Nobody dies a virgin because life fucks us all ~Kurt Cobain
***
Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Ano ba ang gusto ko maging? Buti pa mga kaklase ko, may kanya-kanyang pangarap, ako wala pa. Hay. Go with the flow na nga muna.
Kasalukuyan pala akong nakaenroll as BSA 1st year student sa isang university malapit sa amin. Bakit accountancy? Yun ang gusto ni daddy at ni mommy. At dahil wala naman akong gustong course, pumayag na din ako.
Madali lang palang mag-adjust sa college life. Friendly naman mga naging classmates ko kaya okay na okay ang 1st week ko PERO mas okay sana kung hindi dito inenroll ang bestfriend ng pinsan kong si Miko. And to make it worse, sinadya ni Miko na maging kaklase ko sya. I kinda hate that guy. Hmp! Kahit na type ko ang chinito, hindi ako mahilig sa mga taong may galit sa mundo. Ang sungit niya kasi! I remember the first time we met. I was 14 years old while they were 17. Pinakilala sya ni Miko sa akin.
“Brian, this is R, my cousin. R, this is Brian Molina, bestfriend ko.”
“Hi, Brian! Nice meeting you!” masayang bati ko sa kanya habang nakaupo kami sa couch sa Max’s. Si Miko naman busy sa pag-order ng food.
“Hi.” nakatingin lang sya sa akin. Wala man lang kasaya-saya ang boses niya.
Hmmm…Baka naman nahihiya lang sya.
Nagsimula na kaming kumain. Tanong naman ako ng tanong sa kanya. Ano course at year niya at kung saan sya nag-aaral. Then biglang nagcr si Miko.
“You know what, medyo madaldal ka. Kumain na lang tayo pwede?” deretsahan niyang sinabi sa akin. Tapos ang sama pang makatingin. Parang gusto na akong kainin ng buhay.
At doon na nagsimulang uminit ang dugo ko sa kanya! Grrr. Sya na nga lang ang ini-entertain, sya pa ang galit! At saka niya lang sinabi yun nung wala si Miko.
“You know what, ang sama ng ugali mo. Kumain ka mag-isa.” tapos umalis ako ng restaurant nang hindi man lang nagpapaalam sa pinsan ko. Nang nalaman ng pinsan ko ang nangyari nagsorry naman sya. Hmp. Kung sino pa walang kasalanan yun pa ang nagsorry.
Okay, tama na ang pag reminisce…
Siyam na subjects ang meron ako, at lima doon, may seating arrangement. Kala ko pang high school lang yun, meron pa din pala sa college. At dahil maswerte akong babae, sa limang subjects na yun, katabi ko si Brian. Letter M din kasi nagsisimula yung surname niya.
BV talaga!
Buti na lang hindi pa sya pumapasok… Mukha ngang tamad syang tao.
At bakit kaya sya 1st year uli? Dapat 3rd year na sya ngayon ah. Siguro, puro drop or bagsak ang subjects nito. Bagsak dahil sa attitude, baka pati mga prof sinusungitan nya.
“Hoy, Miko! May tatanong ako sa’yo…”
“Kung ganyanin mo ako, parang mas matanda ka pa sa akin ah…”
“Sorry, kuya. haha. Tatanong ko lang, bakit 1st year pa rin yung bestfriend mo hanggang ngayon?” tanong ko habang naglalagay ng nail polish sa kuko sa paa.
“Uh, naalala mo yung nagdinner tayo kasama sya? The day after that, lumipad sila papuntang US.”
“Oooh. I see. Eh bakit (pa) sila bumalik dito?” tanong ko. Sana nagstay na lang sila doon.
Natawa sya sa tinanong ko.
“Mukhang ayaw mo ah. Hmm, hindi naman sila nag-migrate doon. Nagtour lang sila so pabalik balik lang sila dito. Then, Ian wanted to pursue his studies here.”
“Ah okay…” tapos may naisip na naman akong tanong. “Bakit sya lumipat ng course? Di’ba IT ang course niyo?” At sa dinami-dami ng pwedeng lipatang course, yung course ko pa.
Mukhang natigilan si Miko sa tanong ko.
“Uh,” parang may nasabi akong masama. “Hay, ewan ko sa lalaking yun…” tapos tiningnan niya ako. “Bakit tanong ka ng tanong? Crush mo siguro bestfriend ko no? Sige na, lakad kita.”
“HA.HA.HA” tumawa ako. “Are you serious? Baka pag naging kami maging ganito na ang itsura ko.” tapos pinagsalubong ko yung kilay ko at pinalaki ko yung butas ng dalawa kong ilong.
