Panaginip

Author Name: calihubby | Source: pinoyliterotica.com

Hello guys. I wrote this for my girl. She likes it a lot so I’ll share it with you. Bago lang ako dito sa pl and i really enjoy reading hot stories.  More than 10 years na pala ako dito sa cali pero every year umuuwi ako for vacation.  Anyway, here it goes…

Eksaktong alas diyes nang ako’y humiga. Kadalasan ay mag-aalas dose ng hating-gabi bago ko patayin ang ilaw para matulog. Pero ngayon ay sinadya kong magpahinga ng mas maaga kaysa nakagawian. Marahil ay dala ng pananabik sa muli naming pagkikita ni Airina. Halos isang oras na akong pabaling-baling, yakap ang unan ngunit hindi pa rin dalawin ng antok. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula ng kami’y unang magkita. Dahil nga sa hindi ako makatulog ay sinariwa ko na lamang ang nakaraan.

Mabilis siyang lumipat sa aking sasakyan matapos niyang pumarada sa isang ligtas na lugar. Sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang kanyang kagandahan. Ang maamo nyang mukha, banayad na ngiti at alun-along buhok. Hawig nga ba niya si J-lo? Sa kanyang hapit na silky halter at cargo pants ay litaw na litaw ang kanyang magandang hugis. Hindi maitatago ang makinis niyang kutis.

Malumanay naming binagtas ang daan patungo sa kung saan. Panay ang sulyap ko sa kanya habang nagmamaneho. Napansin kong nakahalukipkip siya, tila may bahid ng pangamba. Ipinatong ko ang kanang kamay sa kanyang braso upang pawiin ang ano mang alinlangan. Marahan kong hinimas ang kanyang bisig na noo’y malapit na sa kanyang dibdib. Hindi maiwasang masanggi ko ang kanyang hinaharap. Marahil ay manipis ang suot niyang bra kaya damang dama ko ang lambot ng kanyang dibdib. Parang bulak ang pakiramdam nito sa aking hinliliit.

Halos mawala ako sa tamang linya ng freeway dala ng kakaibang kiliti. Napansin niya iyon at bahagya siyang napangiti. Sukat doon ay hindi ko na napigilan ang pag umbok sa aking harapan. Medyo nakatagilid ito kaya hindi kumportable. Naroon pa rin ang kaba sa susunod na mangyayari.

Patuloy pa rin ang paghimas ko sa kanyang bisig at pagsagi sa malambot niyang harap. Gusto ko sanag hawakan iyon ngunit nag-alangan ako baka sya magalit. Sa puntong ito’y naghuhumindig na ang aking pagkalalaki kahit ito’y wala sa tamang pusisyon. Sa tuwing susulyapan ko siya ay napapabulong ako sa sarili, mas maganda siya sa personal.

Ilang buwan na kaming nagtatawagan sa telepono. Halos tatlong beses sa isang araw na magkausap. Bukod pa doon ang palitan ng emails at pictures. At ngayon nga ay magkasama na kami sa unang pagkakataon. Mabibigyang laya na rin ang kinikimkim na damdamin. Damdaming iningatan at inalagaan sa kabila ng aming kalagayan. Hindi ko maubos maisip na ito’y tuluyang magaganap.

Bumangon ako sandali para uminom ng tubig. Napansin kong mag-aalas onse na. Pagkainom ko ay nagmamadali akong bumalik sa higaan. Gusto ko na talagang matulog pero di pa rin ako dalawin ng antok. Ayaw kong tanghaliin nang gising dahil maaga kaming magkikita. Siguro, sa sobrang kasabikan kaya gising na gising pa rin ako. Muling bumalik sa aking gunita ang mga sumunod na pangyayari.

Room one-three-eight ang ibinigay sa amin ng attendant. Binuksan ko ang pinto at pinauna ko siyang pumasok. I was checking her out. Matambok at bilugan ang kanyang likuran. Kaya pala siya binansagan na Jennifer Lopez ng malalapit na kaibigan. Pati hugis ng hita at binti niya ay sadyang kaakit-akit. Ang balakang at balikat niya ay sapat nang magpainit. Sino ba namang lalaki ang hindi maaakit. Likod pa lang…ulam na. Kahit siguro bababe ay humahanga sa kanya.

Dalawa ang kama sa kwarto at umupo siya sa isa, ako nama’y sa kabila. Marahil ay first meeting pa lang kaya sobrang naiilang kami. Nagkwentuhan sandali pero di ko matandaan kung anong pinag-usapan namin. Dala siguro ng kasabikan kaya wala akong natatandaan o naririnig. Dahil nakaharap siya sa akin, ang naaalala ko lang ay ang mapula nyang pisngi, manipis na labi at mga matang naniningkit kapag tumatawa.

Noon ko napagtuunan ng pansin ang kanyang dibdib. Since silky at fitted ang bulak-laking halter top, bakat ang hugis ng tayung-tayo at animo’y bulkang Mayon. Sa hula ko ay 34-B ang sukat nito. Tila napansin nya na napalunok ako sa pagkakatitig sa kanyang balingkinitang katawan habang nagkukwentuhan. Hindi ko na matiis kaya lumapit ako at umupo sa likod nya.

Inakap ko siya nang buong suyo, na ang aking dalawang kamay ay nakapatong sa kanyang tiyan. Bahagyang hinihimas ko ito habang hinahalikan siya sa gilid ng batok. Napatungo siya para siguro bigyang daan ang aking labi. Pinagapang ko ang dila mula sa punong tenga, kaliwang leeg pababa sa balikat. Tila nakarinig ako ng impit na ungol at buntong-hininga sa kanya. Nakita ko sa salamin sa harap ang kanyang pagpikit. Sapat na iyon para itaas ko ang aking kamay sa kanyang malulusog na kaangkinan.

 Kaysarap hawakan ng tila dalagitang katawan niya.  Sa edad niyang forty, pakiramdam ko ay bente-uno lamang siya.  Gusto ko na ngang hanapan siya ng I.D. dahil kumbinsido ako na hindi sya aabot ng trenta.  Mula sa kanyang kilay, na sa picture pa lang ay gandang-ganda na ako.  Sa kanyang ilong na makitid ay binabagayan ang mapulang labi at pisngi. Ang kanyang mga ngiti na kayang magpatunaw ng yelo sa tag-araw.  Ang kanyang kutis na may kaputian kaysa kayumanggi.  Ah bahala na.  Basta ang alam ko ay kapiling ko ang mala-dyosang alindog na, ni sa panaginip ay di ko hinagap. 

 Sa pagkakataong  ito’y napatingin ako sa relo.  Di pa rina ko makatulog 12:30 na.  Sino ba naman ang aantukin sa ganitong sitwasyon.  Sadyang kay sarap balikan ng mga tagpong iyon nang aming unang pagkikita.  Nag-iinit na ang katawan ko pero pinipigilan ko ang sarili.  Magkikita naman kami bukas so irereserba ko na lang ito para sa kanya.  Muli kong binalikan ang sumunod na pangyayari.

 Naramdaman ko ang kanyang pagtutol nang ipasok ko ang kamay sa loob ng kanyang halter.  Ngunit wala siyang lakas na ako’y pigilan.  Sa sandaling ito ay tigas na tigas na akong nakapwesto sa pagitan ng kanyang pwetan.  Tila isang nagbabagang bakal sa hulmahan na handa nang pandayin.  Sa aming pag uusap bago pa man magkita, umaasa kaming huhupa ang kasabikan matapos nito.  Ngunit kabaliktaran.

itutuloy