Sa iyo to River quickie…

Author Name: Survivor | Source: pinoyliterotica.com

Hello mareng river… Alam ko na habang sinusulat ko tong post na ito eh ngawa ka pa rin ng ngawa. Hehehe. Hay naku, gusto ko sanang itanong kung ano yung sense ng pinaggagawa natin pero alam ko na rin ang sagot eh. Wala…

Well, gusto ko lang sabihin ang saloobin ko sa nangyaring insidente sa atin. At sana matapos na yun? Yun sana ang gusto kong sabihin kaso… Ewan… Sa totoo lang, na-excite ako sa palitan natin ng walang wentang kalechehan eh. Whew!!!

Pero unahin ko muna ang saloobin ko sayo. Kasi base dun sa mga pinagtataray mo, ang dami ko nakuhang idea kung anong klaseng tao ka eh. Sa totoo lang inisip ko rin talaga kung tama ba na mag-post ako tungkol sayo. Kasi, pareho tayong walang paraan para patunayan o pasinungalingan kung ano ba ang mga sasabihin ko. Pwede mo dalhin tong issue na to sa korte, pero magiging katawa tawa ka lang din. Sabihin na lang natin na, yun ang obserbasyon ko.

Una, ano ba nakain mo at gumawa ka pa ng bagong account para lang bungangaan ako? Wala ako proof na ikaw yun diba? Hehehe. Kaso mo madali naman kasi kumuha ng clue sa katarayan mo eh. Una, pareho kayo mag-construct ng sentences. Pangalawa, lagi kayong spokening-dollar, kahit usapang kanto na ang tema. Pangatlo, bakit naman kasi sumalo ka pa sa tarayan. Tuloy nakuha ko yung pattern ng tirada mo. Kung baga sa crime scene, andun lahat ang finger print mo sa lahat ng sulok ng bahay. Buko ka na bakla…

Pangalawa, base dun sa unang obserbasyon ko, nakuha ko, na ikaw yung tao na maraming kaduwagan sa katawan… Ang sakit sa mata basahin ano? Mas masakit yun pag sinabi sayo. Hehehe.

Pangatlo, eto yung matindi. Ang dami ko nakuhang pattern na nagsasabi sa utak ko na isa ka nga talagang bakla… Yun ang matagal ng tanong sa utak ko…

Actually, eto kasi yung obserbasyon ko sayo bago pa lang ako nakapasok dito sa PL. Nung una tanong lang ito, pero kalaunan naging curious talaga ako sayo eh. Kasi, nung mag-post si Mysterious ng poem nya at nag-comment ka, nagtaka ako bakit ganun ang comment sayo pabalik. Sa totoo lang hindi ko rin napansin gaano kung ano ang comment mo dun pero hindi lang isa yung nag-comment ng sablay sayo eh. Bakit?

So ayun, sa kalaunan na pagbasa ng malalaswang istorya. Hayyy… Sige na nga, nakakalibog na istorya. Ayun, madalas ko na mabasa mga comment mo. At sa totoo lang, iba eh. Well thought out naman ang lines, may sense din naman. Pero bakit parang may sablay na hindi ko maintindihan? Medyo nabuo ng konti ang incoherent thoughts ko ng may magsabi sa akin sa chat na posibleng bading ka. Hmmm…

Pero hindi ko pa rin masigurado at wala din naman ako pakialam. Kaya nga caveman ang tawag ko sayo eh. Ikaw kasi yung tao na basta na lamang magsusulat ng kung anu ano sa pader, tapos kung may mga tangang mambabasa na mag-comment na taliwas sayo eh mas lalong taklesa ang sagot mo. Hindi mo maipaliwanag ng maayos sa mata ang punto mo. Sablay talaga eh.

Pero may nakita ako na maliliit na pattern sa mga comment mo na nagbibigay ng dagdag hmmm sa akin eh. Lately lang nag-comment ka sa post ni boobsy. Katanggap tanggap naman basahin, pero parang walang dating ba, na magtatanong ka talaga kung lalake ka nga ba.

Tapos eto na po… Nagtaray ka na. Grabe yon!!! Ang dami mo isiniwalat sa pagkatao mo… ano yun?

