Pinakamamahal… (Ikalawang Yugto)

Author Name: undeniably_hot | Source: pinoyliterotica.com

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa nang unang bahagi nito at sa mga gusto pang basahin ang 1st part, eto po ang link:

Sana po magustuhan nyo ang ikalawang bahagi… :)

——————————————-

“Bakit basta ka nalang nawala Trixie? Anong kasalanan ko sayo?” tanong nya sakin na halos bumubulong na lang. Kitang kita ko ang sumusungaw na luha sa mga mata nya. At ako, ipinagkanulo na rin ako ng aking mga mata… nag uunahan na sa pagpatak ang aking mga luha….

“Trixie, anung nagawa kong mali…. Bakit basta mo na lang ako iniwan?” bumubulong nyang sumbat sa akin habang marahan nyang hinawakan ang aking mga pisngi at pilit na inilalapit sa mukha nya.

Nanatili lang akong umiiyak. Gustong gusto ko din syang yakapin. Gustong gusto ko syang hagkan… Gusto kong sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya… Na walang araw sa loob ng limang taon na hindi ko sya naisip… Na hanggang ngayon, sya pa rin ang laman ng puso ko… Pero nanatili akong pipi. Parang ayaw lumabas ng mga letra sa labi ko…

“Trixie, please…say anything…” muli nyang usal na may halong pagmamakaawa.

“Mike… just let me go…please…” ang naisagot ko sa kanya.

“I know that you still love me Trix… I’ve spent half a decade looking for you and If you can’t give me a valid reason right now why I should let you go, I’m sorry but I won’t,” tugon nya sakin.

Kitang kita ko ang mga luha na naglalandas sa mga pisngi nya at ganun din ako.

“Mike, I need to leave na. It’s getting dark already. Thank you for taking time to talk with me but I am not in my best condition right now…” pag iiba ko sa usapan namin habang pinupunasan ko ang mga luha sa aking mata.

Napabuntunghininga na lang sya at bahagyang napalo ang manibela tanda ng kanyang pagkadismaya.

“Okay, I’ll just bring you home,”maya maya ang salita nya.

Nanatili akong nakatungo. Ayoko nang magsimula ng kahit na ano pang usapan. Nagtatalo na ang puso at isip ko… Konting konti na lang alam kong ipagkakanulo na ko ng puso ko… Wala kaming imikan pareho hanggang dumating kami sa bahay na aking tinutuluyan.

‘Maraming salamat sa paghahatid,”

Maagap nyang ginagap ang aking mga palad bago ako nakalabas ng pinto ng kotse.

“Trix, I won’t give up…till you love me again…” sambit nya sakin.

Marahan kong inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak nya. Napapaso ako sa bawat dampi ng anumang bahagi ng katawan nya sakin. Gustong gusto kong tugunin ang lahat ng yon ng pagmamahal na sumisigaw sa puso ko pero pilit ko pa ring pinangingimbabaw ang isip ko. Ayoko na ulit masaktan. Alam kong hindi kami bagay. Tanggap ko na yon…. Makakahanap din sya ng ibang babae… yung bagay sa kanya… at alam kong hindi ako yun… kailanman…

Pagod na pagod ako na sumalampak sa sofa ng bahay. Parang sobrang dami kong pinagdaanan sa buong araw. Pagod na pagod ang isip ko… pagod na pagod ang puso ko… Humagulhol ako ng humagulhol hanggang wala nang lumabas na luha sa aking mga mata. Gusto kong ubusin lahat ng pakiramdam ko… Gusto kong maubos na lahat ng pagmamahal na meron ako para sa kanya… Ayoko nang mahalin sya… Limang taon na ang nakakalipas… Nasanay na kong wala sya… Bakit kelangan pa nyang bumalik… Bakit kelangan nya pa ulit guluhin ang buhay ko…

Maya maya ay naisipan kong i-dial ang number ng bestfriend ko nung college na kaibigan din ni Mike.

“Trix?” tugon ng nasa kabilang linya.

