Sambasong tubig, sandagat ng apoy IV

Author Name: barny | Source: pinoyliterotica.com

 Whirlwinds, Anchors and Fairness

Alas sais ng umaga. Hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga nangyari 8 hours ago. Nakuha ko ang pagkabirhen ng isang napakagandang babae. Hindi na ako nakatulog at hindi makuhang maligo dahil ninanamnam ko pa rin ang bango ni Gina na dumikit sa katawan ko. May konting bahid pa ng dugo ng pagkabirhen niyang naiwan sa titi ko pero hindi ko kayang punasan…ito ang marka ng tagumpay ko nung nakaraang gabi. Ang trophy for the long and persistent battle I had with my own animal urges. Naka-ilang beses na akong nag-ja-jakol, pinupulutan ang halimuyak ng dalagang nanatili at sadyang napakasarap sa pang-amoy. Nanghihina na ako sa dami ng tamod na nailabas pero masyadong nag-o-overtime ang isip at libog…masyadong malakas ang epekto ng experience na ito sa pagkatao ko. Para siyang drogang patuloy na nanunuot sa katawan…nagdudulot ng kung anong extra energy na hindi pa rin maubos-ubos hanggang ngayon.

Alas sais y medya, I gave up on the idea na makakaidlip pa ako. Bumaba na ako para makahanap ng magagawa. Naghugas ako ng pinggang naiwan sa lababo. Pero madali kong natapos yun kaya nagsimula na rin akong mag-saing at mag-init ng tubig para sa kape ni Nanay mamaya.

‘Okay ka lang ba iho? Dalawang araw ka nang maagang gumigising ah…may gusto ka bang sabihin sa akin?’ ang narinig kong boses ni nanay mula sa likod. Nag-wo-worry siguro dahil ito rin ang ginawa ko nung mag-break kami ng una kong GF; hindi makatulog at panay ang gawa ng trabahong bahay if only just to distract myself.

‘Umupo ka nga rito at mag-usap tayo ng maayos…’ kinabahan ako sa sabi niya.

‘Maayos naman ang pagpapalaki naming sa’yo ng tatay mo…may problema ka ba? Hindi ka naman siguro nag-da-drugs hane?’ ang sunod sunod nitong tanong. Muntik na akong tumawa pero pinigilan ko dahil mukhang seryoso si nanay.

‘Hindi po…Ginaganahan lang…’ ang nagawa kong i-blurt out. Pigil na pigil para hindi ngumiti sa pag-aalalang baka mainsulto ang ina.

‘Mabuti naman kung ganun…basta ha, sabihin mo lang pag may problema…Mangako ka’ utos nito.

‘Pangako po.’ Ang sabi ko at tumalikod na ulit para tignan ang nililuto ko, ngumingiti dahil sa nararamdamang init ng pagmamahal galing sa sariling pamilya.

 

Parang hangin lang na dumaan ang araw. Hindi ko napansin ang oras dahil para akong lumulutang sa ere. Ninanamnam ko pa rin ang mga halik ni Gina sa bibig ko…ansarap talaga. Pero sa isang sulok ng ulo ko ay na-ba-bother din ako sa kung ano na ang magiging relationship namin ng dalaga. Kaya pa ba naming maging magkaibigan lang tulad ng dati? Hindi maikakailang nagbago na ang pagtingin ko sa kanya eversince pero hindi ko masabi kung ganun din ang nararamdaman niya. Crush ko si Gina noon pa pero hindi ko ma-reconcile sa idea na we’ve gone way past the friendship now…wala nang balikan. And there’s that issue with Kuya Anghel. Ang nakakatakot niyang Kuya Anghel. Hindi naman siguro ito manhid para hindi mapansin ang mga pagbabagong alam kong mangyayari between me and Gina in the next few days. I have a feeling na soon, I will have to confront these questions and fears.

End of class.

Mas lumalakas na ngayon ang epekto ng possibleng consequences nang bawal na pinagsaluhan namin ni Gina nung isang gabi. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng takot sa kung ano ang pwedeng gawin sa akin ni Kuya Anghel pag nalaman niya. Nakisabay ako sa mga barkada palabas ng school para maalis sa isip ang mga imagination na habang tumatagal ay lalong nagiging vivid sa utak ko. Kailangan kong mag-landing muna sa mundo. And my friends are my airport…my anchors. Sila ang constant na alam kong pwede kong balikan whenever I feel na lumalayo na ako sa totoong sarili…sa dating sarili.