Mahilig ka magsabi ng fag… Syempre alam mo na ibig sabihin nun. Eto lang kasi, well, sa aking karanasan lang ito ha, wala kasi ako kilalang lalaki na nagsasabi ng ganun sa kapwa lalaki lalo pag away na. Bakit? Kasi, kung gusto mo talaga pasukuin ang isang lalaki sa laban, hindi mo sasabihin na bading sya. It tends to trigger the male dominance response sa lalaki at dumarating yun sa punto na patay kung patay na ang tema ng usapan. Kaya nga bakla ang tawag ko sayo sa unang parte eh… Sa totoo lang ayoko talaga matapos yung banggaan natin. Grabe yung excitement ko nun. Hehehe.

Ok na sana ang tirada mo as quickie eh. Tapos kunwari hihirit ka as river. Eh nung huli bigla ka na lang nag-comment na rereypin mo ko. Ha!!!! Wala akong kilalang guy na nagsabi nun sa away na rereypin kita… Kahit bakla pa ang kasagutan nya… Hello!!!

Kaya eto na ako ngayon, buo na ang opinion ko sa pagkatao mo. Isa kang bakla… In the truest sense of the word… Of course posible na sabihin mo na “Eh ano ngayon kung bakla nga ako?”. Yun ang punto ko sayo river, wag mo itago. Dahil walang masama kung bakla ka nga.

Ikaw kaya, yun ba rin ang opinion mo sa akin? Hmmm… Lam mo ba na nung bata ako eh akala nila na bading ako? Eh paano ba naman, kung makatili ako eh napakatinis talaga. Halos lahat sila ang tukso sa akin eh ganun nga. Lumalantik din ang daliri ko pag may hawak ako na tasa. At mahilig din ako mag-cross ng legs pag nakaupo. Pero maliit pa lang ako meron na talaga ako babe na gusto. At pag tumingin ako sa babae na malagkit, yun eh hindi dahil pinagnanasaan ko sya makulutan kundi makanTOOOOOOOOOOOT. Moderator, bakit mo ko bini-blip? Sex site ito diba?

Ang punto ko kasi, komportable ako kung sino ako. Ikaw ba, komportable ka ba? Base kasi sa mga comment mo, palagay ko hindi.

Kaya nga ang kulit ko magsabi sayo na mag-post ka ng story mo eh. Yung kung ano ka talaga. Wala lang, para lang maintindihan kita. Ang problema mo kasi, feeling mo masyado ka na notorious na pag nag-post ka ng story mo, natatakot ka na ma-firebomb. Yun ang problema sa pagiging prick. O posible rin naman na natatakot ka sa reaction ng naming mga readers sa mababasa namin sa story mo. Ang totoo bilib din naman ako sayo mag-construct ng sentence eh. Kaya nga nagtataka ako bakit kampante ka na lang mag-criticize ng ganun na lang pero wala ka naman maipakita na post mo. Tapos babanatan mo pa ako ng “Respect is earned”. Ok ka lang? Gusto mo ikaw lang ang rumispeto pero ayaw mo na respetohin ka din? Hindi ko yun maintindihan. Ginagaya mo naman masyado si Simon Cowell eh.

Ano nga ba ang reason bakit ka nagtatalak ha? Kasi ang tanda ko, nag-post lang ako ng comment kay kalami na nagtatanong kung sa kanya ba yung story na yun o copy nya lang sa iba. Sumagot si kalami ng maayos, sumagot din naman ako sa kanya ng pinakamaayos na sagot ko. Yung kung ano lang talaga ang nasa utak ko. Paano ka nag-freak out dun ha?

Sabi mo you were pissed off with me throwing myself around. Wow!!! Bakit? Ano yung problema mo dun? Kala mo tigasin ako na kung sino na lang ang binabangga ko? Na sobra na ang pagiging taklesa ko? Tingnan mo yung mga comments mo sa mga post marekoy. Nasasapawan ko na ba ang kabaklaan mo dito sa PL? Ngiiii!!!

