Pinakamamahal…

Author Name: undeniably_hot | Source: pinoyliterotica.com

Sobrang late na ko for work nang araw na yun at bad trip pa kasi umuulan ng malakas! Ang lakas lakas ng hangin kaya nabali pa yung payong ko. Naiiyak na ako sa sobrang inis. I have a 9am client meeting and it’s already 8:45! Nasa Mandaluyong ako at Makati ang trabaho ko.

Ano bang gagawin ko, ndi na ko makaalis sa waiting shed na kinakatayuan ko. Basang basa na ng ulan ang damit ko. Papasok pa ba ko o magtetext na hindi na makakarating sa meeting na ako pa mismo ang nagset. Nakakainis talaga! Lagot na naman ako sa boss ko. Katakot takot na sermon na naman to. Bwisit talaga! Ang swerte swerte ko!

Nakatayo padin ako sa waitng shed at sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko… Maya maya nagulat na lang ako kasi merong bumisina sa kin na sasakyan…. Ako lang ang nakatayo sa waiting shed nay un pero ndi ko pinansin ang kung sino man na nasa loob.  

“Sino ba to?” sa loob loob ko na lang.

Maya maya, hindi na lang bumubusina ang nagdadrive ng sasakyan. Binuksan nya na ang bintana ng kotse nya.

Bahagya akong tumingin sa kung sinumang nagdadrive at nagulat ako…. Si Mike ba to? Si Mike na ex ko nung college? Si Mike na miss na miss ko pa din hanggang ngayon…

“M-mike?” nag aalangan kong tanong sa kanya.

“Yes, Trixie it’s me. Parang nakakita ka ng multo. Common, hop in! Wag ka nang tumanggi kasi hindi ka makakaalis dyan. Masyadong malakas ang hangin at ulan. Sa  Makati ka nagwowork di ba? Dun din ako papunta. Sakay ka na.” aya nya sa kin.

Nag aatubili akong sumakay sa sasakyan nya pero talagang late na ko at kelangang kelangan kong um-attend sa client meeting na yun kundi we’ll end up losing the account. Kaya kahit nagdadalawang isip, sumakay pa din ako sa kotse nya.

“ So, after 5 years, how are you?” pangungumusta nya sa kin.

Limang taon na nga pala… napakaraming taon na nga pala ang nakakalipas… Nasa college pa tayo when we both last see each other… Ibang iba ka na ngayon Mike… Mas lalo kang gumuwapo… Mas lalo kang naging mabango… Mas lalo kang malayong maabot… sambit ko sa aking isip….

“Hey! Hindi ka na nagsalita dyan… I said kumusta ka na?” ulit nya sa tanong nya sakin.

“ I-I’m doing fine. Thanks for the ride nga pala ha. Buti nakita mo ko.” Tugon ko sa kanya.

“Yes. Thanks God, I found you again.” sambit nya sakin habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Nakakapaso ang mga tingin nya. Parang gusto kong matunaw….

“Trixie…”

Walang tugon….

“Trixie…” ulit nya sa mahinang pagtwag sakin at muling sumulyap sa driver’s seat kung saan ako nakaupo.

“W-what?” mahinang tugon ko sa kanya.

“Can I see you after work today?” tanong nya sakin.

“B-bakit pa?” tugon ko sa kanya.

“I just need to move on…. Please…” wika nya sa kin.

“Mike, it’s been 5 years… are you playing a trick on me?” iritable kong tugon sa kanya pero ang totoo takot na takot ako sa mga susunod pa nyang sasabihin sa kin.

“Please Trix… just give me this time…. Please….” Halos nagmamakaawa na ang tono nya.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang itutugon ko o mas tamang sabihin na gustong gusto talaga ng puso ko na makipagkita sa kanya. Pero sabi ng isip ko, wag na masasaktan lang ako.

“Trix, RCBC Tower, 6pm, I’ll wait for you at the lobby,” muli nyang basag sa katahimikan.

“Pano mong nalaman ang…”

“I know everything about you, so please… give me just this one night…. Please” muli nyang pagmamakaawa sa kin.

“Pakibaba na ko please. Ayan na ang building ko. Thank you for the ride.” Pag iiba ko sa usapan namin.

“ Trix, I’ll wait for you…” habol nya sakin at kitang kita ko ang pagiging desperado sa mukha nya.