‘Psst! Okay ka lang, parts? Kahapon pa yan ah…’ tanong ng isa.

‘Oo nga. Baka naman gusto mong sabihin sa amin..?’ dagdag pa ng isa.

‘Okay lang. May iniisip lang…pero don’t worry, sasabihin ko naman sa inyo pag di ko na kaya, di ba?’ pangungumbinse ko. Pero parang hindi na ako pinansin ng dalawa. Parehong nakapako ang tingin ng mga ito sa gate ng school namin. Tinumbok ko ang direksyon ng mga mata nila. Sa dulo nito ay isang babaeng naka-school uniform ng kabilang highschool. Shoulder-length hair, maputi at artistahing itsura…

Si Gina.

Nakatayo siya sa gate. Hindi talaga common ang ganda niya; lahat ng lalaking napapadaan ay hindi maiwasang mapatingin pero hindi niya ito pansin. Nagtama ang aming mga mata. Ngumiti at kumaway ang dalaga.

‘Parts! Kinakawayan yata ako!!’ halos sigaw ng isang kasama ko sa bigla.

‘Hindi! Ako yun, ako yun!!’ ang sabat ng isa.

Pero lalo silang nabigla ng marating namin ang gate at yakapin ako ni Gina. Wala itong pakialam sa mga matang nakatutok sa amin. Sa mga nakaismid na teachers na naghihintay ng tricycle at sa mga estudyanteng pilit na nagkukumpol para makinood sa animo’y shooting ng pelikula.

‘A…parts, hindi mo man lang ba kami ipapakilala? He he…’ narinig kong sabi ng kaibigan ko mula sa likod. May halong inggit. Nakalimutan ko na sila sa sarap ng pamilyar na amoy na ngayo’y muling sumusuot sa ilong ko. Nagtataka kung bakit nandito siya ngayon pero maligaya dahil deep inside, siya ang gusto kong makita.

Pinakilala ko si Gina sa mga kasama ko. At first ay plano ko sanang sabihing ‘kaibigan lang’ dahil hindi pa ako sigurado kung ano na nga ba kami ngayon. Pero sumabat ang dalaga na girlfriend ko siya kaya nanlaki ang mata ng mga mokong kong kabarkada.

Nauna na ang mga barkada ko. Kahit papalayo na ay iiling-iling pa rin ang mga ito, hindi pa rin makuhang ilayo ang mga titig sa aming dalawa. Hindi makapaniwala sa ganda ng babaeng…girlfriend ko.

Ansarap sa tenga. Tumingin ako kay Gina, nagtatanong ang mga mata dahil hindi pa rin yata makahabol sa bilis ng mga pangyayari. Pero nginitian lang ako nito. Ngiting nag-erase sa lahat ng pagdududang umiikot sa utak ko. Ngiting sumunog sa images ng nakakatakot nitong kuya. Ngiting nagsisimula namang magpainit sa katawan ko.

‘Labas tayo…my treat’ sabi ni Gina, sabay para ng tricycle na for some reason ay hindi man lang pinansin ang mas nauna sa aming grupo ng mga estudyante. Kakaiba talaga ang ganda niya…parang magnet.

Dumiretso kami sa isang inasalan (chicken barbecue) na may kalayuan sa center ng city namin. Masarap sa lugar na ito pero alam kong kokonti lang ang pumupunta pag weekday dahil usually ay for special occasions lang siya ginagamit.

Nagta-try pa rin akong mag-katch up sa bilis ng sitwasyon. It’s official, girlfriend ko na si Gina pero hindi ko pa rin makuha ang point ng biglaan naming pag-de-date sa lugar na ito. I also couldn’t avoid thinking na she’s about to say something big…and she’s just trying to soften me up.

After maka-order ay hindi na ako nakapag-pigil at tinanong ang dalaga.

‘Gina, can you tell me what exactly is happening? Pasensya na, medyo naguguluhan pa ako eh’ honest kong sabi. Medyo nainis ang dalaga.