Tapos sinabi mo rin na naapektuhan na ang utak ko ng fame. Fame? Ano yun? Fame ba sayo yung malaman ng mga readers na bigo ako makuha yung babaeng gustong gusto ko? Fame ba yung malaman ng mga readers na sablay ang relasyon namin ng babaeng pinakasalan ko? Fame sayo yun? May hall of fame ba sa mga writers ng best sablay stories dito sa PL? Ipaliwanag mo kaya sa akin yun ng mas maliwanag, ha river…

Hindi mo kasi naiintindihan ang pakiramdam ko habang sinusulat ko yung story ko eh. At lalong hindi mo alam ang pakiramdam na malaman na meron palang mga tao na ganun din ang istorya ng buhay. Na kahit pala sa ganitong site, meron din palang mga tao na handang umintindi sayo at unawain ka. At maaring hindi mo na rin maiintindihan yun kasi hindi mo gagawin ang ganung bagay. Bakit? Puno ka kasi ng takot sa katawan.

Hindi kaya naiinggit ka lang sa konting tapang na pinakita ko ng mag-post ako ng story ko? Ha river?

Bakit ko nga ba sinasabi sayo tong mga bagay na to? Wala ka rin naman pakialam sa akin di ba. Yun na rin kasi ang tingin mo sa akin diba. Taklesa, mayabang, at kung anu ano pa. Sa totoo lang wala rin ako pakialam eh. Kasi mababa rin naman ang tingin ko sayo. Wala nga ako respeto sayo sa totoo lang.

Sinasabi ko tong mga bagay na to para malaman na rin ng mga readers kung ano ako. Yung sino ako, hindi na importante. Hindi lang din iisang confidant ang nagsabi sa akin na may sablay din ako, at hindi ko itatanggi yun. Ilang writer na ba ang tinarayan ko dahil sa sablay na post nila. At ilang members na rin ba ang nasabihan ko ng sablay dahil sa comment nila. Hindi ko na rin mabilang eh.

Guys, sana maintindihan nyo na reader lang ako at hindi self-appointed critic. Tatlong reason lang naman kung bakit ako nagko-comment eh. Una, Gusto ko ang story at maganda ang pagka-sulat. Eh ano ba kung meron na yung kaparehong tema, basta maganda ang pagkakagawa. Pangalawa, Gusto ko ang storyline pero meron lang konting sablay na kelangan lang ng reminders katulad ng paragraph formatting. Nasabi ko na bakit ako ganun ka metikuloso sa formatting diba. Pangatlo, Eto ang pinaka-ayaw ko, mga sablay made stories. Usually Poor formatting at yung mga incoherent thoughts dun sa stories.

Syempre sasabihin nyo na kung hindi ko gusto eh di wag ko basahin. May point kayo eh. Yung post nga ni violet hindi ko na binasa. Opppsss… Wag mag-isip na pangit ang post ni violet. Hindi po. Magaling na writer si violet, at hindi lang sa akin nanggaling ang comment na yan kundi sa isang babe na malaki ang respeto ko as a discerning reader. Kaya lang medyo may issue lang ako sa storyline nya. Wag na tayo mag-focus dun. Takot ko lang din mag-comment ng sablay kay violet. Baka tarayan ako eh tumiklop ako bigla. Buti nga hindi na pinatulan ang comment ko sa kanya noon. Hehehe.

Sa akin lang po, meron kasi mga bagay na kelangan talaga ng pansin natin, kasi hindi tama na hindi natin ipahayag ang saloobin natin. Tulad na lang nung may nag-post ng copy and paste galing sa ibang site. Tama ba naman na kunin mo ang trabaho ng iba. Eto pa ang isa, I’m sure magrereact kayo dito. Yun bang kahit saang site ka magpunta eh nakabandera yung story. Wala naman ding masama dun. Sa akin lang, pag lagi mo nakikita yung post kung saan saang site eh, eyesore na ang dating sa mata kahit yung pinakamagandang story. Sa akin lang yun ha. Stupid_Writer… Baka naman tumataas na ang dugo mo ha? Wala ako masamang tinapay. Hehehe.

Yung mga comments ko naman sa ibang readers natin. Madalas nagpapa-cute lang talaga ako. Pansin nyo naman siguro pag ganun. Minasan din naman, kelangan ko lang talaga din sabihin ang saloobin ko sa comment. Minsan sumasablay din ako hindi dahil sinadya kundi namali lang ng pagkasabi.