Dali dali akong bumaba ng kotse nya at halos lakad takbo akong pumasok sa loob ng RCBC Tower. Gusto kong makalayo sa kanya. Gusto ko ulit syang takasan. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinepress ang number ng floor ng office namin. Hindi ko maubos maisip na magkikita pa ulit kami pagkatapos ng limang taon at ang nakakapagtaka, bakit nya alam kung san ako nagtatrabaho… at bakit nasabi nyang alam nya ang lahat sakin.

Halos hindi ko na alam kung panu ako nakababa ng elevator at nakarating sa cubicle ko.

“Trixie, cancelled daw client meeting. Hindi makakapunta sina Mr. Smith kasi masama ang panahon, delayed ang flight nila,” salubong sakin ng katrabaho ko na si Maritess.

“Thanks Tess,” halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Parang di ko din kaya magpresent sa client meeting. Nagulo utak ko. Mike…. hmmmm…. Bakit… Limang taon na ang nakakalipas…

Buong maghapon akong wala sa isip. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Pupunta ba ko o hindi. Ano bang pag uusapan namin. Tapos na ang lahat sa ming dalawa. Pero bakit pa kami mag uusap… Ayoko na syang kausapin…. Ayoko na ulit masaktan… Iniwan ko sya dati… Iniwan ko hindi dahil hindi ko na sya mahal… Iniwan ko sya kasi alam kong kahit anong gawin ko hindi kami magiging bagay.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan nya sakin nung college kami pero sa dinami dami ng babae, ako yung pinansin nya. Si Mike… a campus crush, varsity player ng basketball, matalino, simpatiko at mayaman. Lahat ata ng hinahanap ng isang babae nasa kanya na. Isa lang akong simpleng mag aaral. Student assistant sa library na madalas nyang tambayan at sa library din yon nagsimula at nagtapos ang love story namin.

Wala kaming pormal na hiwalayan. Wala din kaming pinag awayan. Pkramdam ko lang na sa lahat ng lugar na puntahan namin, ako lang yung hindi bagay. .. ang liit liit ng tingin ko sa sarili ko kapag kasama ko sya. Naiisip ko parati nun, anu bang meron ang hampas lupa na katulad ko para pansinin ng isang tulad nya. Hindi na ko sumipot sa mga usapan namin. Pilit ko syang tinaguan sa lahat ng pagkakataon hanggang nagpasya na kong lumuwas ng Maynila para magtrabaho at di ko akalain na magkikita pa kami dito.

6pm, hudyat na ng time out ko. Ayokong bumaba. baka makita ko sya dun. Natatakot akong harapin sya. Di ko alam ang sasabihin ko…. Hmmmppp… Bahala na…. haharapin ko na lang sya…. Bahala na talaga…. Bahala na….

Nanginginig na ndi lang ang mga daliri ko kundi pati ang tuhod ko. Para bang may multo na nag aabang sakin sa baba pagbukas ko ng elevator…

Presto! Pagbukas ng elevator sya ng ang nabungaran ko!

“Hi Trixie…,” si Mike habang inaabot sa kin ang isang bouquet ng red roses.

“Para san to Mike,” singhal ko sa kanya.

“ Just my way of saying Thank you that you allowed me to talk to you…” seryosong seryoso nyang tugon sakin habang matiim na naming nakatingin sa mga mata ko. Napapaso na naman ako kaya ako na ang unang nagbaba ng tingin.

“My car is parked sa likod ng People Support, let’s just walk,” aya nya sakin at ako naman ay parang bata lang na nakasunod sa kanya.

Sa kotse, hindi nya muna pinaandar ang sasakyan. Nakatigil lang kami. Tahimik na tahimik ang loob ng sasakyan. Ayokong magsalita. Wala talaga akong sasabihin.

Maya maya bigla nya na lang ako niyakap…

“Trixie! I miss you so much!” ramdam na ramdam ko ang pnanabik sa boses nya. At ang tanga tanga ko naiiyak ako per pilit ko pa rin pinakakawalan ang sarili ko sayakap nya.

“Mike, ano ba?!” tugon ko sa kanya habang inaalis ang pagkakayakap nya sakin.

“Bakit basta ka nalang nawala Trixie? Anong kasalanan ko sayo?” tanong nya sakin na halos bumubulong na lang. Kitang kita ko ang sumusungaw na luha sa mga mata nya. At ako, ipinagkanulo na rin ako ng aking mga mata… nag uunahan na sa pagpatak ang aking mga luha….

Itutuloy po…. :)