po pala, may essay assignment kami tungkol sa love story ng mga magulang namin. Ang baduy nga e.” parehas na parehas sila ng expression ng ama niya kapag naiirita.
“Ay ako din! Raf naman, sabi ko sa’yo sabay tayo e!” kinurot ni Ella ang kapatid niya sa tagiliran. “Ay, mom, sorry.” tapos nagmano, humalik at yumakap sa akin. Parang ako lang, noong bata.
Oh well, paano ko ba iki-kwento sa mga anak ko to? Nagkatinginan kami ni Miguel.. pagkatapos ay sabay nagtawanan.
“Raf, Ella, it all started when…”
***
So this is it~the last chapter of SEEING DOUBLE. Salamat po sa mga nagbasa/nagcomment/nagrate simula chapter 1 hanggang chapter 12, or kahit man lang sa isang chapter. Special mention pa ba? ahaha. wag na. Basta salamat sa inyong lahat!
A/N:
“Everything happens for a reason… someday you’ll know what that reason is.”
***
~R