May comment din tong si river sa akin eh. May favoritism daw ako. Oo naman! Reader nga ako diba. Hindi ako self-appointed critic na katulad mo. Pag may author ako na nagustuhan, binabalik balikan ko yun. Minsan nga marami ako nami-miss na good story eh. Sizzling_momma, Ilokoslovakia… Ang dami. Tulad na lang ni hunnybun. Akalain ko ba naman na may post pala sya. Kala ko mahilig lang mag-comment kung saan saan. Eto pang si Boobsy… Grabe… Kala ko booba lang ang dating pero grabe pala magsulat. Kasi naman bakit naglalakihang boobs naman kasi ang nasa avatar eh. Biruin ko nga. Sana magkaroon ako ng chance na ma-meet ka in person. Advice lang, wag ka magsusuot ng plunging neckline ha kung boobs mo nga yung nasa avatar. Baka yun na lang kasi ang tingnan ko at wala ng iba pa. Tapos yung sa avatar mo, baka naman pede mo palitan. Nakaka-distract pag nagbabasa ka ng comments eh. Hehehe.

Guys, humihingi ako ng paumanhin kung sa tingin nyo eh may sablay sa mga comments ko. I will try my best to do better next time. Pero nangangako ba ako na hindi ko na gagawin yun? Pasensya na pero mukhang marami pa akong mga sablay comments na magagawa. Hindi dahil sinadya kundi, hindi lang talaga napag-isipan ng maigi. Ganun naman diba. Sa akin kasi, hindi kabawasan sa pagkalalaki ko na aminin na mali ako.

Balik tayo sayo river. Ang problema kasi sayo, hindi mo alam kung paano umatras sa laban na hindi gumagapang. Kaya kung anu ano na lang ang sinasabi mo. Ang resulta, ayun, bruised lagi ang ego mo. Hindi ko naman kailangan ang apology mo at wag mo isipin na ino-offer ko ang hand of friendship ko sayo. Sa totoo lang medyo naiilang din kasi ako sa mga closet queen eh. Magpakatotoo ka na kasi.

Siguro naman napansin mo na hindi ako umuurong. Hindi rin naman ako matapang. Kaya lang may napansin lang ako sa sarili ko habang nagpapalitan tayo ng walang wentang kalechehan. Ikaw kasi “hell hath no fury for a woman scorned”. Ako “Somebody stop me!!!”. Alam mo ba yung movie ni Jim Carrey? Binibiro kita ng Jekyl&Hyde dahil sa quickie account mo, pero sa totoo lang, ako yung may Jekyl&Hyde talaga sa utak.

Naiintindihan ko na ngayon bakit ka ganyan dahil naranasan ko na yung lagi mo ginagawa. Yung bang feeling mo ang laki laki mo pag may tao ka na binubuska. Ganun ka marekoy, at alam ko na yun din ang opinion sayo ng ibang members dito. Ang dali lang naman kasi eh. Mag-comment ka lang ng puro spokening dollar at mag FYI kalechehan ka. Tapos ang laban. Kaso nakita ko yung style mo eh at sa totoo lang, hindi na kita sinabayan sa kalechehan mo dahil ganun din eh. Salitaang kanto pa rin ang usapan. Bakit ko pa kelangan magpa-intellectual ang dating?

Nung nagbabanggaan tayo, may biglang pumitik sa utak ko eh. At imbis na magalit ako, lalo pa ako nag-enjoy sa ginagawa natin. Malas lang kasi at may trabaho ako na tinatapos at dial-up lang ang connection ko at mahal din ang per hour. Pasaway ka eh.

Ibang klaseng thrill ang naramdaman ko dun at sa totoo lang, nasa utak ko na sana maulit uli yun. Nakaka-addict ba. Kaso pag tinitingnan kita, ewan… Ayoko maging pathetic na katulad mo bakla. Kasi addiction pa rin yun eh. At tulad ng ibang nakaka-addict na bagay, masama pa rin ang labas.

Tumahimik ka na lang bakla kung napapagod ka na at hindi kita titirahin. Pero kung gusto mo pa rin ituloy amg kalechehan mo? Nasa iyo na ang baraha.