Nang mapansin ng mag-asawa na nakalampas na ang mga nakatira sa tapat ay lumabas si Frank ng terrace para magpahangin. Nagsindi siya ng sigarilyo. May mga tao pa rin na lumalabas ng kani-kanilang mga bahay at mayron pa ring mga tao na naglalakad sa kalsada patungo sa town hall. May isang middle-aged na babae na dumaaan sa tapat ng bahay nila. Ngumiti ito sa kanya. Nginitian naman ito pabalik ni Frank. Tinanong siya ng babae, “Don’t you wan’na come?” Sumagot naman si Frank, “We’ll pass for now. …maybe next meeting na lang po!” May isang lalaki na nasa likod ng ale na mukhang asawa nito ang nagsabing, “Well, you should come! It’s alway nice to come!”, sabay ngiti rin nito at umakbay sa asawa. Nakangiti pa rin si Frank at kumaway sa mag-asawa habang papalayo ang mga ito.
Napansin niya, ang bawat taong dumadaan sa tapat nila ay sumusulyap sa kanya at ngumingiti. Naisip ni Frank na marahil ay friendly lamang ang mga ito. Ngunit parang may kakaiba sa mga ngiti nila. Hindi maipaliwanag ni Frank kung ano yun. Hinithit niya ng huling beses ang sigarilyo at saka pinatay ito. Pumasok siya sa loob kung saan si Lyn ay nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine.
“Hmmm… alam mo, love? Parang may pagka-weird ang mga tao dito sa subdivision na ‘to.”
“Oh, kita mo na! Sabi ko sa’yo eh! Ayaw mo lang maniwala sa akin eh. Teka, bakit mo naman nasabi yan?”
“Wala lang! Ewan ko parang kakaiba lang sila. Although they look normal and all. …it’s the way they look and smile kasi eh…”
“Sus! Ano ba yan? Kakalipat lang natin eh.”
“Sabagay… Hay nako, hayaan mo na nga sila!”
Sabay na natawa ang dalawa, pero sa isip nilang pareho ay nanatili ang pag-iisip. Hindi nila maipaliwanag kung ano ang kakaibang nararamdaman nila.
Sa labas ay malamig ang simoy ng hangin sa buong subdivison at wala na halos ang mga tao ang mga bahay. Tahimik na ang mga kalsada. Sa gitna ng katahimikan ng kapaligiran ay makikita ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw ng town hall. Para bagang lighthouse na nagbibigay ng liwanag sa buong subdivision. Sarado na ang mga gate at pinto nito na maihahambing mo sa isang simbahan kapag mayroong misa ngunit wala ni katiting na ingay ang maririnig sa labas.
Habang nasa sala naman ang mag-asawa ay biglang nagkahulan ang mga aso ng mga kapitbahay. Napansin iyon nila Frank at Lyn. “Ano yun?”, tanong ni Lyn sa asawa. “Ewan, siguro meron pang humahabol sa meeting!”, sagot ni Frank. Maya-maya’y may narinig silang kaluskos sa may terrace. Napatayo si Frank. “What is it?”, tanong muli ni Lyn. “Wait lang, love. Stay there!”
Tumungo is Frank sa pinto leading to the terrace. Sumilip muna siya sa may gilid ng bintana habang hinawi ng bahagya ang kurtina. Nang makita niyang wala namang tao ay tumuloy na siyang lumabas. Paglabas sa pinto ay luminga-linga siya at tiningnan mabuti ang paligid. Nang walang mapansin ay naisipan niyang pumasok na lamang loob ngunit may napansin siyang isang piraso ng papel sa may sahig at nakaipit sa gilid ng floormat. Yumuko si Frank at dinampot ang papel. Inayos niya mula sa pagkakatupi ito habang papasok siyang muli sa loob.
“Baby, what’s that?”, usisa ni Lyn. “I don’t know! Nakita ko nakaipit sa may sahig e!”, sagot ni Frank. “Well, what does is say?”
Binasa ni Frank ng malakas kay Lyn ang nakasulat sa papel:
to be cont’d…