‘Dalawang bagay lang yan; Either sobrang manhid ka na hindi mo man lang napansin na may gusto ako sa’yo all this time, or talagang kantutan lang ang habol mo sa akin…can ‘you’ tell me what’s happening?’ and medyo maanghang nitong balik sa sinabi ko. Seryosong naghihintay sa susunod kong sasabihin.

‘…Matagal na akong may crush sa’yo…noon pa…and after yesterday, na-realize kong hindi lang crush…may nararamdaman na talaga ako para sa’yo’ ang sinabi ko ng diretso-diretso…hinihingal pagkatapos dahil sa kaba at pag-pa-flash back ng memories at sakit ng una kong pagmahal.

‘Mabuti naman kung ganun. Alam kong may issues ka pa sa ex mo pero I hope na hahayaan mo akong tulungan kang burahin kung ano man ang mga masasakit mong alaala’ dire-diretso rin nitong sabi. Ako naman ay parang umiinit ang mukha…maligaya sa naging kahinatnan namin ni Gina. Masaya na at last ay parang makaka-recover na ako sa sakit na naramdaman sa unang inibig. Mas mature nga ang pag-iisip ni Gina kesa sa akin. Nakauna man ako sa kanya when it comes to experience in sex, lubhang advanced naman ang pag-iisip niya when it comes to matters of the heart.

‘I also wanted to let you know na sinabi ko na kay Kuya…I had to…ang tungkol sa atin.’ Ang flat nitong sabi.

Tumugudog ang puso ko…Mukhang may idadagdag pa siya.

‘Pinapunta niya tayo rito today. Gusto ka raw niyang maka-usap…masinsinan’ ang hindi ko sana gustong marinig pero parang masong sumalubong sa ulo ko ang panibagong impormasyon. Papunta na rito ngayon si Kuya Anghel.

At parang on cue, may pumarang tricycle sa harap ng restaurant. Nakito kong naka-military fatigue uniform ang bumaba. Malaking tao. Mabigat ang mga hakbang. Papasok sa inasalan…si Kuya Anghel.

Kalmado ang itsura niyang tinungo kung saan kami nakaupo ni Gina. Kung kanina’y parang assertive ang dalaga, ngayon ay para siyang tutang napagalitan. Nakayukong tinitignan ang mga tuhod niya. Inabot ni Kuya Anghel ang sariling kamay sa direksyon ko. Nangungumusta. Automatic na umakyat din ang kamay ko para abutin ang handshake niya. Hindi nagbago ang walang emosyon niyang mukha pero narinig ko ang paglagutok ng sariling buto ng maglapat ang mga palad namin.

Umupo kami…Nagsalita siya.

‘Hindi ko gusto tong ginawa ninyo. Bata pa kayo. Pero nangyari na ang nangyari’ pabungad nito. Napalunok ako.

‘Mabuti, na sinabi sa akin ni Gina. Pero mali pa rin ang ginawa niyo. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang nararapat gawin at nakapag-desisyon na ako’ dagdag nito.

‘Bukas ay papauwiin ko na si Gina sa probinsya. Hindi na muna kayo magkikita sa ngayon’ ang malamig niyang sabi.

Halatang nabigla ni Gina. Hindi yata niya inexpect ang in-announce ng sariling kuya ngayon ngayon lang. Nanlaki ang mga mata nitong nangusap sa kapatid.

‘Alam ko. Iba ito sa pinag-usapan natin kanina. Pero ito na ang desisyon ko. Tinawagan ko na sina nanay at susunduin ka nila bukas’ pagtatapos ni Kuya Anghel. Kita sa mata niya na walang room for discussions. Tagapakinig lang kaming dalawa ni Gina today.

Parang binaligtad ang mundo ko. Nakita kong nangingilid ang luha ni Gina pero ako man ay parang nagkaroon rin ng napakalaking bayabas sa lalamunan. Hindi ko kayang lulunin…hindi ko kayang tanggapin.

Pero hindi na hinintay ni Kuya Anghel na makapagsalita kaming dalawa ni Gina. Final na ang sinabi niya. One-way at unfair pero yun ang desisyon niya…tatanggapin namin yun, sa gusto man namin o hindi.