“M-mindy…,” humihikbi kong tugon sa kanya.

“Trix, why? What happened?” ang may halong pag aalalang tugon nya sa kabilang linya.

“H-he’s back Mindy…” at dumaloy na naman ang luha sa pisngi ko.

“What do you mean? Who’s back?” nalilitong tanong ni Mindy sa kin.

“Mike….. He’s back….” Ang tangi kong naitugon sa kanya.

“Oh! My friend… I’ve been taking with him… since a year ago pa… Sorry friend, pero ayaw nyang ipasabi sa yo…” tugon ni Mindy sa kabilang linya.

“What do you mean since a year ago pa?” tanong ko sa kanya.

“He has been looking for you since we graduated. Trix, mahal ka talaga nya. Ayaw nyang ipasabi na nag uusap kami. He is too afraid to gamble na malaman mo na alam nya kung nasaan ka. Friend, don’t you think you should give it a shot. Mahal ka nya at mahal mo din sya. Wag ka nang magkaila kasi ramdam na ramdam ko,” tugon ni Mindy sakin.

“Mindy, I’m too afraid to try. Ayoko nang masaktan. Ayokong mawala sya sakin pag nakita nya na kung sinong bagay sa kanya. Maybe, his ego was just too hurt at ngayon, gusto nya kong balikan dahil dun.” Ang pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Trix! Naririnig mo ba sarili mo. Wala ginawang masama sa yo yung tao kundi ang mahalin ka. Kung may nanakit sa inyo, hindi sya yun! Limang taon na girl! Pero hinanap ka nya. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para maisip mong hindi sapat ang lahat ng kung anuman na meron sya para mapunan ung kawalan mo sa buhay nya!” tugon ni Mindy sa kabilang linya na nanggagaliiti na sa galit sakin.

Ibinaba ko na ang linya. Tumatawag si Mindy sakin pero di ko na sinagot. Kailangan kong mag isip. Kailangan kong mapag isa… Masyadong magulo ang isip ko talaga. Pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit pero hindi ko pa man nahuhubad ang aking pang itaas, may nagdoorbell na.

Peste, sino ba to! Sa isip isip ko. Kung kelan magang maga ang mata ko saka pa ako nagkabisita. Tamad na tamad akong lumakad papunta sa pintuan ng bahay.

Doorbell ulit.

“Sandali lang!” sigaw ko sa taong nasa labas.

Marahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang nakita ko si Mike sa labas. Basang basa ng ulan. Umuulan na naman pala ng malakas at dahil kailangang lakarin mula sa parking area hanggang sa loob ng compound ng bahay na tinutuluyan ko, nabasa sya. Pati bahay ko pala ay alam na din nya.

“Mike! Anong ginagawa mo dito?” nagulat kong tanong sa kanya.

“Trixie!” at mahigpit na mahigpit nya kong niyakap. Yung yakap na para bang takot na takot sya dahil anytime pwede akong mawala sa kanya.

“Walang araw sa loob ng limang taon na hindi ka laman ng isip ko” humahagulhol nyang bulalas sa kin habang nakayakap pa rin.

“Mahal na mahal kita Trixie! Ayokong mawala ka sa kin! Para mo nang awa! Kahit ano gagawin ko mahalin mo lang ulit ako,” pagpapatuloy nya.

“Mike…” ang tangi kong nasambit.

“Trixie, I don’t know what I did for you to run away but just tell me… just tell me what I need to do… Kaya kong iwan lahat ng bagay para sayo. Mahal na mahal kita Trix!” bulong nya sakin habang hinawakan na naman ang magkabilang pisngi ko at inilapit sa kanyang mga mukha.

Hindi na ko makaiwas ng tingin sa kanya. Masyado na kong ipinagkanulo ng damdamin ko. Idinampi nya ang mga labi nya sa labi ko… Marahan… Madiin… Kapwa kami lumuluha… Kapwa malakas ang tibok ng aming puso… Nasundan pa ang halik na yon… mas madiin…mas mapusok… mas nag aalab…

Itutuloy po ulit!!!!