Kumakabog ang puso k. Gustong kumawala. Parating na ang taong hinihintay ko. Ang taong nagmamahal sa’kin. Ang taong gusto akong alagaan. (ayon sa kanyang mga sinabi)
‘are you the one in violet?’ tanong ko. Magkausap kami sa phone.
‘hindi, hindi ako yan’
‘eh asan ka na ba kasi?’
‘malapit na. San ka ba?’
‘dito nga. On a bench, tapat ng isang flower shop. Wala naman ibang pangit dito. You could easily see and recognize me.’
‘Haha ganon?! Malapit na ko. Relax.’
‘ok. Sige. Ingat.’
Nagmasid ako sa buong paligid habang naka hang ang phone. Pinagmasdan ang bawat taong may kausap at posibleng papunta sa kinauupuan ko. Marami akong nakita at kung gaano kadami ay ganun din kadami ang tibok ng puso ko sa isang segundo. Hindi sila papunta dito. Papasok sila ng mall. Hay. Nasaan na ba yun. ‘Lapit ka na?’ Hindi siya sumagot. Binaba ko na ang phone nang may nakita akong matangkad na babaeng papalapit sa akin mula sa gawing kanan ko. Mahaba ang buhok, mestisa. Relax Sophie, breathe in breathe out. Siya na ba yan.
‘Kanina ka pa?’ panimula nito. Papunta nga sa akin. Kamukha naman niya yung nasa picture kaya hndi na ako nagtaka. ‘um..yah..look at my legs, may kamote nang nakatanim,’biro ko.
‘grabe, sorry naman.’ papaupo siya sa bench.
‘oh wag ka maupo dyan, basa. Pinunasan ko lang ng tissue kinauupuan ako,’ sabi ko saka tumayo para patas.
‘kumain ka na?’
‘yap. Just before you came.’
Nagpatuloy siya sa paghawi ng kanyang buhok na kanina niya pa ginagawa simula nang nagkita kami. Nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan ang punta. Pero di kami pumasok ng mall.
‘kain tayo. Nakakahiya naman sa’yo pinaghintay kita’
‘ganun? Okay lang ako.’
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang tuluyan ng lumubog ang araw. Sa pagpipilit na kumain sinabi kong gusto ko ng pizza pero subalit datapwa’t ay napadpad kami sa isang coffee shop at doon na nagpapawi ng gutom. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Wala namang sweet moments masyado pero palihim ko siyang pinagmamasdan kapag hindi siya nakatingin. Maganda siya. Maganda. Matangos ang ilong. Mapulang mga labi. Mapulang pisngi. Nakakahumaling na mga mata. Maalindog na hubog ng katawan. Gusto ko mapasakanya ngaung gabi. Gusto ko mapasa akin siya ngaung gabi. Ito ang mga pagpapantasyang pumupuno sa aking isip.
‘Nagpaalam ka sa parents mo?’tanong niya saka humigop ng kanyang kape. Kinagat niya ang kanyang labi pagkatapos. (Sana ako na lang ang kumagat non.)
‘Ha?’
‘Bingi lang babe? Kung nagpaalam ka?’
‘Ah oo. Sabi ko bukas ako uuwi,’ sagot ko at nagbigay ng mapanuksong ngiti.
‘I see.’
Lumipas ang mga oras. Magsasara na ang mall. Hindi namin naubos ang cake na inorder namin kaya pinatake out ko. Kawawa ang mga batang nakatira sa kalye at walang makain ayon sa kanya.
Maya maya ay nagdesisyon na kaming umalis. Naglakad at humanap ng taxi. Papunta kami sa isang hotel sa di kalayuan. Doon kami magpapalipas ng gabi.
Habang nasa byahe ay kung ano-ano na naiisip ko. OK. Matitikman ko siya. . .sana. Sabi ko sa sarili ko. Kahit halik lang busog na ko. Hawak niya ang aking braso. Pinipisil ito paminsan minsan at inilalakad ang kanyang mga daliri dito. Tahimik lang ako at nakamasid sa aming dinadaanan. Humanda ka sa kin mamaya. Pinapainit mo ako- tanging laman ng isip ko.
Mabilis kami nakarating. Hindi naman malayo ang hotel. Nagbayad na siya at bumaba na rin. Agad na rin akong bumaba at tinungo ang pintuan ng hotel. Naguusap ang aming mga mata. Naghintay ako sa lobby habang kausap niya ang receptionist. Habang naghihintay ay pinagmasdan ko ang sarili sa salaming bintana ng hotel. OK. Maayos pa naman itsura ko di pa naman nakaka turn off. Ilang minuto lang ay tinawag na niya ako. Tinungo na namin ang elevator. Pinindot niya ang pang apat na palapag na buton. Humawak uli siya sa akin habang naghihintay. Nag uusap kami paminsan minsan, pero kung ano-ano lang.
Di kalaunan ay narating namin ang aming kwarto. Hindi naman kalakihan pero di naman econo room.haha..Dumiretso ako sa kama at naupo. Pinatong ko ang aking gamit sa lamesang katabi nito. Naupo na din siya at nag ayos ng gamit. Mas ramdam ko na siya ngayon dahil sa maikling pagitan lang namin sa isa’t isa. Naamoy ko ang halimuyak ng kanyang buhok. Kumakabog ang dibdib ko. Napapahinga akong malalim ngunit di ko iyon pinapahalata. Sa bawat dampi niya sa balat ko ay kakaibang init ang aking nararamdaman. Ang lakas ng dating niya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinawakan ko rin ang sa kanya. Tumingin ako sa kanyang mga mata saka ngumiti. Binuksan niya ang kanyang mga labi at nagsimulang magsalita. ‘Pinupuyat mo ko.’
‘Ha?’ buong pagtatako ko at nakakunot ng kilay.
Natahimik siya at hindi ako sinagot. Anong pinupuyat sinasabi niya. Ibig niya ba sabihin lagi niya ko iniisip at hindi siya nakakatulog?
‘Babe, ano?’ tanong ko at hinila ang kanyang kamay at ipinulupot sa bewang ko. Lumapit pa ako ng bahagya sa kanya. Ang init kahit aircon. Nakakahumaling talaga siya.
ITUTULOY..BE PATIENT.hehe