“Ang sama mo naman!” pero tumatawa din si Miko nun. “Oh ha, kahit snobbish yun, habulin sya ng mga babae…”
“Oh talaga?” sagot ko naman pero hindi naman ako na amuse sa sinabi niya. I really don’t care. “Ilan na ba naging gf niya?” busy pa din ako sa ginagawa ko. This time, yung kuko ko naman sa kamay yung nilalagyan ko ng nail polish.
“Wala pa.” seryosong sagot ni Miko.
“Hmm. I thought so. Bading. Siguro nainsecure sa beauty ko nun kaya ako sinungitan.”
“What?! Of course not! He is not gay!”
“Whatever, Miko. Ipagtanggol mo lang ang bestfriend mo. One of these days, aamin din sya sa’yo. ‘This guy’s in love with you pare.” Kinantahan ko pa sya.
“Ui, R! Sumusobra ka na ha! Stop judging people.” nagalit si Miko sa akin. Lumabas sya ng bahay. Hay naku, ano problema niya? Minsan lang magalit ng ganun ang pinsan ko ha. Naku, hindi kaya, sila na. OMG! Kinilabutan ako sa sinabi. Hindi naman siguro.
***
2nd week of classes…
“Ui, may assignment pala sa socio?” tanong ni Mon sa akin.
“HA?! Di nga?!” nagulat ako.
“OO! 5 questions… ESSAY! Di ko nga din alam e.”
Kumuha ako kaagad ng yellow paper at ballpen.Kinopya ko yung mga tanong kay Mon. 5 minutes before 1pm na. WAH!
1. Use 1 social perspective to analyze a social phenomenon.
“Nadiscuss na ba tong social perspective na to?” tanong ko kay Mon.
“Hindi pa.” sagot niya.
Badtrip na prof naman yan oh!
Internet. Internet! Buti na lang phone ko may internet.
Binabasa ko pa lang yung meaning nung social perspective, may narinig akong nagbukas ng pinto ng room. Tapos tumahimik mga kaklase ko.
Damn. Kahit man lang makasagot ako ng isa!
“There are 3 sociological perspective… Structural chuva.. social conflict..” sinasabi ko na sa sarili ko.
“Social conflict… blahblahblah.. everything is a product of conflict..”
“Miss, miss.. may nakaupo ba dito?” may nagtanong sa akin.. Umiling na lang ako habang nag-iisip ng pwedeng isulat..
“Love na lang kaya topic ko…” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa papel ko. “Tama, love na lang..”
“Wag love, abstract yan e, baka mabara ka lang ng prof..” may nagsalita sa gilid ko. Malambing ang boses.
Teka sino ba to.
Tumingin ako sa gilid ko… at…si Brian ang nakita ko. Pero this time, may ngiti na sa mga mukha niya. Hindi na sya nakasimangot katulad dati. Parang ibang tao ang kaharap ko.
Tumingin ako sa classroom. Wala pang prof. At lahat ng mga kaklase ko, nakatingin sa akin? Hindi, kay Brian pala sila nakatingin.
“Uh, Hi, R? Do you know me?” tanong niya sa akin.
“Is this Ms. Fuentes’ 1pm class?” may prof na nagtanong sa amin. Nag yes naman yung mga classmate ko. “Wala si Ms. Fuentes… gawin niyo na lang daw yung assignment niyo sa socio..”
“Hmm. Yes, ikaw yung masungit na bestfriend ng pinsan ko.” tapos napansin ko na nasa lap niya yung shoulder bag ko. Nakalagay nga pala to sa upuan niya kanina.
“Sige bye.” hinila ko yung shoulder bag ko tapos lumabas ng room. Pero before ako tuluyang makaalis ng room, sinulyapan ko muna sya.
Nakita kong tumabi sa kanya yung mga babaeng malalandi (mga girls na todo magmake-up na akala mo nasa taping at wala sa school.). Inobserbahan ko naman yung magiging reaksyon niya. NGUMITI sya sa kanila. Labas pa nga yung white teeth niya e.
Si Brian ba talaga yun? Nagbago expression ng mukha niya. Hindi na sya mukhang gorilla na nakakunot ang noo. At mukhang hindi na din sya masungit.
Tapos bigla kong naramdaman na bumangga ako sa isang tao. Yung mukha ko, napadikit sa dibdib ng isang lalaki. Hirap talaga pag maliit. GRRR.
“Ouch!” tapos hinawakan ko yung noo ko.
“Di kasi tumitingin sa dinadaanan e!” sigaw nung lalaki.
Kung makasigaw naman to. Kala mo sya yung nasaktan. Pagtingala ko. Nakakita ako ng lalaking nakakunot ang ang noo na parang gorilla…
“Brian?” tanong ko nang may halong gulat. Nakatingin lang ako sa kanya nun. Nananaginip ba ako?
******
Itutuloy…
To be continued…
~r