‘Gina, iiwanan ko na kayo dahil babalik pa ako sa trabaho. Pero ayokong marinig sa ate mo na hindi ka pa nakakauwi. Tapusin niyo na ang kinakain niyo at huwag na kayong magpadilim’ ang firm niyang sabi. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad palabas sa restaurant. Parang siyang ipo-ipong dumating at umalis. Kami naman ni Gina ay parang sinalantang naiwan, hindi makapagsalita. Devastated na nagtitinginan. Huminga ng malalim ang dalaga at tumulo ang luha sa pisngi.

‘hhhh…hindi ko inexpect yun…hhh…iba ang usapan namin kaninang umaga…putah…hhhh’ patuloy na tumutulo ang luha ng dalaga pero pinipigil niya ang sariling umiyak ng tuluyan. Tumingin sa akin, naghahanap ng lakas na hindi ko kayang ibigay.

‘Hindi ko alam kung anong sasabihin…you raised my hopes up pero mas basag mo akong iiwanan bukas…putang inang buhay to…I really don’t know what to believe anymore…’ hindi ko na rin napigilang magmura…hindi sa kanya, pero parang wala na rin akong pakialam.

Bumulwak ang kanina pa pinipigilang luha ni Gina. Napayuko na lang ito habang patuloy na tumutulo ang maalat na tubig mula sa mata niya…hindi na niya sinasalo ng sariling kamay…patuloy na hinayaang basain ang suot niyang palda. Ako naman ay parang nag-numb na ang damdamin sa realization na mawawala na sa akin ang dalaga bukas. Ang pangalawang dalagang bumihag ng puso ko. Ang pangalawang babaeng bumiyak sa puso ko.

Pinabalot na lang namin ang inorder na manok. Nagtatakang tumingin sa amin ang waiter pero after a while ay bumalik na rin ito dala-dala ang doggie bag. Umalis na kami. Hindi sumakay sa tricycle…nilakad ang halos dalawang kilometrong distansya pauwi.

Para kaming mga zombie. Walang imikan…nakatingin lang sa malayo…umuusad ang mga paa papunta sa direksyong hindi naman talaga namin nais tahakin. Ito na ang huling mga oras ng pagsasama namin. Sa tono ni Kuya Anghel ay hindi ko na muling makikita si Gina after this. Napupuno na rin ng luha ang mata ko…hindi ko hinahayaang tumulo kaya nabu-blur ang paningin. Kaya ko to…ang pilit kong pangungumbinse sa sarili.

Dumating kami sa plaza at nakita kong dumiretso si Gina sa isa sa mga bench. Sinunod ko siya pero hindi ko makita ang point ng pag-delay at pag-iwas sa alam naming katotohanan…Minahal namin ang isa’t-isa sa maling panahon.

Ilang minuto kaming naupo…nakatingin lang sa malayo. Consumed sa sari-sariling mga emosyon. Galit sa mundo…galit sa sarili…

‘…Hindi natin makakayang takbuhan si Kuya Anghel. Alam mo yun…putang ina, ansakit! Hhhh…’ ang paputol-putol nitong sabi habang malalim na humihigop ng hangin. Nahihirapan na siyang huminga. Hindi ko makayang sumagot pa kaya inakbayan ko na lang si Gina. Tuluyan na siyang humagulhol sa bisig ko.

‘Masakittt…huhuu…putang ina!! Ansakiittt….hhhhh’ ang sabi pa niya pero hindi ko na rin marinig dahil hindi ko na rin nakayang pigilin ang sariling luhang bumuhos sa pagkawasak ng dam ng mata. Nagyakap kami ni Gina. Hindi pansin ang mga matang dumadaan at tumitingin sa amin. Matagal…mahigpit…walang pakialam sa mundong hindi naging mapagbigay sa dalawang kaluluwang ngayon lang nagtagpo.

Ito na nga siguro ang huling pagkikita namin ni Gina. Hindi happy ending pero ganun lang talaga. Reality bites. Pilit man naming intindihin ay hindi namin makuha ang point ng nakakalitong biro ng buhay. Hindi kayang i-explain ng mga mura naming isip kung paano napatay ng sambasong tubig ang sandagat ng apoy.

=============

Sana nagustuhan nyo kahit walang ‘boner’. Comments are always welcome.

Barny